Pagkatapos magbihis ay nagmamadali naman akong lumabas para tulungan si Inay sa kusina. Nadatnan ko itong nagluluto na ng ulam.
"Ohh! Rosana. Mabuti at nandiyan ka na. Tamang-tama ang dating mo. May inuutos kasi si Senyorito Blake. Sige na anak, puntahan muna siya sa kaniyang silid at baka naghihintay na siya roon," utos sa akin ng aking inay.
Kahit kinakabahan ay napilitan akong sundin ito. Nanginginig din ang aking mga tuhod habang paakyat sa hagdan para makapunta sa silid ni Senyorito Blake. Pagdating sa tapat ng pinto ay parang nagdadalawang isip akong kumatok. Pero kailangan kong lakas ang aking loob. Baka magalit na ito sa kahihintay. Kaya naman maharan akong kumatok.
Agad naman bumukas ang pinto at tumambad sa aking harapan ang hubad na katawan ni Senorito Blake. Bigla tuloy akong napatungo ng wala sa oras.
"Bakit ngayon ka lang, Manang? Kanina pa kita pinatatawag, 'di ba?" masungit na tanong nito.
Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa sinabi nitong manang daw ako. Hindi pa naman ako sobrang tanda para tawagin ng ganoon. Nakaka-iinis ang lalaking ito. Kahit may namumuong asar sa aking dibdib ay hindi na lamang ako nagsalita pa.
Lalo na at amo ko ang lalaking ito. Baka bigla kaming palayasin sa bahay na ito. Mahirap na! Wala pa naman kaming pupuntahan ni inay.
"Pasensya na po kayo Senyorito! May tinapos lang po ako!" nakantungong sabi ko rito. Pero sa totoo lang ay gusto ko itong tadyakan sa mukha.
"Sige na, ayosin mo ang mga damit ko na nakalagay sa maleta!" masungit pa rin itong utos sa aking. At pagkatapos ay tinalikuran ako ng lalaki. Walang salita na pumasok sa loob ng silid nito. Agad naman akong lumapit sa maleta ito.
Maingat kong itinupi ang mga damit nito at ingat na ingat rin ang paglagay ko sa cabinet. Baka kasi kapag nakita nitong may kaunting gusot ay singhalan ako at sabihin na naman na Manang.
Nakita ko rin sa gilid ng mata ko na pumasok ito sa loob ng banyo. Kaya naman minadali ko ang pag-aayos ng mga damit nito. Pagkatapos ay ang kama naman nito ang inayos ko dahil sobrang gulo nito. Nagwalis din ako rito sa loob ng silid nito. Baka kasi magalit kapag nakakita ng kahit kaunting dumi sa tiles. At nang alam kong nagawa ko nang lahat ay roon lamang ako lumabas ng kwarto nito.
Hindi naman siguro ito magagalit kung umalis na ako. Saka ginawa ko naman ang pinag-uutos nito. Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib nang tuluyan akong makalabas ng silid ng amo ko ay nagmamadali naman akong pumunta sa kusina upang alalim kung tapos na si inay.
"Rosana, bumalik kang muli sa kwarto ni Senyorito Blake, sabihin mong nakahanda na ang pagkain niya. Alam kong kanina pa siya nagugutom," utos sa akin ni inay.
"Ha! Teka lang inay! P-pupunta lamang ako ng banyo," pagdadahilan ko. Diyos ko! Patawarin po ninyo ako sa aking pagsisinungalin!
"Siya sige! Ako na lang ang pupunta sa kwarto niya," sagot ni inaya sa akin.
"Sige po inay," tugon ko rito at maliksing tumalikod sa aking ina para pumunta ng banyo.
"Sorry po inay..." mahinang bulong ko. Pagpasok sa loob ng banyo ay agad kong ini-lock ang pinto. Dito muna ako magtitigil sa loob. Bahala na. Kaysa naman makita na naman ako ng lalaking iyon at masabihan na naman na Manang. Baka hindi ako makapagpigil at masakal ko ito.
"Rosana! Nandiyan ka pa ba sa banyo?!" narinig kong tanong sa akin ni inay at medyo malakas din ang boses nito. Napakagat labi tuloy ako ng wala sa oras. Paktay ako nito! Dahil kanina pa ako rito sa cr.
"I-Inay, lalabas na po ako," kabadong sagot ko rito.
No choice ako kundi ang lumabas na lamang. Nakita ko si inay, nakatayo ito malapit sa tapat ng pinto ng cr. Napangiwi tuloy ako nang palihim.
"Sorry po inay, sumakit lang po ang aking tiyan kaya natagalan ako sa loob ng banyo," palusot kong muli sabay kagat ng ibabang labi ko.
"Ay ganoon ba! Kung masakit pa rin ang tiyan mo, magpahinga ka muna. Nagpapalipas ka kasi ng pagkain kaya laging sumasakit ang iyong tiyan," saad ni inay sa akin.
Napangiti tuloy ako ng palihim, sabay tango rito. Malaking pabor sa akin kung magkukulong ako sa aking kwarto. Saka wala na naman akong gagawin kaya puwede na akong matulog.
"Ako'y aalis muna. May pinag-uutos kasi sa akin si Senyorito Blake. Ikaw naman ay kumain muna bago matulog," bilin sa akin ni inay bago umalis sa akin harapan para umalis.
"Opo inay," magalang na sagot ko rito.
Ako naman ay nagmamadaling pumunta sa kusina para kumain. Baka kasi biglang sumulpot ang lalaking iyon at sabihan na naman akong Manang at iyon ang iniiwasan ko. Agad akong naghain ng pagkain para sa sarili ko. Maliksi akong naupo sa bakanteng silya at nagsimula nang kumain. Itinaas ko rin ang isang paa ko.
Mas magana akong kumain kapag ganito ang posisyon ko. Lalo at nakakamay rin ako. Magana akong kumain at sarap na sarap pa. Nang bigla akong matigilan. Narinig ko kasing may mga yabag ng paa ang papalapit papunta rito sa kusina. Bigla tuloy kumabog ang dibdib ko. Alam kong hindi si inay ito dahil kaaalis lamang nito.
Nagpakatungo-tungo na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ramdam ko naman dumaan ito sa harapan ko. Subalit wala akong balak na batiin ito.
"Nakita mo ba 'yung wallet ko sa loob ng maleta, Manang?" tanong sa akin ng pesteng lalaki.
Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang pagmumukha ng lalaking nasa harap ko. Kahit gustong-gusto ko itong batuhin ng baso ay nagpigil pa rin ako.
"Wala po akong nakitang wallet sir," sagot ko rito.
"Wala? Are you sure?" tanong nito at tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. Eh, totoo naman wala akong nakitang wallet sa loob ng maleta nito. Saka hindi ko naman kukuhanin iyon. Kahit ganito lamang kaming mahirap ni inay. Ay hindi naman ako tinuruan nitong kumuha ng bagay na 'di akin.
"Wala akong nakita, Senyorito!" nakataas ang kilay na sagot ko.
"Bilisan mong kumain diyan at hanapin mo ang wallet ko?" masungit na utos nito sa akin.
Hindi na lamang akong umimik. Ngunit bigla muli itong nagsalita. At pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Ibaba mo nga iyang paa mo. Para kang hindi babae kung umasta!" asar na sabi nito.
Ha! Ano'ng problema ng lalaking iyon. Wala naman masama kung nakataas ang aking paa. Bigla na lang din akong iniwan nito rito aa kusina. Nagtitimpi ang galit ko sa aking dibdib habang sinusundan ito ng tingin.
Saka, saang sulok ng silid ko hahanapin ang wallet nito. Ang bata-bata pa nito pero makakalimutin na agad.