NATAGPUAN NI Riley ang sarili na nakatanaw sa malawak na tanawin. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang kabuuan ng Bonifacio Global City. Alas-dos ng hapon at nakatayo siya rito. Walang pakialam sa init na tumatama sa kaniyang balat. Hindi naman din siya ganoon naiinitan dahil presko ang hangin. Ang floral dress niya ay tinatangay noon. Niyakap niya ang sarili. Ngayong kahit paano ay kumalma na siya, nahihiya siya. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga kaibigan. Alam niyang nag-aalala ang mga ito at nag-iisip kung nasaan siya. Nilabas niya ang cellphone at binuhay iyon. Hindi siya nagkamali, tinadtad siya ng texts at chats ng mga ito. Kinagat niya ng ibabang labi. Kaagad na nag-ring ang kaniyang cellphone. Si Dash ang tumatawag. Hindi niya sinagot. Paano kung sermu