KABADONG-KABADO si Riley habang binabagtas ang daanan papunta sa main office ng kanilang editor-in-chief. Ayon kasi sa management ng GMX Entertainment ay dito muna niya ipasa. Dito muna kasi daraan at ito muna ang huhusga. Simpleng floral dress na above the knee ang kaniyang suot na puff sleeve ang design at flat sandals. Noong nagdaang gabi siya nagpasa ng manuscript sa email ng EIC at ngayon, gusto nga raw siya makausap nang personal para sa resulta. Tumigil siya sandali nang mag-vibrate ang kaniyang cellphone. Tiningnan niya ang dadget at napangiti siya nang mabasa ang mga chat ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang group chat. Nag-chat kasi siya kanina sa mga ito na on the way na siya at magpapasa. Nag-chat din siya na sobra siyang kinakabahan. Stella: Break a leg, Baby girl! Neo: