NAGISING SI Riley na wala ang mga kaibigan niya. Ganoon palagi kapag magigising siya nang tanghali. Siya na lang ang nasa condo at daraan ang maghapon na siya lang ang tao roon. Pero ngayon ay naka-schedule na darating si Manang Lydia, ang tagalinis ng condo nilang magkakaibigan. Nakaupo siya sa sala at nanonood ng paborito niyang movie nang may nag-doorbell. Tumayo siya at nagtungo roon. Sumilip siya sa peephole upang silipin kung sino ang nasa labas. Kumunot ang noo niya nang makitang lalaki iyon na may dalang helmet. May dala itong malaking box. Binuksan niya ang pinto saka nagtatakang tiningnan ang lalaki. "Yes?" "Ahm, dito po ba ang condo ni Mr. Dash Vien Ramirez?" tanong nito habang may binabasang papel na hawak. "Delivery po para sa kaniya." "Ah, sige. Sandali lang, ha? Tatawag