CHAPTER 5

3936 Words
MAAGA NAGISING si Riley kinabukasan dahil naging mababaw lang ang kaniyang tulog. Hindi naman siya nag-iisip ng mga problema. Sadyang hindi lang talaga siya makatulog kahit na anong pihit at gulong niya sa kama. Alas-sinco pa lang nang umaga, naramdaman na ni Riley na may gising sa labas. Si Stella, tulog pa rin. Napailing siya. Lumapit siya rito saka marahang tinapik ang binti nito upang gisingin. "Stell, Stell..." aniya. Umungol lang ito. "Akala ko ba maaga ang call time ninyo?" tanong niya. Bahagya itong dumilat. "Anong oras na ba?" turan nito na may namamaos na boses. "5 o' clock na. Gumising ka na, ah!" aniya. Dumiretso siya sa banyo upang gawin ang pang-umagang ritwal. Naghilamos at nag-toothbrush din siya. Nang lumabas siya ng banyo ay naabutan niya si Stella na nakaupo na sa kama. Napikit pa ito at nakayuko. "Gising na, Stella." Iniwan niya ito at lumabas ng kanilang silid. Si Dash ang nakita niyang nasa kusina at nakaupo sa silya. Nakaharap ito sa kape na animo tinititigan ang usok na nagmumula roon. Hindi yata siya napapansin nito dahil hindi ito gumalaw. Lumipad ang tingin niya sa gawing sala. Nasa lapag pa rin si Aidan at may takip ng unan ang mukha. Napangiti siya nang makitang nakalilis ang suot nitong shirt. Ang kumot naman ay nasa gawing paanan. Ang isang paa nito ay nakapatong sa sofa. "Ikaw ba nagbigay ng unan at kumot diyan?" tanong ni Dash habang hinahalo ang kapeng nasa tasa gamit ang kutsarita. "Oo," aniya saka naglakad palapit kay Aidan. Binaba niya ang damit nito upang matakpan ang six pack abs na nakabalandra sa harap niya. Ang kumot ay kinuha rin upang ipatong sa katawan ng kaibigan. Hindi niya alam kung aalisin ba niya ang unan na nasa mukha nito o hahayaan na lang. "May lakad ka ba today?" tanong ni Dash sa kaniya. Nakataas ang dalawang paa nito sa silyang inuupuan. Humigop ito ng kape. "Wala." Lumapit siya rito at naupo sa katapat na silya na inuupuan ng kaibigan. "Balak ko mag-revise ng story. Sa Sunday na kasi ang deadline nito. Tuesday na." Huminga siya nang malalim saka sumandal. "Mahirap ba?" "Medyo. Page 99 out of 275 pages pa lang ako." Ngumuso siya. "Okay na kasi iyon kaso gusto ni Direk, may sipa." Natawa si Dash. "Action yata gusto ni Direk." "Parehas kayo ng sinabi ni Neo." Napangiti siya. "Sa totoo lang, nahihirapan akong ayusin yung story ko lalo at tapos na siya. Hindi lang naman kasi isang scene ang babaguhin. Kapag binago ko ang isa roon, automatic na lahat iyon, dapat mabago." Hinilot niya ang sintindo nang gumapang ang kirot. "Bakit?" "Sumakit ulo ko bigla." Tumayo si Dash saka pumwesto sa kaniyang likuran. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang malambot nitong kamay na ngayon ay humihilot sa kaniyang sintido at noo. Nakaramdam si Riley ng kapayapaan ng isip. Na-rerelax siya sa ginawa nito. "Huwag mo pwersahin ang isip mo. Kung ano lang ang kaya mo gawin, e ano kung hindi tanggapin ni Direk. Magpasa ka sa ibang project. Freelance writer ka, di ba?" anito. "Oo, pero ayoko muna. Aayusin ko na lang iyon." Nakapikit pa rin ang mga mata niya. "May schedule ka ngayon, di ba?" "Hmm. 8 o'clock pa naman iyon. Nagpuyat ka ba dahil kay Aidan?" "Hindi, ah! Grabe ka naman! Nag-rerevise ako noong may marinig akong ingay sa labas. Tapos ayon, pumasok sa pinto na susuray-suray." Binitiwan ni Dash ang sintido niya. "Akala ko na ay nag-dinner lang sila? Bakit may inuman? Saka hindi ba't mahina ang tolerance niyan sa alak?" Inirapan ni Dash si Aidan na payapang natutulog pa rin. "Sana hinayaan mo siyang matulog nang nilalamig para matuto." "Ngayon lang naman siya nagkaganyan—" "Ngayon na lang—ulit this month. Nag-inom din siya last month kasama si Gian. Mabuti at hindi sila nasundan ng paparazzi. Kung hindi, masisira ang career niyang si bakla." Ang mga tingin nila ay na kay Aidan pareho. May munting kirot siyang naramdaman sa puso nang marinig ang pangalan ng lalaking ka-partner nito. Napansin siya ni Dash kaya hinawakan nito ang kaniyang kamay. Nilingon niya ito. "Bakit?" Inirapan siya nito. "Okay ka lang?" "Oo naman." Kailangan niya maging okay. Wala naman siyang choice. Wala naman siyang magagawa. Pinisil si Dash ang palad niya. "Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap," anito kaya kumunot ang noo niya. "O-okay," sabi na lang niya. Inubos nito ang kape. "Gagayak na ako. Maggatas ka na riyan." Tinapik pa nito ang kaniyang balikat. Hindi siya agad kumilos nang maiwan siya sa kusina. Hindi niya sigurado kung may alam ba si Dash sa kung anong nararamdaman niya para kay Aidan. Kung mayroon, paano naman nito nalaman? Nang makaramdam siya ng pagkagusto kay Aidan ay wala siyang pinagsabihan. Kahit si Neo o si Stella. Ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya ang tungkol dito. Natatakot siyang mahusgahan. Natatakot siyang baka makarating iyon kay Aidan. Natatakot siya na baka masira ang friendship nila dahil lang sa nararamdaman niya. Sinarili niya ang lahat ng nararamdaman dahil mas gugustuhin niyang masaktan na lang siya kaysa naman masira ang pagkakaibigan na matagal na nilang iningatan. NILABAS NIYA ang laptop sa lamesita at doon nagpasyang mag-revise ng manuscript. Nagtimpla siya ng gatas upang mainitan ang kaniyang sikmura. Tulog pa rin si Aidan pero hinayaan na lang niya. "Tibay ni Aidan, tulog pa rin hanggang ngayon!" ani Dash nang makalabas ng kwarto nito. Kasunod nito si Stella na nakabihis na rin at naka-make up. "Itsura niyan!" Natawa si Stella dahil nakabukaka si Aidan. Mas malala sa pwesto nito kanina. "Buhusan kaya natin ng malamig na tubig?" Humagikgik pa ito. "Hoy, huwag naman!" aniya. "Hayaan na lang natin na magpahinga." Hinarap niyang muli ang screen ng laptop. Nagkatinginan sina Dash at Stella. Iyong tingin na makahulugan. "Aalis na nga kami. Mag-lock ka ng pinto kapag umalis na rin ang mga iyan ah!" ani Dash. Kinalabit nito si Stella na ngayon ay nag-seselfie na. Tumango siya. "Ingat kayo." "Okay. Baka hindi ako rito matulog mamaya. May meeting ako sa mga staff ko ng CIELO. Pero pipilitin kong makauwi kapag kaya ko." "Kapag masyadong gabi na, huwag na. Bukas ka na lang umuwi." "Tingnan ko. I'll call you." Ngumiti ito nang matamis sa kaniya. Yumakap si Dash sa kaniya saka humalik sa pisngi nito. "Bye, babygirl!" ani Stella na humalik din sa kaniyang pisngi. Nang makalabas ang dalawa, binalik niya ang atensyon sa ginagawa. Kailangan kasi talagang maayos niya ito upang makapagsimula ng bagong novel. I-pupush niya itong matapos para hindi siya magahol. Nakaka-tatlong pahina pa lang siya nang maramdamang may sumipa sa lamesitang pinagpapatungan ng kaniyang laptop. Ang gatas niya na kaunti lamang ang bawas ay naalog dahilan upang matapon sa keyboard ng laptop. Napasigaw siya sa sobrang gulat. Nanlaki ang mga mata niya. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig at nanigas siya sa kaniyang kinauupuan. Napansin siyang bumangon si Aidan na pupungas-pungas pa nang tingnan siya at nang makitang naglalawa ang laptop niya, nanlaki ang mga mata nito saka dali-daling tumayo. Dinampot nito ang kumot nito saka pinangpunas sa laptop. "S-sorry, Riley! Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam." Tila natauhan naman siya nang maalala ang files na inaayos. "Yung files!" aniya. Baka kasi masira yung laptop, madamay pati yung files. Wala siyang back-up copy noon. Tumakbo siya papunta kusina saka kumuha ng paper towel. Hawak ni Aidan ang laptop niya at nang lapitan niya, tila napapahiyang inabot nito iyon sa kaniya. "Sorry," bulong nito pero sapat na upang marinig niya. Pinupunasan niya ngayon ng paper towel ang laptop. Alanganin siyang ngumiti rito. "A-ayos lang." Muli niyang binuhay ang laptop. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang bumukas iyon. Kaagad niyang tiningnan kung na-save ba ang huling ini-edit niya kanina. Nakahinga siya nang maluwag saka nanlalatang napasalampak sa sahig nang makitang okay ang files niya. "Okay ba? Wala ba akong nasira? Yung files mo, na-save ba?" tanong ni Aidan na nakatalungko ito ng upo sa tabi niya. "Okay lang. Na-save naman yung files pero kung hindi—baka napatay kita, Aidan!" Inirapan niya ito. "Sorry. Hindi ko naman kasi alam na nadiyan ka—t-teka, anong ginagawa ko rito?" Ngayon lang nag-sink in sa utak nito na sa sala siya nakatulog. Hinarap niya ito. "See? Wala kang matandaan. Sobrang lasing na lasing ka kagabi. Ang sarap mo tuktukan!" Umakma siyang tutuktukan ang ulo nito kaya mabilis itong umiwas. Ngumuso ito saka ginulo ang buhok. "Nakakainis. Pero nakauwi ako, di ba?" "Oo. Paano ka nga pala nakauwi?" nagtatakang tanong nito. "Hindi ko alam sa iyo. Nang makita kita ay nasa pinto ka na. Bumagsak ka pa nga diyan sa pinto." Umiiling siya kasabay ng palatak. "Paano kung hindi kita tunulungan? Baka mamaya nandyan ka pa rin sa pinto hanggang ngayon." Dahil sa sinabi niya, kaagad itong lumapit sa kaniya saka yumakap sa kaniyang braso. Ang ulo nito ay dinantay nito sa kaniyang balikat habang nakasandal sila sa sofa. "Thank you. Savior talaga kita." Hindi siya agad nakakilos. Ang lakas kasi ng t***k ng puso niya. Natatakot siya na baka marinig nito. "Wala iyon. Bestfriend mo ako. Ako lang naman ang tutulong sa iyo. Saka maliit na bagay lang iyon kumpara sa mga ginawa mo sa akin." Huminga siya nang malalim saka pinatong din ang ulo sa ulo naman ni Aidan nakahilig sa kaniyang balikat. Lalong kumabog nang malakas ang puso niya nang hawakan nito ang kamay niya. "I'm sure na ikaw din ang naglagay ng kumot at unan ko rito sa akin." Tiningnan nito ang paboritong unan pati ang kumot na ngayon ay basa ng gatas. Wala siyang sinagot. Nagwawala kasi ang puso niya. Pasimple niyang kinakalma ang sarili. Mahirap na at baka mahalata siya nito. "Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ni Aidan sa kaniya. Ganoon pa rin ang pwesto nila. "N-nag-rerevise ako ng manuscript." Gusto niyang katukan ang sariling ulo dahil nabulol pa siya sa pagsasalita. Tiningala siya nito. "Sure ka ba na na-save naman? Baka nabura!" anito. Inirapan niya ito. "Kung nabura iyon, baka ginugulpi na kita ngayon. Pasalamat ka na lang na hindi nabura at hindi nasira ang laptop ko." "Papalitan ko yung laptop kapag nasira, pero yung manus ang inaalala ko. Sorry ulit kung napag-alala kita." May sumundot sa isang parte ng kaniyang puso. Yung sorry nito, dahil ba sa pinag-alala siya nito dahil sa pagkakabasa ng laptop or yung dahil sa hindi pag-uwi nito nang maaga noong nagdaang gabi? Tiningnan niya ito kaya nagsalubong ang mga mata nila. Napalunok siya nang makita nang malapitan ang labi nitong makapal. Ngumiti pa ito kaya naman lumitaw ang malalim na dimple nito. "Nagugutom ako," may paglalambing sa boses nito. "Nasaan yung pork abodo ko kagabi?" Kumunot ang noo niya. "Naku, naubusan ka na. Umuwi silang lahat kagabi kaya taon ang rice cooker pati yung ulam na niluto ko. Nasarapan sila ng kain," aniya. "Sorry." Iniwas niya ang tingin. Gusto niyang matawa lalo na nang bahagyang napanganga ito at nanlaki ang mga mata dahil sa kaniyang sinabi. "Inubusan ninyo ako?" "Oh, kumain ka naman sa labas, di ba?" Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang huwag humulagpos ang tawang pinipigilan. Ngayon niya gagamitin ang galing sa pag-arte kahit hindi siya artista. Tumayo ito saka siya tiningnan na may pagtatampong reaksyon. "Ako ang nag-request pero ako ang hindi nakatikim. Hustisya naman!?" anito saka nagdadabog na dinampot ang unan at kumot. Tiningnan pa siya nito habang nakasimangot. "Bahala ka riyan!" Nagmartsa ito papasok sa silid nito saka ni Neo. Noon niya pinakawalan ang tawang kanina pa pinipigilan. "Akala mo, ah!" Dali-dali siyang tumayo upang initin ang tinabing ulam para dito. Gusto lang niya inisin si Aidan kaya sinabing naubusan ito. At nagtagumpay naman ito. Mukhang nainis nga. Lumabas ng kwarto si Neo na nakabihis na. "Oh, bakit ang aga-aga, nakasimangot yung isang iyon?" Si Aidan ang tinutukoy. "Ang haba tuloy ng pouty lips niya." "Hi! Good morning!" bati ni Dein. Nakabihis na rin ito pero dumiretso sa coffee maker. "Coffee tayo!" Matamis ang ngiti nito sa labi. "Sige lang. Natapos ni Aidan yung gatas ko kanina," aniya na ngumuso pa. "Oh? Bakit?" tanong ni Dein. "Kaya pala basa yung carpet." Pumalatak pa si Neo habang nagsasalin na rin ng kape sa tasa. "E, nasipa niya yung lamesita. Nag-rerevise ako ng manus tapos nasipa niya." "Oh, mag-milk ka." Nilapag ni Dein ang gatas sa tapat niya. Naupo ito sa bakanteng silya. "Lasing na lasing ba siya kagabi?" "Oo. Susuray-suray." Napailing na lang sina Dein at Neo. Ilang sandaling dumaan ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Nang maubos ang iniinom na kape ng mga ito ay nagpaalam na ito sa kaniya. Hindi kumakain ng agahan ang mga kaibigan niya at sa kanila, siya lang ang naggagatas. Nangangasim kasi ang sikmura niya kapag kape ang ininom. Naglinis muna siya ng kalat sa sala. Mamaya ay kakausapin niya ang kanilang Manang Lydia para palitan ang carpet na nabuhusan ng gatas kanina. Nang masigurong wala ng kalat, inasikaso naman niya ang pagkain ni Aidan. Baka gumagayak na ito ngayon. Nagsangag siya ng kanin at nagtimpla ng kape. Tamang-tama. Makakapag-almusal si Aidan. Alas otso y media na ngunit hindi pa rin ito lumabas ng silid. Kinatok niya ang pinto nito pero walang sumasagot mula sa loob. Kunot ang kaniyang noo nang pihitin ang seradura. Hindi iyon naka-lock kaya naman dahan-dahan siyang pumasok. Nakababa ang kulay navy blue na kurtina at nakapatay ang fairy lights kaya naman madilim ang silid. Kinapa niya ang switch ng ilaw. Nang bumukas iyon, sunod niyang narinig ang pag-ungol ni Aidan na nakita pa niyang nagtalukbong ng kumot ito. Iba na ang gamit nito at ang nabasang kumot nito ay nasa basket na ng marurumi nitong damit. "Aidan, kumain ka na." Umungol lang ito ulit. Tiningnan ni Riley ang paa nito. Nang makitang napasok sa kumot iyon, napangiti siya. "Alam kong gising ka. Huwag ka umungol-ungol diyan." Tinapik niya ang hita nito at pinalo ang paa nito. Hindi nga siya nagkamali. Inalis nito agad ang kumot na nakatalukbong dito. "Ayoko kumain!" Inirapan siya nito. Naupo siya sa gilid ng kama saka ginulo ang buhok nito. Umiwas ito saka siya sinamaan ng tingin. "Huwag ka na magtampo." "Sinong nagtatampo? Bakit ako magtatampo? Ano naman kung hindi ako nakatikim ng ulam na ako ang nag-request? Ano naman kung hindi ko natikman ang luto mo?" Inirapan siyang muli nito saka pinagkrua ang mga braso. "Ang bitter at ang overacting mo na, Aidan," aniya. "Ah, basta nagtatampo ako!" Umiwas ito ng tingin sa kaniya. Ngumiti siya. "Nagtatampo ka? Paano naman ako? Sabi mo uuwi ka para mag-dinner dito. Nagluto ako ng request mo kaya hinintay kita tapos inasikaso kita kasi kagabi sobrang lasing mo." Sinamahan niya ng pagtatampo ang tinig. "Tapos ngayon na ininit ko yung ulam 'tinabi' ko for you, pinaghihintay mo naman sa lamesa." Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya. Natitigilan. Siya naman ang tumayo. "Kumain ka na lang sa kusina. Naka-ready na yung—" "Wait lang!" Hinawakan nito ang kamay niya. May gumapang na tila kuryente roon kaya naiiwas niya ang kamay. Kahit si Aidan ay parang nagulat din. Nahawi niya ang buhok na bahagyang napunta sa kaniyang mga mata. Tiningnan niya ito. "B-bakit?" "Pinagtabi mo talaga ako ng pagkain?" Maaliwalas ang mukha nito nang tanungin siya. Ngumiti ito saka lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin. Ang labi nitong makapal, napakaperpekto at ang dimple, lalong nagpagwapo rito. Ngumiti siya rito pero tipid lang. "Kahit na masama ang loob ko sa iyo, hindi ko naman kayang makitang hindi ka kakain ng luto ko lalo na at paborito mo." Tumalikod siya pero muntik na siyang matumba nang tumayo si Aidan at yakapin siya mula sa likod. "Thank you, bunso," anito. Ang huling salitang tinawag nito sa kaniya ay tila punyal na sumaksak sa kaniyang puso. Gusto niya magreklamo pero hinayaan na lang niya. Ngumiti siya saka tinapik ang kamay na nakayapos sa kaniya. "You're welcome. Halika ka. Malamig na yung kape mo." Inalis niya ang kamay nito saka hinila palabas ng kwarto si Aidan. Pinaupo niya ito sa silya. "Kain ka na." Abot hanggang tainga ang ngiti ni Aidan habang tinitingnan ang pagkaing hinanda niya. Tumingin ito sa kaniya. "Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko. Napakamaalaga." Sumubo ito ng sinangag na may kapirasong laman ng pork adobo. Napapikit pa ito habang ninanamnam ang kinakain. Umungol pa nga. "Grabe! The best talaga ang luto mo. I'm sure, maiinggit si Daddy kapag pinakita ko sa kaniya na pinagluto mo ako. Ay teka." Pumunta ito sandali sa silid nito. Tumakbo ito upang makabalik agad. Kunot ang noo niyang tiningnan ang ginagawa ng kaibigan. "Ano iyan?" "Mag-seselfie tayo. I-sesend ko kay Daddy." Tinaas nito ang camera pero umiwas siya. "Oh, bakit?" Tinuro niya ang sarili. "Ang itsura ko, Aidan!? Ang unfair, ikaw ang gwapo mo tapos ako, mukha mo akong maid!" Natawa si Aidan. "Overacting ka, Riley. Ang ganda-ganda mo kaya!" Naitikom niya ang bibig. Pilit na pinipigilan na mapangiti dala ng kilig. 'Aidan naman, hindi ka nag-iingat sa mga binibitiwan mong salita, e!' Nag-iwas siya ng tingin. "Dali na!" anito. "Magsusuklay lang ako. Balikan kita." Kaagad siya nagtungo sa silid niya at pagkapasok doon, naitakip niya ang mga palad sa mga mukha. Pakiramdam niya ay tila siya kamatis sa sobrang pula ng kaniyang mukha. Huminga siya nang malalim habang nagsusuklay ng buhok. Naglagay siya ng liptint sa labi ay nang lumabas, may ka-video call na ito. Tahimik siyang lumapit dito upang hindi makaistorbo sa kausap. "Kumakain ako. Pinagluto ako ni Riley," nakangiti nitong wika sa kausap. "Ang sarap ng luto niya. The best Pork Adobo." Kahit siya ay napangiti nang marinig na pinagmamalaki siya nito. Close sila ng daddy nito. Hindi naman sa pagyayabang, siya ang gustong maging manugang nito. Madalas silang asarin nito at si Aidan pero hindi niya sinasabi rito na gusto niya na iaasar siya nito sa anak. Nakakahiya naman. Tinapat nito ang camera sa kaniya at isang ngiting matamis ang binigay niya sa taong nasa screen. "Hello—G-Gian..." Unti-unting nawala ang ngiti niyang nang makitang hindi ang daddy nito ang kausap sa videocall. It's Gian Vergara—ang 5 years nang ka-love team ni Aidan sa Y Series o mas kilalang BL Series. Gwapo ito. Singkit at medyo pahaba ang mukha. Maputi rin gaya ni Aidan. Matangkad ito. Tingin niya ay 6 footer ito kaya kapag katabi nito si Aidan, ang cute-cute nito lalong tingnan. "Sinend ko rin sa kaniya yung pictures ng Pork Adobo mo. Ayan, natakam!" Tumawa si Aidan na animo kinikilig. Nangiti siya kahit na peke. "T-Talaga?" Nahihiya siyang ngumiti kay Gian na nakatapat ngayon sa kanilang dalawa ng kaibigan. "Mukhang masarap. Alam mo, favorite ko ang super anghang na pork adobo. Minsan, patikim naman ako niyan," anito. "S-sure!" Pilit niyang pinasigla ang boses. Nang mapansin niyang nag-uusap na ang dalawa tungkol sa naging lakad kagabi ay nagpaalam siya rito na aasikasuhin lang niya ang kaniyang manuscript. Tumango naman ito saka kumindat sa kaniya. Nang makarating siya sa sala, muli niyang nilingon ang kaibigan na masayang nakikipag-usap sa ka-loveteam. Nasasaktan ba siya? Oo. Pero ayos lang. Tanggap niya naman. Suportado niya si Aidan sa kahit anong desisyon na gawin nito. Nagulat siya noong ibalita nito sa kaniya na natanggap ito bilang cast ng isang BL series at kapareha nga nito si Gian. Noon pa lang, alam na niya agad na isa itong bisexual. Hindi ito gaya nina Dash at Dein na openly gay. Lalaki ito kung kumilos. Lalaki ito kapag nagsalita. Naupo siya sa tapat ng laptop na ngayon ay malinis na. Wala na itong mantsa ng gatas at wala na ring lagkit. Binasa niya ang manus na dapat ayusin. Naririnig niya ang tawa ni Aidan habang kausap si Gian. Sa pagkakaalam niya, wala namang relasyon ang dalawa. It's pure fan service lang para pumatok ang loveteam nila. Pero limang taon na ay ganoon pa rin ang mga ito. Nakadalawang series na ang dalawa na pinagbidahan ng mga ito at tapos na rin pero mukhang hanggang ngayon, sweet pa rin ang dalawa sa isa't isa. Baka naman may relasyon na talaga ang mga ito, hindi lang inaamin ni Aidan sa kaniya? Natigil siya sa pagbabasa ng manuscript. Dahan-dahan niyang tiningnan ang kaibigan na pinagpatuloy ang kinakain habang ka-videocall si Gian. Napaismid siya. 'Sila na kaya?' tanong niya sa isip. Umiling siya upang ilayo ang isip sa mga bagay-bagay na imposible. Oo at malaki ang pagka-crush nito sa kapareha ngunit hindi pa ito kailanman naglihim sa kaniya. Kapag nagkaroon ng relasyon ang dalawa, tiwala si Riley na hindi iyon ililihim ni Aidan sa kaniya. Tumango-tango siya saka muling nagbasa at nagtipa. Napangiti pa siya saka pinatunog ang mga daliri bago pinagpatuloy ang pagsasaayos ng kaniyang manuscript. MARAHANG TAPIK sa kaniyang likod, iyon ang nagpagising sa diwa ni Riley. Tinitigan niya ang gwapong mukha nito. Tama ba siya ng nababasa? May awa nga ba siyang nararamdaman para dito? Pumikit siyang muli. Maya-maya ay naramdaman na naman niyang may tumatapik sa kaniya. "Riley? Riley," malambing ang tinig ni Aidan habang binabanggit ang pangalan niya. Dumilat siya. Hindi siya nananaginip. Nakatalungko sa tabi niya si Aidan. Basa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang paboritong showergel nito. Nakagayak na ito at mukhang paalis na. "Gising ka na ba?" tanong nito sa kaniya. Kinusot niya ang mga mata saka inayos ang buhok. "O-oo. Nakatulog pala ako." "Napuyat ka siguro kakaayos ng manuscript mo. Magpapahinga ka ha?" anito saka ginulo ang kaniyang buhok. Sumimangot sita rito. "Ano ba!?" aniya. "Aalis ka ba?" Tumayo ito. "Yes. May event kaming pupuntahan ni Gian. Ayos lang ba ang suot ko?" Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang suot ni Aidan. Mahilig ito sa mga plus size na damit at kahit malaki iyon dito, kayang-kaya pa rin nitong dalhin. Hindi na siya nagtataka kung kabi-kabilaan ang mga natatanggap nitong endorsement ng mga clothing line. Simpleng white over size shirt na may tatak na Channel at pants ang suot nito. Pinatungan nito iyon ng long sleeves polo pero hindi naman sinara ang mga butones. Mahilig ito sa sandals dahil mas komportable itong nakalabas ang paa kapag may event na pupuntahan. "Okay na," aniya at binalik ang mga mata sa laptop. "Nakatulog pala ako." "Oo. Hindi na kita ginising kanina nang makita kong tulog ka. Mukhang napuyat ka dahil sa akin." Tumayo siya. "Uy, hindi, ah! Ayos lang." Nagulat siya dahil pinisil nito ang kaniyang pisngi. "Aidan!" Hindi nito binitiwan ang kaniyang pisngi. "Susubukan ko umuwi agad nang maaga mamaya para naman masabayan kita mag-dinner, okay?" Saka pa lang nito binitiwan ang pisngi niya. "Okay." Iyon na lang ang tinugon niya. Baka kapag pinakita niyang excited siya ay baka asarin siya or worst, biglang magbago isip nito. "Lock the door, okay?" Bilin nito. "Uwian mo ako," aniya habang nakanguso. "Kapag maaga ako nakauwi, sige. Ano bang gusto mo?" Nag-isip siya sandali pero napangiti maya-maya. "Shawarma saka Strawberry Oreo milktea." "Okay. Nagtanong pa ako, e alam ko naman na iyon ang sasabihin mo. Aalis na ako. Nasa baba na si Gian." Dahan-dahan nawala ang ngiti siya. "S-sige. Ingat kayo." "Thanks. Ikaw din. Magpahinga ka, okay?" Tumango siya rito. Hinatid niya si Aidan sa pinto. Kumaway pa ito sa kaniya bago iyon sumara. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Mag-isa na naman siya ngayon dito sa kanilang condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD