KINABUKASAN, ALAS OTSO na nang umaga nang magising si Riley. Naalala niyang padadalhan nga pala niya ng ulam si Dash sa set ngunit nang lingunin niya ang kama ni Stella, wala na ito. Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng silid. Naabutan niya si Neo na nasa balkonahe at nagkakape. Nasa kandungan nito ang laptop at nandoon ang buong atensyon. Nilapitan niya ito. "Neo, nasa'n si Stella?" "Stella? Umalis na. Nagmamadali nga at tanghali na raw siya sa shoot," anito. Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?" Kaagad siyang nagtungo sa ref saka sinilip doon ang baunan at nanlata siya nang makitang nandoon iyon. Kinuha niya ang baunan saka lumapit kay Neo. "Naiwan niya." Kumunot ang noo niya. "Ano ba iyan?" "Yung Chicken Gangnam na niluto ko last night. Tinabi ko to para kay Dash. Ipapaabot ko sana