NANATILI LANG na nakatingin si Riley sa kilos ni Dash habang kumukuha ito ng tubig. Wala itong kibo kaya parang maiiyak na siya. Gusto niya itong kausapin. Gusto niya mag-sorry pero natatakot siya na baka hindi siya nito pansinin. Nakita rin niyang naghugas ito ng kamay at nang humarap ito sa kaniya ay nag-iwas siya ng tingin dito. Pinangungunahan siya ng hiya. Naglakad ito at nang lampasan siya, nangilid ang luha sa mga mata niya. Nakagat niya ang ibabang labi habang pinipigilan na huwag maiyak. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kwarto nito saka ni Dein. Mabilis niyang pinunasan ang luha. Hindi siya sanay na ganito si Dash sa kaniya. Sa lahat ng mga kaibigan niya, si Dash ang numero uno—maliban kay Aidan—ang talagang umaasikaso sa kaniya. Siguro nasaktan niya talaga ito kanina kaya