chapter 5

1117 Words
Nagising ako na naiihi na ako bahagya pa akong nagulat na nasa sasakyan ako. Nang marealize ko kung nasaan ako ay agad akong bumangon. "Manong pwede po bang maki cr muna?" sabi ko kay Manong driver huminto ito sa parang gasolinahan at agad akong bumaba. Bumaba din ang ibang sakay nang makaihi ay agad akong bumalik sa loob ng bus, "Ma'am ito po kainin nyo, sabi kasi ni Sir wag kayong gutomin." sabi ng matanda sa tonong pabiro. "Naku manong salamat po, nakangiti kung sabi." agad akong nag umpisang kainin ang noodles na inabot ng matanda magbubukang liwayway na at maya maya nalang at makikita na niya ang nobyo. Mula sa kinaroroonan niya ay kitang kita niya ang napakagandang tanawin sa palibot nila, ang dagat at may mga puno na rin siyang nakikita, tantiya niya ay ika anim na ng umaga. Nagtaka pa siya ng makitang wala ni isang text ang nobyo ngunit naisip niya baka tolog pa ito. Anong oras na din naman kasi siya nang makasakay kagabi. Nang maaalala ang mag anak na muntik nang magpahamak sa kanya ay bigla siyang nalungkot. Kung sana ay naging pamilya ang mga ito sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya at pinagsawa ang paningin sa paligid. Maya maya pa ay unti unti nang nagsibaba ang mga sakay ng bus hanggang sa ako nalang ang natira. "Manong, malayo pa po ba?" tanong ko kay Manong Ismael. Iyon ang pangalan nito nang tinawag ito kanina ng kapwa niya driver. "Ma'am malapit na po diyan po kayo namin ibababa sa Arko may kabayo diyan at may susundo po sa inyo." Sabi ng matanda. "Dana nalang po ang itawag nyo sa akin Manong." nahihiya kung sabi. "Naku Ma'am Dana amo po namin kayo. Kaya masanay na po kayo."sabi naman ni Felix na nahihiya pa. "Naku eh si Samuel lang naman ang amo niyo." sabi ko pa. Kinakabahan na ako, malapit na ang paghaharap namin at sabik na sabik na akong makita ang nobyo. Huminto ang bus. At nang makababa ako ay agad na umalis ang mga ito. Nang maiwan ako ay bigla akong kinabahan, kasi napakatahimik ng kalsada at wala akong makitang tao. Maliban sa papalayong bus eh wala na maya maya pa ay may lalaking lulan ng kabayo na huminto sa harap ko. Isang napakagwapong nilalang, napakisig nito mistulang pang mga Hollywood actor ang hulma nito. "Hoooo hoooo hooo, hya." huminto ito sa mismong tapat ko. "Miss, Naliligaw kaba?" tanong ng lalaki halata ang pagkabighani nito sa kanya ng makita siya. Ngumiti ako at umiling. "Hindi po Nobya po ako ni Walter." sabi ko naman. "Si Samuel?" tanong uli nito na tila ba ay nagbibiro ako. tumango nalang ako. May tinawagan ito sa cellphone maya maya pa ay may tunog ng sasakyang parating. "Sakay kana ihahatid ka niyan kay Samuel." sabi nito. "Salamat po." sabi ko dito. "Walang anuman binibini?" "Dana po." nakangiting sagot ko. "Dana, beautiful name." sabi nito na yumukod pa. "Pakihatid sa bahay Ambo." utos nito sa lalaking naiwan kasama niya. Ni hindi man lang nagpakilala pero ayos lang. Kasi umalis na kaagad ang lalaki. "Magandang umaga po, ako po pala si Dana." pakilala ko. "Ako naman po si Amboy, Ma'am Dana antayin nyo nalang po si Sir Samuel at dinalaw niya pa si Mam Lira. Baka gabihin po siya ng uwe." sabi nito. "Sino po si Lira?" tanong ko. "Naku kababata yun ni Sir. Birthday po kasi ni Maam Lira, kaya maaga palang ay nandun na si Sir akala ko nga sila eh." kwento pa ng matanda bigla ay parang gusto niyang umiyak masakit sa pakiramdam parang gusto na niyang umalis nalang, ngunit nakakahiya naman kung magpapahatid na naman siya pabalik. "Sakay na po kayo Siñorita!" magalang na sabi ng lalaki. Nahihiya naman ako sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. Di na ako nagpatumpik tumpik pa at sumakay na ko. "Malayo pa po ba ang bahay nila manong?" untag ko sa matanda. Napakaganda ng luntiang kapaligiran na wari ba ay nasa isang post card ka lang. Mula sa matatayog na puno hanggang sa katamtamang taas ng mga bundok sa di kalayuan at ang mga damo na may mga kabayo at baka na nanginginain. Idagdag pa ang napakagandang view ng dagat sa kabilang bahagi ng daan. "May mga dalawangpung minuto po marahil ay nandun na po tayo." nakangiting sabi nito. Tahimik na binaybay ng sasakyan ang kalsada. Mabagal ang pagpapatakbo ni Manong pero ayos lang dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasdan ang napakagandang tanawin. Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang tila isang palasyo na bahay. Sa isip niya baka sa likod na bahagi ang bahay nila Samuel. "Mang ambo, kina Samuel po ang punta ko, mali ho yata ang ating tinutumbok na daan." sabi ko dito, papunta sa malapalasyo na bahay kasi ang sinasakyan nila. "Yang malaking bahay po ay kay Sir Samuel po." sabi nito na ikina tigagal niya. "Teka, ibig nyong sabihin kanya po ang bahay?" nanlalaki ang mata na tanong niya. "Opo Siñorita." sagot nito, bigla siyang napaisip baka matanda na ang ka textmate nya. Baka magalit ang pamilya nito sa pagpunta niya lalo at isa lang siyang mahirap. Kinakabahan siyang naglakad papasok, sumalubong ang isang ginang na naka uniforme.Isang napakalaking bahay ang hinintoan nila mas maganda itong di hamak sa malapitan maraming manggagawa sa taniman sa kabilang bahagi nito. At napakaganda ng mga kagamitan na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya. "Senyora, nandito na po ang taga maynila na nobya daw po ni Sir Samuel." sabi ni Mang Amboy sa isang ginang na napakaganda at mukhang estrekto tiningnan siya nito na tila ba ay sinusuri ang kanyang kabuoan. "Tuloy ka." sabi ng ginang parang nahihiya pa siyang pumasok sumalubong sa kanya ang mga katulong. Ang daming katulong naisip niya mag tatrabaho nalang siguro siya dito bilang kasambahay. Sa balikat ko ay dala ko ang bag na backpack. Wala naman siyang gaanong gamit kasi salat siya sa maraming bagay. May natira siyang dalawang libo ngunit alam niyang pag pinagbayad siya sa upa para tumira dito ay malamang sa kwadra ng kabayo siya matotolog mamayang gabi. Bigla siyang nalungkot, mukhang napakamalas niya talaga. Ang labong magkagusto ito sa kanya napakayaman nito eh siya walang ni isang kusing. Mahirap pa siya sa daga at wala siyang pamilya. Umakyat ang ginang sa taas maraming silid sa taas at binuksan nito ang isang silid. "Ito ang silid ni Samuel magpahinga ka muna, alam kung pagod ka sa biyahe. Mamaya pa uuwe yun at kasama pa niya si Lira." sabi nito sabay talikod. Di ko na napigilan ang luha ko mukhang mas mahihirapan ako dito. Napaka estranghero ng lugar sa totoo lang kumakakalam na naman ang tiyan ko. ngunit nahiya akong manghingi ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD