Dana pov
Kinagabihan ay dumating ang kuya Gary niya nagsabi ito na napakaganda daw niya hinayaan niya lang. Hanggat maari ay iiwas siya sa anumang pagtatangka nito sa kanya. Kahit nang magpapahinga na ako ay nilock kung maigi ang pinto mahirap na. May mga pagkakataon na tila ay nakadroga ang kanyang pinsan at ayaw niyang mabiktima ng kabuhongan nito.
Nang minsan kasi na umuwe si kuya Gary nakita niya itong sumilip sa silid niya. Kaya naman ay pinakoan niya nung nakaraang araw ang pinto ng kanyang silid at nilagyan ng isa pang lock sa loob. Kahit buksan ng duplicate hindi iyon mabubuksan kaagad.
Ang silid niya naman ay nilagyan niya ng maliit na pinto palabas kung saka sakaling magtangka ang mga ito ng masama sa kanya. ang gate naman ay may butas na siya lang ang nakakaalam.
Kahit magsisigaw siya sa loob at di siya maririnig sa labas. Maganda ang mwebles na ginamit ng mga gumawa ng bahay nila lalo na nung medyo may trabaho pa ang Tatay niya.
Naligo siya at naghanda ng matolog, alam niyang maya maya ay muling tatawag ang kanyang nobyo. Nakasanayan na niyang gawin iyon lalo na sa tuwing gabi dahil lagi itong tumatawag. Ilang minuto niyang kausap ang nobyo nang makaramdam siya ng uhaw.
"Sandali lang bababa ako nauuhaw ako eh." sabi ko sa nobyo ng pabulong Mabuti at madilim ang cellphone kasi di naman niya pinindot.
"Sige take your time." sabi nito.
Dahan dahan siyang bumaba nang makarinig siya ng tila ba nagtatalo ang tiyahin at ang Kuya Gary niya. Di niya naituloy ang paghakbang ng marinig ang sunod nitong sinabi.
"Mapapakinabangan natin si Dana Ma mayaman si Mr. Kho ang ibabayad niya sa atin ibibili natin ng sasakyan at ng bahay." Natutop ko ang bibig ko at dahan dahan akong umakyat nilock kung maigi ang pinto.
"Dana makinig ka umalis ka diyan ngayon din kilos na, ako ang bahala sayo." sabi ng nobyo kahit nanginginig ay nagawa niyang ikilos ang kanyang mga paa. Kaagad akong tumalima pinatay niya ang tawag ng nobyo tahimik akong lumuha. Di niya lubos maisip na magagawa siyang ibenta ng mga ito nakaempake na ang mga gamit niya kaya binitbit nalang niya. Nang makalabas ng likod ng bahay ay dali dali niyang pinagkasya ang sarili niya sa butas ng bakod. Nang makalabas medyo may kadiliman pero tiniis niya makalayo lamang.
Tinawagan niya ang nobyo.
"Di ko alam kung saan ako pupunta." mahina kung sabi dito.
"Papadalhan kita ng pera ngayon din." sabi ng nobyo.
"Saan ako pupunta? huhu di ko alam ang buhay sa labas ng bahay namin." sabi ko kay Walter.
"Ganito ang gawin mo. Sumakay ka ng taxi sabihin mo ibaba ka sa bus terminal sa Cubao."
Pagbibigay nito ng instruction.
Kabado man ay nagawa niyang parahin ang taxi na unang dumaan naka jacket siya na may hood.
"Manong sa may Bus terminal po sa Cubao." agad akong sumakay napanatag ako ng Makita kung matanda ang driver. Alam niyang talamak ang mga holdapan at kung anu anong mga krimen ngayon ngunit pinagdadasal niyang sana ay di siya mapahamak.
Nang tingnan niya ang kanyang cellphone ay alas dose na ng madaling araw. Sa ibang pagkakataon nito ay tulog na sana siya ngayon pero mas magaan ang pakiramdam na wala na siya doon.
Alam niyang magbabago na ang takbo ng kanyang buhay matapos ang araw na ito. Masaya siya na sa wakas ay nagawa niyang makawala sa kalupitan ng kaniyang mga kaanak.
Pagkababa niya nagpasalamat siya dito at nagbayad ng boung limang daan.
"Ma'am sukli nyo po." sabi ng driver.
"Naku manong sa inyo na po, salamat po sa maingat na pagmamaneho. Ingat po kayo." sabi ko dito. binigay na niya ang barya tanging ang dalawang daan lang ang sukli na kinuha niya nang makababa.
Takot na takot siyang maglabas ng cellphone at sabi nga ng nobyo niya kanina na maraming mandurukot sa lugar na iyon. At ang cellphone niya ang tanging yaman na di niya pwedeng maiwala sa ngayon. Nakasalalay sa kanyang cellphone ang kanyang magiging kapalaran sa mga sumusunod na sandali ng kanyang buhay.
Nang may makita akong mga pulis sa di kalayuan ay inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Walter. Tanging ito lang ang masasandalan niya sa ngayon. At lubos siyang nagpapasalamat na nakilala niya ito dahil tiyak kung di dahil dito ay di siya maglalakas loob na lumayas. Baka bukas ay nasa kamay na siya ng Mister Kho na yun.
Bigla siyang kinilabutan ng maalala ang kapahamakan na muntik na niyang danasin. Mabait parin ang diyos at nagbigay ito ng taong magiging daan upang mailigtas siya mula sa kapahamakan.
"Sweetheart, nasaan kana?" bungad nito.
"Nasa Cubao na ako eh ano ba ang sasakyan ko?" tanong ko.
"Hanapin mo ang Booth ng JRios na Bus at ipakausap mo sa akin ang nag titicket, tinawagan ko na yon kanina." sabi nito.
"Sige magtatanong tanong ako." sabi ko.
Pumasok ako sa loob ng terminal, may nakita siyang mga booth na nakahelira paisa isa niyang binasa ang mga nakapaskil na mga pangalan ng kompanya ng bus. Nasa pangatlo palang siya ay agad naman niyang nakita.
"Excuse me ako po si Dana, kakausapin ka-" di ko na natuloy ang sinasabi ko, kasi ngumiti agad ang babae.
"Naku Ma'am Dana kayo nalang po ang hinihintay ng Bus, umakyat na po kayo." sabay turo sa bus na aircondition.
"Ahm magkano po ba ang ticket?" akmang dudukot ako ng pera.
"Ma'am si Sir Samuel na po ang bahala. Darating kayo doon bukas mga alas otso ng umaga pa po at ito po pala ang pagkain nyo." sabi nito nagtataka man ay tinanggap ko na kaysa magutom ako.
"Miss Dana tara na po!" sabi ng may edad na driber. Na lumapit ng tinawag ng babaeng nasa ticketing booth. Nagtaka pa ako ng pinaupo ako sa mismong harap ng bus ito pa naman ang kauna unahang pagsakay niya ng bus.
"Manong sa likod nalang po ako." sabi ko dito.
"Naku Ma'am kabilin bilinan po ni Sir Samuel na sa harap kayo para wala kayong katabi. seloso po pala si Sir no? sabagay kung ganyan po kaganda sa inyo ang magiging fiancée ko aba eh, magdadamot ako. Felix bigay mo kay Ma'am ang kumot ni Sir Samuel diyan at baka lamigin si Ma'am sa biyahe." Sigaw nito sa kasama nito.
Inabot ko ang kumot na hawak nito at umupo na ako. May kalamigan nga sa pwesto ko pero okay lang kasi makapal naman ang kumot. Amoy lalaki nga lang dahil ayon nga sa driver eh kay Walter ang naturang kumot. Maya maya pa ay nakatolog na ako dala na rin marahil ng pagod kanina.