Chapter 6

1015 Words
Oo nga at nobyo niya si Samuel, ngunit nangangamba siya pano kung di lang pala ako ang nobya niya. Inilagay ko sa isang upoan ang gamit ko tiningnan ko ang cellphone ko. Ngunit wala ni isang text ang nobyo. Kumuha siya ng isang damit at naligo siya para presko bago matolog. Isang bestida na bulaklakin na umabot lang nang tuhod niya ang sinuot nya bigay yun ni Pia at pinarisan niya ng sandals na bigay din nito. Nang makaligo ay akmang mahihiga na siya ngunit isang katok ang narinig niya. "Senyorita, ito na po ang almusal nyo dinalhan na po namin kayo, kasi alam naming pagod kayo sa biyahe." sabi ng isang kawaksi agad naman nginitian niya ito. "Maraming Salamat—" "Ellen po Maam, napakaganda nyo po talaga para kayong manikin." puri nito na alam niyang namula ang mukha niya sa papuri nito. "Naku hindi naman, salohan mo na ako Ellen." Aya ko dito mukhang masarap ang mga nakahain at kumalam lalo ang tiyan niya. "Naku Ma'am tapos na po kami, sige Ma'am iiwan ko na po kayo." paalam nito na agad lumabas. Pagkaalis nito sinilip ko ang cellphone ko, ngunit wala paring text mula dito. Kumain nalang siya, ang inis niya sa nobyo ay ibinunton niya sa pagkain. Nang matapos ay inayos niya ang tray na pinaglagyan ng mga pagkain. Binuksan niya ang pinto lumabas siya at pumanaog. Napakaganda talaga ng bahay ng mga ito mula sa baba ay may nagtitipon tipon na mga tao, agad na sinalubong ako ni Ellen. "Naku Ma'am sana po itinabi nyo nalang." sabi nito. "Okay lang magaan naman." sabi ko. Tumikhim ang isang lalaking may edad sa hula ko ay ito ang may ari ng bahay agad akong yumukod. "Magandang Tanghali po, Ay umaga pa pala." Natawa ang iba. "Anong pangalan mo nga Hija?" tanong nang isang matanda, hula ko ay ito ang Lola ni Samuel na minsan ay naekwento nito sa kanya. "Ako po si Dana Ma'am." sagot ko naman. "At sabi mo kanina, nobya ka ng aming si Walter?" Yung Nanay ni Walter ito. Tumango naman ako ng marahan. "Paanong naging nobyo mo ang anak ko?" tama nga ang hula ko nanay ni Walter ang babae. Parang gusto kung pumalahaw ng iyak. "Textmate po niya ko." Sabi ko na yumuko na ako di ko kayang harapin ang mapanuri nilang mga mata. "Paanong mangyayari yun eh hindi naman nagtetextmate si Kuya?" napaangat ako ng mukha bumadha ang pagkalito at kaba sa mukha ko. "Sia wag mo ngang tinatakot ang girlfriend ng kuya mo. Sige na umakyat kana dun hija at magpahinga kana, tatawagin ka nalang namin pag haponan na." sabi ng ginang. "Sige po Ma'am, salamat po." Dali dali akong umakyat, nang makapasok sa silid ay kinuha ko ang cellphone at tenext ang nobyo. Sana sinabe mong di ako welcome dito, sana naghanap nalang ako ng ibang matutuloyan. Gusto niya itong awayin ngunit dapat nga magpasalamat pa siya dito. Dahil kung wala ito ay malamang ibinenta na siya ng kanyang pamilya sa Mr. kho na iyon. Marahi ay may rason naman ito kung bakit wala pa ito sa mga oras na ito. 'Nasa Lira niya pa kasi, mamaya na ang oras mo Dana.' pang gagatong ng kaniyang mabait na isipan. Napagpasyahan niyang matulog nalang muna, lalo at napagod siya sa biyahe. Ito ang kauna unahang pagkakataon na matutulog siya sa kama. At kauna unahang pagkakataon na wala ang takot niya na baka masaktan siya ng pamilya niya. Dahan dahan siyang humiga sa kama, unang lapat palang ay tila inuugoy na siya at mukhang masarap matulog, maya maya pa ay nakatolog na ako. Nagising ako na tila ba ay may nanood sa pagtolog ko, isang lalaki ang nasa gilid ng kama na nakamasid sa akin, langhap ko ang amoy ng alak na nagmumula sa lalaki, napaka gwapo nito. Matangos ang ilong papasa itong artista at modelo napakagandang lalaki. Nakaupo ang lalaki ngunit batid ko na malaking tao ito sa haba ba naman ng mga biyas nito. "So your my Girlfriend?" sabi nito na nakangiti, titig na titig sa akin. Agad akong namula nang makita kung kita ang panty ko, agad akong bumangon at inayos ang dress na nalihis kanina ng matulog siya. "Wala akong maalalang may nobya ako." sabi nito na may pilyong ngiti sa labi, bigla ang sulak ng dugo ko. Napaka sama pala ng ugali ng lalaking pinagkatiwalaan niya. Nanlilisik ang mga mata na tinitigan niya ito akala yata e mamamatay siya oras na itanggi nito. Ang kapal ng mukha nito alam niyang gwapo ito ang yabang yabang nito, e di hindi. "Eh di hindi, aalis nalang ako dito salamat sa almusal at tanghalian." at tumayo ako hilam ang luha sa mata ko, kung alam ko lang na ganito ang daratnan niya di sana ay hindi na siya tumuloy. Alam naman kasi niyang imposible talaga ang makakita ka ng may mabubuting kalooban na tao sa panahon ngayon na marami ng manloloko. Tsskk nagsayang lang ito ng oras na papuntahin siya dito. Malamang ay nagsisi ito na pinapunta siya. Marahil ay inaasahan nito na maganda siya sa personal kaya ngayong di niya nameet ang expectation nito ay itataboy na sya ang saklap lang. Saan siya ngayon magpapalipas ng magdamag? Nang tingnan niya ang bintana ay papadilim na sa labas. Baka kung nakaligtas man siya sa kamay ng kanyang pinsan at sa Mr. Kho baka dito sa lugar ng peke niyang nobyo niya siya mapahamak. "Such a cry baby, hmmmn." nakita niya ang masuyong ngiti nito sa labi. Ngunit nagduda na siya baka may saltik pala ang lalaki tapos bigla siyang sakalin. Pero sa gwapo kasi nito malapit ng malaglag ang kanyang panty na maluwag ang garter. "Ihatid mo ako ngayon sa terminal." utos ko dito. Total naman ay ito ang nagpapunta sa kanya dapat lang na ihatid siya nito pabalik. Wala na siyang pakialam kahit pag aari pa nito ang timbukto o ang Mars basta nagagalit sya. Ngali ngaling hambalusin niya ito ng unan sa inis niya dahil tila aliw na aliw pa ito gayong kulang nalang ay pumatay na siya sa mga oras na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD