Kinagabihan ay di makatolog si Dana iniisip niya ang sinabi ni Samuel na kakainin siya nito.
"Diyos ko nasa panganib ata ako." sabi ko pa na nagtalukbong natutukso siyang buksan ang cellphone gusto niyang kompermahin kung ano ang sinasabi nito. Kasi kung talagang kakainin siya nito di na nya yun sasabihin makikipagkita nalang ito kaagad sa kanya at kakainin ang mga lamang loob niya.
Biling baliktad siya Nagkanobyo pa ako ng ganun kabilis napakalambing ng boses niya malamang ay napakagwapo nito. Agad ko naming sinaway ang sarili ko.
"Kakainin ka na nga kilig na kilig ka pa rin diyan." nakatolog na ata siya bandang alas onse na nang gabi.
Nang umalis ang tiyahin ay agad akong umakyat at kinuha ang cellphone at binuksan. Nakapag charge siya kagabe kaya full charge pa ang cellphone hindi naman agad na nalolowbat ang battery kasi mukhang bago pa.
Agad pumasok ang mga mensahe.
"Sweetheart?"
"Are you mad?"
"Okay, good night dream of me.Love u?"
"Morning sweetheart!"
Agad akong nagreply dapat tratohing maigi ang boyfriend. Wala siyang ideya kung paano ang maging girlfriend lalo at ito ang kanyang unang nobyo.
"Morning din."
"Did you sleep will?" tanong nito.
"Englis ng englis e Pilipino naman" bulong bulong ko.
"Malamang natulog ako anong akala mo sa akin aswang din gaya mo?"
"Pwede mo din naman akong kainin ?." reply nito.
Nanlalaki ang mata ko sa nababasa ko.
"Kadiri ka naman di ako kumakain ng dugo ng tao."
Tumawag ito gusto niya sana I cancel ang tawag nito ngunit natukso siyang sagotin ang tawag nito.
"Hello!"sagot ko.
"Hello how old are you Dana?"
Tanong agad nito.
"Twenty" proud kung sabi.
"When was the last time, you slept with a man?" tanong nito.
"Aba bastos ka ah. Ba't ako mag slept sa man eh ni hindi pa ako nagkaka boyfriend." Singhal ko dito.
"Easy ahm Sweety baka di mo ako makokontact ng ilang araw uuwe ako sa farm namin." sabi nito sa kanya.
Bat ba nagpapaalam ito sa akin bigla niya nabatokan ang sarili nobyo nya pala ito.
"O-okay mag ingat ka dun." sabi ko nalang.
"Wala man lang I love you diyan?" namula ako sa sinabe nito sa totoo lang kinikilig siya sa mga pinagsasabi nito mula pa kahapon at nagawa pa nitong ipakausap siya sa ina nito.
"Ano ahm Love you." at agad kung pinatay ang tawag.
"Ang landi landi mo talaga Dana Fortez kahapon palang kayo nagka text."
"Love u too, I have to go."
"Ok." reply ko agad kung pinatay ang cellphone.
Lumipas ang dalawang linggo, araw araw na mag ka text sila minsan tumatawag din ang nobyo. Nalaman na din nito ang kalagayan niya sa piling ng tiyahin niya at mga pinsan inamin niya iyon ng minsan magsabi ito na dadalaw sa kanya. Tumanggi siya ayaw niyang makita ito ng pinsan
lalo at dinig niya na mas tataas na ang katungkulan nito sa trabaho. Kaya naman mas lalo siyang inaalipin ng takot para sa sarili niya. Sa ngayon sapat na may napagsasabihan siya bukod kay Ms. Lana at di na siya naiilang na mag I love you dito.
Nagtataka siya nang mga sumunod na araw ay tila nag himala at mabait ang tiyahin sa kanya isasama daw siya nitong mag parlor pag day off nito. Nagtataka man ay natuwa na rin siya at kahapon nga sinama siya ng tiyahin na pina rebond nito ang buhok niya, pina foot spa, pinalinis ang mga kuko at pinafacial pa siya. Sabi nga ng bakla maganda daw siya kahit walang ayos at halos di niya na nakilala ang sarili niya nang matapos ang treatment ng buhok niya. Alam niyang maganda siya kahit ang mga kapitbahay ay ganun ang sabi sa kanya kahit nung nag aaral pa siya madalas siyang kuning Muse.
"Wag kang magpupuyat Dana kailangang maganda ka sa linggo." Sabi nito.
"Bakit po Tiyang? ano po ang meron sa linggo?" nagtatakang tanong ko.
"Basta ah wag ka ngang tanong ng tanong." Singhal nito kaya tumahimik nalang ako.
At nang kinabukasan pag alis ng mag anak tumawag ang nobyo.
"Hello kumusta?" tanong nito agad dalawang araw itong di tumawag kasi ayon dito walang signal ang lugar ng mga ito sa Aurora.
"Okay naman kahapon dinala ako ni Tiyang sa parlor ang sakit nga ng bakla maghila ng buhok." reklamo ko dito narinig niya ang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya.
Samuel pov
Dalawang araw na hindi nakausap ang nobya sa halos dalawang linggo nilang relasyon totoo ito alam niya at ramdam niya.
Nang marinig niya ang kwento nito tungkol sa kinaroroonan nito agad niyang pinahanap ang nobya. Kaya lang ang inutosan niya ayon next week na daw aasikasohin ang kaso niya. Wala naman siyang ibang malapitan at baka makapatay siya ng tao kung may masamang mangyari dito. Yes he bewitched by that mysterious woman maging ang mga kapatid at pinsan ay tinutukso siya sa kanyang mga pagbabago. At alam niya di magatatagal makakasama na niya ang nobya.
"Hello, kumusta?" tanong niya rito agad.
"Okay naman, kahapon dinala ako ni Tiyang sa parlor, ang sakit nga ng bakla maghila ng buhok." reklamo nito. Na ikinatawa niya halatang bago rito ang mga ganung karanasan. He's not getting any younger at sa mga katangian ng nobya mukhang alam na niya na ito ang gusto niyang makasama habangbuhay.
"Ganyan talaga yan sweety wag ka mag alala pag mag asawa na tayo lagi kang kakaray karayin ni Mommy sa mga salon at sa mga spa kaya masanay kana ngayon palang." sabi ko naiimagine ko na ito habang kausap ang ina. Ayaw niyang mag expect na maganda ito basta ang importante sa kanya ay mahal niya ito.
"Ay ayoko ng ganun Samuel baka makalbo ako kaya lang naman ako pinagparlor ni Tyang kasi may sa linggo daw kami." sabi nito.
Pagkarinig ng linggo ay bigla ang kaba ng dibdib niya na tila ba ay may bumubulong sa kanya na may masamang mangyayari sa linggo.
"Bakit ano ang meron sa linggo?" tanong ko.
"Ayaw ni Tyang sabihin kaya di ko na pinilit tanungin." napailing ako bakit ba napakainusente nito.
"Makinig ka sweety magmatyag ka sa kilos ng mga kasama mo diyan sa inyo." bilin niya dito masama ang kutob niya sa mga nangyayari.
"Ha! bakit naman?" taka nitong tanong.
"Iba ang pakiramdam ko diyan sa mga kinikilos ng mga kaanak mo mangako ka Dana."
"Okay nalang a kahit di ko ma gets" sabi nito.
"Mamayang gabi tatawag ako
kahit wag kang magsalita okay lang." madalas ay ganun pag gabi takot daw kasi itong malaman ng Tiyahin na may cellphone ito. Hindi alam ng Tiyahin na may cellphone ito. Sinabihan na niya itong tumakas ngunit ayaw nito dahil natatakot daw ito sa pinsan nitong pulis.
"Opo ingat love u!"sabi nito.
"Love you too mamaya uli."
Lumipas ang maghapon masigla siyang gumawa ng mga paper works.