Hindi alam ni Valeria kung paano niya nagawang makalabas ng elevator sa ganoong esatado. Wala siya sa sarili at hindi makapaniwala sa nangyari.
Did it really happened?
The man right there in the elevator was the man she met in the bar weeks ago! The most horror part was tinatanggap na daw siya nito! No question asked, he just really hired just like that.
Paano na Valeria?
Meron siyang pagpipilian, una, pwede siyang umuwi ngayon din at kalimutan ang nangyari. But wala siyang aasahang trabaho at she's very certain that they would starved to death in the next few days. Pangalawa, pwede siguro niyang hilingin na hindi siya sa secretarial position ilalagay, which is very imposible dahil hindi siya pwedeng maging demanding. Ni hindi nga siya sigurado kung qualified ba siya sa posisyon! Sa makatuwid ay ito pa sana ang magiging ikalawa niyang trabaho. And lastly she could just act like she don't remember him anymore. Magta-trabaho siya ng maayos and kakalimutan ang nangyari na parang wala lang. Most CEO doesn't mix business with pleasure. At sana ay ganon din ang mantra ng lalaking iyon.
Pero sabi nga nila, opportunity only knocks at your door once. Hindi niya alam kung may trabaho pa ba siyang makikita bukod dito kaya wala na siyang choice. Wala sa sariling naglakad si V sa hallway para hanapin ang office ni Mrs. Garcia. Ang kaninang confident niya sa sarili ay bumaba ng 20 percent dahil sa bawat hakbang ng suot niyang stiletto ay para siyang masusobsob nalang bigla sa sahig.
Nang natagpuan ang opisina ng HR ay gad niyang hinanap ang pakay. Mabuti nalang ay itinuro agad siya nito sa isang opisina kung nasaan si Mrs. Garcia.
"Pasok ka diyan, sa unang pinto. Nandiyan si Mrs. Garcia." aniya ng isang babae na napagtanungan niya. May mga cubicle kasi siyang nadaanan. Mabuti nalang ay hindi na mataray ang babae kaya naging matiwasay ang pagtunton niya ng opisina.
Kumatok muna si V ng tatlong beses bago niya narinig na may sumagot mula sa loob. Huminga siya ng malalim bago pinihit ang seradura ng pinto. Natagpuan niya sa loob ang medyo makatandaang babae na kahawig ni Vilma Santos. May kausap ito sa phone at mukhang aligaga na hindi siya napansin sa harap nito.
"Yes, Mr. De Ocampo. Okay po. Copy sir." anito bago binaba ang tawag. Noo lang din siya nito tinapunan ng tingin at bahagya pang nangunot ang noo nang makita siya.
"Yes?"
"Ako po yong kaibigan ni Geraldo, ma'am." mahina niyang sabi. Nakakahiya man pero unfair talaga kapag may backer katulad ng ginagawa niya. Pero wala talaga siyang choice at hindi siya pwedeng magpakabanal sa mga oras na ito.
"Oh, yes. Dala mo ba lahat ng credentials mo hija?" anito. Hindi mabait ang boses pero hindi rin galit. She's being in a professional mode.
"Alright. The secretary position is not available right now. May nakuha na daw kasi ang CEO at hindi ko alam kung sino dahil hindi naman dumaan sa akin. But, anyways, I can still give a job here, since my nephew said that you really need it." anitong nasa papel niya nakatingin at binubuklat nito iyon ng mahina.
Kinabahan siya ng bahagya sa sinabi nito. Parang alam na niya ang CEO na sinasabi ni Mrs. Garcia.
"But, teka-" naputol ulit ang gusto nitong sabihin dahil biglang tumunog ang telepono nito na nasa ibabaw ng mesa.
"Yes, Mr. De Ocampo?" z
Napangiwi si Valeria na isip. Para kasing kumakabog ang dibdib niya ng marinig ang surname na binanggit nito. Nang matapos itong makipag-usap ay mataman siya nitong tinitigan. Tila may may laman ang tingin na iyon pero hindi niya alam kung ano.
"Uh, hija? Saan ka dumaan bago ka nagpunta dito sa opisina ko? I mean..sa executive elevator ka ba sumakay?" tanong nito sa kanya.
"Yes po ma'am. Hindi ko po kasi alam na executive lang po yon. Sorry po."
Kagagahan at katangahan kasi ang nagtulak sa kanya sa ganitong sitwasyon!
"You're hired hija..Hindi mo na kailangan ng final interview. The CEO personally hired you. I don't know why, and I wonder how did it happen pero ang CEO ang masusunod kaya kailangan nating sumunod." anito.
Nakagat niya ang labi dahil nawalan siya ng sasabihin. Alam niyang nagtataka din si Mrs Garcia dahil nakikita niya sa mukha nito. Pero hindi niya aminin na ang lace panty niya ang puno't- dulo ng lahat.
"And oh, The CEO wants to report you on duty, starting..today." turan nito na nagpalaki bigla ng mata niya. Nawawala ang poise niya sa katawan dahil sa mga sinasabi ni Mrs. Garcia.
"As in now na?"
"Yes. hinihintay ka na niya dahil may ipapagawa daw siya sayo. But before that, Gusto ko lang sabihin na.. The big boss was ruthless and strict but he's a certified ladies man. Lahat ng nakapalda basta pasok sa panlasa niya ay nakukuha niya, which is normal and obvious, the big boss was a gift to women but, I hope you're not one of them, hija. Tatagan mo ang depensa mo para magtagal ka sa trabaho." mahabang sabi nito na mas lalong nagpatuliro sa kanya.
Tama pa ba 'tong pinasok niya?
"P-pwede po bang bukas nalang ako papasok?"
Agad-agad talaga! Wala sa plano niya lahat ng nangyayari. Nadagdagan lang ang pag aalala niya sa sinabi ni Mrs. Garcia. Although she's very sure na hindi siya basta-basta nakukuha ng kung sino. Sa dami ng gwapong lalaki sa circle niya ay hindi siya kailanman nagkaroon ng interest. But, the big boss is a different case..
The man was fuckingly handsome and manly! Parang may kung ano din sa mata nito na hindi niya kayang basahin. Pilyo din ito noon sa bar at seryoso ito kanina sa elevator. Not to mention, his voice was giving her chills down her spine! Nakaka tulala din ang presensya ng lalaki na kung ibang babae lang siya ay baka kanina pa siya nahimatay sa taglay nitong karisma. He was also towering her dahil sobrang tangkad ng lalaki. Tuloy ay hindi niya maiwasang maalala ang tattoo nito sa braso na natatabunan lang ng suot nitong suit ang tie.
"Hindi pwede hija. May ipapagawa daw sayo ang big boss na sobrang importante. Kaya puntahan mo na siya and do your job. Rooftop ang office niya."
"Sige po..S-salamat." wala na siyang nagawa at lumabas na nang opisina ng babae.
Bumalik siya sa elevator at sa pagkataong iyon ay sa employee elevator na siya sumakay. Mabuti nalang din at mag-isa lang siya. Nakakapag-isip siya ng tama at nagpilit ikalma ang sarili.
"Okay, V, kailangan mo lang kunin ang panty mo at magso-sorry ka sa kanya. Kailangan mo tong gawin kaya lunukin mo ang pride mo, para maging maayos ang pagsisimula mo." Kausap niya sa sarili.
Ang totoo ay iyon talaga ang unang problema niya. Awkward nga naman kung secretary siya nito tapos may panty pala siya sa boss niya. Kahit pa nagtataka siya kung bakit napunta iyon sa office eh sa condo naman niya iyon hinubad.
Baka ginawang lucky charm?
Gaga ka talaga V! sigaw ng isip niya.
Natigil siya sa pag iisip nang tumunog ang elevator hudyat na nasa rooftop na siya. Huminga siya ng malalim at tumuwid ng tayo. This is it!
Paglabas niya ng elevator ay agad niyang nakita ang malaking nakapasok sa gilid ng malaking pinto. Wala namang ibang opisina doon kundi iyon lang kaya hindi na siya maliligaw. May isang mesa lang doon sa labas na para sa secretary nito.
Nanginginig ang kamay ni Valeria at akmang itataas na sana para kumatok ng bigla nalang iyon bumukas. Nasalubong niya ang gwapo ngunit yamot na expression ng kanyang magiging boss.
"You're late." agad nitong sabi.
"Dumaan pa ako kay-"
"Come in." hindi na siya nito pinatapos at basta nalang tumalikod. Naglakad ang lalaki patungo sa mesa nito at umupo doon habang nakahalukipkip ang kamay sa dibdib. Matiim din itong nakatingin sa kanya.
Kung yelo lang siguro siya ay kanina pa siya natunaw.
"M-may ipapagawa daw ho kayo?"
"Yes." maikling sambit nito habang nanatiling nakatiim ang tingin sa gawi niya.
"Ano ho yon?"
Gusto na sana niyang bawiin ang panty niya pero hindi niya alam paano sasabihin..Total sinabi naman nito na kunin niya diba?
Mag isip ka Valeria!
Hindi ito sumagot kaya tumikhim siya.
"S-sir pwede ko ho bang bawiin ang p-panty ko?" kumamot siya sa leeg dahil namumula ang buong mukha niya.
"I change my mind. Iniwan mo na sakin yon, kaya hindi mo pwedeng bawiin. Isa pa, it's not here.. Nasa kotse ko naiwan. Kung gusto mo talagang bawiin, you must come with me in my condo and get it yourself."
"Akala ko ba nasa kotse mo?"
"Yes, but sa condo mo iniwan kaya doon mo kunin, and might as well continue our thing where you suddenly gone and left me so f*****g hard and horny." tumaas ang sulok ng labi nito samantalang napanganga naman si Valeria.
Isa lang ang masisigurado niya, tama ang sinabi ni Mrs. Garcia na kailangan niyang tatagan ang depensa niya sa lalaking ito kung ayaw niyang hindi lang pag iwan ang magawa niya sa kanyang panty, but the worse thing is baka punitin din iyon ng lalaking kaharap sa sobrang hilig nito!