1 WEEK.
Shutaness, isang linggo na ang dumaan ng paghahanap ni Valeria ng trabaho pero wala parin siyang nakukuha. Walang-wala na siyang pera at halos naibenta na niya lahat ng bag niya sa mga kakilala. Ang mga collection niya ng bags noong maayos pa ang buhay nila at hindi pa sumakabilang-bahay ang kanyang ama. Kulang nalang pati katawan ay e-benta narin ni Valeria. Pero hindi pa niya gagawin yon, kidney pa siguro ang mauuna bago ang kanya puri kung wala na talaga siyang choice.
Heto't may limang daan nalang sa wallet niya at hindi niya alam kung paano pa iyon kakasya sa mga susunod na araw.
Think wise, Valeria! Kung hindi, mapipilitan kang e-benta ang isa sa mga organs mo para may makain kayo! himutok niya sa sarili.
"Girl! May goodnews ako sayo!" ani ng kaibigan niyang si Geraldine. Ito ang baklang anak ng senador na kaibigan niya. Nakipag-kita ito sa kanya sa coffee shop pero syempre libre parin nito.
"Pera ba yan?" busangot ang mukha niyang tanong.
"Trabaho ang hanap mo diba? Well, well, well. Ang sabi ng tita ko na head sa isang malaking company ay hiring daw sa company nila! Grab mo na vakla!"
Parang nabuhayan siya ng loob sa narinig at napatuwid ng upo.
"Really? Baka naman pwede mo akong e-endorse sa tita mo baks.. Alam mo naman na need ko na talaga ng trabaho." her eyes twinkled at that moment.
"Yan ang dahilan kaya ako nakipag kita sayo. Bukas na bukas ay kailangan munang pumunta para sa final interview, ang sabi ng tita ko ay for formality nalang daw ang kailangan dahil kaibigan naman kita. Dalhin mo nalang daw lahat ng requirements nila. Oh diba? Bongga!" patiling turan nito kaya nanlaki ang mata niya.
"Totoo ba yan?"
"Gaga! oo naman! Kaya bukas na bukas din ay ihanda mo na lahat ng requirements dahil maghihintay sayo ang tita ko." ani pa ng bakla kaya lumaki ang kanyang ngiti.
"Thankyou so much, baks! Maraming salamat sa lahat ng tulong mo." mangiyak-ngiyak pa niyang turan pero umikot lang ang mata ng bakla.
"Teka, anong posisyon daw ba baks?" naala niyang itanong.
"Secretary yata girl. Kasi nag resign 'yong secretary ng CEO. Balita ko kasi lahat ng naging sekretarya ng big boss ay hindi nito nagugustuhan."
Parang kinabahan naman siya sa sinabi ng kaibigan. Wala pa naman siyang experience sa ganoong trabaho. Paani kung hindi rin siya magustuhan?
"B-bakit daw?"
"Hindi ko din alam eh. Si tita nalang ang magpapaliwanag sayo, basta bukas 8am ay nandoon kana." saad nito.
Wala nang nagawa si Valeria kundi tumango. Ang dapat nalang siguro niyang gawin ay galingan ang final interview para magustuhan siyanng tita ni (Geraldo) Geraldine. Kailangan na niyang makapasok sa trabaho dahil mamumulubi na sila sa susunod na araw. .Malapit na din maubos ang mga skin care niya kaya hindi siya pwedeng maging jobless pa ng isang linggo.
Matapos nilang mag-usap ng kaibigan ay nagpaalam naman agad itong uuwi. Umuwi na din si Valeria para ihanda ang lahat. Habang nakatunganga sa kama kinagabihan ay iniisip niya kung makakaya ba niyang ipasa bukas ang final interview.
Sana nga.
Kinabukasan ay alas sais palang ng umaga ay handa na siya. Nakasuot siya ng pencil skirt na hanggang hita ang haba, itim na stilletto at tube top sa ilalim na pinarisan niya ng gray cardigan. She looks classy and sexy.
Kahit naman naghihirap na sila ngayon ay hindi parin nawala sa kanya ang fashion at ang pagdala sa sarili. She can still compete with the other woman in her circle. Kumbaga mayaman parin siyang tingnan pero ang totoo ay muntik na siyang bumigay sa dami ng dala-dala niyang problema.
Nang bumaba siya ng taxi bitbit ang folder na naglalaman ng lahat ng credentials niya ay hinayoj niya muna ng tingin kung nasa tamang lugar ba ang kanyang napuntahan.
DE OCAMPO REAL STATE.
'Yon ang naka engraved sa gintong pangalan ng company sa itaas. Sobrang laki ng building at halatang hindi basta-basta. Kung papalarin ay sana matanggap nga talaga siya.
"This is your only chance, V! You need to get this job!" paulit-ulit niya iyong sinasabi sa kanyang sarili habang papasok sa malaking entrance sa loob ng building.
Pagpasok palang niya agad niyang hinanap ang opisina ni Mrs. Garcia. Ang tita ni Geraldine. Mataray pang sumagot ang nasa reception. Tumaas din ang kilay ng babae na tiningnan siya mula ulo hanggang paa bago siya sagutin. Ngali-ngaling e-bash niya ang hindi pantay nitong blush on pero nagpigil lang siya.
"12th floor, HR building." nakakunot ang noo nitong sambit.
"Salamat." Nakangiti parin niyang sabi kahit gusto na rin niyang tarayan ito. Ayaw niyang masira ang desposisyon niya ngayong umaga. She needs a little more patience dahil may interview pa siyang dadaluhan.
Hindi na nga niya itinanong kung nasaan ang elevator at kusa niyang hinanap mag-isa at baka matarayan na naman siya ng kung sino. Lumiko siya sa isang pasilyo dahil napapansin niya na walang tao doon, sa kaliwa kasi ay halos magtulakan ang mga empleyado na makasakay sa isang elevator. Nagtataka pa ang mga mukha ng mga ito habang nakatingin sa kanya pero hindi niya pinansin. Naisip niyang bakit pa niya kailangan makipag siksikan doon kung walang tao dito sa kabila, diba?
Saktong magsasara na iyon kaya hinabol niya at hinarang ang kamay upang bumukas ulit. May isang lalaki sa loob, matangkad at bahagyang napatigil na nangunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Tila ba tinatanong nito kung bakit siya nandoon. Hindi siya tumingin sa mukha ng lalaki at basta nalang pumasok.
Nagkibit lang si V ng balikat at hindi ito pinansin. Ni hindi siya tumingin sa gawi ng lalaki kahit feeling niya nakatingin ito sa kanya. Alam niyang maganda siya kaya hindi na bago ang mga lalaking nagagawi ang tingin sa kanya. It's just a common thing to her.
Wa pake parin siya kahit parang pamilyar ang amoy ng katabi. Sobrang bango kasi at humahalimuyak sa loob ng elevator.
Maya-maya lang ay nakarinig siya ng tikhim. Galing iyon sa katabi pero hindi siya lumingon.
"What are you doing here?" biglang sambit nito na nagpaigtad sa kanya. Sobrang buo at baritono ng boses ng lalaki.
Parang pamilyar.
"I'm going to apply for a job." Hindi niya alam kung bakit sinagot niya ang lalaki eh hindi naman niya ito kilala.
"A job? In what position?" Ulit nitong tanong.
"Secretary." Sagot naman ni V. Wala lang, feeling lang talaga niyang sumagot sa isang estranghero ngayon na hindi naman talaga niya ginagawa dati.
"You're applying for a secretary huh." parang nakikita pa niya sa gilid ng mata ang pag ngisi ng lalaki.
Pamilyar talaga ang boses nito kaya kumunot ang noo niya. Ngunit hindi pa talaga siya lumingon at nanatili lang nakatingin sa unahan. Saan niya ba narinig ang boses na iyon?
"Yes.." mahinang sagot ni V.
"Your hired."
Napalingon si V sa katabi dahil sa narinig. Ano daw?
Hindi ito nakatingin sa kanya at ang side profile lang ng lalaki ang klaro sa kanyang gawi.
"W-what?"
Nakangisi itong lumingon sa kanya para lang magulantang si Valeria ng masilayan ng maayos ang mukha ng lalaking katabi!
"You're my new secretary now. And please.. collect your panties in my office, I don't need it anyway, I want the real thing inside of that." anitong mainit siyang tinitigan sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
Sakto namang tumunog ang elevator hudyat na nasa 12th floor na siya.
Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng elevator na hindi natutumba. Parang sobrang bilis lang din ng mga pangyayari kaya natulala nalang siya ng wala sa oras. Nawala na ang lalaki sa kanyang paningin bago niya nahamig ang sarili at nabasa ang nakapaskel sa gilid ng elevato.
EXECUTIVE ONLY.
Ang lalaking iniwanan niya ng remembrance na panty isang linggo na ang nakakalipas at ang lalaking magiging boss niya ay iisa! Kaya pala sobrang pamilyar ng boses nito!
Shit Valeria! You're doom!