CHAPTER 3

1341 Words
Tumikhim si Valeria sa harap ng magiging boss niya at nag-isip ng maaaring sabihin dito. Paano ba niya ipapaliwanag na hindi pa siya handa noong gabing iyon kaya siya umalis? "Alright, I'm sorry sir kung n-nabitin kayo.. Hindi ko kasi alam kung bakit ako sumama sa inyo non..I was not really into one night stand." mahina niyang sambit. "Then why did you leaved your panty? Hindi yon nakatulong, mas lumala lang ang sakit ng puson ko." anito, seryoso parin ang boses at parang hindi man lang niya nakitaan ng hiya dahil sa pinag uusapan nila.. Shit! Ang ganda ng interview niya! About sa panty niyang itim. "W-wala na ho kasi akong maisip sir. It's not my intention na pasakitin ang puson mo." kagat ang labi niyang sagot. "And you did. And now here you are in front of me, working as my f*****g secretary.This is not funny anymore." Iiling-iling nitong saad. Siya naman ngayon ang napakunot ang noo. Kung tutuusin ay pwede nilang kalimutan ang lahat. Wala namang malalim na nangyari sa kanila at tanging.. tanging isang maliit na saplot lang ang nag iisang balakid nila. Malay ba kasi niya na magiging amo niya ito in the future diba? Kung sana ay hindi niya hinubad ang panty at ginawang remembrance! Akala lang naman niya ay pwede iyong gawing pamunas nito sa ano! Noong magkita kasi sila ay sobrang ibang-iba ito. Kung ngayon ay pormal itong tingnan sa suot na suit and tie last week naman ay parang 'yong lalaking naghahanap ng makaka one night stand sa isang bar. Yong tipong hindi mo matatanggihan dahil nakakapanghinayang. Ngayon naman ay isang kagalang-galang na boss na parang nanghihigop ng lakas kung makatingin. "Pwede naman kasi nating kalimutan nalang ang nangyari." Mahina niyang suggestion. Pwede naman diba? "Really? How can I forget when the woman who gave me sleepless night just by looking at her tiny bikini she left is my damn secretary, now?" walang pakundangan nitong turan. Nanlaki naman ang mata niya. Bakit naman ito hindi makatulog dahil sa panty niya? "Kasalanan mo rin dahil tinanggap moko dito. At wala nang bawian dahil pumirma na ako ng contrata kay Mrs. Garcia." hindi niya mapigilan sabihin. Maikli ang pisi niya kaya sana lang ay kaya pa niyang habaan ang pasensya. Sinamaan siya nito ng titig. Wala sa sarili siyang yumuko at nag iwas ng tingin sa lalaki. "Atsaka pwede mo nga isauli sakin sir para hindi ka nag mag isip at makatulog ka na." Namumula niyang sambit. "I said get it at my place." Nagbukas-sara ang bibig ni Valeria dahil sa narinig. Di yata't mali ang naging desisyon na ipagpatuloy ang pagta-trabaho sa kompanya ng lalaking ito. Hindi niya alam kung kaya ba niyang pigilan ang sarili upang hindi mabangasan ang pagmumukha ng isang ito. Na sa sobrang prangka ng bibig ay mapapa sign of the cross nalang siya kahit hindi naman talaga siya pala simba. Hindi niya pwedeng kunin ang panty sa condo nito dahil para narin niyang inulit ang katangahan. Hinamig niya ang sarili at pinilit maging pormal. Kahit pa sobrang gwapo nito at sobrang lakas ng karisma ay hindi siya pwedeng maging mahina. Panty lang ang nakuha nito at hindi ang buong siya kaya kung ayaw nitong ibalik iyon sa kanya ay bahala ito sa buhay nito! Basta siya ay nakapag desisyon na. Magta-trabaho siya ng maayos at matiwasay upang mabuhay pa siya ng ilang taon. Ayaw niyang mabalitang namatay dahil lang sa gutom! "Okay, kung ayaw mong ibalik sakin. That's fine. Hindi ko din naman iyon kailangan. But..I wanted to work in peace, since you already hired me.." walang kaba niyang sambit. Hindi siya si Valeria kung titiklop siya. Kumunot ang noo ng lalaki at naging seryoso ang tingin sa kanya.Parang tinatantya nito kung pormal ba ang boses niya o hindi. Ilang saglit ay tumalikod ito at umupo sa executive swivel chair. Pinagsiklop nito ang palad sa ibabaw ng mesa at mataman siyang tinitigan. Mula ulo hanggang paa na yong tipong manginginig ang tuhod niya dahil sa init ng tingin nito. "Are you really fit to be my secretary?" nakataas ang kilay nitong tanong kapagkuwan. Ha! Hinahamon yata siya nito? "Yes, I am sir. I am reliable, and can do everything you want me to do." agad niyang sagot. "Everything?" may kakaiba sa tingin nito pero hindi naman iyon nagtagal. "Yes. Everything, kahit ano pa yan. If I had to study about this kind of work para maging effective na secretary sayo ay gagawin ko. " "What's your name again?" "Valeria Seranno sir." "Valeria. A sweet name. Alright, you may start your work today and please, don't make regret my decision of hiring you, Ms. Serrano." anito na naging pormal ulit. Mukhang napag-isipan na nito ang lahat ng ganon kadali. Wala talaga silang magiging problema basta hindi nito paiiralin ang pagiging mahilig nito sa kama! Hind na siya ang babaeng na meet nito last week dahil empleyado na siya nito ngayon. "Yes sir. Makakaasa po kayo." "But, I have rules and regulation in my company that you needs to follow." "Pwede ko po bang malaman?" "Hell yes. First and foremost, I forbid you to wear that kind of skirt. It's too small and eye catcher." "Marami akong nakita kanina na mas maikli pa dito..sir." kunot ang noo niyang turan. "I don't care. That's my order and you shoul follow. This is for your own good." My own good? "Second, that tube top is too vulgar too. I can see your cleavage from here, Ms. Serrano." sa sobrang pormal ng boses ng boss niya ay masasabi niyang hindi talaga ito nagbibiro. Napatingin naman siya sa dibdib at bahagyang namula ang mukha. Kahit ano ang isuot niya ay hindi nawawala ang cleavage niya sa dibdib dahil malaki talaga ang size niyon! Unless magsuot siya ng may hanggang leeg ang kwelyo. "May suot akong cardigan sir." reklamo niya. "Even so. Bawal kang mag reklamo." Tumikhim siya at hindi na nagtangkang umangal. Marami naman siyang damit na pwedeng pang opisina kaya hindi iyon magiging problema. "Ano pa?" "Your footwear. You're too sexy and hot with your shoes and I don't like it." "Teka, bakit lahat ng rules and regulations mo ay para sa mga suot ko?" Tumaas lang ang kilay nito na parang sinasabi na bawal siyang magreklamo. "You need this job, right?" "Yes. "Then follow my f*****g rules." "Fine. Ano pa?" "No relationship inside my company." he said with conviction. "Alright. No problem for me." "Good. At isa pa, you don't have to be friendly to anyone, specially men." Napamulagat siya sa narinig. Pati ba naman iyon? Hindi naman sa gusto niyang makipag kaibigan sa mga lalaki pero bakit pati iyon ay pakikialaman nito? Naningkit ang mata niya at tiningnan ito ng pailalim. "Bakit pati yon, bawal?" "Because friends with men is the start of a relationship. And I don't want my company to put at risk just because of that f*****g love affair." sabi nito. Mas lalo siyang naguluhan. She's very much aware na may kompanya talaga ang bawal ang pakikipag relasyon sa kapwa empleyado dahil sa oras na magka problema ang dalawa ay tiyan madadamay ang kompanya katulad ng pag absent sa trabaho at pag baba ng performance ng isang empleyado. Pero parang OA ang pagkakasabi ng lalaki. Hindi nalang siya nagkomento kahit pa marami parin siyang katanungan. Pati kasi damit niya ay ang daming bawal samantalang pwede naman sa iba. Pati pa sapatos ay hindi pinalampas! "Fine. Bukas ko na susundin." Aniya. Nalukot pa ang mukha nito na parang hind sang-ayun sa sinabi niya. "What? Unless you want me working here naked? Wala akong dalang damit kaya hindi ko 'to mapapalitan ngayon." agad niyang sabi. "It's okay to me though. Pwede kang magtrabaho ng nakahubad, but you're not going anywhere but inside this office, much better you can work in my lap." nakangisi nitong sambit kaya kumalat ang pula sa buong katawan ni V. Oh my God! Please.. Habaan pa ninyo ang pisi ng katatagan ko! piping dasal ni Valeria habang nakatingin sa lalaking boss niya na pilyong nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD