CHAPTER 6

1465 Words
Tinaasan ni Valeria ng kilay ang babaeng nagbubunganga sa harapan niya. Kanina pa siya nito sinisigawan na parang ito ang may-ari ng buong kompanya. Gusto na niyang tusukin ang babae sa takong ng kanyang sapatos pero nagpipigil lang siya. Sayang lang ang Balenciaga heels niya dahil sa kapal ng pagmumukha ng babaeng ito. "You don't know who I am?! I am your boss girlfriend at kapag nalaman niya na hindi mo'ko pinapapasok ay humanda ka dahil ipapatanggal kita!" malakas nitong sigaw. Mabuti nalang talaga at walang ibang opisina dito sa top floor kundi ang office of the CEO, kaya walang nakakarinig sa mga sigaw nito kundi siya. Ang boss niya ay nasa conference room dahil may annual meeting ang kompanya. "Miss, pang sampung babae ka na nagpunta dito at nagsabing girlfriend sila ng boss ko kaya tumigil ka na dahil kanina pa ako nagtitimpi sayo!" mahinahon ngunit matiim niyang sabi. Kanina ay sobrang pormal ng boses niya at professional siyang nakipag-usap, ngunit nang nagsimula itong sumigaw ay hindi siya papayag na basta nalang siyang duruhin ng babaeng ito na hindi yata alam kung paano ang mag blend ng tamang eye shadow sa mata. Sobrang colorful ng make up! "Ako ang totoong girlfriend kaya sa akin ka maniwala! You stupid!" gigil nitong turan. Hindi na siya nakatiis kaya tumayo si Valeria at hinarap ang babae. Mas mataas siya dito kahit pareho silang mataas ang takong. Wala na siyang balak sundin ang boss niya sa mga rules nito tungkol sa pananamit niya dahil ini-stress siya ng lalaki sa mga babaeng kinakama nito! Bwesit! Araw-araw sa loob ng isang buwan niyang pagta-trabaho sa kompanya ay iba-iba ang pumupunta para sugurin ang lalaki! Siya stupid?! "Kung ako sayo aalis na ako ngayon din, kundi ako na ang mapagpantay ng eye shadow mo sa mata! And please, mas stupid kang tingnan! Desperada!" mariin niyang saad at nameywang sa harap nito. Mukhang natakot naman ang babae at umatras. Sinamaan pa siya nito ng tingin bago tumalikod at nagmartsa papunta sa elevator. Napahawak si Valeria sa noo. Siya Ang na i-s-stress sa mga babae ng boss niya. Bakit ba kasi ayaw nitong linawin na one night stand lang ang gusto nito sa mga iyon? Lahat ng pumupunta dito ay nag ke-claim na girlfriend kaya mas lalo siyang nainis. Puro pa luka-luka ang mga babae nito na ewan niya kung saan nito napupulot. Mabuti nalang talaga at hindi siya naging isa sa mga iyon. Tama pala talaga ang desisyon niyang huwag ituloy ang dapat sanang pagpapa biyak niya ng kanyang kabebe. Bumalik na siya sa mesa at tinuloy ang naudlot niyang trabaho kanina. Marami pa siyang nakapending na data na kailangan e-encode at ang boss niya ang may kasalanan. Gusto yatang sulitin ang malaking sahod niya. Siya pa ang ginagawang panangga sa mga ka fling nito araw-araw. Pero aaminin niyang nag eenjoy siya sa trabaho. Normal na medyo ma stress siya sa mga paper works pero nagkakaroon siya ng ganang magtrabaho. Hindi na din sila masyadong nagpapansinan ng boss niya kung hindi rin lang importante. Malamang ay nakalimutan na nito ang panty niya dahil hindi na rin iyon naging issue sa kanila. Saktong lunch ng bumalik ang boss niya mula sa meeting. Medyo malayo palang ito ay naamoy na niya ang men's cologne na gamit ng lalaki kahit tanghaling tapat na. Napaangat tuloy siya ng tingin kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata. Damn those piercing eyes. Parang nanghihigop talaga kung tumingin kahit wala naman siyang nababasang expression doon. Pati paglalakad nito ay kaakit-akit na parang nasa isang runway. Badboy looking pero sobrang linis tingnan kahit pa alam niyang puno ng tattoos ang balikat at braso nito sa likod. Sobrang fresh parin nitong tingnan na parang laging bagong paligo. Nang tumapat ito sa kanya ay tila natulala pa si Valeria. "Ms. Serrano? Are you listening?" pukaw nito sa naglalakbay niyang isip. Shit! Umayos ka V! Umayos siya ng upo at kinalma ang sarili. "Y-yes sir?" kanina pa yata ito nagsasalita pero hindi niya narinig. "I said, order me a lunch from my favorite resto. Good for two." anito na nakakunot ang noo. "Right away, sir." agad niyang tugon sabay dampot sa kanyang cellphone. Alam na alam na niya kung ano ang paborito nitong pagkain kaya ipapaluto nalang niya iyon sa chef ng restaurant kung saan siya o-order. Brad de Ocampo has all the perks in this world for being wealthy. May sarili nga itong chef sa bahay nito eh..Syempre alam niya dahil minsan doon siya nagpapaluto kapag gusto ng boss niya. Hindi ito masasali na isa sa pinakamayamang bachelor sa bansa kung hindi ito bilyonaryo. Nalaman lang niya ang lahat ng iyon dahil sa chika ng mga kapwa niya employee kapag nasa canteen sila ng kompanya. "Ihahatid ko nalang po Sir kapag dumating na order niyo." aniya sa lalaki na nakatingin lang sa kanya. Medyo naasiwa si Valeria dahil kunot na kunot ang noo nito. Sinalubong niya ito ng tingin at nakita niya ang lalaki na nakatitig sa kanyang dibdib. Medyo sumilip kasi iyon dahil nga lahat ng isusuot niyang damit ay palagi iyong bumibida dahil nga malaki. Minsan nga ay hindi niya alam kung magpapasalamat sa biyaya o maiinis. Tumaas ang kanyang kilay at hinuli ang mga mata ng kanyang boss. Nag-iwas naman ito ng tingin at tumikhim bago walang salitang umalis at pumasok ng opisina. Akala niya ay babanat na naman ulit ito tulad ng dati, pero hindi. Rest assured na business without pleasure na talaga ang status nila. Ilang sandali lang ay tumawag ang guard sa labas na dumating na ang order. Agad niya iyong binaba dahil malamang nagugutom na ang kanyang amo. Nagtataka lang siya dahil pang dalawahan ang order nito na kadalasan naman ay isa lang. Naisip niya na baka may kasama itong kakain kaya nagkibit siya ng balikat. Pagdating sa opisina ay kumatok siya sa pinto at naabutan niya ang kanyang boss na nakasandal sa executive chair nito habang nakatingala sa taas. Nakapikit din ang mata na parang natutulog kaya malaya niyang napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Nilapag ni V ang pagkain sa center table na nasa tabi ng couch at bahagyang lumapit sa mesa ng boss. He looks peacefully sleeping. His prominent nose was very gorgeous to look at, and his red lips are undeniably kissable. Naalala niya tuloy ang halikan nila sa condo nito kaya namula ang mukha niya. Bakit kaya may ganito ka gwapong nilalang? Siguro ay mag-isa nitong sinalo lahat noong nagsabog ang diyos ng kagwapohan. Makinis din ang mukha at mahaba ang pilik-mata. Tinitigan niya itong mabuti at pinag-aralan ng maayos ang pagmumukha nito. May maliit na mole pala ang lalaki sa kabilang pisngi na kung hindi mo titingnang mabuti ay hindi mapapansin. Kahit yata buong araw niyang titigan ang mukha ng isang ito ay hindi siya magsasawa. Napaka gwapo! Nag eenjoy siyang pagmasdan ang kanyang boss ng bigla nalang itong magsalita. "Done checking me out?" bumukas ang ang isang mata nito dahilan upang mapaigtad siya. Ginapangan din siya ng kaba at baka sabihin nitong nagpapantasya siya sa lalaki. "S-sir!" "Did I passed your criteria?" ulit nito na nakaayos na ngayon ng upo at nakataas ang kilay sa kanya. Namula yata ang buong katawan ni V mula talampakan hanggang mukha! Nahuli siya nitong pinagmamasdan ito at sinusuri at hindi niya alam ang isasagot. Tumikhim nalang si Valeria at lumapit sa center table kung saan niya nilapag kanina ang pagkain. "A-ang pagkain ho sir..Pinasok ko lang ho. At.. lalabas na ako." nagkandautal niyang sambit. "Valeria." Nanigas siya dahil ngayon lang niya narinig na tinawag siya nito sa kanyang pangalan. Palaging Ms. Serrano ang tawag nito sa kanya sa buong buwan niya dito sa kompanya. "Yes sir?" "Eat with me." walang kangi-ngiti nitong sabi. "Ha? B-bakit?" "Hindi ka pa nag lunch, right? And you ordered too much kaya hindi ko mauubos." "Eh kasi sabi niyo good for two." agad niyang salungat. "Yeah. C'mon, eat with me. Don't worry, we are just going to eat. Unless you want to be eaten." ang huling sinabi nito ay hindi niya masyadong narinig dahil sobrang hina niyon. Imbis na magtanong ay iba ang sinabi niya. "B-busog pa ako.." sakto namang tumunog ang kanyang tiyan na dinig yata sa buong opisina. Gusto na niyang ipadyak ang paa dahil pahamak talaga tong tiyan niya! Sobrang sarap din kasi ng pagkain at amoy na amoy niya iyon. Kapag sa canteen siya kakain siguradong chicken sandwich at tubig lang ang magiging tanghalian niya dahil nagtitipid pa siya ngayon. Ang totoo ay namiss na niyang kumain ng pagkaing pangmayaman. "Sit there." tinuro nito ang kabilang couch paharap kung saan ito nakaupo. Kinuyom niya ang kamao at umupo sa harap nito. Napalunok si Valeria sa hiya pero lulunukin niya iyon ngayon. Makakatipid siya ngayon at masarap pa ang pagkain niya, choosy pa ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD