SIMULA nang magsabay sila ng lunch ng kanyang boss ay hindi na doon nagtatapos iyon. Tuwing lunch ay palaging good for two ang pinapa-order nito sa kanya at silang dalawang ang kumakain. Wala silang imikan at naiisip lang niya na baka gusto lang nito may kasamang kumain at silang dalawa lang dito kaya wala itong choice. Minsan ay nakikita niya parin ang paminsan-minsan nitong pagtitig sa kanya pero binabalewala iyon ni Valeria.
Ngayon nga at kakatapos lang niya sa mga task na gagawin at sumasakit ang kanyang leeg dahil kanina pa siya naka straight body habang walang tigil sa pagpindot ng keyboard ang mga daliri.
Bahagyang uminat si V sa kanyang swivel chair at hinilot ang leeg. Hinaplos niya ang batok pati na rin ang balikat at napaungol pa ng mahina dahil sa hatid niyong ginhawa. Hinilot pa niya ang leeg at napapikit ang mata. Nasa ganoon siyang posisyon ng may boses siyang narinig.
"What are you doing?" boses iyon ng kanyang boss habang nagsasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya.
Tumigil tuloy siya sa ginagawa at napaayos ng upo.
"M-masakit lang ang leeg ko." Nauutal niyang sagot. Hindi siya makatingin ng deretcho sa boss niya.
"You were moaning." sabi pa nito.
"W-wala, hinihilot ko nga yong leeg ko. M-may ipapagawa po ba kayo sir?"
"I have a meeting in 10 minutes. I need you to come with me." turan nito na umiwas ng tingin sa kanya.
Namumula ang mukha nito at hindi niya alam kung bakit.
"Okay po." Mabilis niyang dinampot ang recorder, notepad at bag niya sa mesa.
May mga pagkakataon talagang kailangan niyang sumama sa mga meeting nito dahil kailangan niyang e-take note ang mga napag-usapan sa meeting lalo na kung investor ang kausap nito. May ibang CEO na tig dalawa ang sekretarya para sa mga ganitong pagkakataon pero hindi niya alam kung bakit isa lang ang gusto ng boss niya. Hindi rin naman ito pala-utos pero may panahon na tinatambakan siya nito ng paper works.
Walang salitang tumalikod ang boss niya patungo sa elevator kaya sumunod lang si Valeria. Nang nasa loob na sila ay hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi siya mapakali. Ang hirap pala kapag sobrang liit ng distansya nila ng lalaki. Naamoy niya ang mabangong men's cologne nito at parang pumapasok iyon lahat sa kanyang ilong. Sobrang preskong din ng amoy pero hindi masakit sa ilong. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang elevator na parang lumilindol. Nanlaki ang mata niya sa takot at gulat lalo na nang biglang huminto iyon sa pagbaba at namatay ang ilaw!
"s**t!" narinig niyang mura ng katabi.
"Oh my God!"
Napatili si V ng wala sa oras at hindi alam kung saan kakapit. Umatras siya ng bahagya kaya bigla siyang nagulat sa matigas na bagay na kanyang nasandalan.
"I'm here, don't be afraid." Bulong ng kanyang boss na nasa kanyang likuran. Wala siyang idea kung paano ito nakarating agad sa likod niya pero dahil sa takot ay wala na siyang panahon pang isipin ang bagay na iyon.
Oh f**k! This is hot.."
"W-what?"
"I mean, it's getting hot. Ang init dito." sambit nito.
Boses lang ng boss niya ang naririnig ni Valeria dahil sobrang dilim. Feeling niya ay sobrang lapit lang ng mukha nito sa batok niya dahil nararamdaman niya ang init ng buga nito ng hininga doon.
Doon niya naramdaman na sobrang init nga. Pinapapawisan din siya sa noo at bahagyang nahihilo. Parang maubusan yata sila ng hangin kapag nagtagal pa ito.
"You can take off your clothes, I won't mind." Bigla nitong sabi kaya nalaglag ang panga niya. Medyo naramdaman din niya na lumayo ito ng bahagya.
"Ha? At bakit ako maghuhubad, Aber?" nasabi niya ng wala sa oras. Nakalimutan niya sandali kung sino ang kaharap.
"Para lang hindi ka mahilo..Hindi naman kita makikita kasi madilim." Baritonong boses nitong sabi.
Nakahinga naman siya ng maluwag sa narinig. At naisip na hindi nga naman siya nito nakikita unless may third eye ito sa dilim.
"Itong cardigan lang ang huhubarin ko." Sabi niya.
Hindi ito sumagot pero naramdaman niyang may ginagawa ito. Hindi niya ito pinansin at hinubad ang cardigan na suot at itinira ang ilalim na tube top na kulay puti. Nakasuot pala siya ng pencil skirt na hanggang tuhod kaya bahagya din niya iyong itinaas upang makahinga ang kanyang mga hita. Lahat yata ng parte ng katawan niya ay pinagpapawisan.
Naturingang malaking kompanya pero sira ang elevator!
"Hello? Fix this please. Right away." Narinig niyang sabi ng katabi. May kausap yata ito sa cellphone. Baka mga maintenance ng kompanya nito.
Pinapaypay niya ang palad sa mukha at pinahid ang pawis sa noo. Malapit na talaga siyang mahilo!
Sumandal siya sa dingding ng elevator at kumuha ng lakas doon. Wala siyang idea kung nasaang banda ang boss niya dahil hindi niya nga ito nakikita. Ilang sandali ang lumipas ng sa wakas ay bumalik ang ilaw at bahagyang gumalaw ang elevator, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng kumalat ang liwanag.
Ngunit imbis na matuwa ay napanganga si Valeria sa kasamang lalaki!
Wala kasi itong damit pang- itaas at slacks lang ang tanging suot sa baba. Kitang-kita ng dalawang mata niya kung gaano kaganda ang katawan ng isang Brad de Ocampo. Nakadagdag pa ang pawis sa dibdib ng lalaki na parang inaakit siyang haplusin ang mga iyon. Jusko! Those muscles, washboard abs at malapad na balikat.
Nag bukas-sara ang bibig ni Valeria at hindi alam kung paano iiwas ng tingin. Ngayon lang niya nasilayan ang buong tattoo nito sa kabilang braso. Ahas pala iyon na nakapalibot sa isang braso nito hanggang sa wrist. He looks like a f*****g duke of the other country who was ready to rule his palace! Hindi rin pala six packs ang abs nito kundi eight. Parang gusto tuloy niya iyon padaanan ng daliri at sundutin kung totoong matigas.
"Stop eye f*****g me, Ms. Serrano.. You don't know what you get yourself into." nagising ang diwa ni Valeria dahil sa boses na iyon.
Nanlaki ang kanyang mata ng marealized kung gaano siya katagal nakatitig sa katawan nito!
Agad siyang tumalikod at nagkunwaring inaayos ang mga dalang notepad sa bag kahit maayos naman ang lahat ng iyon.
"Down your skirt. Your panty are saying hello to my face." ulit nitong sabi kaya napatigil siya sa ginagawa. Parang nagtitimpi pa ang pagkakasabi ng lalaki.
Bwesit! Ilang kahihiyan ba ang gagawin niya ngayong araw?
Bakit niya nakalimutang nakataas pala ang kanyang palda kanina pa?
Namumula ang mukha na inayos niya ang palda at sinuot ang cardigan na hinubad niya kanina. Umaandar na ulit ang elevator at nagbibihis na din ang boss niya ng long sleeves nito ay coat.
Sinilip niya ng bahagya ang mukha ng lalaki at nakita niya itong nakakunot ang noo at nagsasalubong ang kilay. Parang galit na parang hindi maintindihan. Quits lang sila dahil pareho silang nakitaan! Panty lang naman ang nakita nito at hindi ang loob kaya kinumbinsi niya nalang ang sarili na okay lang iyon. Kahit hindi!
Hanggang makalabas sila ng elevator ay hindi na ito nagsasalita. Nakasunod lang siya sa lalaki hanggang sa baba at hanggang sumakay sila sa SUV nito. Magkatabi silang dalawa pero hindi talaga sila nag iimikan. May driver ang lalaki kaya pareho silang nasa backseat.
Kahit sa restaurant kung saan ginanap ang meeting ay sobrang strikto nito. Walang kangiti-ngiti at straight to the point lahat ng sinasabi kaya nakitaan niya ng takot ang investors. Naninibago nga siya dahil nawala ang pagiging playful nito. Kumbaga seryoso naman ang boss niya sa lahat ng meeting pero minsan ay nakikita niya itong ngumingiti. Pero ngayon ay hindi talaga at parang may iniisip itong napakalalim.
Minsan nahuhuli niya itong masama ang tingin sa kanya na parang may nagawa siyang pagkakamali pero hindi naman nito sinasabi. Hanggang sa makabalik sila sa opisina ay hindi nagbago ang hilatsa ng mukha ng boss niya. Dumeretcho din ito sa opisina at nagkulong doon kaya nagkibit lang ng balikat si Valeria at bumalik sa mesa niya para magtrabaho.