CHAPTER 5

1812 Words
Fifty thousand Pesos? Sinong boss ang mag s-send ng direkta sa kanyang empleyado ng ganitong halaga? Singkwenta mil iyon at para sa kanya na naghihirap na ay malaking halaga na. Maliban nalang kung may ibang rason pero wala siyang maisip. Hindi niya alam kung nag effort pa itong tingnan ang profile niya sa kompanya para lang malaman nito ang lahat ng detalye tungkol sa kanya. Pagtingin niya ulit sa oras ay mag aala -singko na. Hindi pa niya namalayang lumabas ang kanyang boss kaya malamang ay nasa loob pa ito ng opisina. Mabilis na tumayo si Valeria at walang katok na pumasok sa loob ng opisina nito. Nasa laptop ang tingin nito at bahagya lang umangat ang ulo nang pumasok siya. Nakataas ang kilay na parang sinasabing hindi naman siya nito pinahintulutang pumasok. "Bakit ka nag deposit ng pera sa account ko?" nagtataka niyang tanong. Umayos ito ng upo at walang anumang sumagot sa kanya. Humagod pa ang kamay sa medyo magulo nitong buhok na bumagay lang sa mukha nito. "You asked for a cash advanced, right?" "Pero hindi fifty thousand! Wala na akong sasahurin nito." kunot ang noo niyang sabi. Halos isang buwan na niyang sahod yon! "Then I won't deduct it on your salary." "Hindi naman pwede yon. Teka lang ha, gusto kong linawin ulit na nagt-trabaho ako ng maayos..What happened between us in the past was all in the past. Lahat ng perang makukuha ko sa kompanya mo ay paghihirapn at pag ta-trabahuan ko." Gusto din sana niyang sabihin na wala naman talaga silang past. Pero mukhang hindi yata nito matanggap na panty lang niya ang nakuha nito! "Right. You're my employee and I'm your boss. It is very clear to me, Ms.Serrano. So, please..I'm busy and you can't just walk into your boss's office without me calling your attention." nakataas ang kilay nitong turan. Medyo napahiya naman siya. Tama ito Hindi siya dapat basta nalang pumasok sa opisina ng CEO. At sobrang assuming siya sa part na binigyan siya nito ng pera dahil hindi pa ito nakakamove on sa panty niyang itim! Baka nga nasa basurahan na iyon ngayon. "Regarding the money. If you don't need that, I don't really care at all. But it didn't mean anything else, Just think about it as an advanced bunos." Bumalik ang tingin nito sa laptop na parang sinasabing pwede na siyang lumabas. "You can go home, It's five by the way." dagdag pa nito. Hindi na siya nakapagsalita dahil wala din siyang masabi. Nakalabas siya sa office na naguguluhan parin. Bunos? Eh ilang araw palang naman siyang nagta-trabaho! Hinamig nalang ni Valeria ang sarili at kinuha ang mga gamit niya sa ibabaw ng mesa. Sinukbit din niya ang bag sa balikat at siniguradong wala siyang naiwan. Nang nasa elevator na siya ay marami siyang kasabay pagdating sa ibang floor. Bahagya siyang umusog nang magsipasukan ang mga ito. Mga lalaki at babae na empleyado din ng kompanya. Ang mga babae ay parang mataray pa kung tumingin samantalang ang mga lalaki ay nakangiti. Nang sa wakas ay nasa ground floor na sila ay nakahinga siya ng maluwag. Kanina pa siya pagod at gusto na niyang makauwi agad. Halos isang buong araw ay nakaharap lang siya sa computer dahilan para sumakit ang likod niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang mama na nakahilata sa sofa nila. Sobrang laki ng kanilang bahay pero halos iyon nalang ang natira. Paano kasi halos binenta na ng mommy niya dahil nalulong ito sa alak at sugal noong iniwan sila ng ama. Siguradong lasing na naman ito dahil wala sa ayos ang paghiga at halos mahuhulog na sa sahig. Inayos nalang ni Valeria ang katawan nito at kumuha siya ng kumot sa taas para ikumot sa ina. The truth is, she misses her mom. Hindi naman talaga ito lasinggera dati. Sadyang nagbago ang lahat nang ipagpalit sila ng daddy niya sa mas bata na halos kaedaran lang niya. Na depress ito at kinalimutang may anak pa itong karamay. Pero dahil siya si Valeria. Lahat ng problemang dumaan sa buhay niya ay makakayanan niyang lagpasan. Tinatago niya sa biro lahat ng sakit ng dibdib. Ayaw niyang magmukhang kawawa dahil kaya naman niyang kumilos. Ilang sandali lang siyang nakatingin sa ina bago siya umakyat sa taas. Naligo siya at nagluto ng cup noddles. Wala siyang ganang kumain dahil sobrang inaantok na siya. Kinabukasan ay maaga ulit siyang pumasok sa trabaho. Habang nasa elevator ay may nakasabayan siyang lalaki. Medyo matangkad, chinito pero hindi kasing gwapo ng amo niya. At teka bakit ba nagkokompara siya? Charming ang ngiti ng lalaki na patungo din yata sa top floor dahil hindi ito huminto sa ibang department. "Ikaw ang bagong sekretarya ng CEO?" maya-maya lang ay tanong nito. "Oo, kakapasok ko lang noong Monday." maliit ang ngiti niyang sagot. "Oh, I see..I'm Allan, General manager." anito sa kanya na may kakaibang kislap ng ngiti. "Valeria." "A very alluring name." hindi nito itinago ang paghanga sa kanya kaya bahagya siyang napangiwi. "Salamat." maikling sagot ni V. Ayaw niyang mas humaba pa ang usapan kaya hindi na siya nagsalita. At kahit nasa unahan ang tingin ay ramdam niyang hindi nito inaalis ang titig sa kanya na parang ngayon lang ito nakakita ng magandang babae. Hello! Nakakapagod din maging sobrang maganda minsan noh. Hanggang sa makarating sila sa top floor at pinauna siya nitong pinalabas. Nagulat pa siya ng bumukas din ang kabilang elevator at lumabas doon ang kanyang boss. Agad na nahagip nito ng tingin ang kinatatayuan niya. Matikas at sobrang tangkad nito. He's well built and so damn oozing with karisma. Bagay na bagay ditong maging isang duke sa ibang bansa dahil sa klase ng tindig ng kanilang boss. No wonder sumama siya dito noon sa bar, sa lahat ng lalaki kasi na nandoon ay ito yata ang pinaka gwapo. Walang ekspresyon itong tumingin sa kanya pagkatapos ay lumipat sa lalaking nasa likod niya. "Good morning Mr. De Ocampo." anag lalaki nagngangalang Allan. "G-goodmorning po sir.." sabi din niya. Ngunit parang wala ito sa mood dahil hindi man lang sumagot, ni tumango. Dumeretcho lang ito ng pasok sa opisina at iniwan silang dalawa. Ngumiti ang general manager nang malamang wala sa mood ang amo nila. Mukha kasing galit at nakakatakot ang seryosong mukha nito. "I guess I should walk to the lion's dean now. Baka lalong magalit kapag natagalan tong proposal na pinapagawa niya." ani pa ni Allan sa kanya. Kita niya sa mukha nito ang pagkabahala. Sinong hindi? Brad De Ocampo has the deadliest eyes she met. Noon lang niya nakita na ganoon ito kaseryoso at nakakatakot pala pag ganon. Mas gugustuhin niya ang pagiging playful ng amo na hindi niya alam kung nagbibiro o hindi. Tumango lang siya at umupo sa kanyang table. Maayos naman iyon dahil inayos niya bago siya umalis. Nagsimula na siyang magtrabaho at nag alarm ng 9am. Kapag 9am kasi ay nagkakape ang boss niya. Tinatandaan niya lahat dahil ayaw niyang pumalpak. Nang lumabas si Allan ay nagtataka siya dahil mukha itong pinagsakluban ng langit at lupa. Ni Hindi siya nito pinansin at dere-deretcho lang sa elevator. Pagsapit ng 9am ay nagpunta siya sa pantry para itimpla ang boss niya ng kape. May pantry naman kasi dito kaya hindi na niya kailangan magtimpla doon sa loob ng office. Black coffee with one teaspoon of sugar. Agad niya iyong kinuha at kumatok sa pinto ng boss bago hinila iyon pagbukas. "Here's your coffee, sir.." aniya sa lalaking nasa harap ng mga binabasa g papeles. Hindi naman ito sumagot kaya nilapag lang niya iyon ng dahan-dahan sa mesa. Akmang tatalikod na siya ng bigla itong magsalita. "Ms. Seranno?" "Yes sir?" maayos siyang humarap at tumingin sa mga mata nito kahit nakakapnanginig iyon ng tuhod. "You looked cute with your dress." anito sa seryosong tono kaya hindi siya kombinsido na totoo ang sinasabi nito at dahil hindi rin halata sa mukha. "Cute is for kitten po sir. I'm sexy and beautiful." kumpyansang sagot niya. Syempre hindi siya papayag na cute lang no! Nakita niya ang amusement sa mata ng boss niya. Medyo may pagtataka sa isip niya dahil himalang nagustuhan nito ang kanyang suot. Sabagay isang simpleng dress na hanggang tuhod ang damit niya pero sobrang fit sa bewang at pinarisan niya ng wedge sandal para mataas parin tingnan She still looks classy dahil yon talaga ang nakasanayan niyang aura. Tumaas ng bahagya ang sulok ng labi nito at dinampot ang tasa ng kape. Humigop ito doon habang hindi parin inaalis ang tingin sa kanya. "Yon lang po ba sir?" Aniya dahil hindi na kayang tagalan ni Valeria ang mapanuring tingin nito. "Yes. And kapag may naghahanap sakin, tell them that I'm busy. Huwag mong papasukin kahit sino." saad nito bago ibinalik ang tingin sa mga papel. "Noted, Sir." tugon niya bago lumabas ng opisina nito. Hindi nagbilang ng ilang oras ay may tao ngang dumating. Hindi lang basta tao, babae, sobrang sexy'ng babae na gusto yatang ipakita ang buong katawan sa madla dahil halos kinulang sa tela ang suot. Tumaas ang kilay niya at tiningnan ito. "Is your boss here?" mataray pa nitong tanong. "Yes, but he is very busy at the moment, ma'am." pormal niyang sambit. "I don't care. Just tell him that his girlfriend is here. I'm sure he would love to see me right now." mataray parin nitong sambit kaya malapit na siyang mainis. Huminga siya ng malalim.. "Anong pangalan mo ma'am?" "Daisy." Nagpipindot siya sa intercom at ilang sandali lang ay meron agad sumagot. "Sir, may babae pong naghahanap sa inyo. Daisy daw ho ang pangalan. Girlfriend nyo daw." nakataas ang kilay niya habang sinasabi iyon. Syempre kailangan niyang itanong baka masesante siya bigla kung totoong nobya siya ng amo. Pero duda siya dahil sa mukha ng CEO nila malamang sa malamang hindi iyon nagseseryoso ng babae! "What? Daisy? I don't remember that name. And didn't I told you to not accept any visitor?" masungit pa nitong sagot. "Girlfriend nyo daw ho eh." "I don't do girlfriend, Ms. Serrano. And please don't entertain unimportant person. " yon lang ang sinabi nito bago siya p*****n ng tawag. Muntik na siyang mapanganga sa ginawa nito. Umikot ang kanyang mata at humarap sa babaeng bago na nakatayo sa harapan niya. "Can I go inside now? I'm not fond of waiting!" "Ma'am, ang sabi ng boss ko wala daw ho siyang girlfriend at hindi talaga siya tumatanggap ng bisita ngayon." mahinahon parin niyang turan kahit ang totoo ay gusto na niya itong sigawan. "What!? We just f****d last night!" she vulgarly said to her making her cringed. "Umalis nalang kayo ma'am dahil wala kayong mapapala sa kanya. Fuckboy ang boss ko na iyon at malamang lima kayo kagabi na kinama niya kaya nakalimutan niya amg pangalan mo." hindi na napigilang sabihin ni V dahil sa inis. Sa narinig ay suminghap ang babae. "That bastard!" malakas nitong sambit bago nagmartsa paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD