CHAPTER 8

2077 Words
I LET out a deep sigh in the air as I stood beside of the bed. Kanina pa ako hindi mapakali at hindi malaman kung ano ang gagawin. Kanina pa ako natapos maligo. Nagbihis na rin ako. Dahil wala naman akong damit doon, kung ano na lamang ang nakita ko sa closet na naroon ay iyon na ang kinuha ko at ipinangpalit sa damit ko na sobrang kati na sa katawan ko. Isang sky blue long sleeve polo ang naroon na kinuha ko at itim na boxer short. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba niyon. Hindi ko alam kung kay Hideo ba iyon o kung kanino, basta isinuot ko nalang habang pinapatuyo ko pa ang damit ko. “God! How can i escape from this place? Gusto ko na pong makauwi sa amin. Gusto ko ng makasama si Papa. I promise po... I will no longer disobey my Papa. Just allow me... to escape from this place.” Maluha-luhang sambit ko pa habang magkasalikop ang mga palad ko. Muli akong humugot ng malalim na paghinga, saglit ko iyong inipon sa dibdib ko bago malakas na pinakawalan sa ere. Mayamaya ay nakarinig ako katok mula sa labas ng pinto ng kuwarto pagkuwa’y bumukas iyon. “Ysolde,” Pumasok ang babae. She’s... Jule? Iyon ang sinabi ni Hideo kanina na pangalan daw nito. “Naghihintay sa ’yo si boss sa ibaba.” Anito. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling iyon. Nakatitig ako ng mataman sa mga mata niya. Ilang saglit lang ay bigla kong naramdaman ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at pinunasan ang mga luha kong naglandas na sa mga pisngi ko. “Huwag ka ng umiyak, Ysolde. Wala ka rin namang magagawa e!” “Bakit n’yo ako dinala rito? A-ano ba ang kasalanan ko para kidnap-in n’yo ako?” tanong ko. Ito naman ang nagpakawala ng malalim na paghinga at sumandal sa hamba ng pintuan. Nagkibit pa ito ng mga balikat. “Well, to be honest... hindi ko rin alam na may dinukot si boss at dinala rito sa Isla. Nalaman ko lang nang dumating ako kaninang madaling araw at hinabilin ka niya sa akin.” “You’re a liar!” “Kung iyon ang paniniwalaan mo. Wala rin akong magagawa roon.” Anito. Napailing na lamang ako pagkuwa’y napaupo sa gilid ng kama. “I wanna go home! Gusto ko ng umuwi.” “Look, kahit ano pa man ang gawin mo... hindi ka na makakatakas dito. Kaya kung ako sa ’yo maging mabait at masunurin ka nalang kay boss.” Jesus! Anong klaseng tao ba ang mga ito? Bakit nila naaatim na mandukot at pumatay? At itong babae na ito... she’s a woman pero bakit ganitong klase ang trabaho nito? Hindi ba siya naaawa sa ’kin? Sa kalagayan ko rito? “Tumigil ka na kakaiyak diyan. Lumabas ka na kung ayaw mong si boss mismo ang pumunta rito para kaladkarin ka palabas ng kuwartong ito.” Muli akong napatingin sa kaniya nang marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi naman na siya ulit nagsalita pa, sa halip ay lumabas na ng kuwarto. “There is nothing you can do Ysolde. This is really your life. Wala ka nga atang pag-asa na makakalabas pa ng buhay sa lugar na ito.” Saad ko sa sarili nang muli akong tumayo sa aking puwesto. Kahit labag man sa aking loob at nanghihina pa rin ang mga tuhod ko, wala na akong nagawa kundi ang humakbang palabas ng kuwartong iyon. Hanggang sa marating ko ang puno ng mataas na hagdan. Naroon pa man ako sa itaas ay kitang-kita ko na sa sala ang mga tauhan ni Hideo na naroon at nagbabantay. Nakatingin pa sa akin ang mga ito. Nang igala ko ang paningin ko, nakita ko naman si Hideo na naroon sa Lanai at may kausap na naman sa cellphone niya. Nang tumingin siya sa direksyon ko, pinatay na nito ang tawag at naglakad na papasok. “Come here!” Maotoridad ang boses niya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang bumaba sa mataas na hagdan. Hanggang sa naroon na ako sa harapan niya. “What are you wearing?” Seryosong tanong niya at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “U-um... I... I don’t have any clothes here.” Sagot ko naman pero hindi makatingin sa mga mata niya. I heard him let out a deep sigh. Mayamaya ay hinawakan niya ang kamay ko. Gulat man ako dahil sa ginawa niya, wala na rin akong nagawa nang hilahin na niya ako palabas ng bahay. Halos mapamangha pa ako nang makita ko ang buong paligid ng lugar. Iyon kasi ang unang beses na nakalabas ako roon na may liwanag pa kaya kitang-kita ko ang magandang paligid ng Isla. Puro puting buhangin ang nakikita ko sa buong dalampasigan. Matataas na puno ng mga niyog at iba-ibang klaseng kahoy ang naroon sa itaas ng Isla. Nag-iisa nga lang talaga ang bahay doon. Sa ’di kalayuan naman mula sa bahay ni Hideo ay may nakita akong paliparan doon at isang Helicopter. Iyon siguro ang ginagamit niya kapag umaalis siya ng Isla. At tama nga ang sinabi niya sa akin kagabi... I could never escape that Island because all I could see was the sea. Wala manlang ako makitang karatig na Isla roon. “Let’s go!” Nabalik ang atensyon ko kay Hideo nang marinig ko ang boses niya. Napatingin ako sa seryoso niyang mukha. “W-where are you taking me?” nauutal na tanong ko sa kaniya at sinubukan ko pang bawiin ang kamay ko na hawak-hawak pa rin niya. But he did not answer my question. Sa halip ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at hinila akong muli. Hindi na ako nakaangal pa. Hanggang sa makalapit kami sa kinaroroonan ng Helicopter. Saglit siyang may kinausap na lalaki bago ito tumakbo palayo sa amin. “S-sasakay ako riyan?” tanong ko. “Don’t tell me you’re afraid to ride the Helicopter?” Wala sa sariling napalunok ako ng aking laway. God! Ilang beses na akong nakasakay ng Eroplano papunta sa ibang bansa, pero aaminin kong takot ako sumakay sa mga panghimpapawid na sasakyan. I have fear of heights kaya ganoon. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Come on Ysolde!” Muli niya akong hinila sa kamay. “No! T-takot akong sumakay diyan!” saad ko sa kaniya. “Are you kidding me?” Nang mag-angat ako ng mukha ay kitang-kita ko ang magkasalubong niyang mga kilay. Ang seryoso niyang mukha habang nakatitig sa akin. “T-takot akong s-sumakay diyan.” Muling saad ko sa kaniya. “Boss, nakahanda na po!” Napatingin ako sa tauhan niya na lumapit sa amin. Nag-umpisa na ring umandar ang Helicopter. Bago pa man tangayin ng malakas na hangin ang laylayan ng long sleeve polo na suot ko ay mabilis ko nang nahawakan iyon. Althought may suot naman akong itim na boxer short. “Let’s go!” “Hideo—” nahigit ko ang kamay ko na hawak-hawak niya. Seryosong tingin naman ang ipinukol niya sa akin. “Come on Ysolde, male-late na ako sa pupuntahan ko.” “Pero—” Nang muli niyang hilahin ang kamay ko, wala na akong nagawa. Lalo na nang hawakan niya ang ulo ko at bahagyang pinayuko nang nasa malapit na kami sa may Helicopter niya. Inalalayan niya akong makasakay doon. Nang nasa loob na kami, labis-labis ang kaba sa dibdib ko. Parang hindi ata ako mapapakali sa puwesto ko ngayon. Parang gusto kong bumaba at tumakbo nalang pabalik sa bahay niya. Walang paalam at isinuot naman niya sa akin ang Headset. “Hideo—” “Don’t be scared... my Helicopter is safe.” Iyon ang narinig ko mula sa Headset na isinuot niya sa akin. Nang lingunin ko siya, ibang-iba ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Para bang kay amo niya at hindi siya mamamatay tao. Hindi siya kidnaper. I can see in his eyes na para bang sinasabi niya na huwag akong matakot dahil kasama ko naman siya at siya ang bahala sa akin. Mayamaya ay sumakay na rin ang isang lalaki. Iyon na ang Pilot niya. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na rin na unti-unti ng umaangat sa lupa ang sasakyan na iyon. Dahil sa matinding kaba na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling iyon, napahawak ako sa kamay ni Hideo. Naramdaman ko rin ang paghawak niya sa palad ko. Hanggang sa ipinagsalikop niya ang mga palad naming dalawa. “Lord! Please I don’t wanna die. Gusto ko pang makita si Papa.” Tanging nasambit ko. “Open your eyes, Ysolde!” Umiling-iling ako ng sunod-sunod nang marinig ko ulit na nagsalita ang lalaking katabi ko. “Come on, maganda ang view. I know you gonna love it.” Ramdam ko ang masuyong pagpisil niya sa palad ko. Humugot ako ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Mayamaya ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nasa itaas na nga ang Helicopter. Mula sa bintanang nasa tabi ko, kitang-kita ko na ang magandang view ng Isla mula sa itaas. Makapigil hininga ang ganda. Ewan, lahat ng kaba at takot na nararamdaman ng puso ko ay tila biglang naglaho dahil sa nakikita ko ngayon. Bigla ring sumilay ang ngiti sa mga labi ko. “You like it?” Hindi ko siya nilingon, hindi ko siya sinagot. Basta nakangiti lamang ako na pinagmamasdan ang kulay asul at malawak na dagat. Maging ang puting buhangin sa dalampasigan. Ang kulay green na bundok ng Isla. Parang biglang naglaho ang takot ko sa heights dahil sa magandang view na iyon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ako, tahimik lamang na inaliw ang sarili ko buong biyahe habang nakatingin sa labas ng bintana. Mayamaya ay narinig ko ang Pilot na nagsalita. Napatingin ako sa unahan ng Helicopter. Ilang saglit lang ay lumapag iyon sa hilipad ng mataas na building. “Let’s go!” Doon lamang ako napalingon kay Hideo nang bumukas ang pinto na nasa tabi nito. Inilahad pa niya ang kamay sa akin upang muling alalayan na makababa roon. Sa klase at seryosong tingin niya sa akin, wala akong nagagawa kundi ang sumunod sa mga sinasabi niya. “Good afternoon señorito!” Bati sa kaniya nang mga empleyado ng building na nakakasalubong namin nang makababa na kami sa rooftop niyon. Hindi siya sumasagot, sa halip ay isang seryosong mukha lamang ang ibinibigay niya sa mga empleyado. Hila-hila niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang Boutique. “Hi babe!” Anang babae na kaagad sumalubong sa amin pagkapasok doon. Humalik pa ito sa magkabilang pisngi ni Hideo. Nang tapunan ako nito ng tingin, tumaas agad ang isang kilay nito. Tila nagtatanong kung sino ako at kung bakit kasama ako ni Hideo at hawak pa nito ang kamay ko. Hindi naman ako nagpatalo sa kaniya. Tinaasan ko rin siya ng kilay. “Sam, ikaw na ang bahala kay Ysolde. Iiwan ko siya rito ng isang oras. Pagbalik ko, dapat ay tapos na siya.” “Okay! Ako na ang bahala sa kaniya!” Binitawan naman ni Hideo ang kamay ko nang humarap siya sa akin. Seryoso pa rin ang mukha. “Kung may balak kang takasan ako ngayon... huwag mo ng gawin,” anito at iginala ang paningin sa buong paligid. “Lahat ng sulok sa building na ito, may bantay ako. Huwag kang mag tangkang humingi ng tulong dahil walang tutulong sa ’yo rito. Be good girl Ysolde, para matuwa naman ako sa ’yo.” Halos pabulong na saad niya sa akin habang hindi pa rin nagbabago ang seryosong hitsura niya. Tiim-bagang lamang akong nakatitig sa mga mata niyang puno ng kakaibang emosyon. Emosyon na hindi ko maipaliwanag. Basta, nakakatakot siya. “Isang pagkakamali lang ang gawin mo ngayon habang wala ako... I swear to you, ako mismo ang papatay sa ’yo. Do you understand me?” Ang takot at kaba sa dibdib ko na saglit na nawala kanina ay muling nabuhay dahil sa mga sinabi niya ngayon sa akin. “Do you understand me, baby?” “Y-yes!” takot at nauutal na sagot ko sa kaniya. “Good!” anito. Umangat ang kamay niya at masuyong hinaplos ang pisngi ko. “I’ll be back in one hour.” Saad pa niya bago tumalikod at iniwan na nga ako roon maging ang limang tauhan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD