RAMDAM ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko at bahagya akong inilayo sa kaniya. My whole body was still shaking dahil sa labis na takot na naramdaman ko kanina.
“Hey! That’s okay. You’re safe now.”
Saad sa akin ni Hideo. Hindi ko pa magawang mag-angat ng mukha. Why? Dahil bukod sa natatakot akong salubungin ang mga mata niya ay nahihiya rin ako sa kaniya dahil sa pagyakap ko sa kaniya ng pabigla-bigla.
“Go on... you can take a bath para makapagbihis ka na rin.”
Doon lamang ako nag-angat ng mukha ko at tiningnan siya. Ewan kung tama ang nakita kong emosyon sa mga mata niya nang titigan niya ako saglit bago siya mabilis na nag-iwas ng tingin sa ’kin. Parang... nakita ko na naawa siya sa akin dahil sa nangyari kanina. I’m not sure. O baka guni-guni ko lamang iyon.
Dahil hindi agad ako nag-iwas ng tingin sa kaniya, kitang-kita ko rin ang pag-igting ng kaniyang panga.
“Um, go on! Take a shower!” kaagad siyang tumalikod at naglakad na upang lumabas sa kuwarto na ’yon.
“H-hideo,”
I called his name when he was about to open the door. Huminto naman siya... pero hindi lumingon sa ’kin. Ilang saglit akong naghintay na pumihit siya paharap sa ’kin—pero hindi niya ginawa iyon.
I let out another deep sigh again. “T-thank you!” saad ko na naluluha pa.
“Take a shower, Ysolde!”
Iyon lamang ang sinabi niya at lumabas na siya ng silid nang mabuksan na niya ang pinto. Naiwan na akong mag-isa roon.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at muling humugot ng napakalalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Nakaupo na ako sa gilid ng kama pero ganoon pa rin ang pakiramdam ng buong katawan ko. Nanginginig pa rin ako sa takot. Nangingilabot pa rin ako dahil sa ginawa ng lalaking iyon sa akin kanina. Mayamaya lamang ay bigla akong napatingin sa nakabukas na bintana nang marinig ko ang malakas na putok ng baril. Kahit nanghihina pa man ang aking mga tuhod, naglakas loob akong tumayo sa puwesto ko at nagmamadaling lumapit sa bintana upang silipin kung ano ang nangyayari sa labas ng bahay at kung bakit may nagpaputok ng baril.
“Boss! P-pasensya na po kayo!”
Anang lalaki habang nakasalikop ang mga palad nito at nakaluhod sa buhanginan.
Muling umigting ang panga ni Hideo habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa tauhan nito. Mayamaya ay humigpit ang pagkakahawak nito sa baril at itinutok iyon sa lalaki.
“Boss! Parang awa mo na! Huwag po!” sigaw ng lalaki habang nagmamakaawa ng paulit-ulit sa boss nito. “Huwag mo po akong papatayin boss! Parang awa mo na!”
“Alam mo kung ano ang pinakaayoko sa lahat...” mariing saad ni Hideo. “...pinakaayoko sa lahat ay ang ginagago at tinatryador ako.”
Muli nitong kinalabit ang gatilyo ng baril. Tumama ang bala niyon sa kahoy na naroon sa likod ng lalaki.
“H-hindi na po mauulit boss! H-hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kaya pinuntahan ko sa silid niya ang babae—”
“f**k!”
Muling kinalabit ni Hideo ang gatilyo ng baril... pero sa pagkakataon iyon, sa ulo mismo ng lalaki tumama ang bala niyon. Bumulagta sa buhanginan ang katawan ng lalaki.
Nanlalaki ang mga mata kong napasinghap sa hangin nang makita ko ang pagbaril ni Hideo sa lalaking muntikan ng gumahasa sa akin kanina. Tigagal ako at parang hindi ako makakilos sa puwesto ko. Diyos na mahabagin! Sa buong buhay ko... ngayon lamang ako nakasaksi ng ganoong pangyayari. Hindi man sa harapan ko, pero kitang-kita ko kung paano patayin ni Hideo ang lalaking iyon.
Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko kasabay ng pag-atras ko nang makita kong napatingin si Hideo sa direksyon ko. He saw me. He saw me there at the window and I witnessed what he did. He’s a criminal. Who are you Hideo? Why is it so easy for you to kill someone?
HINDI KO alam kung ilang oras na akong nakababad sa bathtub. Kanina pa ako roon at parang walang balak na umahon para magbanlaw at magbihis. Napagod na ako kakakiskis sa braso, katawan at hita ko dahil pakiramdam ko naaamoy ko pa rin ang baho no’ng lalaking nagtangka na gahasain ako kanina. Although, he’s already dead, pero nangingilabot pa rin ako.
“Ysolde!”
Naagaw lamang ang atensyon ko nang mula sa labas ng pinto ng banyo ay narinig ko ang katok at boses ng babaeng nagpunta kanina sa silid para pakainin ako.
“Ysolde, hindi ka pa ba tapos? Kanina pa naghihintay si boss sa ’yo.”
Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi ng babae. Ako? Hinihintay ng Hideo na ’yon? Bakit? Para ako naman ang isunod niyang patayin kasi nasaksihan ko ang ginawa niyang krimin kanina? Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa takot. Jesus! Ano po ba talaga itong napasok kong buhay ngayon? Bakit po kailangan kong pagdaanan ang mga ito ngayon? Hindi po ba puwedeng makauwi nalang ako sa Papa ko? I want to go home! Natatakot na ako rito.
“Ysolde!”
Muli akong napatitig sa nakalock na pinto ng banyo. Parang pakiramdam ko masisira ata ang doorknob dahil sa paulit-ulit na pagpihit ng babaeng iyon muna sa labas.
Pero wala akong pakialam. Hindi ako tatayo sa Bathtub para lang pagbuksan siya. Sa halip ay ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na lamang na mag-ingay siya sa labas. Hanggang sa tumigil naman siya at mukhang napagod na rin dahil biglang nanahimik sa labas ng banyo. Pero mayamaya, makaraan lang ang ilang minuto, bigla akong napamulat at gulat na napatingin sa kumalabog na pintuan. Nasira iyon. Nakita ko naman si Hideo na magkasalubong ang mga kilay at halatang galit na galit habang nakatayo sa gitna ng nasira na pintuan.
“What are you doing?” tanong niya sa akin.
Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling iyon. Wala akong suot ni isang damit o saplot sa katawan ko. Nakalublob lamang sa tubig ang hubad kong katawan.
“W-what...” hindi ko pa masabi ang gusto kong sabihin dahil sa pangangatal ng bibig ko.
“Damn it Ysolde! Bakit hindi ka sumasagot? Kanina ka pa tinatawag ni Jule.” Galit na saad nito.
“I... I... I did not hear her. N-naka idlip na pala ako rito.” Pagdadahilan ko nalang sa kaniya. Nakakatakot ang hitsura niya. Kung sasabihin ko sa kaniya na wala akong pakialam kung tinatawag man ako no’ng Jule na iyon kanina... baka bigla na lamang niya akong sampigain. “I-I’m sorry.” Saad ko pa.
Mas lalong umigting ang panga niya at inilang hakbang lamang ang pagitan namin. Dahil sa pagkataranta ko na baka makita niya ang hubad kong katawan, mas lalo kong inilubog sa tubig ang katawan ko.
“W-what are you doing? I‘m naked—”
“The hell I care.”
Galit na saad niya at marahas na kinuha ang kamay ko na nakalubog sa mabulang tubig. Walang kahirap-hirap ay hinablot niya ang kamay ko at napatayo ako sa bathtub. Kitang-kita ko ang mga mata niyang napatitig sa hubad kong katawan.
Nanlalaki naman ang mga mata ko at mabilis na hinablot din ang kamay ko na hawak-hawak niya. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko upang matakpan ang kahubdan ko. Ipinangtakip ko sa dibdib ko ang isang braso ko habang nasa pagitan naman ng hita ko ang isang palad ko.
“Ahhh! Bastos! Bastos!” malakas na sigaw ko at itinulak ko siya. Pero ang damuho hindi manlang natinag sa kaniyang puwesto at hindi manlang inalis ang paningin sa ’kin. “Ahhh!” nagkukumahog akong bumalik at inilubog sa tubig ang katawan ko. “Bastos!” Alam ko at sigurado akong pulang-pula na ngayon ang buong mukha ko dahil sa pagkapahiya ko, dahil nakita niya ang buong katawan ko. God! Sa buong buhay ko, ako pa lamang ang nakakakita sa buong katawan ko. Tapos ngayon... itong lalaking ito ganoon ganoon lamang ang gagawin nito? “Ahhh!” muling sigaw ko. Halos maiyak na ako dahil sa ginawa ng Hideo na ito. “Papa! Please help me!”
“Shut up Ysolde!”
“Ahhh!”
“I said shut up if you don’t want me to undress here in front of you and join you there in the bathtub.”
Bigla naman akong natigilan nang marinig ko ang sinabi niya. Napatitig ako sa mukha niyang seryoso habang nakatitig din sa akin. Walang-hiya talaga ang Hideo na ito! Kriminal na nga bastos pa!
Mayamaya ay biglang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ano bang buhay mayroon ako ngayon? Simula nang dukutin ako ng lalaking ito, puro na lamang problema ang nangyayari sa ’kin.
“Stop crying—”
“Then let me go home!” umiiyak na sigaw ko sa kaniya. “Let me go home please! I wanna go home. Ayoko na rito. Gusto ko ng umuwi at makasama si Papa.”
Ngunit isang matalim na tingin lamang ang ibinigay niya sa akin.
“P-please Hideo! I wanna go home!” hilam ng luha, ngunit malamlam ang mga mata ko na tumitig sa kaniya. “P-please! Let me go home! I missed my Papa so much!”
Umigting ang panga niya. “I already told you Ysolde... ito na ang magiging tirahan mo kaya sanayin mo na ang sarili mo na nandito ka. Kasama ako.” Mariing saad niya at tumalikod.
Pero hindi pa man niya nararating ang pintuan na winasak niya kanina, muli siyang pumihit paharap sa akin.
“Tapusin mo na ang pagpaligo mo at magbihis ka na. I will wait for you down stairs.” Iyon lamang at lumabas na siya ng tuluyan sa banyo at naiwan na akong mag-isa roon.