CHAPTER 9

2005 Words
HINDI ako sigurado kung may isang oras na ba simula nang iwanan ako ni Hideo sa Boutique na iyon kasama ang maarteng babae na ito. Ang limang body guards niya ay nakasunod naman sa lahat ng galaw at kilos ko. Halos nalibot na rin namin ang buong Shop na iyon. Wala akong ibang ginawa kundi ang maglakad at sumunod lamang sa Sam na ito. Kanina ay sinabihan niya ako na mamili at kumuha raw ako ng mga damit at mga gamit na gusto ko, kasi iyon daw ang utos ni Hideo, pero hindi ko naman sinunod iyon. Kumuha lamang ako ng ilang paris na damit, mga undergarments at pantulog ko. Iyon lamang at wala ng iba. Iyon lang naman ang mas kailangan ko e! Bakit pa ako kukuha ng mga mamahaling damit at gamit doon, e hindi ko naman iyon magagamit? Nakakulong lang naman ako sa bahay niya. Para saan pa at kukuha ako ng mga magagandang damit? Pero nagpumilit naman si Sam. Ang sabi nito sa akin, siya raw ang pagagalitan ni Hideo kung hindi ko susundin ang mga sinabi nito. Kaya hayon, wala na rin akong nagawa nang ito na mismo ang mamili ng damit para sa akin. “Come here, Ysolde!” Tawag nito sa akin nang maglakad na ito palapit sa shelves ng mga heels at sandals. “You choose!” Bahagya naman akong natawa ng pagak nang tumitig ako sa kaniya. “Are you kidding me?” tanong ko. “Why do I even need to choose heels? E, wala naman akong paggagamitan diyan. Nakakulong lang naman ako sa bahay ng Hideo na ’yon.” Asik ko sa kaniya. I could clearly see her letting out a deep sigh as she turns her back on me. “You don’t know Hideo. And I’m sure... hindi mo gugustohing magalit siya ng tuluyan sa ’yo.” Anito. Nangunot naman ang noo ko habang nakatitig pa rin sa direksyon nito. Mayamaya ay nagsimula na rin itong kumuha ng ilang paris ng heels at flat shoes. “Come, try these on.” Bumuntong-hininga na lamang din ako at naglakad na palapit sa upuang naroon sa gilid. Pagkaupo ko roon ay ’tsaka naman ibinigay sa akin ni Sam ang heels at flat shoes. I don’t have any choice kundi isukat nga ang mga iyon. Oh God! I really love shopping. Laman ako lagi ng Malls at mga Boutique noon pa man. Kami lagi ni Shiloh ang magkasama para mag shopping. I love collecting new dresses, bags, shoes, heels and etc. And I would be happy now to buy clothes, shoes and everything... if my situation was not like this. Pero isa akong preso, isa akong bihag ni Hideo. Paano ako magiging masaya ngayon? “This suits you!” Ibinigay sa akin ni Sam ang isang Black High Heels na may taas na four inches. And yeah... I love it. Hindi ko pa man naisusukat iyon, pero gustong-gusto ko na iyon. Hindi ko agad iyon kinuha mula sa kamay niya, sa halip ay tiningnan ko siya ng seryoso. “What? Hindi mo ba gusto?” tanong nito. “You can choose whatever you want.” Itiniro pa nito ang ibang mga shelves na naroon na puno rin ng mga mamahaling heels na naka-display. “T-that’s okay!” saad ko at kinuha ang heels na hawak niya. Isinukat ko nga iyon. And the size is fit. Kasyang-kasya sa ’kin. Ilang paris pa ng heels o tacones ang ibinigay sa akin ni Sam. Lahat ng mga isinukat ko ay itinabi nito at isinilid naman sa paper bag ng dalawang sales lady na naroon. Aangal na sana ako kasi hindi ko naman gusto na kunin ang mga ’yon... hindi ko kailangan ang mga iyon, pero inunahan na ako ni Sam. “Just keep it kung hindi mo isusuot. Ayoko lang na suwayin ang utos ni Hideo sa ’kin.” Saad nito at tumalikod muli at iniwan ako roon. Napapabuntong-hininga na lamang ako ulit ’tsaka tumayo na sa puwesto ko. Sakto namang pagkatingin ko sa entrance ng Boutique na iyon ay nakita kong padating si Hideo. God! Bakit sa hitsura niya ngayon... parang biglang nag-iba ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad palapit sa direksyon ko? He’s wearing black long sleeve polo paired with black pants and black leather shoes. May balbas at bigote man sa mukha, pero hindi maikakailang maganda ang hitsura niya. He’s so handsome. Ang guwapo ng mukha niya na hindi nakakasawang tingnan o titigan. Para siyang isa sa mga Greek Goddess. Parang ang bait-bait niya ring tingnan. Para bang hindi siya mamamatay tao at kidnaper. He looks perfect. Kung sana hindi niya ako dinukot at hindi ko alam na pumapatay siya ng tao, iisipin kong perfect Prince Charming si Hideo. But hell no, he’s not. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo dahil sa naglalaro ngayon sa isipan ko. It’s not right. Mali na purihin ko ang lalaking ito. Demonyo siya! He’s a demon. “Are you done?” Tanong niya nang makalapit na siya sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Babe,” I heard Sam calling him. Nang makita kong lumapit siya sa babae, ’tsaka naman ako naglakad palayo sa kanila. Nakasunod pa rin sa akin ang limang body guards. Palihim kong tinatapunan ng tingin ang dalawa habang inililibot ko ang paningin ko sa buong Boutique. Nang matapos silang mag-usap, nagmamadali namang naglakad si Hideo palapit sa akin. “Let’s go!” Bigla akong napasunod sa kaniya nang walang paalam na hinawakan niya ang kamay ko. Para akong ewan at nagpapatianod lamang sa kaniya. Hanggang sa makarating ulit kami sa rooftop ng building na iyon. Muli niya akong inalalayan na makasakay sa Helicopter. Tahimik lamang ako sa puwesto ko nang lumipad ulit iyon pabalik na ng Isla. Pagdating sa bahay niya, nasa sala pa lamang kami ay kaagad na sumalubong sa amin si Jule, may kasama itong isang lalaki na parang hindi rin nalalayo ang edad kay Hideo. May hitsura rin. Malinis ang mukha, pero may mga tattoo rin sa braso. “So, siya pala ang sinasabi ni Julemie na bihag mo boss?” nakangiting saad ng lalaki habang sinusuyod ako nito ng tingin. “What are you doing here Cloud? Tapos na ba ang trabaho mo?” Sa halip ay dinig kong tanong ni Hideo sa lalaki na tinawag niyang Cloud. Sumeryoso naman ang mukha ng lalaki nang tumingin ito kay Hideo. “Can we talk? Medyo may problema lang sa isang transaction ko.” Nang tapunan ko ng tingin si Hideo, kitang-kita ko kung paano ito nagtiim-bagang. Kung paano umigting ang kaniyang panga. Nagpakawala rin ito ng malalim na buntong-hininga. “Go up stairs!” Maotoridad na utos niya sa akin ’tsaka binitawan ang kamay kong hawak-hawak niya. Walang imik, humakbang na ako paakyat sa mataas na hagdan. Nagdahan-dahan pa ako. “Na trace ng kalaban natin ang isang transaction kahapon.” “What?” “Mga armas iyon na bagong dating galing Italy. Hindi agad nakapagpadala ng tip sa amin ang isang tauhan natin na nakabantay sa pier.” “Damn it!” Dinig na dinig ko ang usapan nila bago pa man ako makarating sa itaas ng hagdan. Oh God! Tama nga ang hula ko. Sangkot si Hideo sa mga Illegal na gawain. Kaya hindi na nakakapagtaka na kaya nga nitong pumatay ng kapwa ng ganoon ganoon lang kadali. “Ang mga epektos?” “Okay na ’yon! Nakuha ko na rin ang bayad ni Mr. Yen!” Kunot ang noo ko at saglit na nilingon si Hideo. Saktong nag-angat din naman ito ng mukha at nahuli akong nakatingin sa kaniya. Sa klase ng hitsura nito ngayon, sa nakakatakot nitong mga mata... kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagmamadali nang humakbang upang tunguhin ang silid na pinagdalhan niya sa akin kagabi. Doon ako ulit pumasok. WALANG TV, walang orasan... tanging mga magazine at libro lamang ang naroon sa loob ng silid na iyon. Kaya hindi ko matukoy kung anong oras na ba. Basta pagkagat ng dilim sa labas ng bintana, alam ko gabi na. Hindi ko rin alam kung ilang oras na akong nakaupo lamang sa sofa at nakatanaw sa labas ng bintana. Kanina pa ako nakapasok sa silid na iyon. Nagugutom na rin ako, pero wala naman akong ibang magawa kundi ang umupo at tumunganga lamang doon habang malayo ang lipad ng isipan ko. Mayamaya ay niyakap ko ang mga tuhod ko nang mula sa nakabukas na pinto ng bintana ay pumasok ang malamig at panggabing hangin at yumakap iyon sa buong katawan ko. “What are you doing?” Halos mahulog pa ako sa kinauupuan ko nang mula sa likuran ko ay bigla na lamang nagsalita si Hideo. “Jesus!” ang tanging nasambit ko nang lingunin ko siya. Usual, seryoso ang hitsura niya habang nakatitig sa akin. Mayamaya lang ay naglakad siya palapit sa puwesto ko. Awtomatiko namang napasiksik ako sa gilid ng sofa. “What are you thinking, Ysolde?” tanong nitong muli. Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya, nag-iwas lamang ako ng tingin sa kaniya. Mayamaya ay narinig kong nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at pabagsak na umupo sa dulo ng sofa na inuupuan ko. “I told you already... pinaka-ayoko sa lahat ay ang nagtatanong ako tapos hindi ako sasagutin.” Bigla akong napatitig sa naka-side view niyang mukha. Napalunok din ako ng aking laway. “A-ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Hideo?” lakas loob at tanong ko ulit sa kaniya. Although, alam ko naman na hindi niya sasagutin ang tanong ko... but I don’t care. I just want to ask him again. “A-ano ba talaga ang k-kailangan mo sa ’kin para dukutin mo ako at dalhin dito? I... I... I know, walang utang sa ’yo ang Papa. What’s your reason Hideo?” tanong ko na nag-umpisa na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata habang matamang nakatitig sa kaniya. Mayamaya lamang ay lumingon siya sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin. But I did not hesitate to look him in the eyes as well. “I told you everything, Ysolde.” Anito. “Kung ayaw mo pa ring maniwala... hindi ko na problema ’yon. But there’s only one thing you can’t refuse, Ysolde. You will stay here with me, forever. Hindi ka na puwedeng makatakas sa lugar ko.” Bigla na namang naglandas ang mga luha sa aking pisngi dahil sa mga sinabi niya. “Kaya sinasabi ko sa ’yong sanayin mo na ang sarili mo na narito ka at kasama ako. Because one of these days... we’ll get married.” Lumuluha man, pero biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig lalo sa kaniya. What did he say? Ikakasal kaming dalawa? Is he crazy? Wala sa sariling napailing ako ng sunod-sunod. “No! No! That won’t happen. I will not marry you.” Mariing saad ko sa kaniya. “I will never marry a murderer like you, Hideo. I would rather die than marry you.” Sigaw ko kasabay ng pag-alis ko sa aking puwesto. Nanginginig man ang mga tuhod, pero pinilit kong lumayo sa kaniya. “You can’t do anything about it, Ysolde. Iyon na ang kapalaran mo rito sa Isla ko.” “No!” sigaw ko at mas lalo pang napaluha. God! Ano po ba talaga ang gusto n’yong mangyari sa akin? Bakit po ganito ang pagpapahirap na ginagawa ninyo sa akin? “You will marry me and say I do, or I will end your life, Ysolde? You choose!” Sunod-sunod na muling rumagasa ang mga luha sa aking mga mata matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Jesus! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa buhay ko ngayon, sana... sana dati pa man ginawa ko na ang mga bagay na hindi ko nagawa. Kung alam ko lang na ganito ang dadanasin ko ngayon, sana noon pa lamang ay ibinigay ko na ang sarili ko kay Zakh. Ayos lang kung niloko niya ako... sila ni Shiloh. Dahil mahal ko naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD