CHAPTER 10

1930 Words
TAHIMIK pa rin akong lumuluha habang nakaupo sa malamig na marmol na sahig sa ilalim ng shower. Nagsusumiksik ako sa sulok ng banyo na para bang makakatulong iyon sa akin para patahanin ako at alisin ang sakit at takot na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling iyon. God! Why are you doing this to me? Bakit mo po ako pinapahirapan ng ganito ngayon? Ano po ba talaga ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Did I do something wrong? Makasalanan po ba akong tao noong past life ko kaya po ganito ang nangyayari sa akin ngayon? I lost my mom... nawala ako sa piling ng Papa ko. Nawalan ako ng bestfriend, niloko ako ng boyfriend ko. Tapos ito... ito pa ang nangyayari sa akin ngayon? Please! I wanna go home. Hayaan n‘yo na po sana akong makawala sa lugar na ito. Makawala mula kay Hideo. I can’t do anything right now... but to cry alone. Hanggang sa mapagod na lamang ako kakaiyak. Nanuyo na lamang ang mga luha sa pisngi ko. Ramdam ko ang sakit hindi lamang sa puso ko kundi pati ang namamaga kong mga mata. Hanggang ngayon ay nag-i-echo pa rin sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Hideo sa ’kin kanina. Ako? Magpapakasal sa kaniya? How dare him? Mas gugustohin ko na lamang ang mamatay dito kaysa ang magpakasal sa isang kagaya niya. Mamamatay tao, masamang tao, lahat nasa kaniya na. Demonyo siya. Wala siyang puso! Wala ba siyang kapatid na babae o Nanay para magawa niya ang lahat ng ito sa akin? “Ysolde!” I heard Jule’s voice from inside the room. But I did not bother to answer her. Instead I hugged my knees and buried my face in them. “Ysolde,” I know nasa loob na rin siya ng banyo at malamang na nakatingin sa direksyon ko. But still, hindi pa rin ako nag-abalang mag-angat ng mukha para tapunan siya ng tingin. “Ang sabi ni boss, magbihis ka raw at bumaba ka sa sala. Naghihintay siya sa ’yo.” “Tell him... I will not go down there. He would wait if he wanted to.” Mariing saad ko habang nakayuko pa rin ako. Narinig ko naman siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. “Look Ysolde... kahit pa umiyak ka riyan buong magdamag, buong araw. Kahit pa magalit ka kay boss. Hindi mo na mababago ang isipan niya. Kaya kung ako sa ’yo... sundin mo nalang lahat ng sasabihin niya. Ikaw rin... kung gusto mong masaktan.” Anito. Kahit pinunasan ko na ang mga luha sa pisngi ko kanina, nabasa na naman iyon dahil sa muling pagragasa ng mga luha ko. Kunot ang noo na nag-angat ako ng mukha at matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. “Kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon... I’m sure maiintindihan mo rin kung ano ang nararamdaman ko ngayon.” Lumuluhang saad ko sa kaniya. “But you don’t understand me. Dahil malaya kang nakakagalaw. Dahil hindi ikaw ang bihag ng Hideo na ’yon. Dahil—” Hindi ko natapos ang iba ko pa sanang sasabihin nang biglang dumating si Hideo. His gaze was sharp on me. Kitang-kita ko rin kung paano umigting ang kaniyang panga. Walang imik na lumabas naman si Jule sa banyong iyon kung kaya’t naiwan kami ni Hideo roon. Hindi na ako nag-abalang iiwas ang tingin ko sa kaniya. Matalim na titig din ang ipinukol ko sa kaniya. Dahil doon, nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang mga mata niyang tila nag-aapoy sa galit. Para bang sa mga titig pa lamang niya ay mawawalan na ako ng buhay. He stepped closer to me. Labis ang pagkabog ng puso ko dahil sa takot sa kaniya, mas lalo akong nagsumiksik sa tiles na nasa likuran ko. Mas lalo kong niyakap ang mga tuhod ko. Sunod-sunod pa rin sa pagragasa ang aking mga luha. Umupo siya sa harapan ko upang pantayan ako. Kagaya kanina, hindi pa rin nagbabago ang matalim niyang titig sa akin. Mayamaya ay ganoon na lamang ang takot ko nang hawakan niya ang isang palapulsuhan ko. “No!” singhal ko sa kaniya at sinubukang bawiin sa kaniya ang kamay ko. But his grip on my wrist only tightened. “P-please! Please Hideo... no! Pakawalan mo na ako.” Umiling-iling pa ako sa kaniya. Nagmamakaawa ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. I could see nothing else in his face and eyes but serious emotion. Without a word, he immediately pulled me out of the bathroom. He pushed me onto the bed and he walked over to the closet and took there a dress he had bought earlier for me. “Get dress—” “No!” malakas na sigaw ko sa kaniya kaya napahinto siya sa pagsasalita. Mas lalong nagtiim ang kaniyang mga bagang at tumalim ang titig niya sa akin. Kahit abot-abot ang kaba at takot sa dibdib... nanatili pa rin sa mukha niya ang paningin ko. “Huwag mong painitin ang ulo ko, Ysolde.” “Then huwag mo akong pilitin na gawin ang bagay na ayokong gawin, Hideo.” Singhal ko pa sa kaniya. I could clearly see how he clenched his fist while holding the dress. Mayamaya ay nagulat na lamang ako nang malakas na ibato niya sa mukha ko ang damit na iyon. Napahiga ako sa kama. Kaagad naman siyang naglakad palapit sa akin at inibabawan ako. He took my hands and brought them above my head. Gamit ang isang kamay niya, hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko roon at mabilis niya akong sinakal. I could see how his eyes glazed over at me. Ang mga ugat niya sa leeg na biglang naglabasan dahil sa galit niya. Gusto kong tanggalin ang kamay niya sa leeg ko dahil parang mawawalan na ako ng paghinga sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin, pero hindi ko naman iyon magawa dahil hawak pa rin niya ang mga kamay ko. Hirap na hirap akong huminga at parang pakiramdam ko nadurog ang lalamunan ko dahil sa ginagawa niya sa ’kin ngayon. Ramdam ko ang sakit doon. “Damn it, Ysolde! Huwag na huwag mo akong gagalitin dahil baka ngayon din bigla kitang patayin.” Nanggagalaiting saad niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko. Ramdam kong mas lalo akong lumubog sa malambot na kama. Ang mga hita at paa kong iniipit niya ay pilit kong iginagalaw. “Kung gusto mo pang mabuhay ng matagal... sundin mo ang mga utos ko sa ’yo. Get dress and go down stairs.” Hirap na hirap na akong huminga. Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko. Mayamaya lamang ay binitawan niya rin ako at umalis siya sa ibabaw ko. Sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa ko at kaagad na tumagilid sa kama. Mabilis ding muling rumagasa ang mga luha sa mga mata ko. “Put that dress on at huwag mo akong paghintayin sa ibaba.” Iyon lamang at narinig ko na ang mga yabag niya palabas ng kuwatro. Napahagulhol na lamang ako habang nakabaon sa kama ang aking mukha. Pabaluktot akong humiga at niyakap ang mga tuhod ko. PAGKATAPO kong suklayin ang buhok ko, naglakad na ako palabas ng kuwarto. Nang marating ko ang puno ng hagdan, katahimikan sa buong paligid ang sumalubong sa ’kin... maliban sa mahinang paghampas ng alon mula sa dalampasigan maging ang huni ng mga kuliglig at pang gabing hayop sa gubat. Iginala ko ang aking paningin sa buong sala, wala na roon ang mga tauhan ni Hideo. Maging siya ay hindi ko rin namataan sa ibaba. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagbaba sa mataas na hagdan. Hanggang sa marating ko ang Lanai. Doon, nakita ko si Hideo na nasa labas ng bahay. Nakatayo ito sa gilid ng isang lamesa na may nakahandang pagkain. May hawak itong kopita habang tahimik na nakatingin sa malawak ngunit madilim na karagatan. Dahil nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko, hindi niya namalayan ang paglapit ko sa kaniya. Napapalunok pa ako ng laway nang bahagya akong tumikhim. Kaagad naman siyang lumingon sa ’kin. Nang magtagpo ang mga mata namin, mabilis akong nagbaba ng mukha at itinuon sa buhangin ang mga mata ko. “Sit down.” Dinig kong saad niya at nagpatiuna na siyang umupo sa isang silya na naroon. Nang makita ko ang pagkain na naroon sa lamesa ’tsaka lamang ako nakaramdam ng labis na gutom. Anong oras na kaya ngayon? “I said sit down!” Bahagya pa akong napakislot nang magtaas siya ng boses at tapunan ako ng matalim na titig. Napaupo na rin ako sa isang silya. “Let’s eat!” Iyon lang naman pala ang gusto niyang mangyari, pero bakit kailangan pa niyang magalit sa ’kin kanina? Bakit kailangan niya pa akong saktan? Oh God Ysolde! Why are you asking that question? Malamang dahil sinagot-sagot mo siya kanina kaya nagalit siya at sinaktan ka niya. Walang imik at dahan-dahan na naglagay ako ng pagkain sa plato ko. “We’re leaving tomorrow... so, maaga kang matulog mamaya.” Nagsalita siya ng malumanay na, pero hindi pa rin ako nag-angat ng mukha para tapunan siya ng tingin. “Did you hear me, Ysolde?” Saglit kong nilunok ang pagkain na nginunguya ko. “S-saan tayo pupunta?” sa halip ay balik na tanong ko. “Magsusukat ka ng gown mo para sa kasal natin sa susunod na linggo.” Wala sa sariling napa-angat ang mukha ko at napatingin ako sa kaniya ng seryoso. Nakatuon naman ang kaniyang mukha sa pagkain niya. What did he say? Para sa kasal namin sa susunod na linggo? God! “Hideo—” “Ayokong makarinig ng kahit anong pagtutol mula sa ’yo Ysolde.” Tiimbagang na saad niya dahilan upang maputol ang pagsasalita ko. Mayamaya ay nag-angat siya ng mukha at seryosong tinitigan ako. “Iyon ang desisyon ko kaya iyon ang masusunod at mangyayari next week.” Muli kong naramdaman ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko habang nakatitig din sa kaniya. “Hideo...” saad ko. “...please! Parang awa mo na—” “One more plea I hear from you, I’m sure I’ll kill your Manay Salve.” Bigla kong nakagat ang pang-ilalim kong labi nang marinig ko ang sinabi niya. Ang mga luhang nagbabadya sa sulok ng mga mata ko ay tuluyan ng tumulo sa mg pisngi ko. God! Anong klaseng tao ba itong si Hideo? Bakit nakakaya nitong gawin ang lahat ng ito? “I’m sure you don’t want that to happen,” saad pa niya. “And I don’t want to see you crying in front of me.” Malalim na buntong-hininga ang kaagad na ginawa ko upang pigilan ko ang aking pagluha. Pinunasan ko rin ang mga luha sa pisngi ko. “We will get married next week before I leave for Cuba. So, I want you to behave Ysolde. Like what I have said, huwag kang mag tangkang takasan ako. Dahil mahahanap at mahahanap pa rin kita. Huwag na huwag kang gagawa ng hindi ko magugustohan kung ayaw mong madamay ang mga mahal mo sa buhay.” Tahimik lamang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Kahit hindi naman iyon matanggkap ng pandinig ko. “Did you understand, baby?” Lumunok lamang ako ng laway ko at muling napabuntong-hininga ng malalim. “Did you hear what I say?” Dahan-dahan at napipilitang tumango ako sa kaniya. Diyos ko! Kung hindi lamang madadamay ang Papa ko, si Manay Salve... hinding-hindi ako papayag sa kasal na gusto niyang mangyari. But I didn’t have a choice! I need to accept the truth. Ito na nga ang kapalaran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD