CHAPTER 11

2532 Words
KAHIT inaantok pa ako at masakit ang ulo ko dahil wala akong maayos na tulog sa nagdaang gabi, maaga akong naligo. Baka mamaya ay magalit na naman sa ’kin si Hideo. May halos kalahating oras din akong nagbabad sa bathtub bago nagpasyang mag banlaw at tapusin na ang pagligo ko. Pagkalabas ko sa banyo ay kaagad akong naglakad palapit sa closet. Naroon ang mga damit na binili niya kahapon para sa akin. Nakasilid pa iyon sa mga paper bag. Inilabas ko iyon at tiningnan isa-isa. In fairness, lahat ng pinili ni Sam ay magaganda. Pero kahit ganoon pa man, hindi pa rin ako natutuwa. I let out a deep sigh and picked up a V-neck boho white dress na hanggang talampakan ko ang haba. Iyon na lamang ang isusuot ko. Medyo mga daring kasi ang iba roon. Ayoko naman magsuot ng ganoon. Pagkatapos kong magbihis, tumayo na rin ako sa tapat ng full size mirror at doon sinuklay ko ang aking buhok. Hindi lamang ang mukha ko ang malungkot habang nakatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Even my eyes. It was full of sorrow. Full of fear. But I can’t do anything about it. I have accepted to myself that this is really my destiny... sa mga kamay ni Hideo. Kaysa naman mapahamak pa ang mga mahal ko sa buhay. I would rather be hurt than they are. Muli akong bumuntong-hininga ng malalim pagkuwa’y ipinikit ng mariin ang mga mata ko nang maramdaman ko na naman ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. God! I was tired of crying. Dahil wala naman akong mga gamit dito, tanging suklay na lamang sa buhok ko ang ginawa ko. Pagkatapos ay lumabas na rin ako sa kuwartong iyon. Pagkababa ko sa sala, naroon si Hideo at may kausap na naman sa cellphone nito. “Dile al Sr. Massimo que yo mismo iré a verlo la semana que viene. Así que no tenía ninguna razón para no hablarme correctamente.” Dinig kong saad niya sa kausap sa kabilang linya. Mukhang galit na naman siya. Well, kailan ba hindi siya nagalit? He’s always like that. Nang makita niya akong nakatayo na sa ibaba ng hagdan, kaagad niyang pinatay ang tawag at naglakad palapit sa ’kin. Sinuyod pa niya ng tingin ang kabuuan ko. Sa klase ng titig niya sa ’kin... bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Pagkailang nga ba o kilabot? Parang iba kasi ang nakikita ko sa mga mata niya sa mga sandaling iyon. Lalo na nang mapatitig siya sa dibdib ko. Kaagad kong itinaas ang mga kamay ko at niyakap ang sarili para takpan ang parteng iyon ng katawan ko. “Let’s go!” aniya at kaagad na hinawakan ang aking kamay. Walang imik na napasunod na lamang ako sa kaniya hanggang sa makalabas na kami ng bahay niya. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero kitang-kita ko ang magandang view ng sun rise sa dulo ng dagat. Dahil doon, kahit papaano ay napangiti ako. Nang igala ko ang aking paningin sa buong paligid, wala akong makita ni isang tauhan niya roon hindi kagaya kahapon. Siguro ay umalis na ang mga ito at kami na lamang dalawa ang naiwan sa Isla. “Hurry up Ysolde!” Napatingin ako sa kaniya nang mas lalo pa niyang hinila ang kamay ko. Hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng Helicopter niya. May kaba man dahil muli akong sasakyan doon, pero hindi na kagaya kahapon. Binuksan niya ang pinto sa unahan. Nagtataka pa akong napatingin sa kaniya. “Go on!” saad niya habang seryosong nakatingin sa ’kin. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay nga. Siya naman ay umikot na rin sa kabila at sumakay na rin. What? Siya ang Pilot ngayon? Marunong siyang magpalipad nito? Walang salita na dumukwang siya palapit sa ’kin. Akala ko pa kung ano ang gagawin niya... kinuha lang pala ang seatbelt na nasa tabi ko. Siya mismo ang nagsuot niyon sa ’kin. Dahil gadangkal lamang ang layo namin sa isa’t isa... amoy na amoy ko pa ang mabango niyang pabango na hindi masakit sa ilong. Ewan, pero parang nakaka-relax iyon sa pakiramdam. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na ipikit ang aking mga mata. “What are you doing?” Bigla akong napamulat nang marinig ko ang sinabi niya. “Um... a,” tila bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya nag-iwas ako ng tingin. Pero mayamaya ay muli akong napaharap sa kaniya nang isuot niya sa ’kin ang headseat. Hindi na siya muling nagsalita pa at umayos na rin sa pagkakaupo niya. Ilang sandali lamang ay umikot na rin ang Rotor Blade at unti-unti na ring umangat ang Helicopter. Alright! He’s a Pilot. Hindi naman siguro kami babagsak nito. Tahimik lamang ako na nakatingin sa ibaba. Kagaya kahapon, ganoon pa rin ang tuwa ng puso ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa ibaba kahit pa medyo nalulula ako. Ilang saglit lang na biyahe ay nakarating din kami sa City. Kitang-kita ko ang magandang syudad ng Makati. Sa isang mataas na building inilapag ni Hideo ang Helicopter niya. May mga tauhan siyang naroon na sumalubong sa amin. Pagkatapos patayin ang Rotor Blade niyon ay bumaba siya at umikot sa may puwesto ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at muling inalalayan na makababa. Kagaya kanina ay hawak-hawak niya lamang ang kamay ko. “Boss!” Lumapit sa amin ang lalaking nakita ko kahapon sa Isla. He’s Cloud right? Kung tama ang pagkakadinig ko sa sinabi ni Hideo kahapon na pangalan nito. Tumingin pa siya sa ’kin ng seryoso. “Where is Jule?” “Nasa mansion siya ngayon. Siya na muna ang pinatao ko roon habang nandito ako.” Nagsimulang maglakad si Hideo papunta sa pinto ng rooftop. Nakikinig lamang ako sa usapan nila habang hila-hila pa rin niya ang kamay ko. Mayamaya ay muling tumingin sa akin ang Cloud na ito. “How about, Bernard?” Bigla akong napatitig sa lalaki at napahinto sa paglalakad ko nang marinig ko ang pangalan ng Papa ko. Did he mentioned my father’s name? O, baka ibang Bernard ang tinutukoy niya? Lumingon din sa ’kin si Hideo. Seryoso ang mukha niya habang magkasalubong ang mga kilay. “D-did... did you... mentioned m-my father?” nauutal at kinakabahang tanong ko habang ipinapagpalit-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Bumuntong-hininga naman si Hideo pagkuwa’y may ibinulong sa tauhan nito pagkatapos ay kaagad na umalis. “Let’s go!” Muli niya akong hinila. Hanggang sa makapasok na kami sa pinto ng rooftop. “Hideo,” tawag ko sa kaniya. “Papa ko ba ang tinutukoy ng tauhan mo?” tanong ko. “It doesn’t matter.” “It does,” mabilis na saad ko habang pinipilit na makasabay sa pagbaba niya sa hagdan. “I... I just want to know kung okay lang ba ang Papa ko.” “I don’t want you to ask about your Dad, or about your loved ones. Ayokong masira lalo ang araw ko ngayon.” Mariin ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon. Pero hindi ko siya pinakinggan. God! I just wanted to know kung kumusta na ang Papa ko? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita at nakakausap. I just missed him so bad. “Hideo... p-please! I just want to—” Bigla akong natigil sa pagsasalita at paghakbang pababa sa hagdan nang tumigil siya at hinarap ako. Ramdam kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Matalim na titig ang ipinukol niya sa ’kin. “I said I don’t want to hear anything—” “Pero, gusto ko lang naman na malaman kung okay lang ba ang Papa ko. Hindi naman siguro mahirap na sagutin ang tanong ko ’di ba?” saad ko dahilan upang maputol din siya sa pagsasalita niya. Dahil sa mga sinabi ko, biglang umigting ang kaniyang panga. Kitang-kita ko ang pagtagis ng kaniyang bagang. Halata sa hitsura niya na nagpipigil lamang siya ngayon. Ang mga tauhan niyang nakasunod sa ’min ay tahimik lamang na nakatingin. “I... I just want to know if... if he’s okay.” Kahit may mga luha na namang nagbabadya sa sulok ng mga mata ko, pinilit ko ang sarili ko na huwag iyon pumatak. Dahil alam kong mas magagalit siya sa ’kin ngayon. Sa kabila nang matalim niyang titig sa ’kin... walang salita na tumalikod siya at muli akong hinila. Hanggang sa makapasok kami ng tuluyan sa loob ng building at marating namin ang isang Bridal Boutique. “Hideo hijo!” Isang babae na medyo may edad na ang sumalubong sa ’min. Nang bitawan ako ni Hideo ay kaagad akong napahawak sa kamay ko at masuyo iyong minasahe. Medyo nanakit iyon dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin kanina. “Vena...” Humalik ang babae sa magkabilang pisngi ni Hideo. “How are you?” tanong nito pagkuwa’y sumulyap sa direksyon ko. “Who is she?” ngumiti pa ito sa ’kin. “This is Ysolde!” “Oh! Is she your girlfriend or fiancée?” “She is,” tipid na sagot nito. “Come here!” Wala sa sariling napalapit naman ako sa tabi niya. Ramdam ko ang kamay niyang humawak sa likod ko. “Vena, help her choose what to wear for our wedding.” Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ng babae matapos marinig ang sinabi ni Hideo. “Oh! That’s why you came here? I thought you would ask me for another favor,” anito. “Come here hija! Ako na ang bahala sa ’yo.” Nang hawakan ng babae ang braso ko at igiya ako papunta sa mga gown na naka-display... wala na rin akong nagawa. When I thought Zakh and I had a good relationship... hindi lamang iisang beses na sumagi sa isipan ko na isang araw ay mag p-propose rin siya sa ’kin. I had imagined before what kind of wedding I wanted in the future. Even the wedding gown I will wear on our wedding day. I was so excited then even though my imaginations weren’t happening yet. Tapos ngayon... heto, I’m getting married next week. I will marry a man I don’t know, a man I don’t love. I will get married because that is what he wants to happen. Ikakasal ako ng hindi ko manlang kasama ang Papa ko. Si Manay Salve. This is not the wedding and the life I want to happen... pero pinipilit kong isiksik sa utak ko na kailangan kong gawin at tanggapin ang lahat, alang-alang sa mga mahal ko sa buhay. Ayoko silang masaktan nang dahil sa ’kin... nang dahil kay Hideo. Bumuntong-hininga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng mga mamahalin at magagandang wedding gown. Napangiti na lamang ako ng mapait. Nang lingunin ko si Hideo, nakaupo na siya sa isang sofa na naroon sa gilid habang seryosong nakatingin sa ’kin. “Come here hija, try this one.” Anang babae at hinila ang kamay ko papunta sa likod nang malaking kurtina. Nang matapos kong isuot ang malaking wedding gown, lumabas ako nang tawagin ako ni Hideo. Gusto niya raw makita ang hitsura ko. Sa isang tingin pa lamang niya sa suot ko... “I don’t like it.” Saad niya. Kaagad akong tumalikod at bumalik sa fitting room upang tanggalin iyon at palitan. Nakakapagod man ang ilang beses na pagsuot at paghubad ng malalaking gown na iyon, wala naman akong choice dahil iyon ang utos niya. “Try this one again hija!” Nang lumapit ulit sa akin si Vena at ibinigay niya sa ’kin ang isang simple Boho wedding dress. V-neck iyon at lace ang mahabang manggas. Lace rin ang tela mula sa may tuhod hanggang sa talampakan. Kinuha ko naman iyon sa kaniya at isinukat din. Sakto lang naman ang sukat at haba sa katawan ko. “That’s perfect!” nakangiting saad nito. Pilit na ngiti na lamang din ang ibinigay ko rito nang mula sa likuran ko, biglang bumukas ang malaking kurtina at pumasok si Hideo. Usual, seryoso ang mukha niya nang pasadahan ako ng tingin. “Do you like it, hijo?” Hindi naman sumagot si Hideo. Sa halip ay tumalikod itong muli at iniwan kami roon. “Hay! He’s always like that. Seryoso lagi ang hitsura.” Napapailing pang saad nito. Mukhang mabait naman itong babae. Medyo maamo ang mukha at laging nakangiti. “Um, c-can I ask you something?” mayamaya ay saad ko. “Sure! Ano ’yon?” habang inaayos na nito ang ibang gown na isinukat ko kanina. “A-are you relative with him?” Ngumiti itong muli nang saglit akong tapunan ng tingin. “Hindi kami magkadugo ni Hideo, hija. Um, he’s a good friend of mine. I mean, sabihin nalang natin na siya ang guardian angel ko na tumulong para iligtas ako. Para maging maayos ang buhay ko.” Biglang nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi ni Vena. Guardian angel? Si Hideo tumutulong sa kapwa niya para magligtas ng buhay? Seems hard to believe. Iba kasi ang nasaksihan kong Hideo simula nang araw na magkasabay kami sa loob ng elevator, pagkagising ko nasa Isla na niya ako at hanggang sa mga sandaling iyon... ibang Hideo ang nakilala at nakikita ko. “He’s a good man. Kaya napakasuwerte mo at ikaw ang babaeng pakakasalan niya.” Muli akong napatitig sa mukha ng babae. Ako? Masuwerte ako dahil ako ang pakakasalan ni Hideo? I don’t believe it. Kahit kailan ay hindi ko masasabing masuwerte ako ngayon dahil ako ang pakakasalan niya. I don’t even know his real name. Ngayon pa nga lamang ay natatakot na ako kung ano ang magiging buhay ko kapag naikasal na kami. “He’s a good man hija!” Muling saad ni Vena at tinapunan pa ng tingin ang direksyon ni Hideo. Sinundan ko ang tingin niya. Hideo was standing at the entrance of the Boutique habang kausap si Cloud. Habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayo, parang bigla akong may naramdaman sa sarili ko na kakaiba. Hindi ko maintindihan pero... parang ang t***k ng puso ko ay biglang bumagal at bahagyang nagslow motion ang paligid ko. I don’t understand kung bakit ganito bigla ang naging pakiramdam ko. Samantalang simula umpisa hanggang kanina ay puro galit ang nararamdaman ng puso ko para sa kaniya. Mayamaya ay tumingin sa direksyon ko si Hideo. When our eyes meet... biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Oh God! What is happening right now? Why do I suddenly feel like this? I shouldn’t feel this way. “Sa ilang taon na magkakilala kami ni Hideo, iisang babae lamang ang minahal niya...” Muli akong napalingon kay Vena nang marinig kong nagsalita siyang muli. Magtatanong pa sana ako, pero nakita ko naman na naglakad na si Hideo palapit sa ’min. “We have to go back to the Island.” Walang emosyon na saad niya habang nakatitig sa mga mata ko. “Vena,” “Sure! Ako na ang bahala sa damit na napili niya.” Walang paalam na muling hinawakan ni Hideo ang kamay ko. And the moment he held my hand... I felt my heart beating even faster. Napatitig ako sa kamay naming dalawa. Hanggang sa hinila na niya ako palabas sa Boutique na iyon, hindi na nawala ang paningin ko sa mga kamay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD