“ANO na ang balita sa paghahanap kay Ysolde?” tanong ni Zakh sa mga tauhan nito nang makababa ito ng kotse at nagtuloy ng lakad papasok sa entrace ng building na pag-aari ng mga Latorre.
“Wala pa rin pong balita sir,” sagot ng lalaki na nakasunod sa binata. “Pero, patuloy pa rin po ang paghahanap namin.”
Tiim-bagang na nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Zakh ’tsaka nito pinindot ang button ng elevator.
“Mag-iisang linggo na kayong naghahanap sa kaniya, pero hanggang ngayon wala pa rin kayong maibigay na magandang balita sa ’kin.” Pagalit na saad nito pagkuwa’y naglakad papasok nang bumukas ang pinto ng elevator.
Sumunod naman ang lalaki. “E, ginagawa naman po namin ang lahat sir. Sadyang mahirap lang po talagang mahanap si ma’am Ysolde.” Saad pa nito.
Isang matalim na titig naman ang ipinukol ni Zakh sa tauhan nito nang lumingon ito rito. Dahil sa takot ng lalaki na pagalitan ito ng amo, nagbaba na lamang ito ng mukha at nanahimik.
Muli na namang napabuntong-hininga ng malalim ang binata. “God! Hindi pa matapos-tapos ang problema ko rito dahil sa babaeng ’yon.”
Nang bumukas ulit ang pinto ng elevator, lumabas ito at malalaki ang mga hakbang na naglakad upang tunguhin ang opisina ng dating CEO ng kumpanyang Latorre Real State, ang namayapang si Bernard Latorre. Simula nang araw na mapabalitang patay na si Bernard, si Zakh na ang umupo bilang acting CEO ng kumpanya. Ang dahilan nito sa mga naiwang empleyado ni Bernard, wala si Ysolde na dapat ay papalit sa puwesto ng papa nito kaya ito na muna ang uupo bilang acting CEO. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, iba ang pinaplano nito para sa kumpanya.
“Sir Zakh, um... may meeting po pala kayong dapat na puntahan—”
“Cancel that meeting Katrina. May mahalaga akong gagawin ngayon.” Mabilis na saad nito para maputol sa pagsasalita ang babae na sumalubong dito.
“Pero sir, dalawang araw na po ninyong pinapa-cancel ang meeting ninyo. Baka po—okay po sir!” saad na lamang ng babae nang tumigil sa paglalakad si Zakh at matalim na titig ang ipinukol dito. Yumuko ito at muling bumalik sa puwesto nito.
Si Zakh naman ay muling itinuloy ang paglalakad hanggang sa makapasok na ito sa opisina.
“Just make sure na mahahanap ninyo si Ysolde. Hindi ako puwedeng maghintay ng matagal sa kaniya. Kailangan ko ng mapapirma siya sa mga dukomento ni Bernard dito para mailipat na sa ’kin ang pangalan ng kumpanyang ito.”
“Huwag po kayong mag-alala sir, hindi po kami titigil sa paghahanap kay ma’am Ysolde.”
Kaagad na umupo si Zakh sa swivel chair at binuksan ang laptop na nasa ibabaw ng lamesa. Saglit itong may kinulikot doon. Mayamaya ay tinawag nito ang sekretarya nito gamit ang intercom na nasa gilid ng lamesa nito. Nagmamadali namang pumasok sa loob ang babae.
“Yes po sir?”
“Tinanggap na ba ni Mr. Hideo Colombo ang invitation ko to discuss my new business proposal?” tanong nito.
“Um, nakausap ko po ang secretary niya kaninang umaga sir. Pero, hindi pa raw po nababasa ni Mr. Colombo ang invitation ninyo.”
Muling nagtiim-bagang si Zakh kasabay nang pagpapakawala nitong muli ng malalim na buntong-hininga. Muli nitong itinuon ang paningin sa monitor ng laptop.
“Kulitin mo ng kulitin ang secretary niya hanggang sa tanggapin niya ang invitation ko.”
“Sige po sir.”
Mayamaya ay bumukas ang pinto ng opisina nito at iniluwa roon si Shiloh.
“You can leave.” Anang Zakh sa dalawang tauhan na naroon.
Kaagad namang lumabas ang dalawa.
“What’s the problem?” tanong ni Shiloh nang maglakad ito palapit sa binata. Nang tuluyang makalabas ang lalaki at babae, umikot sa lamesa ang dalaga at walang paalam na umupo sa kandungan ng lalaki at ipinulupot ang mga braso nito sa leeg ni Zakh.
“Hindi pa rin nila nahahanap si Ysolde.” Seryoso ang mukha at boses na sagot nito. “At hindi pa rin tinatanggap ni Mr. Colombo ang invitation ko sa kaniya para sa new business proposal ko.” Anito. “I’m so stressed right now.”
“Huh? E, no’ng nakaraan pa ’yon a!”
“Yeah! Pero until now wala pa ring reply galing sa kaniya.”
“Bakit hindi mo nalang bitawan ang Mr. Colombo na ’yan? Humanap ka nalang ng isang businessman na puwedeng mag invest sa ’yo para muling umangat itong company ni tito Bernard? Para tuluyang ikaw na rin ang CEO rito.” Suhestyon naman ni Shiloh sa nobyo nito.
“I can’t do that babe. Malaking tao si Mr. Colombo. Kaya nga siya ang target kong makuha para lumakas bigla ang kumpanyang ito.”
“But he ignores your invitation—”
“Tatanggapin niya rin ’yon. Kailangan ko lang maghintay ng kaunting panahon.” Saad nito.
Hindi na lamang nagsalita si Shiloh, sa halip ay dumukwang ito at hinalikan sa mga labi si Zakh.
PAGKAGISING KO, kaagad akong napalingon sa tabi ko. I was a little disappointed to see that Hideo was no longer there. May lungkot sa puso ko. Just like the first time na may nangyari sa amin, pagkagising ko wala rin siya sa tabi ko. Bakit ba kasi umaasa pa ako na pagkatapos naming gawin ’yon—pagkagising ko nandito pa rin siya sa tabi ko? Of course hindi iyon mangyayari, because... ako lang naman itong may nararamdaman para sa kaniya. Malabong magkagusto siya sa ’kin. Dinala niya ako rito, pinuwersang magpakasal sa kaniya iyon ay dahil may malaking utang si papa sa kaniya at ako ang kabayaran ng utang na iyon. That’s it.
I let out a deep sigh. Well, maybe he’s gone already. Iyon naman ang narinig ko kanina na usapan nila ni Ulap. Aalis na naman siya ng Isla. Ilang araw na naman kaya bago siya umuwi rito?
Kumilos na lamang ako sa puwesto ko. Ito ang pangalawang beses na may nangyari sa ’min ni Hideo, there is still pain in my femininity... pero kaunti nalang. Hindi katulad noong una.
Tumayo ako sa kama at kinuha ang undergarments ko na hinubad ni Hideo kanina. I put it on again. Pagkatapos ay naglakad ako palapit sa closet ko. Kumuha ako roon ng damit ko. Pagkatapos kong magbihis ay nagpasya na akong lumabas ng kuwarto ko. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Tanghali na siguro o hapon na. Hindi ko masabi.
Bumaba ako sa hagdan. Nang maglalakad na sana ako papunta sa kusina para magluto ng pagkain ko, nahagip naman ng paningin ko ang lalaking nasa Lanai at nag-i-exercise. Biglang nangunot ang noo ko at dahan-dahan na naglakad palapit sa gilid ng pinto ng Lanai habang nakatitig ako sa kaniya. He was half naked. Nakashort lang siya habang walang pang-itaas na damit. Tumutulo pa ang pawis sa maskulado niyang katawan while he was doing pull-up. God! Hindi talaga nakakasawang titigan ang katawan niya. Maskulado masiyado. From his biceps, his broad chest, his six pack abs, the veins in his arms, the v-line below his abdomen. For me, Hideo is indeed perfect. In my whole life, ngayon lang ako pumuri ng ganito sa isang lalaki. Kahit kay Zakh noon, hindi ko magawang sabihin na perpekto siya para sa akin.
As I stared at him, it was as if a strange heat was living in my body again. Especially when I look between his thighs. Ano ba itong nangyayari sa ’kin? Why am I feeling this way? I can’t help but imagine that Hideo and I are doing something again on top of my bed. Jesus! Parang hindi na ako ang nasa sarili ko ngayon. Since the first time something happened to us, I feel like Hideo has left a strange heat inside of me na hinahanap-hanap ng katawan ko ngayon. Kaya ako na rin ang kusang nag-anyaya sa kaniya kanina. Ewan ko. Nagwawala ang kaibuturan ko dahil sa init na nararamdaman ko.
“Are you okay baby?”
Bigla akong napakurap at napatitig sa mga mata niya nang makita kong nasa harapan ko na pala siya. Dahil busy ang utak ko kaka-imagined ng mga bagay na dapat ay hindi, ayon at hindi ko na namalayan na tapos na pala siya sa ginagawa niyang exercise at nasa harapan ko na pala siya. Hindi ko manlang namalayan na nakalapit na siya sa ’kin.
“Um...” mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya nang makaramdam ako ng hiya.
“Are you staring at my body?”
“Yes—I mean,” I bit my lower lip when I realize what I told him.
I saw him smile because of what I said. Oh God Ysolde! Umayos ka nga! Bakit ka ba natataranta riyan? Panenermon ko sa sarili ko. Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko kasabay nang pagyuko ko upang itago sa kaniya ang namumula kong mukha.
“Are you hungry?”
Muling tanong niya sa ’kin. My stomach growled again. Dahan-dahan akong muling nag-angat ng mukha para tumingin sa kaniya. He was busy wiping his sweat all over his face, neck and body. Nang muli akong mapatitig sa katawan niya, hindi ko napigilan ang mapalunok ng laway ko.
“Um, y-yeah! K-kakain sana ako.” Saad ko sa kaniya. Nahuli pa niya akong nakatitig sa katawan niya.
“Okay!” aniya.
Teka! Bakit parang nanunudyo ang ngiti niya ngayon sa ’kin?
“I already ordered our food. Padating na rin ’yon. Just wait here and I will go upstairs to take a bath.” Aniya at kaagad na naglakad papasok sa sala.
Wala sa sariling napasunod na lamang ang paningin ko sa kaniya habang paakyat na siya ng hagdan. Mayamaya ay biglang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Why does he seem so sweet to me lately? He called me baby. Tapos hindi ko na makita ang pangungunot ng noo niya. Smooth na rin siyang makipag-usap sa ’kin. Why?
Napabuntong-hininga na lamang ako ’tsaka naglakad palabas sa Lanai. Uupo na sana ako sa sofa na naroon, pero nakita ko naman ang t-shirt na hinubad niya. I smiled again at dinampot ko ’yon ’tsaka umupo. Saglit pa akong sumilip sa loob ng sala—sa itaas ng hagdan. Just to make sure na wala na siya roon. Nang hindi ko na siya makita roon, dahan-dahan na dinala ko sa tapat ng mukha ko ang damit niya. Pumikit pa ako nang mariin nang maamoy ko ang perfume niya. Pinaghalong natural male scent at perfume niya ang naroon. Ang sarap sa ilong hindi nakakasawang amuyin. What am I doing? Para na akong baliw sa ginagawa ko ngayon. Kung may makakakita man sa ’kin ngayon, malamang na pagtatawanan ako.
“Oh Ysolde! Ito ba talaga ang epekto sa ’yo ni Hideo?” tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa damit na hawak ko. “Wait! Shouldn’t Hideo have left dahil iyon ang usapan nila ni Ulap na narinig ko kanina? But why is he still here? Why isn’t he leaving yet?” I frowned. Hindi kaya narinig niya kanina ang mga sinabi ko nang puntahan niya ako sa kuwarto ko kaya hindi na siya umalis? Dahil sa isiping ’yon, muli akong napangiti. Oo na, asyumera na kung asyumera. Pero iyon ang iniisip ko ngayon. Kaya hindi siya umalis kasi narinig niya kanina ang mga sinabi ko.
Mayamaya, napatingin ako sa malayo—sa dagat nang marinig ko ang tunog ng speedboat. Hanggang sa dumaong ’yon sa dalampasigan at bumaba ang dalawang lalaki na may bitbit na mga paper bag.
Tumayo ako sa puwesto ko.
“Good afternoon po ma’am Ysolde!”
Bati sa ’kin noong isang lalaki na parang kasing edad ko lang ata.
“Um, g-good afternoon.”
“Saan po namin ito ilalagay?”
“A-ano ang mga ’yan?” tanong ko. Maybe ito na siguro ang sinasabi ni Hideo na pagkain na in-order niya.
“Food po ma’am.”
Napatango naman ako. “Paki-diretso nalang sa kusina. Salamat!” saad ko.
Kaagad din akong sumunod sa dalawang lalaki nang pumasok na sila sa bahay.
“Enjoy your meal ma’am Ysolde,” saad pa ng isang lalaki nang makapasok na kami sa kusina.
Ngumiti naman ako. “Thank you!”
Lalabas na sana sila, pero muli akong nagsalita. “Excuse me.”
“Yes po ma’am?”
“Um, w-what time is it?” nang mapatingin ako sa braso nito.
Kaagad namang inangat ng lalaki ang kamay nito at tiningnan ang oras doon. “It’s already three o’clock po ma’am.”
“Okay! Thank you!”
“Sige po ma’am.”
Naiwan na akong mag-isa sa kusina. Hapon na pala talaga. Medyo napahaba nga ata ang tulog ko kanina.
Kaagad na inasikaso ko ang mga pagkain. Inilabas ko iyon sa paper bag. Nagulat pa ako nang makitang sobrang dami pala ng in-order ni Hideo. Parang hanggang bukas pa ata ito.
“Let’s eat?”
Napatingin ako sa pintuan ng kusina nang marinig ko ang boses niya. Napatitig ako sa kaniya. He had just finished taking a bath. His hair was neatly combed. He was wearing a white round neck t-shirt and black walking shorts. Parang ang bango-bango niyang tingnan dahil sa hitsura niya ngayon. Kung hindi ko nga lang pinipigilan ang sarili ko, malamang na sinugod ko na siya nang mahigpit na yakap at inamoy-amoy ko na ang leeg at dibdib niya. Even his armpit. I’m sure na mabango rin ’yon.
“Do you want me to help you?”
“Um, h-hindi na. Kaya ko naman,” saad ko nang bumalik na ako sa sarili ko. “Just... take a sit.”
Ngumiti pa ako sa kaniya ’tsaka tumalikod at nagmamadali ng kumuha ng plato namin.
Naglakad naman siya palapit sa kabisera at pumuwesto roon.
Pagkatapos kong maglagay ng mga plato at kubyertos ay umupo na rin ako sa isang silya.
“Ang dami mo palang in-order. H-hindi natin mauubos ’to.” Saad ko sa kaniya na hindi pa makatingin ng diretso sa kaniya.
“That’s okay! Sinadya ko talagang um-order ng madami para hindi ka na magluto mamayang gabi para sa dinner natin.”
Bigla akong natigilan at napatingin sa kaniya. He was staring at me intently. Ano raw? Para hindi na ako magluto ng dinner namin mamaya? Namin? He said namin right? So that means, hindi nga siya aalis ngayon? Ang puso ko... biglang napuno ng kaligayahan dahil sa nalaman ko. Hindi nga siya aalis ngayon. Makakasama ko siya rito mamayang gabi—at bukas ng umaga.
“Let’s eat Ysolde! I’m already hungry. And I know you too.” Aniya at ngumiti pa sa akin.
Nagulat pa nga ako nang siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko. I can’t help myself but to stare at him. Bakit niya ba kasi ginagawa ang lahat ng ito? Is he trying to be sweet to me or what?
“T-thank you!” iyon na lamang ang nasabi ko at nagsimula na ring kumain. Oh Diyos ko! Paano ba ang kumain ng maayos gayo’ng tinatambol ng kaba ang puso ko sa mga sandaling ito?
“Eat baby! Hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo.”
“W-why are you doing this to me?” sa halip ay iyon ang lumabas sa bibig ko.
Tumigil naman siya sa pagkain niya at pinakatitigan akong lalo sa mga mata ko. Mayamaya ay nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. “Let’s not talk about it right now.” Sabi niya at muling itinuloy ang pagkain niya.
Tipid na lamang akong napangiti habang nakatitig sa kaniya.