“HAVE a sit, Ysolde!”
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya. I was standing on the side of the sliding door of the Lanai, while he was sitting on the sofa. Siguro naramdaman niya ang presensya ko nang lumapit ako roon kaya inalok niya akong umupo.
Kinakabahan pa rin ako sa kaniya, pero pinilit ko ang sarili ko na maging normal ang kilos ko ngayon. Well, mabait naman na siya sa ’kin ngayon e! I think so.
Bahagya muna akong nagpakawala nang banayad na paghinga ’tsaka humakbang na palabas ng pintuan at umupo sa dulo ng sofa. Nasa dulo rin naman siya.
Our situation is awkward now. No one was talking and we were both just silently staring at the beach. Pinapakiramdam ko rin siya. Minsan nga tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko. Seryoso pa rin naman siyang nakatingin sa malayo habang may hawak na rock glass at may lamang alak. Dahil sa kabang nararamdaman ko, nagsimula na rin akong i-tap ang isang paa ko. Ang mga daliri sa kanang kamay ko ay tina-tap ko na rin sa ibabaw ng hita ko. Ganito ako kapag tensyonado at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“How are you, Ysolde?”
Bigla akong napalingon sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya. His sight still remained in the distance.
“Um...”
Ano ang isasagot ko sa kaniya? That I’m okay? I’m okay that I’m here on his Island and imprisoned for a few days? Iyon ba ang sasabihin ko sa kaniya? I don’t know.
He turned to me. He stared into my eyes for a moment. “Tell me about yourself, Ysolde!”
“Huh?” naitanong ko sa kaniya.
“I want to know you, baby!”
God! Ano ba talaga itong ginagawa ni Hideo sa ’kin ngayon? Ano ba ang gusto niyang mangyari? And... why does he want to know me more?
Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko at nagbaba ng mukha.
“Tell me,”
Ramdam ko ang otoridad sa boses niya ngayon.
Saglit akong nagpakawala muli nang banayad na paghinga at nakagat ko ang pang-ilalim kong labi. “W-what... what do you want to know about me?”
“Everything.” Tipid na sagot nito.
“W-well... um, I-I’m Maria Ysolde Latorre.” Saad ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Pero bahala na! “I’m already twenty seven. And, um... siguro alam mo ng isa lang akong anak ni papa.” Bahagya akong tumingin sa kaniya nang saglit akong tumigil sa pagsasalita. He was just looking at me seriously. “I studied Bachelor in Business Administration major in Marketing. Plano kasi namin ni papa na ako ang magta-take over sa family business namin kapag nag-retire na siya. And... my mom passed away, five years ago. We had a car accident while on our way home from our vacation in Antipolo. I am the only one who survived,” saglit akong natigil sa pagsasalita nang maalala ko na naman ang aksidenteng iyon noon. It’s been five years, but the sadness and the pain in my heart are still here. Hindi pa rin ito lubos na naghihilom. I’m missing my mom. I let out a deep sigh and smile bitterly. “Malungkot pa rin hanggang ngayon. Masakit pa rin. Pero, wala naman na akong magagawa at hindi ko na maibabalik ang buhay ng mama ko. I need to accept the truth na kahit kailanman ay hindi ko na siya makikita.”
Nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko ay mabilis kong kinagat ulit ang pang-ilalim kong labi at pilit na ngumiti. Muli akong bumuntong-hininga nang malalim.
“I have a childhood best friend who I consider my sister. Her name is Shiloh. And, I also have a boyfriend.” Muli akong tumigil sa pagsasalita nang maalala ko rin ang panloloko nila sa ’kin. Ang mga tagpong nadatnan ko sa loob ng condo unit ni Shiloh. Hanggang ngayon kapag sumasagi sa isipan ko ang gabing iyon, bigla na lamang kumikirot ang puso ko at naiiyak nalang ako. “The night you see me crying in the elevator, I was in so much pain that time,” nilingon ko siya. “You know why, Hideo?” malungkot na tanong ko pa sa kaniya.
Ilang segundo siyang nakatitig lang sa ’kin. Para bang binabasa niya ang emosyon sa mga mata ko. “Why?” pagkuwa’y tanong niya.
“Because that was the night I found out that my best friend and my boyfriend were just fooling me.” Saad ko sa kaniya. Muli akong napangiti ng mapait. Mayamaya lang ay mabilis akong nag-iwas ng paningin sa kaniya at basta na lamang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. “Itinuring ko si Shiloh na parang isang tunay na kapatid ko. Minahal ko siya. Pinagkatiwalaan. And I love Zakh. Kagaya kay Shiloh I trusted him. Pero nang gabing ’yon... nang dumating ako sa condo unit ni Shiloh, I saw them together, both naked while on top of bed. Pakiramdam ko, pinagsakluban ng langit at lupa ang buong pagkatao ko. How did they do that to me? May nagawa ba akong mali at pagkukulang bilang isang kaibigan? Nagkamali ba ako bilang isang girlfriend? Iyon ang mga tanong ko sa sarili ko kung bakit nagawa nila akong saktan at lokohin.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak habang nakatingin si Hideo sa akin. I don’t want to cry. Pero ito namang mga luha ko ayaw paawat.
Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Pagkatapos ay mabilis na pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Ngumiti ulit ako ng mapait nang tumingin ulit ako sa kaniya.
“I-I’m sorry! I just couldn’t help myself. I shouldn’t have told you about it.” Saad ko pa sa kaniya pagkatapos ay itinuon ko sa kandungan ko ang mga mata ko. Nilaru-laro ko ang mga daliri ko.
Ilang minuto ang namayaning katahimikan sa pagitan namin. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang pagsinghot ko, ang mahinang paghampas ng alon sa dalampasigan. Nag-aagaw na rin ang dilim at liwanag sa buong paligid.
Medyo kumalma na rin ang puso ko. Hindi kagaya kanina, naninikip iyon habang mabilis ang pagkabog dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawang panloloko sa akin nina Shiloh at Zakh.
“Are you okay now?”
Muli akong napatingin sa kaniya nang marinig ko siyang nagsalita.
Dahan-dahan naman akong tumango. “T-thank you!” saad ko.
He let out a deep. Mayamaya ay inilapag niya sa center table ang rock glass na hawak niya. Tumayo siya sa kaniyang puwesto. Akala ko ay papasok na siya sa loob ng bahay. Pero nagulat naman ako nang lumapit siya sa puwesto ko at inilahad niya sa ’kin ang kamay niya.
“Let’s go!”
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingala ako sa kaniya. “S-saan?” tanong ko.
“Just don’t ask.”
Aniya at kusa na niyang kinuha ang kamay ko, kaya wala na rin akong nagawa kundi ang mapatayo sa puwesto ko. Nagtataka lamang akong nakatingin sa kaniya. Bumaba kami sa Lanai. Naglakad sa buhanginan habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.
“H-hideo!” tawag ko sa kaniya. Pero hindi naman siya lumingon para tingnan ako.
Hanggang sa marating namin ang gilid ng dagat. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Masuyo niya iyong pinisil kaya napatitig ako sa kamay naming magkasalikop. Wala sa sariling napangiti ako nang muli akong mag-angat ng mukha at tumingin sa naka-side view niyang mukha. I can’t help myself but to smile wide.
Nang dumampi sa katawan ko ang malamig na simoy ng panggabing hangin, naiyakap ko sa sarili ko ang isang kamay ko.
“Are you cold?”
Sakto namang lumingon siya sa ’kin.
Well, I’m wearing spaghetti strap silk nighties kaya ramdam ko talaga ang labis na lamig ngayon. Lalo pa at nasa tabing dagat kami.
“Um...” tipid akong ngumiti sa kaniya at dahan-dahang tumango.
Ang akala ko ay wala siyang gagawin, pero nagulat na lamang ako nang masuyo niya akong hinila palapit sa katawan niya at ikinulong sa mga bisig niya. Bale, nasa likuran ko siya nakatayo habang nakapulupot sa katawan ko ang mga braso niya. Well, much better. Mas naramdam ko ang init ng katawan niya kaysa sa malamig na simoy ng hangin.
God! Mababaliw ata ako nito. Hayon kasi ang puso ko at bigla na namang lumakas ang pagtibok. Para na namang may mga kabayong nagkakarera sa loob ng dibdib ko.
“How about this? Are you still cold?”
Parang pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo sa batok ko nang marinig ko ang boses niya sa tapat ng tainga ko. I could feel his warm breath. Maging ang paghigpit lalo ng mga braso niya na nakayakap sa akin. Hinawakan pa niya ang mga palad ko at ipinagsalikop iyon sa mga palad niya.
“Better?”
Diyos na mahabagin! Why? Last day ko na po ba ngayon sa mundo kaya ninyo ito ginagawa sa akin ngayon?
“Y-yeah!” nauutal na saad ko at tumango pa. “T-thank you!”
Narinig kong nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Tumama pa sa leeg at balikat ko ang mainit niyang paghinga. Mayamaya ay ipinatong niya sa balikat ko ang baba niya. Ipinagdikit niya ang mga pisngi namin.
Oh God! Really?
“Is Zakh your first boyfriend?”
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. E, sino ba naman kasi ang makakasagot agad kung nasa ganito kayong posisyon? Imagine?
“Y-yeah! H-he was.”
“But I’m your first.”
Biglang nag-init ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Bakit ba nahihiya pa rin ako sa sarili ko sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari sa amin?
“Why not him?”
Dinig kong tanong niya ulit. Bakit nga ba hindi si Zakh? Well, sa buong taon na magkarelasyon kami ni Zakh... hindi lamang iisang beses na humiling siya sa akin tungkol sa bagay na ’yon. Pero hindi sumagi sa isipan ko na ibigay ang sarili ko sa kaniya. Not until we get married. At siguro hindi talaga ipinahintulot ng Diyos na makuha ako ni Zakh dahil alam niyang lolokihin lang ako nito. Sasaktan lang ako nito. And I’m so thankful for that. Nasaktan man ako. Naiwan man ako. Nabigo man ako. At least I’m still pure and virgin. Walang may nawala sa akin. Ang puso ko lang ang nasaktan.
“Why not him if you love him?”
Bahagya akong lumingon sa kaniya. Nagkabungguan pa ang mga ilong namin. Saglit na nagtama ang mga mata namin bago muli kong itinuon sa unahan namin ang paningin ko.
“B-because I want to keep myself pure until we get married,” makatotohanang sagot ko.
Naghintay ako na muli siyang magsalita. Pero hindi naman iyon nangyari. Nanatili na siyang tahimik habang nasa ganoong puwesto pa rin. Hindi pa rin niya inaalis sa balikat ko ang baba niya.
“Let’s have a date tomorrow.”
“H-huh?” gulat na tanong ko at muling napalingon sa kaniya.
Pero mali pala ang ginawa kong ’yon. Dahil dumukwang siya sa ’kin at biglang hinalikan ang mga labi ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapapikit na lamang at dinama ang mainit niyang mga labi.
Ilang segundong magkahinang ang mga labi namin bago niya ako pinakawalan. Dahan-dahan na rin lumuwag ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan ko.
“Let’s take a walk first bago tayo bumalik sa bahay.”
Aniya at muling ipinagsalikop ang mga palad namin ’tsaka ako iginiya na sa muling paglalakad.
Ewan, pero hindi agad ako makapag-react sa mga nangyayari ngayon. Totoo ba talaga ito? Hideo being nice and sweet and gentle to me? Is this for real? Kasi kung oo, hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili na mahulog pa lalo ang damdamin ko para sa kaniya. In a short period of time, I slowly fell in love with him. Puwede ba talaga ito? I mean, hindi ko pa siya ganoon kakilala. Iilang araw palang simula nang magkita kami. Simula nang dinala niya ako rito sa Isla niya. Is this possible? Can it really be? You will fell in love with the person who kidnapped you? Imprisoned you?
“Let’s go inside. Mas lalong lumalamig ang hangin.”
Saad niya matapos ang halos sampong minutong tahimik na paglalakad namin sa dalampasigan.
Magkahawak kamay pa rin kami hanggang sa makabalik ng bahay niya. Pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang kuwarto ko.
“M-matutulog ka na ba?” tanong ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa ’kin. “Why? May gusto ka pa bang gawin?”
Muli na namang nag-init ang buong mukha ko nang maintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin. Walang-hiya! Baka naman itong utak ko lang talaga ang green at binibigyan ng kakaibang kahulugan ang mga sinabi ni Hideo?
“W-wala naman! J-just... I’m just asking.” Saad ko at nagmamadali ng tumalikod at naglakad papunta sa kabilang side ng kama ko. Umupo ako roon at pagkatapos ay patalikod na humiga.
“Good night baby!”
“N-night!” saad ko nalang at nagtalukbong na ng kumot ko.
Nakakahiya talaga ako kung minsan.