CHAPTER 21

2863 Words
KINABUKASAN, pagkagising ko ay kaagad na bumungad sa paningin ko ay ang mukha ni Hideo na mahimbing pa ring natutulog. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa na siyang dahilan upang maamoy ko ang mainit niyang paghinga na tumatama sa ilong ko. Wala sa sariling napangiti ako ng malapad nang maalala ko ang nangyari sa gabi. Kung bakit nasa tabi ko siya ngayon at kung bakit mahigpit na nakayakap sa ’kin ang mga braso niya. Nakaunan pa ako sa isang braso niya. Oh God thank you! Sa loob ng ilang taon, simula nang mawala si mama, ngayon na lamang naging masaya ng lubos ang umaga ko. Ang paggising ko sa umaga. Hindi ko alam, pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa mga sandaling ito habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Hideo na payapang natutulog. I stared at him intently. Gusto kong haplosin ang mukha niya, pero nag-aalala naman ako na baka bigla siyang magising at mahuli niya ako. Kaya pinagkasya ko na lamang ang sarili ko na titigan siya. He’s so handsome. Hindi talaga nakakasawang titigan ang mukha niya, kahit pa lagi siyang nagagalit sa ’kin, lagi siyang seryoso, laging magkasalubong ang mga kilay niya at nakakatakot siya. Napakasuwerte ng babaeng mamahalin ni Hideo. Hindi ko pa man siya lubusang kilala, but I’m sure Hideo will be a good boyfriend—a good partner in life. Sigurado akong p-portektahan ni Hideo sa kahit anumang bagay o mangyayari ang mahal niya. Hindi niya hahayaan na masaktan o mabasto ang mahal niya. When you are with him, you will feel safe. Lalo na ang makulong sa mga bisig niya. Hay! Kung hindi lamang sa ganitong paraan kami nagkakilala ni Hideo. Baka ura-urada ako mismo ang magtatapat sa kaniya na gusto ko siya. Pero mahirap ang sitwasyon namin. Kumplekado. But yeah I like him already. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga ’tsaka dahan-dahan na mas lalong ipinagdikit ang mga mukha namin. Hanggang sa magdikit ang dulo ng mga ilong namin. I gently rubbed the tip of my nose against the tip of his nose as I smiled sweetly. Mayamaya, sakto nang bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kaniya, ’tsaka ko naman nakitang gumalaw ang talukap ng mga mata niya. Pagising na ata siya. Kaya bago pa man siya magmulat ng kaniyang mga mata, mabilis akong napapikit at nagkunwaring natutulog pa. Ilang saglit akong nakapikit lamang at pinapakiramdaman ko siya. Nang hindi ko naman naramdaman na kumilos siya, dahan-dahan akong muling nagmulat ng mga mata ko. Pero ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kong gising na nga siya at nakatitig lamang siya sa ’kin Ganoon na lamang ang pagkabog nang puso ko. Gusto kong pumikit ulit, pero magmumukha na akong katawa-tawa at tanga no’n kung gagawin ko pa iyon. Nahuli na niya ako e! “Um...” “Good morning!” Bati niya sa ’kin. Hindi agad ako nakapagsalita, sa halip ay nakatitig lamang ako sa mga mata niya. God! Umagang-umaga bakit ganito na agad ang kabog ng puso ko? Parang kinikilig ako na ewan. At ang hininga niya, bakit ang bango pa rin kahit kakagising lang naman niya? Nakakahiya tuloy na magsalita baka mabaho ang bibig ko. Mayamaya ay naramdaman kong kumilos ang dalawang braso niya—hinapit niya ako lalo papunta sa kaniya. Kung hindi ko pa nailayo ang ulo ko, sigurado akong naglapat na naman ang mga labi namin. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa ’kin. Seryoso siya. Pero mayamaya, unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Yeah! He smiles at me now. “Are you okay baby?” Oh! That baby again! Mas lalong pinapalambot ang puso ko dahil sa baby na ’yan. Mas lalong naguguluhan ang isipan ko dahil sa baby na ’yan. Ano ba talaga ang gusto ni Hideo na mangyari sa ’kin? I can’t speak. I don’t know what to tell him. Kaya sa halip na sagutin ang tanong niya... “Um, c-can I go down... down to the kitchen to c-cook breakfast?” sa halip ay nauutal na tanong ko sa kaniya. Ilang saglit niya akong pinakatitigan ulit bago ko naramdaman ang pagluwag nang pagkakayakap ng mga braso niya sa katawan ko. Kumilos siya at bahagyang umangat sa headboard upang isandal doon ang ulo niya. Pero hindi agad ako nakakilos sa puwesto ko. Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Jesus! Ano na ba ang nangyayari sa ’kin? “Go ahead baby!” saad niya. Doon lamang ako napapitlag at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kahit nanghihina ang katawan ko sa mga sandaling ito, pinilit kong kumilos sa puwesto ko at dahan-dahan na bumangon sa kama. Patalikod ako sa kaniya na umupo sa gilid ng kama. Saglit kong inayos ang buhok ko na nagkalat. Gamit ang mga palad ko, pinunasan ko rin ang mukha ko. Baka kasi may panis at tuyo akong laway doon pati muta. Nakakahiya naman sa kaniya. Ang lakas pa ng loob ko na makipagtitigan sa kaniya kanina. Mula sa likuran ko, ramdam kong nakatitig sa siya sa ’kin. There was a voice in the back of my head telling me to look back at him, but I didn’t. Nakakahiya na kung muli niya akong mahuhuli na tumingin sa kaniya. Kaya kahit nanghihina pa rin ang mga tuhod ko, tumayo na rin ako nang maayos ko na ang hitsura ko. I slowly walked closer to the door. Nang hawakan ko na ang doorknob, saglit akong tumigil. Mayamaya ay nilingon ko siya. He was still looking at me. “Um, g-good morning din.” Saad ko sa kaniya at mabilis na binuksan ko ang pinto at nagmamadali ng lumabas sa kuwarto ko. THE SMILE on my lips was never gone. I am happy and I feel light while in the kitchen and cooking our breakfast. Hindi na rin nawala sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Hideo kanina. Muli akong napabuntong-hinga ng banayad. Ayoko mang mag-assume o umasa, pero ang puso ko... parang sinasabi sa ’kin na ito na ang simula na magiging okay na kami ni Hideo. Parang imposibleng mangyari, pero... ano’ng malay ko. Baka nga. “Are you done?” Napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya na nasa likuran ko na pala. Dahil busy rin ang isipan ko kakaisip sa kaniya, hindi ko na naramdaman na nakapasok na pala siya sa kusina at nakalapit na sa kinatatayuan ko. Bahagya akong lumingon sa kaniya. “Um, y-yeah! Almost. I’m almost done.” Saad ko at nagmamadali sa kilos ko para maghain ng pagkain sa lamesa. Naglagay na rin ako ng plato. “P-please have a sit. Um, w-what do you want? Coffee or—” “Coffee,” Sagot niya sa ’kin kaya nahinto ako sa pagsasalita ko. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya at agad na tumalima para ipagtimpla siya ng kape. Oh! I love coffee too. Kaya may sarili akong timpla nito. Sana lang magustohan niya. Pagkatapos ko ay dinala ko ang tasa sa lamesa. Inilapag ko iyon sa tapat niya. “Um, s-sana magustohan mo.” Saad ko na bahagya pang kinakabahan. Baka kasi hindi niya magustohan e! Wala naman siyang ibang sinabi. Sa halip ay dinampot niya ang tasa at saglit na hinipan iyon bago ininom. I was just looking at him and waiting for what he would say to the coffee I brewed for him. “Sit down, Ysolde. Let’s eat.” Ang ngiti sa mga labi ko ay kaagad na naglaho at nakaramdam ako ng lungkot nang iyon ang sinabi niya sa ’kin pagkatapos. I was expecting na pupurihin niya ang ginawa ko. Lihim na lamang akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Laglag ang mga balikat na umupo na rin ako sa kaibayong upuan. Tahimik akong kumain. Pagkatapos naming kumain ay ako ulit ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Pero naroon pa rin siya sa kabisera at nakaupo. Hindi man ako tumingin sa kaniya, I know he was staring at me. Tumalikod nalang ako at sa lababo na pumuwesto para maghugas. Mayamaya ay narinig ko ang ingay ng upuan. Hudyat na tumayo na rin siya sa puwesto niya. Nagulat pa ako nang tumabi siya sa ’kin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumingin sa kaniya. Seryoso ang hitusra niya. “What’s the problem?” tanong niya. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa paghuhugas ng mga plato. “W-wala!” tipid na sagot ko. Bahagya akong napaiktad nang maramdaman kong nagkadikit ang mga braso namin. I’m not sure kung sinadya ba niya iyon o ano. Inilagay niya sa sink ang tasa na pinagtimplahan ko ng kape niya kanina. Naramdaman ko rin na bahagyang lumapit sa gilid ng mukha ko ang mukha niya habang naghuhugas siya ng kamay niya. “Your coffee was taste good.” Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo sa batok ko nang marinig ko ang boses niya sa tapat ng tainga ko. Dumampi pa sa balat ko ang mainit niyang paghinga. And I could smell his breath smelling of coffee. Natigilan ako sa ginagawa ko. Mayamaya ay dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Dahil hindi pa naman siya umaatras, gadangkal na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa. Mas lalo kong naamoy ang paghinga niya. Titig na titig siya sa ’kin. Sa hindi ko inaasahang gagawin niya, bigla siyang dumukwang sa akin at hinalikan ang mga labi ko. Nabitawan ko pa ang kutsarang hawak ko at napahigpit ang pagkakahawak ko sa sponge. Pipikit na sana ako dahil muli kong naramdam ang mainit niyang mga labi, pero kaagad naman siyang humiwalay at inilayo ang sarili sa ’kin. We stare at each other. God! Mas lalong kumabog ang puso ko dahil sa klase ng mga titig niya sa ’kin ngayon. “H-hideo,” sambit ko sa pangalan niya. May maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi niya pagkuwa’y pinasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko. Umangat pa ang kamay niya sa tapat ng mukha ko at inayos sa likod ng tainga ko ang hibla ng mga buhok ko. “Go on, tapusin mo na ang ginagawa mo and follow me to the Lanai.” Saad niya bago walang paalam na tumalikod siya at naglakad na palabas ng kusina. Kung hindi pa ako nakahawak sa gilid ng lababo, malamang na bigla akong natumba nang manghina ang mga tuhod ko dahil sa ginawa ni Hideo sa ’kin kanina. Sunod-sunod at mabibigat na paghinga ang pinakawalan ko sa ere para tanggalin ang sobrang bilis na kabog ng puso ko. “OUR NEXT TARGET is Mayor Baldomar.” Anang Hideo kay Cloud habang nasa Lanai siya at kausap ang binata sa kabilang linya. “Yeah! Nasa ’kin na ang files niya.” “Ikaw na ang bahala sa kaniya. Pagkatapos ay sirain mo lahat ng negosyo niya. Lalo na ang cocaine na ibenebenta niya sa mga tao natin doon.” “Don’t worry boss! Ako na ang bahala sa kaniya.” Anito. Mayamaya ay biglang nagsalubong ang mga kilay ni Hideo nang may marinig siyang ungol ng babae mula sa kabilang linya. “Where are you?” tanong niya rito. Bigla namang tumawa ng pagak si Guilherme. “Nasa condo. E, wala naman akong ginagawa kagabi kaya nagchill muna ako.” Wala man ito sa harapan ni Hideo ngayon, pero sigurado siyang kakaiba ang ngiti nito ngayon. Si Guilherme pa ba? E, kung magpalit ito ng girlfriend ay kasing bilis kung magpalit ito ng brief. And every time he goes to the bar, he never leaves that place without a woman to have a one night stand. Ganoon din naman ang ginagawa niya kung minsan. Kapag nakakaramdam siya ng init ng katawan. When he needs a woman to satisfy his lust. “Do your job, Guilherme. And let’s just meet in my office tonight.” “Okay boss!” Kaagad na pinatay ni Hideo ang kaniyang tawag kay Cloud. HIDEO was actually involved in illegal activities. Base sa mga narinig kong usapan nila ni Cloud sa cellphone, may bago na naman silang tao na papatayin. Ewan ko kung ano itong lungkot na naramdaman bigla ng puso ko ngayon. Dahil ba sa ginagawang trabaho ni Hideo? Na kailangan niya pang pumatay ng tao para lang hindi malugi ang negosyo niya? O dahil nalaman kong aalis na naman siya mamaya at iiwan na naman akong mag-isa rito sa Isla? Siguro iyon nga ang dahilan kung bakit nalungkot bigla ang puso ko. Napatungo ako kasabay ng pagpihit ko patalikod sa kaniya at naglakad ako paakyat sa hagdan. Hindi na ako sumunod sa kaniya sa Lanain gaya ng sinabi niya kanina. Bahala siya roon! Pagkapasok ko sa kuwarto ko, nagtuloy ako agad sa banyo para maligo nalang. Tutal naman at naiinitan na ako kahit umaga palang naman. Halos may twenty minutes din akong nagbabad sa bathtub bago ako nagpasyang mag banlaw na. Pagkatapos ko ay lamabas na rin ako ng banyo habang pinupunasan ko ng towel ang basa kong buhok. “Aalis na naman siya? E, kakarating nga lang niya kagabi. Mag-isa na naman ako rito sa bahay niya,” bulong at reklamo ko sa sarili habang naglalakad palapit sa closet ko. “Ilang araw naman akong mag-iisa rito?” hindi na natanggal ang lungkot sa puso ko dahil sa nalaman ko kanina. I let out a deep sigh. Pagkatapos kong kumuha ng underwear ko, isinuot ko iyon. ’Tsaka ko tinanggal ang robe na suot ko at isinuot din ang bra ko. Pagpihit ko patalikod ay ganoon na lamang ang gulat at kaba ko nang makita ko si Hideo na nakatayo sa likod ng pinto. Nakasandal siya roon habang nakapamulsa ang mga kamay niya. Nakatukod sa likod ng pinto ang isang paa niya habang seryosong nakatitig sa direksyon ko. “Jesus!” gulat na sambit ko at napahawak pa sa tapat ng dibdib ko. Mariin din akong napapikit ng mga mata ko. Bakit ba hindi ko nararamdaman ang presensya niya kapag nariyan na siya sa paligid ko? “Who are you talking with?” tanong niya sa ’kin. Mayamaya ay bumaba ang paningin niya sa katawan ko. Doon ko lamang napagtanto ang hitsura ko. I was only wearing panty and bra. Hindi pa pala ako nakakapagdamit. Sa pagkapahiya ko, bigla akong napayakap sa sarili ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. Naglakad naman siya palapit sa ’kin. Ewan kung ano ang gagawin ko ngayon. Basta ang alam ko lang, heto na naman ang pagkabog ng puso ko habang papalapit siya nang papalapit sa ’kin. Bahagya naman akong umatras. Hanggang sa mabunggo ang paa ko sa paanan ng kama ko. “Who are you talking with, Ysolde?” ulit na tanong niya sa akin. God! Narinig niya ba ang mga sinabi ko kanina? Malamang Ysolde! “Um, w-wala! K-kausap ko lang ang sarili ko.” Saad ko na hindi pa rin magawang tumingin ng diretso sa kaniya. Yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko. Oh Jesus! Para namang first time na makita ni Hideo ang katawan ko. At isa pa, may nangyari na sa ’min so bakit nahihiya pa ako ngayon sa kaniya dahil sa hitsura ko ngayon? “Ang sabi ko sumunod ka sa akin sa Lanai.” Seryoso ang mukha niya. Nang tuluyan na siyang tumigil sa tapat ko, walang paalam na hinawakan niya ang baba ko para iangat ang mukha ko at magtagpo ang mga mata namin. Kakaiba na naman ang naaaninag ko sa mga mga niya ngayon. There is lust in his eyes again now. “H-hideo!” “Yes baby?” “Ahh—” “What do you want? Tell me?” Habang pinagmamasdan niya ang buong mukha ko. Kita ko rin ang paggalaw ng adams apple niya nang lumunok siya ng kaniyang laway. Mayamaya ay naramdaman ko rin ang isang braso niya na pumulupot sa baywang ko. Hinapit niya ako sa kaniya. I also felt in my stomach his hard manhood. Wala sa sariling napalunok na rin ako ng laway ko habang pinagdidiinan niya ang kaniyang sarili sa ’kin. God! Parang unti-unti na namang nabubuhay ang kakaibang init sa katawan ko dahil sa bagay na nakadikit sa tiyan ko. Umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Hindi pa rin niya pinuputol ang titig sa ’kin. Dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa mukha ko. He’s going to kiss me. Kaya naipikit ko bigla ang mga mata ko at inihanda ko na ang sarili ko sa muling pag-angkin niya sa mga labi ko. At hindi nga ako nagkamali. Naramdaman ko ang mainit niyang mga labi. Sa una ay magaan at padampi-dampi lamang ang halik niya sa ’kin. Pero nang tumugon ako sa kaniya, biglang naging nalalim at mapaghanap ang mga halik niya sa ’kin. Naging mapusok. “I... I want you to take me again, Hideo!” sambit ko sa gitna ng mga halik namin. God! Sa ’kin na mismo nanggaling ang salitang iyon. Ang paanyayang iyon. Ngumiti siya sa ’kin nang bahagya siyang lumayo sa ’kin. Mayamaya ay nagulat nalang ako nang itulak niya ako pahiga sa kama. Mabilis ang mga kilos niya nang hubarin niya ang suot niyang white t-shirt ganoon na rin ang walking short niya. “And I want you, Ysolde!” Iyon lamang ay kaagad niyang inangking muli ang mga labi ko nang daganan na niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD