CHAPTER 20

2256 Words
SUNOD-SUNOD at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nagpaparoo’t parito ang lakad ko sa loob ng kusina. Hindi ako mapakali at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko ngayon. Katatapos ko lang magluto ng pagkain. Pero hindi ko alam kung paano ako lalabas ngayon ng kusina para puntahan si Hideo at tawagin na para kumain. Ewan ba, pero ang kabog ng puso ko kanina ay hindi na nawala. Pagkatapos nang mga nangyari sa amin kanina sa Lanai, magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay. Hindi siya nagalit sa ’kin dahil naabutan niya akong nasa labas. Instead he just talked to me. He asked me how was I? If only I was okay that I was left alone in his house for two days. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, nagpaalam siyang aakyat siya sa kuwarto niya para maligo at magbihis. Nagulat pa ako dahil sa pagpapaalam niyang iyon sa ’kin. Well, sino ba naman ako para magpaalam siya? I mean, siya naman ang boss dito. Pero gayo’n pa man, kinikilig ang puso ko dahil doon. Pagkaakyat niya, kinuha ko na rin ang pagkakataon na iyon para magluto ng pagkain para sa amin. Oh God! Bakit parang umaasta ako ngayon na isang may bahay niya? Well, we are married. Hindi pa man tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang bagay na iyon, hindi ko pa man tuluyang natatanggap ang tungkol doon, pero parang wala na rin ang pagtutol sa puso ko dahil sa sapilitang kasal na nangyari noong isang gabi. Jesus! Iilang araw pa lamang simula nang makita at makilala ko si Hideo. He abducted me. He imprisoned me. Pero aaminin kong may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko na hindi ko maintindihan. If someone will ask me if I like Hideo already? I won’t deny it. Ipokrita ako kung itatanggi ko pa sa sarili ko na hindi ko gusto si Hideo sa mga sandaling ito, sa kabila nang mga ginawa niya sa ’kin. I mean, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang kagaya niya? Kahit pa sabihing masamang tao ang pagkakakilala ko sa kaniya dahil sa ginawa niya sa ’kin, I also couldn’t stop myself from liking him. I let out a deep sigh again. Ilang sandali pa ay nagpasya na rin akong lumabas ng kusina. Nang nasa sala na ako, I saw him on the Lanai. Standing on the side of it while holding a glass of wine. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa sliding door. Kinakabahan pa ako kung tatawagin ko ba siya o hindi. Pero bigla naman siyang lumingon. Nagtama ang mga mata namin. Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko. “Um, I... I... I cooked food. Y-you may be h-hungry already.” Nauutal na saad ko sa kaniya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Ilang saglit siyang tahimik lamang habang nakatitig sa ’kin. Mayamaya ay naglakad siya palapit sa center table at inilapag doon ang baso na hawak niya pagkatapos ay naglakad din siya palapit sa ’kin. Hindi ko pa magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya. “Let’s go. Let’s eat together.” Aniya at kaagad na hinawakan ang kamay ko. Wala na akong nagawa nang igiya niya ako pabalik sa kusina. Habang naglalakad ay nakatingin lamang ako sa kamay namin magkasalikop. Hanggang sa makapasok kami sa kusina. Nagulat pa ako at napatingin sa kaniya nang ipaghila niya ako ng upuan. “Sit down Ysolde!” saad niya sa ’kin. “T-thank you!” sambit ko at umupo na nga. Ewan ko kung ano itong kaba na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. Parang nahihiya ako sa kaniya na parang natatakot din ako. Iniisip ko rin kanina pa kung dahil ba sa nangyari sa amin noong isang araw kaya ganito siya makitungo sa ’kin o ano? Well, ito rin naman talaga ang inaasahan ko. That after we did those thing, magiging okay din kaming dalawa. Ito na ba ang simula? I guess and I’m hoping. Tahimik lang akong kumakain habang nakatuon sa plato ko ang paningin ko. Gusto ko siyang kausapin dahil nakakailang naman na magkaharap kami sa hapag pero pareho kaming tahimik. Pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Pinapakiramdaman ko nalang siya. And I know, nakatingin siya sa ’kin paminsan-minsan. I can feel it. “Are you done?” Tanong niya nang bitawan ko na ang kubyertos na hawak ko. Bahagya akong tumango. “B-busog na ako.” “Kumain ka pa Ysolde. Kaunti lang ang kinain mo.” Saglit akong tumikhim. “B-busog na ako. Naparami kasi ang kain ko kanina b-bago ka dumating.” Saad ko ulit sa kaniya. Hindi naman na siya nagsalita. Itinuloy na niya ang pagkain niya habang tahimik na naman ako sa puwesto ko. Nakatingin lamang ako sa kaniya. Ang ingat niyang kumain. Ang manly niya tingnan kahit kutsara at tinedor lang ang hawak niya ngayon. Habang tumatagal na nakatitig ako sa mukha niya, nakikita kong parang ang bait nga niyang tao. Naalala ko rin ang mga sinabi sa akin ni Vena at Jule... that Hideo is a good man. Pero may katanungan pa rin sa isipan ko na naglalaro hanggang sa mga sandaling ito. Why did he kidnap me and bring me here on his Island? Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong maisip na dahilan niya bukod sa sinabi niyang may malaking utang sa kaniya ang papa ko. Ano ba ang ibig niyang sabihin bakit niya ako dinukot? Kasi ako ang kabayaran sa utang ng papa ko sa kaniya? “Done checking me?” Bahagya akong nagulat nang bigla siyang mag-angat ng mukha niya at nagtama ang mga mata namin. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. God! Bakit habang tumatagal na nakikita ko siya ay mas lalo siyang nagiging guwapo sa paningin ko? Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya. Lalo ng hindi nakakasawang titigan ang kulay tsokolateng mga mata niya. Medyo nakakailang nga lang makipagtitigan sa kaniya. “Ysolde?” Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Um,” “What are you thinking right now, Ysolde?” he asked me. Go on, Ysolde. Ask him. This is your chance to ask him why he brought you here. Pero natatakot ako na baka dahil sa itatanong ko ay magalit ulit siya sa ’kin. “T-tapos ka na ba?” sa halip ay tanong ko nalang sa kaniya. Binitawan niya ang kubyertos na hawak niya pagkuwa’y kinuha ang baso ng tubig at uminom doon. “H-hideo,” saad ko habang nakatitig na naman ako sa kaniya. “What?” “P-puwede ba akong... m-magtanong s-sa ’yo?” “It depends...” aniya. I secretly let out a deep sigh. “Um, I... I just... I just want to ask you kung b-bakit mo talaga ako dinala rito? I mean—” “I already told you Ysolde.” Saad niya dahilan upang maputol ang pagsasalita ko. “P-pero... pero hindi pa rin ako naniniwala na dahil sa malaking utang sa ’yo ni papa kaya mo ako dinukot.” Seryoso siyang tumitig sa ’kin. Nakakailang man, pero hindi ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. Pinilit ko na salubungin ang mga mata niya. “Malaki ang utang sa ’kin ng papa mo Ysolde. At alam niya na ikaw ang kukunin ko oras na hindi siya makapagbayad sa ’kin sa araw ng kasunduan namin,” saad niya. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Alam ni papa? So that means, in these moments papa knows where I am? Kung sino ang kasama ko? “Ngayon, kung susubukan mo ulit na magmakaawa sa ’kin na isuli kita sa papa mo, I don’t think I can do that. Lalo pa at kasal na tayo.” Yeah he’s right! Nakakulong na ako rito sa Isla niya, tapos kasal na kami kaya kahit pa man magpumilit ako na pakawalan niya ako rito... wala na rin akong magagawa. Malungkot akong nagbaba ng mukha at muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Mayamaya ay narinig kong kumilos siya at tumayo sa puwesto niya. Walang salita na naglakad siya palabas ng kusina. Naiwan akong mag-isa roon. “I missed you so much, papa!” malungkot na bulong ko sa hangin pagkuwa’y mabilis na kinagat ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman kong nag-init bigla ang sulok ng mga mata ko. PAGKATAPOS kong magligpit at maghugas sa mga pinagkainan namin ni Hideo, umakyat na rin ako sa kuwarto ko. Gusto ko ng magpahinga. I saw him outside the house... he was walking on the beach. Gusto ko pa sanang umupo sa Lanai para magpahangin, pero hindi ko na ginawa. Medyo inaantok na rin kasi ako. Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay dumiretso ako sa banyo para maglinis ng mukha ko at mag toothbrush. Saktong papalabas na ako sa pinto ng banyo nang makita ko naman na bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok si Hideo. Nakasuot na siya ng itim na pajama habang puting sando naman ang pang-itaas niya. Nagtataka naman akong nakatingin sa kaniya. “Let’s sleep.” Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Ano raw? Let’s sleep? Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya? Oh well, maybe I heard him right! Kasi hayon siya’t naglalakad na palapit sa kama ko at umupo sa gilid niyon habang tinatanggal niya ang kumot ko. Sumandal siya sa headboard ng kama nang maipasok niya ang paa niya sa kumot ko. Nakatayo lamang ako sa may pintuan ng banyo habang nakatulalang nakatingin sa kaniya. “Are you not sleepy baby?” God! Ano ba itong ginagawa ni Hideo sa ’kin? Gusto niya ba akong mabaliw ngayon dahil sa ginagawa niya? Una, hindi siya nagalit sa ’kin kanina nang maabutan niya akong nasa Lanai at sinuway ko na naman ang utos niya. Pangalawa, magka-holding hands kami kanina at sabay pa kaming kumain. Pangatlo, pumasok siya rito sa kuwarto ko para dito matulog at pang-apat, he called me baby? Jesus! “Come on Ysolde I’m already tired and sleepy.” “Um, d-dito... dito ka matutulog sa kuwarto ko?” nauutal na tanong ko habang hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Ewan ko ba, biglang kumabog nang mas malakas ang puso ko sa isiping magtatabi kaming matutulog sa kama ko. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang gagawin ko ngayon. Kung hahakbang ba ako palapit sa kama para humiga na rin doon o lalabas ako ng kuwarto ko para sa sala nalang matulog. Teka, bakit naman biglaang dito siya sa kuwarto ko matutulog ngayon? E, may kuwarto naman siyang sarili niya. “Gusto mo bang puntahan pa kita diyan para dalhin dito sa tabi ko?” tanong niya at kaagad na kumilos para sana umalis sa puwesto niya. Sa pagkataranta ko, bigla akong napakilos sa kinatatayuan ko at dahan-dahan na naglakad palapit sa kabilang side ng kama ko. Oh God! Ysolde, bakit ka ba kinakabahan? E, baka mamaya niyan... m-may gawin na naman siya sa ’kin kaya dito siya matutulog. Bigla kong naalala ang nangyari sa amin noong isang araw. Jesus! “Don’t worry, I won’t do anything to you tonight, Ysolde. I just want to sleep next to you.” Saad niya. Oh! Wala naman palang gagawin Ysolde e! Ikaw lang itong nag-iisip. Anong malay ko na may gawin ulit kami? Nag-tatalo na ang isipan ko. Bigla ring nag-init ang buong mukha ko dahil sa mga naiisip ko ngayon. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama habang nakatalikod sa kaniya. Pero mayamaya ay halos mapatili pa ako nang biglang pumulupot sa baywang ko ang isang braso niya at hinila niya ako pahiga sa kama—sa tabi niya. Pakiramdam ko biglang nanigas ang buong katawan ko at pigil ang paghinga ko habang nakapulupot pa rin sa tiyan ko ang braso niya. Nakaunan na rin ako sa isang braso niya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Ramdam kong tumatama sa pisngi ko ang mainit niyang hininga. “Let’s sleep baby! Good night!” bulong niya sa puno ng tainga ko. Parang nagtayuan pa ata ang mga balahibo sa batok ko dahil sa ginawa niya. Lalo na noong gawaran niya ng halik ang tainga ko. Jesus! Paano ba ako nito makakatulog ngayon gayo’ng nandito siya sa tabi ko? Ganito ang posisyon namin? One of his arms was still wrapped around my stomach and waist. Hindi ko magawang kumilos para umayos sa puwesto ko. It’s uncomfortable. Hindi na nga ako sanay na may katabi sa higaan ko... but now, Hideo was next to me. “Good night baby!” Naramdaman ko ang mukha niya na isinubsob niya sa leeg ko. Hindi ko pa rin magawang kumilos. Parang natuod na ata ako sa posisyon ko. Pero dahil sa mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko sa leeg ko, parang pakiramdam ko unti-unting nagiging banayad na rin ang t***k ng puso ko. Sumilay na rin ang ngiti sa mga labi ko. Ang mga kamay kong kanina ay naninigas at hindi malaman kung saan ipupuwesto ay kusang gumalaw at humawak iyon sa braso niyang nakapulupot pa rin sa tiyan ko. “G-good night Hideo!” pabulong na saad ko sa kaniya. Kumilos naman siya at mas lalo akong hinapit sa baywang ko. Mas lalong nagkadikit ang mga katawan namin. I could feel his hot body. Idinantay niya pa ang kaniyang hita sa mga hita ko. Mayamaya ay kumilos na rin ako sa puwesto ko. Humarap ako sa kaniya at iniyakap na rin sa katawan niya ang isang braso ko. Nang bahagya siyang umangat, isiniksik ko sa leeg niya ang ulo ko. This is so comfortable. Parang masarap ngang matulog kapag may kayakap ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD