“GISING!”
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ng isang babae maging ang pagyugyog nito sa may paa ko.
Kahit ramdam ko ang pananakit ng ulo ko, ng buong katawan ko... I opened my eyes slowly. Unang bumungad sa malabo kong paningin ay ang mukha ng isang babae na parang hindi ata nalalayo ang edad sa edad ko. She’s wearing black leather jacket and black pants. Her hair was braided and she’s wearing black lipstick too. Dahil sa klase ng titig niya sa ’kin... ako mismo ang nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Sa sobrang pananakit ng buong katawan ko, hindi na ako makagalaw sa puwesto ko. Oh yes! Buong magdamag ay nakaupo lamang ako at nakasandal sa headboard ng kama. Basang-basa ako ng dagat kagabi, pero natuyo na lamang ang buhok ko maging ang damit na suot ko. Ang mga kamay kong nakaposas pa rin sa itaas ng headboard ay parang naging manhid na at hindi ko na nararamdaman iyon.
Thank God at hindi naman pala ako naabutan dito na isang malamig na bangkay na lamang. I’m still alive. Pero dapat ko bang ipagpasalamat iyon? Gayong alam ko naman na isang pagsubok at paghihirap na naman ang kakaharapin ko sa bagong umaga at bagong araw na iyon. Ano na naman ang mangyayari sa akin ngayon?
“S-sino ka?” mayamaya ay tanong ko sa kaniya nang maramdaman kong hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa direksyon ko. Naiilang na ako.
Nangunot lamang ang noo ng babae.
“I said, w-who are you?”
Sa pagkakataong iyon, doon ko lang namalayan na sobrang hina pala ng boses ko. Halos walang tinig ang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil iyon sa lamig at basa na natuyo na lamang sa buong katawan ko sa magdamag, kaya nawalan ako ng boses.
“Kumain ka na!”
’Tsaka ko naman nakita ang tray na nasa gilid ng kama. My stomach suddenly swelled with hunger nang makita ko ang pagkain.
“H-how can I eat?” tanong ko at napatingin sa kamay kong nakaposas pa rin.
Bumuntong-hininga naman ng malalim ang babae ’tsaka may dinukot sa bulsa ng pantalon niya. She took the key in her pocket. Lumapit ito sa gilid ng kama at tinanggal ang posas sa kamay ko. Doon ko mas lalong naramdaman ang pananakit ng palapulsuhan ko. Pero nakahinga rin ako ng maluwag at guminhawa ang pakiramdam ko pagkatapos. I hold my wrist and lightly massaged it. May sugat ako at may namuo pang dugo roon. Dahil siguro iyon sa pagkakabanat ng kamay ko kagabi habang natutulog ako.
“Kumain ka na bago pa dumating si boss. Sigurado akong magagalit iyon sa ’kin dahil pinakain kita.”
I looked at her again when I heard what she said. Pero naglakad naman siya papunta sa single couch na naroon sa sulok ng kuwarto. Doon siya pumuwesto. Nakadekwatro pa ito habang nakapatong sa ibabaw ng armchair ang isang siko. Seryoso ring nakatitig sa akin.
“Eat now Ysolde.”
Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko at mabilis na nagbawi ng tingin sa kaniya. Tinapunan ko naman ng tingin ang pagkain. Nang muling kumalam ang sikmura ko, dahan-dahan kong inabot ang tray at tahimik na kumain. Kahit papaano ay naramdaman ko naman ang ginhawa sa mga kalamnana ko. Pero ganoon pa rin ang sakit na nararamdaman ng buong katawan ko.
“Are you done?”
Dinig kong tanong sa akin ng babae kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Bahagya lang akong tumango.
Tumayo naman ito sa puwesto niya at muling lumapit sa kama.
“Mamaya ka na magbihis, tutal naman at tuyo na ang damit mo. Hindi kita puwedeng bigyan ng bihisan dahil ako ang mananagot kay boss.”
“P-pero...” medyo nagkaroon na rin ako ng kaunting boses. “...pero gusto ko ng maligo. Nangangati na ako dahil sa dagat. And... I... I want to pee.”
“I’m sorry. Pero hindi kita mapapagbigyan sa gusto mo. Hintayin mo nalang na dumating si boss mamaya.”
Aangal pa sana ako pero bigla naman niyang hinawakan ang mga kamay ko ay muling ipinosas sa itaas ng headboard.
“Please! Naiihi na talaga ako.”
“Tiisin mo na muna.” Anito. “In just two hours, nandito na si boss.”
Nanlaki ang mga mata ko. What? In two hours? Ganoon katagal ang hihintayin ko bago ako makaihi? E kung payagan na lamang kaya niya ako ngayon na magpunta sa banyo para umuhi? Magkakasakit pa ako nito sa bato.
“P-please! Matagal pa ang two hours. Saglit lang naman akong iihi e!” pagmamakaawa ko sa kaniya.
But she did not look at me. Sa halip ay dinampot niya ang tray at walang imik na lumabas sa kuwarto at iniwan akong mag-isa roon.
I let out a deep sigh and leaned on the headboard. God! Isang araw palang akong nakakulong sa bahay na ito... pero ang pakiramdam ko taon na ang lumipas simula nang ikulong ako rito ng Hideo na ’yon. I really missed my Papa. Gusto ko ng umuwi sa bahay.
I didn’t realize the time and I fell asleep again. I just woke up when I felt like a hand was caressing my thigh. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa gilid ng kama, sa tabi ko. Isa ito sa tauhan ni Hideo. Malapad ang pagkakangisi nito habang nakatitig sa akin. Para bang asong nauulol ang hitsura nito.
I was suddenly struck with fear nang maisip ko ang binabalak ng lalaking ito ngayon. Napatingin pa ako sa magaspang at maitim niyang kamay na patuloy pa rin sa paghaplos sa hita ko.
“W-what are you doing?”
“Shhh!”
Sumenyas pa ito sa akin na huwag akong maingay. Nanlilisik pa ang mga mata.
Napailing ako ng sunod-sunod. Mayamaya ay umangat sa tiyan ko ang kamay niya.
“P-please po! No! Please stop it!”
Nahihintatakutang saad ko. Sa buong buhay ko, ngayon lamang nangyari ito. Kahit si Zakh, sa loob ng dalawang taon na magkarelasyon kami, ni minsan hindi nagawang hawakan ako sa hita ko. Hanggang halik lamang ang kaya kong ibigay sa kaniya dahil gusto kong panatilihin ang sarili ko na malinis bago kami ikasal. But this man... nangahas itong hawakan ako sa hita ko. I wanted to remove his rough hand that was now still on my stomach. Pero hindi ko magawa dahil nga nakaposas pa rin ako.
“Please! Huwag po!” nag-init na ang sulok ng mga mata ko. Ilang segundo lang ay nag-unahan na rin sa pagpatak ang aking mga luha.
God! What is happening to me now? Parusa po ba ito dahil sa pagsuway ko sa utos ni Papa? Iyon lang naman po ang maling nagawa ko e!
“Shhh! Huwag kang maingay baka marinig nila tayo.”
“Please no!”
“Huwag kang mag-alala... isa lang naman at saglit lang habang wala pa si boss.”
Ngumisi na naman ito ng nakakadiri.
“Help!” sumigaw na ako. Pero bigla rin akong natigilan nang mag labas ito ng patalim mula sa tagiliran nito. Itinutok nito iyon sa akin.
“Sabing huwag kang sumigaw kundi papatayin kita ngayon din.” Mariing saad nito sa akin.
I could do nothing but keep quiet and and I kept my mouth shut.
Kumilos naman ang lalaki. Gumapang ito mula sa may paanan ko. Gusto ko siyang tadyakan sa pagitan ng hita niya, pero nakatutok naman sa akin ang patalim niya.
“Mukhang masarap ka pa naman! Ang suwerte naman ni boss Hideo. Kaya ngayon, uunahan ko na siya!”
Anang lalaki at akma na sana akong hahalikan, pero bigla namang bumukas ang pintuan. Napatingin doon ang lalaki, even me. Doon lamang ako tila nabuhayan ng loob at nawala ang labis na takot sa puso ko nang makita ko si Hideo.
“What are you doing moron?” galit na tanong nito.
Kitang-kita ko kung paano umigting ang pangga niya pagkuwa’y malalaki ang mga hakbang na naglakad palapit sa kama.
“B-boss!” nauutal at takot na saad naman ng lalaki pagkuwa’y nagmamadaling umalis sa ibabaw ko. “S-sorry po boss!”
Hindi naman nagsalita si Hideo. Sa halip ay binira niya ang kuwelyo ng damit ng tauhan niya at sunod-sunod na malalakas na suntok sa tiyan ang ibinigay niya sa lalaki. Bumagsak naman ang lalaki sa sahig.
“f**k! Sino ang nagsabi sa ’yo na puwede mong galawin si Ysolde?” galit na tanong niya.
“S-sorry po boss. G-gusto ko lang naman pong—”
“Gustong ano?”
“Sorry po boss!”
Paulit-ulit na saad ng panget na lalaki.
“Damn it!”
Malakas na sinipa ni Hideo ang lalaki sa tiyan nito.
“Dalhin n’yo sa labas ang basura na ’to at itali. Hinintayin ninyo ako sa labas!”
Mariing utos ni Hideo sa mga tauhan nitong nasa labas ng kuwarto. Ako man ay biglang napatulala sa kawalan dahil sa takot na naramdaman ko dahil sa ginawa ng lalaking iyon sa akin.
“Hey!”
Doon lamang ako napatingin sa kaniya nang tapikin niya ang braso ko. Nagtaas ako ng mukha at napatitig sa kaniya. Walang ibang emosyon ang nakikita ko sa mukha niya sa mga sandaling iyon kundi galit. Iyon lamang. Muli, sunod-sunod na rumagasa ang mga luha sa mata ko.
Tiim-bagang na bumuntong-hininga naman siya at kinuha ang susi ng posas na nasa loob ng bulsa niya. Pinakawalan niya ang mga kamay ko. Sa sandaling natanggal sa mga kamay ko ang posas na iyon—kahit nanghihina pa ang buong katawan ko dahil sa pinaghalong sakit sa likod ko at sa takot na naramdaman ko kanina dahil sa hayok na lalaking ’yon... bigla akong tumayo sa kama at mahigpit na yumakap kay Hideo. Oo na! Although may kasalanan siya sa akin dahil kinidnap niya ako. Kahit pa takot din ako sa kaniya... pero sobra ang pasasalamat ko sa kaniya ngayon. Kung hindi siya agad dumating, hindi ko alam kung ano na ang ginagawa sa akin no’ng lalaking ’yon.
“T-thank you! Thank you!” I told him while crying and my whole body still trembling because of fear. I hug him so tight.
Wala akong narinig na salita mula sa kaniya. Pero naramdaman ko naman ang paghawak niya sa baywang ko. Parang sinasabi niya ata sa akin na Welcome.