BUMUNTONG-HININGA ako ulit nang malalim habang nakatayo ako sa tapat ng pinto ng kuwarto. Kanina pa ako nagpapabalik-balik doon at hindi makapagdesisyon kung hahawakan ko ba ang seradura niyon para buksan iyon o babalik na lamang sa kama at matutulog na lamang. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganito ang inaasta ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Lalo na ang puso ko. I don’t know why I felt like this simula pa kanina habang nasa Boutique kami ni Hideo—hanggang sa makauwi kami rito sa Isla.
Why my heart is pounding like this?
I sigh deeply again. Nabitin din sa ere ang kamay kong akma na sanang hahawakan ang doorknob. Sa huli ay bumalik na lamang ako sa kama at umupo sa gilid niyon. Hindi ko na lamang itinuloy ang balak kong lumabas ng kuwarto para bumaba sa sala. Baka mamaya niyan ay pagalitan pa ako ni Hideo dahil lumabas ako ng hindi niya sinasabi. Mayamaya ay napatingin ako sa labas ng bintana... the surrounding were quite dark. Pagabi na pala. Hindi ko manlang namamalayan ang oras.
Sumandal ako sa headboard ng kama. Iginala ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Nang mahagip ng paningin ko ang mga libro na naroon sa ilalim ng isang maliit na lamesa, naglakad ako papunta roon upang tingnan kung anong mga libro iyon. I love reading books. Isa iyon sa nagpapawala ng boredom or stress ko. Lalo na kagaya sa sitwasyon ko rito ngayon. Wala manlang TV or any appliances na puwede kong paglibangan. Well, hello! Preso ako rito so bakit naghahanap pa ako ng mga ’yon? Mga English Novels ang nakita ko roon. Ang iba ay nabasa ko na. Kaya ang hindi familiar sa ’kin na libro na naroon ang kinuha ko. Pinunasan ko muna ang kaunting alikabok sa ibabaw ng mga niyon bago ko dinala sa ibabaw ng kama at doon tahimik na nagsimulang magbasa. Hanggang sa hindi ko na napansin at tuluyan ng nag-gabi. Kung hindi pa kumulo ang tiyan ko, hindi pa maaalis ang atensyon ko sa librong binabasa ko.
Napalingon akong muli sa nakabukas na bintana. Gabi na nga! Isinarado ko ang libro na hawak ko at napatingin din sa nakapinid na pinto. Nang muling kumulo ang sikmura ko, naglakas loob na akong tumayo sa kama at naglakad palapit sa pintuan. Binuksan ko iyon at dahan-dahan na naglakad palapit sa may hagdan. Tahimik ang buong paligid. Wala rin sa sala si Hideo. Ang mga kurtina roon ay bahagyang nililipad ng hangin na nanggagaling sa labas ng bahay.
“H-hideo!” bahagya lamang ang boses ko habang nagsimula na ring bumaba sa hagdan. “Hideo!” muli kong iginala sa buong paligid ang aking paningin. But I couldn’t see him. My stomach swelled again. Nang mapatingin ako sa may kusina—naglakad na ako papunta roon. Bahala na kung makita niya akong nandito sa ibaba. Basta gusto ko ng kumain.
Pagkapasok ko sa loob ng dinning ay kaagad akong naghanap ng pagkain. Mayroon namang ulam sa loob ng refrigerator pero hindi na ako nag-abalang initin iyon. Ang tinapay na nasa ibabaw ng counter kitchen na lamang ang kinuha ko at naghagilap ng palaman. Hindi na ako nag-abalang umupo sa lamesa. Doon ko na rin iyon nilantakan habang maya’t maya ang tingin ko sa pintuan ng kusina. Baka kasi bigla na lamang pumasok doon si Hideo. But thanks to God, kasi hindi naman siya dumating hanggang sa matapos akong kumain. Nang mailigpit at mahugasan ko ang baso at kutsara na ginamit ko ay muli akong lumabas ng kusina. Papanhik na sana ulit ako sa hagdan nang mapatingin naman ako sa nakabukas na sliding door papunta sa Lanai.
Nasaan kaya siya? Umalis ba siya ng Isla? Ako lang ba ang tao ngayon dito? Mga katanungan sa isipan ko at nagsimulang humakbang palapit sa may sliding door. Bigla pa akong napayakap sa sarili ko nang sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Dinig ko rin ang mahihinang hampas ng alon sa dalampasigan. Dahil may ilaw naman sa Lanai at may dalawang poste ng ilaw sa labas ng bahay, kaya medyo maliwanag sa labas.
Nang nasa labas na ako ng pinto... mas naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Iginagala ko lang ang paningin ko sa buong paligid nang mahagip ng mga mata ko ang puting bagay na lumulutang sa dagat. Nangunot ang noo ko at napatitig doon. Medyo may kalayuan man ang dalampasigan mula sa puwesto ko... but I know and I am sure na tao ang nakikita ko ngayon na nakalutang sa dagat.
“H-hideo?” wala sa sariling sambit ko at nagsimulang humakbang pababa sa tatlong baitang na naroon sa labas ng Lanai. “Hideo?” I don’t know why my heart suddenly started beating faster as I hurried to the sea.
May halong takot sa puso ko habang papalapit ako sa lalaking nakalutang ngayon sa dagat. Yeah! It’s Hideo. Iilang araw pa lamang na nakakasama ko siya rito sa Isla niya, pero I know his back.
Nang hawakan ko ang kamay niya para sana hilahin siya papunta sa pampang, pero ganoon na lamang ang labis na gulat at takot ko nang hawakan niya rin ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kaniya nang tumayo siya ng tuwid.
“Ahhh!” napasigaw ako ng malakas.
“What are you doing?”
Dinig ko ang galit niyang boses habang nakapikit ako ng mariin at pilit na binabawi sa kaniya ang kamay ko.
“Ahhh!” hindi agad ako nakahupa. Jesus! Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa labis na takot.
“What are you doing out here, Ysolde?” galit pa rin ang boses niya.
Doon lamang ako dahan-dahan na nagmulat ng mga mata at tiningnan siya. Ewan ko kung ang malakas na pagkabog ng puso ko ay dahil pa rin sa gulat at takot na naramdaman ko kanina o hindi na. Napatitig ako sa mukha niya. Sa mga mata niya. Medyo madilim man sa kinaroroonan namin, but I can clearly see his brown eyes. Mga matang noong unang beses kong makita sa loob ng elevator ay puno ng pagkamisteryoso, galit at dilim. Pero ngayon, habang tinititigan ko ang mga matang iyon... wala akong ibang makita roon kundi kalungkutan. Oh God! He’s Hideo. Ang lalaking unang beses kong makita ay alam kong matapang, matigas, walang kahinaan, walang kinatatakutan... pero ibang-iba ang nakikita ko ngayon. Nagagalit man siya ngayon sa ’kin... I know he’s weak inside in those moments.
Saglit kong pinasadahan ng tingin ang buong hitsura niya. The sea water was still dripping from his black long hair. His eyebrows were thick. Mapupungay ang kaniyang mga mata. He has a pointed nose. His lips were thin na bagay na bagay sa kaniya. Mamula-mula pa iyon na para bang hindi siya naninigarilyo. Yeah, I saw him smoking, once. And he has a prefect jaw line. God! If it wasn’t just this way Hideo and I met, I would think he was a perfect guy. I would think I was very lucky because I was the woman he wanted to marry. Pero hindi e... even though Vena told me that he is a good person, hindi na ata mababago ang pagkakakilala ko sa kaniya.
“I said what are you doing out here, Ysolde?”
Nabalik ako sa sarili ko nang muli kong marinig ang galit niyang boses. Nang muli akong mapatitig sa mga mata niya, matalim na ang titig niya sa ’kin.
“I didn’t give you permission to leave your room.”
Nang makaramdam ulit ako ng takot dahil sa kaniya, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Muli na naman akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman ko ang labis na lamig ng dagat at hangin na yumayakap sa buong katawan namin. Kung bakit ngayon ko lamang iyon naramdaman.
“I... I... I’m sorry!” kanda utal na saad ko. “N-nagutom kasi ako kaya... kaya lumabas ako ng kuwarto. Tinatawag kita kanina pero wala ka naman sa loob ng bahay mo. I’m sorry kung lumabas ako. Naghanap lang ako ng pagkain sa kusina mo.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya. “I was about to go back to the room when I came out of your house, and... and I saw you here. A-akala ko kung napaano ka na kaya pinuntahan kita rito.”
Wala akong narinig na salita mula sa kaniya matapos kong magpaliwanag sa kaniya. Kaya muli akong nag-angat ng mukha at pinilit na tingnan siya. He was staring at me. Seryoso ang hitsura niya.
Dahil hindi ko naman kayang salubungin ang mga mata niya, muli akong nag-iwas ng tingin. Mas lalo ko ring niyakap ang sarili ko nang muling tumama sa buong katawan ko ang malakas na hangin. My whole body trembled again.
“Next time, I don’t want you to leave your room without my permission... hanggat hindi ko sinasabi sa ’yo. Understand?”
Wala sa sariling napalunok na lamang ako ng aking laway at dahan-dahan na tumango. Hay ewan! Hindi manlang nagpasalamat sa ’kin. Kung hindi ko pa siya pinuntahan dito, malamang na namatay na siya. Oh God! Bakit ngayon ko lamang naisip ’yon? Sana pala hinayaan ko na lamang siyang magpalutang-lutang dito hanggang sa malunod siya. So it’s my chance to escape from him. Makakatakas na sana ako rito sa Isla niya. Oh Ysolde! Bakit hindi ka muna nag-iisip ng maayos bago ka lumusong dito kanina? Panenermon ko pa sa sarili ko.
“Go on!” aniya.
Pero hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dala sa sobrang lamig ng tubig dagat... pakiramdam ko naging yelo na ata ang kalahating katawan ko at hindi ko na magawang makakilos.
“What are you waiting for?”
“I... I... I can’t... move,” saad ko at biglang nanginig pati ang boses ko.
God! Sino ba naman kasi ang hindi lalamigin kapag nag night swimming ka at ganito ang panahon? Mahangin. But it’s not night swimming Ysolde. Nakagat ko na lamang ang pang-ilalim kong labi.
“I can’t... I can’t move.” Saad ko pang muli sa kaniya nang makita kong mas lalong tumalim ang titig niya sa ’kin.
He sighed deeply and walked closer to me. Gulat at nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang kaniyang gagawin sa ’kin. Hinawakan niya ako sa balikat ko habang ang isang kamay naman niya ay inilubog niya sa dagat at hinawakan ang hita ko. Walang kahirap-hirap at pinangko niya ako.
Dahil sa labis na pagkagulat ko... naikuyom ko na lamang ang mga kamay ko at hindi malaman kung hahawak ba ako sa balikat at leeg niya o ano. Even my heart suddenly pounded. It’s beating so fast na parang gusto niyang lumabas sa dibdib ko.
What is happening to me? Why I’m feeling like this?
“I don’t like stubborn women, Ysolde.”
Saad niya at nagsimula na ring maglakad hanggang sa marating niya ang dalampasigan. Ang akala ko pa ay ibababa niya rin ako nang makaahon na kami sa dagat. Pero hindi niya iyon ginawa. Until we got into his house, he was still carrying me.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig sa mukha niya. Napatulala na ako.
Hindi ko na nga rin namalayan na nakapanhik na kami sa hagdan at nakapasok na sa kuwarto na inuokupa ko. Bumalik lamang ako sa sarili ko nang ibaba na niya ako roon. Napatingin pa ako sa buong paligid ko. Yeah! Nasa banyo na kami at nasa ilalim ng shower.
Muli akong napalunok ng laway ko nang pagtingin ko sa kaniya ay mataman lamang siyang nakatitig sa ’kin. Gadangkal lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. And his one hand still holding my waist.
What is he doing? Bakit ganiyan siya kung makatitig sa ’kin? I felt his hand crawl behind me and he suddenly pulled me closer to him. Gulat at mabilis na naituon ko sa dibdib niya ang mga palad ko. Nang mag-angat ako ng mukha sa kaniya, tumama sa mga labi niya ang ilong ko.
“H-hideo!” kinakabahang sambit ko sa pangalan niya.
Ewan at hindi ako sigurado kung takot pa rin ang kabang nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling iyon habang hindi ko magawang iiwas ang mga titig ko sa mata niya.
“Ysolde!”
Napapikit ako ng mariin nang tumama sa mukha ko ang mainit niyang hininga. God! His breath is warm. Parang pakiramdam ko biglang nawala ang panginginig ng buong katawan ko dahil doon.
“What are you doing Ysolde?”
Muli akong nagmulat ng mata. What is he talking? Wala naman akong ginagawa a!
“W—”
Hindi ko naituloy ang akmang pagsasalita nang bigla na lamang niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at walang paalam na inangkin ang mga labi ko.
Nagimbal ako sa ginawa niya. Hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling iyon. Itutulak ko ba siya at sasampalin dahil sa kapangahasan niyang halikan ako. I don’t know. Basta ang alam ko lang, mas lalong nanghina ang mga buto ko sa tuhod.
I could feel his soft and warm lips. This isn’t the first time I’ve been kissed. But I feel like this is the first time someone has claimed my lips.
I don’t know what I will do. I just closed my eyes again and let Hideo kiss me.