MARIIN pa ring nakapikit ang mga mata ko... ang mga palad ko ay masuyong dumapo sa tapat ng kaniyang dibdib nang umangat iyon. He claimed my lips even more as my lips moved slightly. Ewan ko rin kung bakit ko iyon ginawa. Did I respond to his kiss? No! I shouldn’t have done that. Baka isipin niyang gusto ko ang ginawa niyang paghalik sa ’kin.
I slowly opened my eyes. And nakita ko naman siyang nakapikit din. When I felt him move and pushed me slightly until I could feel my back on the tiles... doon ako biglang bumalik sa sarili ko. Bigla akong nag-panic sa maaari niyang gawin sa ’kin. I suddenly pushed him to his chest upang lumayo sa kaniya.
“A, um—” I have not been able to look at him directly. Napalunok ako ng aking laway kasabay ng pagyakap sa sarili ko.
Hindi naman siya nagsalita. But I can feel him staring at me. Mayamaya ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at naglakas loob akong tumingin sa kaniya. When our eyes met... my heart beat even faster. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.
“Ysolde!”
Kahit wala na akong maatrasan sa likod ko dahil nakasandal na ako sa pader, pinipilit ko pa rin ang sarili ko na lumayo sa kaniya nang humakbang siya ulit palapit sa ’kin.
“N-no!” saad ko.
Hindi naman siya nakinig sa ’kin. Sa labis na kabog ng puso ko na hindi ko maintindihan kong natatakot ba ako o ano... naipikit ko nang mariin ang mga mata ko. Pero wala naman akong ibang naramdaman na ginawa niya sa ’kin kundi hinawakan niya lamang ang isang kamay ko at masuyo niya akong hinila papunta sa ilalim ng shower. Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang medyo malamig na tubig ng shower na bumuhos sa ulo ko hanggang sa buong katawan ko. Binuksan niya pala iyon.
“Take a shower. Baka magkasakit ka pa niyan!”
Iyon lamang ang sinabi niya at kaagad siyang tumalikod at lumabas ng banyo. Naiwan akong tulala at tigagal doon habang bumubuhos pa rin sa ’kin ang tubig.
Hindi ako sigurado kung ilang minuto na akong nakatayo lamang doon at hinahayaan na bumuhos ang tubig sa buong katawan ko. Nang unti-unti na akong bumalik sa sarili ko, kaagad na umangat ang isang kamay ko at napahawak sa mga labi ko. God! He kissed me. Why? Why did he do that? Hanggang ngayon, kahit nasa ilalim ako ng shower, ramdam ko pa rin ang mainit at malambot niyang mga labi na nakalapat sa mga labi ko. Mas lalo pa ring nagreregodon ang puso ko.
Hindi ko na namalayan kung paano akong nag-umpisa at natapos maligo. Basta namalayan ko na lamang ang sarili ko na nakaupo na sa gilid ng kama habang nililipad pa rin ng hangin ang utak ko. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang ginawa ni Hideo sa ’kin kanina.
Sumandal ako sa headboard ng kama at nakatulala lamang sa kawalan. Napahawak pa ako sa tapat ng dibdib ko na hanggang ngayon ay ayaw pa ring tumigil sa malakas na pagkabog. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang sa hilahin na ako ng antok.
“GIUSEPPE!”
Kaagad na naglakad ang binata palapit sa matandang Salve. “Yes Manang Salve?” anito.
“Wala pa rin bang balita kung nasaan si Ysolde?”
Mababakas pa rin sa mukha ng matanda ang labis na pag-aalala nito para sa alaga nitong si Ysolde. Tatlong araw na simula nang umalis ang dalaga ng walang paalam. Simula nang gabing iyon ay hindi na nakauwi ang dalaga sa mansion. Tatlong araw na ring pinaglalamayan ng mga ito si Bernard. Labis na nagulantang ang mga tao sa mansion nang makatanggap ang mga ito ng tawag noong gabing iyon at sinabing natagpuang patay si Bernard sa loob mismo ng sasakyan nito sa parking lot ng Casino. Ayon sa mga Pulis, wala namang nakitang kahit ano na makakapagtukoy na pinatay ang matanda. Base sa resulta naman ng test na ginawa ng mga Doctor sa Hospital, inatake lamang ng sakit sa puso ang matanda kaya ito binawian ng buhay. Kung naagapan daw, maaaring nakaligtas pa ito. Pero halos isang oras na ang lumipas bago ito nakitang wala ng malay sa loob ng sasakyan.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Giuseppe. “Wala pa rin pong balita Manang Salve. Kahit ang mga Pulis na katulong namin sa paghahanap kay Ysolde, wala pa rin pong balita.”
“Oh Diyos ko! Nasaan na kaya ang batang ’yon? Bakit kasi bigla-bigla na lamang siyang umalis!” naluluha-luha pang sambit nito.
“Baka po... baka po nagalit na siya kay tito Bernard.”
Biglang napalingon ang matanda pati si Giuseppe sa babaeng nagsalita. Kararating lamang nito.
“Shiloh hija!”
Malungkot na ngumiti ang dalaga at yumakap sa matanda. “Hello po Manay Salve! Nakikiramay po ako.”
“Salamat hija!”
“Good evening po Manay Salve!”
“Zakh hijo!” yumakap din ito sa binata. “Bakit ngayon lang kayo pumunta rito?”
Saglit na nagkatinginan si Zakh at Shiloh.
“Um, kakauwi ko lang po kahapon galing Canada.” Sagot ng binata.
“Naging busy din po ako manay, kaya ngayon lang po ako nakapunta rito.” Sagot din ni Shiloh.
Si Giuseppe naman ay bahagyang dumistansya sa tatlo, pero seryoso ang tingin nito kay Zakh at Shiloh. Base sa nakikita nitong kilos at tininginan ng dalawa sa isa’t isa, parang alam ni Giuseppe na may kinalaman ang lalaki kung bakit nawawala ngayon ang anak ni Bernard.
Iginiya ng matandang Salve ang dalawa papunta sa loob ng chapel kung saan nakaburol pa rin ang bangkay ni Bernard. Umupo ang mga ito sa mahabang upuan na naroon sa unahan.
“Kahapon nandito ang Mama at Papa mo.” Anang matanda sa dalaga.
“Opo! Sinabi nga po sa ’kin ni Mommy,” anito. “Um, h-hindi pa po ba umuuwi rito si Ysolde simula nang umalis siya sa mansion?” tanong nito. Nang makita nito na nagsalubong ang mga kilay ng matanda muli itong nagsalita. “I mean, tumawag po kasi siya sa ’kin that night, ang sabi niya po mag i-sleep over po siya sa bahay. E, nasa BGC po ako nang gabing ’yon kaya... h-hindi po kami nagkita.”
Muling bumuntong-hininga ng malalim ang matanda at inayos pa ang scarf na nakapatong sa mga balikat nito. “Hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon. Wala pa ring balita ang mga Pulis kung nasaan na siya.”
“Maybe... maybe Shiloh is right.” Saad naman ni Zakh. “Baka po nagalit na si Ysolde kay tito Bernard dahil hindi na siya pinapayagan na lumabas ng bahay.” Dagdag pang saad nito at muling sinulyapan ang dalaga.
“Kilala ko si Ysolde... hindi ’yon aalis ng bahay kung iyon lamang ang dahilan niya. Alam naman niya at naiintindihan niya ang sitwasyon niya. Naiintindihan niya si Bernard kung bakit hindi pa siya puwedeng lumabas ng bahay. Dahil para sa kapakanan niya naman iyon e!” anang matanda.
Simula noong ipinagbubuntis pa lamang si Ysolde nang namayapa nitong ina, naroon na si Salve sa mansion nagtatrabaho. Ito na rin ang nag-alaga at nagpalaki kay Ysolde kaya kilalang-kilala nito ang dalaga. Hindi sapat na dahilan ang paghihigpit ni Bernard sa anak para umalis ito at hindi na ulit magpakita. Lalo na ngayon na isang araw na lamang ay ililibing na ang Papa nito.
“Sigurado akong may dahilan o may masamang nangyari kay Ysolde kaya nawawala siya. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita ng mga tauhan ng kaniyang Papa maging ng mga Pulis.”
Nagkatinginang muli sina Zakh at Shiloh.
Kumilos ang mga kamay ng dalaga. Hinawakan nito ang mga kamay ng matandang Salve. “Don’t worry po Manay Salve... babalik din po rito si Ysolde. Maybe, gusto lamang niyang magpahinga at mapagsolo.” Saad nito at muling ngumiti ng mapait. “Nami-miss ko na rin po siya.”
“Kahit ako hija! At... nasasaktan ako para sa batang iyon kapag malaman niyang wala na ang Papa niya.”
“Don’t worry Manay, tutulong na rin po ako sa paghahanap kay Ysolde.” Anang Zakh na hinaplos pa ang likod ng matanda.
Malungkot na ngumiti naman ang Manay Salve. “Salamat sa inyo, Zakh, Shiloh. Alam kong matutuwa si Ysolde kapag bumalik na siya rito at malaman niyang nandito kayo at nag-aalala para sa kaniya. Matutuwa rin siya na malamang nagpunta kaya rito para makiramay sa pagkawala ng Papa niya.”
“Of... of course po Manay. Parang kapatid na po ang turing ko kay Ysolde, alam n’yo po ’yon.”
Seryoso pa ring nakatitig si Giuseppe kay Zakh. Tila binabantay ng binata ang bawat kilos nito.
KINABUKASAN nagising ako nang dahil sa sinag ng araw na pumasok na pala sa loob ng kuwarto dahil sa nakabukas na pinto ng bintana.
Dahan-dahan akong kumilos sa puwesto ko at nag-unat-unat. Magaan ang pakiramdam ko ngayon kahit wala naman akong maayos na tulog sa nagdaang gabi. Hindi ko alam kung anong oras na. Ilang saglit pa akong nakahiga lamang at nakatitig sa labas ng bintana. Mayamaya ay muling sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi sa loob ng banyo.
“Ahhh! Ysolde!” inis na saad ko sa sarili at mabilis na ipinilig ang aking ulo upang iwaglit ang bagay na iyon sa aking isipan.
God! Umagang-umaga bakit iyon agad ang pumasok sa isipan ko? E, samantalang kagabi saglit lamang ang naging tulog ko dahil pati sa panaginip ko ay ang halik na iyon ang naiisip ko. Nagising ako kagabi siguro mga hating gabi na iyon, hanggang mag-umaga na ay hindi na ako dinalaw ng antok ko at si Hideo at ang halik niyang iyon lamang ang laman ng aking isipan. Tapos hanggang ngayon ba naman maiisip ko pa rin iyon? Oh God! What is happening to me?
Inis na bumangon ako sa kama at nagtungo sa banyo para maglinis ng mukha at mag toothbrush. Kung mananatili lamang ako sa kama, malamang na hindi mawawala sa isipan ko ang halik na iyon.
Pagkatapos kong mag hilamos at mag toothbrush lumabas ulit ako ng banyo at sumilip ako sa bintana... may nakita akong Speedboat sa dalampasigan. Mayamaya ay natanaw ko rin ang isang lalaki na naglalakad sa labas ng bahay. Kunot ang noo na napatitig ako roon. It’s him again. Si Cloud. May kausap sa cellphone nito.
Nang makaramdaman ako ng gutom, naglakad ako pabalik sa kama. Umupo ako sa gilid niyon habang nakatitig lamang sa nakasaradong pinto.
“Anong oras na kaya?” naiinip na tanong ko sa sarili.
Muli na namang kumulo ang sikmura ko. Ewan kung ilang minuto na akong nakaupo lamang doon at nakatitig sa pintuan. Inaabangan ko kung kailan bubukas iyon at papasok doon si Jule o si Hideo para bigyan ako ng pagkain. Pero parang puputi na lamang ang mga mata ko kakahintay na bumukas iyon, pero hindi naman nangyayari.
Bumuntong-hininga ako at naglakas loob na naglakad palapit doon.
“Bahala na! Pagalitan na niya ako kung pagagalitan niya ako. Basta kakain ako at nagugutom na ako.” Kausap ko sa sarili ko at hinawakan ang doorknob. Pero hindi ko pa man iyon napipihit ay bigla na akong sinalakay ng takot at napaurong ako. “Paano nga kung magalit na naman siya?” tanong ko ulit sa sarili ko. Wala man siya ngayon sa harapan ko, pero nakikita ko na ang galit niyang hitsura, ang magkasalubong niyang mga kilay kapag makita niya akong nasa labas na naman ng kuwartong ito.
Laglag ang mga balikat na bumalik ako sa kama at muling umupo sa gilid niyon.
Sunod-sunod na muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Hihintayin ko nalang siya na puntahan ako rito.” Saad ko na lamang.
Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa puwesto ko ngayon, biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang nakangiting isang lalaki.
“Hi!”