TAHIMIK lamang akong nakayuko sa tapat ng hapag at pinipilit na kumain. He probably cooked this dish kasi wala naman kaming ibang kasama roon. Masarap man ang pagkain, but I don’t want to eat. I’d rather lose my life here because of hunger than be with him for a long time. Pero kapag mapapatingin ako sa baril niyang nasa ibabaw ng lamesa habang tahimik naman siyang nakatitig sa akin... sinasalakay ng labis na takot ang puso ko.
Lihim akong bumuntong-hininga at pilit na nilunok ang pagkaing nasa bibig ko. I still can’t hold back my tears.
“Eat more, Ysolde!”
Dinig kong saad niya nang bitawan ko na ang kubyertos na hawak ko.
“I-I’m full.” Tipid namang saad ko habang nanatili pa rin sa plato ko ang aking paningin.
“Dalawang subo ng pagkain, busog ka na agad?”
Sa klase ng tinig niya ngayon, hindi ko mapigilan ang sarili ko na muling kabahan. Kaya kahit wala akong gana na kumain... pinilit ko na lamang na hawakan ulit ang kutsara at tinedor ko at muling kumain.
Wala naman na akong narinig na salita mula sa kaniya. Hanggang sa matapos akong kumain. Ako na rin ang naghugas sa pinagkainan ko. Kahit naman kasi lumaki ako na marangya ang buhay at may mga katulong sa bahay, kahit papaano ay may alam naman akong gawaing bahay dahil tinuturuan din ako ni Manay Salve.
Hindi ko namalayan na wala na pala siya sa kusina. Pagkalabas ko roon, hindi ko rin siya makita sa buong sala. Pinakiramdaman ko rin ang itaas ng bahay niya... tahimik naman at mukhang wala roong tao. Nang matuon ang paningin ko sa pintuan; I slowly walked closer to the sliding door. Kahit kinakabahan ako dahil sa iniisip ko ngayong pagtakas na alam ko namang walang kasiguraduhan kung makakatakas ba talaga ako roon... pero sinubukan ko pa rin.
When I got out the door, the cold breeze of the air immediately embraced my whole body. Napayakap din ako sa sarili ko. Iginala ko sa buong paligid ang aking paningin, and no one was there. So I suddenly ran to the beach. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Ni hindi manlang sumagi sa isip ko na hindi ko kakayaning languyin ang malawak na dagat na iyon para makatawid sa karatig na Isla. Iyon ay kung may kalapit bang Isla ang Islang iyon na pag-aari ng lalaking iyon. Basta sumulong lang ako sa dagat. My whole body suddenly trembled when I felt the cold water of the sea.
“Help! Help! Please help me,” I shouted when from a distance I could see a boat approaching the shore. “Please! Tulungan n’yo ako!” kahit nanginginig na pati ang boses ko. “Help! Please help me!” pinilit kong iwagayway ang mga kamay ko para mapansin ako no’ng taong sakay ng sasakyang iyon.
Mayamaya ay napapikit ako nang mariin ng tumama sa mukha ko ang maliwanag na sinag ng flash light na nanggagaling sa kulay puting Speedboat na ngayon ay palapit na sa kinaroroonan ko.
When I opened my eyes I was suddenly struck by fear when I saw him standing in front of the speedboat. His gaze was sharp on me. Bigla akong napalunok ng laway ko.
“What do you think you are doing, Ysolde?”
His voice was loud and frightening, so I was even more afraid of him.
“P-please!” all of a sudden my tears flowed.
Kitang-kita ko ang pagtiim-bagang niya.
“Take her and bring her home.”
Utos nito sa tauhang kasama nito. Dalawang lalaki naman ang tumalon sa dagat samantalang ang tatlo ay nanatiling nakatayo sa likuran nito.
Nang hawakan ako nang dalawang lalaki, wala na akong nagawa. Ano pa ang laban ko sa kanila? Malalaki silang tao, samantalang ako...
Papa! Please help me. Sa loob-loob ko na lamang.
Hanggang sa marating na namin ang dalampasigan. Mariin pa ring hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko. Halos hindi na nga rin maabot ng mga paa ko ang buhangin dahil sa tangkad ng dalawang lalaki, parang nakalutang na rin ako sa ere.
“Boss,”
Pagkapasok namin sa bahay ay naroon na sa sala ang lalaki. Nakadikuwatro itong nakaupo sa single couch habang may hawak na malaking tobacco. At kagaya kanina, his gaze was still sharp on me.
“What are you doing, Ysolde?”
My whole body was shaking because of the cold and the fear I feel right now. Although my vision was dim, I tried to meet his gaze.
“P-please! Please sir... pauwiin mo na ako! Ibalik mo na ako sa Papa ko.” I pleaded to him.
Ramdam ko ang titig sa akin nang mga tauhan nitong nakapalibot sa buong sala. Dahil doon, tuluyan na ngang nawala ang pag-asa ko na makakaalis pa ako sa lugar na ito. Baka bukas o sa makalawa, magugulat nalang ako na nakapalibot na rin sa buong paligid ng bahay ang mga tauhan nito.
“Parang awa mo na! Ibalik mo na ako sa Papa ko. I... I know, Papa is looking for me. So, p-please!” I begged him again.
“Didn’t I tell you that you will live here... with me?” tiim-bagang na saad nito. Ramdam ko pa rin ang talim ng titig niya sa akin. “Kaya sanayin mo na ang sarili mo na nandito ka sa Palasyo ko at huwag na huwag mo ng tangkain na tumakas ulit. Because no matter what you do, you can never get out of here.”
Napailing ako. Nag-uunahan pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. “No. No.”
“Yes you are, Ysolde.” Anito. “And you only have two choices in case you run away from me again... first, you will die of cold if you swim in that vast sea. Secondly, I will kill you myself if you disobey my order again.”
Sobrang diin ang mga salita niya nang banggiti niya ang mga katagang iyon. Ramdam ko ang pagtatayuan ng mga balahibo ko dahil sa takot. Kitang-kita ko sa mga mata niya na seryoso nga siya sa mga sinabi niya. Na hindi nga ito magdadalawang-isip na patayin ako kapag tinangka ko ulit na tumakas. Because of that, I felt even more afraid of him.
“Madali naman akong kausap, Ysolde. If you don’t want me to be angry with you... then, sundin mo lahat ng sasabihin ko sa ’yo.”
He stood up in his seat and walked towards to me. Because I was afraid to meet his eyes, I quickly lowered my face. Naramdaman ko naman na yumuko siya sa harapan ko. Mayamaya ay hinawakan niya ang basa kong buhok at walang kahirap-hirap na pinatingala ako sa kaniya upang magtagpo ang mga paningin namin. Ang mga luha sa aking mata ay ayaw pa ring tumigil sa pagpatak. Ganoon na rin ang tubig dagat na nasa buong katawan ko.
I stared into his eyes. I can see the anger there, but I also seem to see sadness.
“Never disobey my command to you Ysolde if you don’t want to be hurt.”
Mariing saad nito habang hindi manlang kumukurap ang mga mata. Sunod-sunod na muling rumagasa ang mga luha sa aking mga mata.
“Come here,”
Nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko at sapilitang pinatayo mula sa pagkakalugmok ko sa marmol na sahig.
“P-please! Aray! Nasasaktan ako.”
I tried to pull my arm he was holding. Pero nasaktan lang ako nang mas diinan niya ang pagkakahawak niya sa akin.
“Please! Please let me go!”
“Stop crying and begging, Ysolde. Wala ring mangyayari sa ’yo.
Hanggang sa makaakyat kami sa mataas na hagdan. Halos magkanda hulog pa ang mga paa ko. Nang nasa tapat na kami ng isang silid, binuksan niya ang pinto niyon at muli akong hinila papasok. He pushed me onto the bed. Napaupo ako sa gilid niyon. Mayamaya, ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang posas na nakakabit sa itaas ng headboard. Napatingin ako sa kaniya at sunod-sunod na muling napailing.
“P-please don’t!” saad ko.
Pero lumapit lamang siya sa akin at pilit na hinawakan ang isang kamay ko. Nagpumiglas ako.
“No! Please, maawa ka sa akin.”
“I don’t know how to pity, Ysolde. Kaya wala kang ibang pagpipilian kundi sundin ang mga gusto ko.”
Napahagulhol na lamang ako nang dalawang kamay ko na ang naiposas niya sa itaas ng headboard. Ramdam ko ang sakit sa palapulsuhan ko. Parang anumang samdali ay dudugo rin iyon dahil sa pagkakaposas ko roon. Ramdam ko rin ang lamig na nanunuot sa kaibuturan ko. Oh yeah! He handcuffed me here to the bed while I was still soaking wet.
“P-please! Nagmamakaawa ako sa ’yo.”
“Stop begging, Ysolde. That’s your punishment for not following me. And the next time you disobey me again... this is not the only thing I will do to you.” Galit na saad nito. “Do you understand me?”
Hindi ako sumagot sa kaniya. Sa halip ay nagbaba lamang ako ng mukha habang lumuluha pa rin.
“Do you understand me, Ysolde?”
Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya nang mag-angat ako ng mukha. “Just kill me if that’s what you want to do to me. Don’t torture me anymore,” singhal ko sa kaniya. “Tutal naman at hindi mo na ako palalayain dito hindi ba?” hilam pa rin ng luha ang aking mga mata nang tumitig ako sa kaniya. “Just please kill me. Ayokong magpakahirap pa rito... just kill me instead.”
Pero isang nakakalokong ngisi lamang ang nakuha ko mula sa kaniya pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon.
“Don’t rush your life, Ysolde. I just want you to be a good girl...”
Mayamaya ay may kumatok sa labas ng pinto. Bumukas iyon at iniluwa ang isang tauhan nito.
“Boss Hideo, may tawag po kayo galing sa kabila.”
Saad ng lalaki.
Hideo? That’s his name? Parang narinig ko na nga kay Papa ang pangalan na iyon.
Isang seryosong tingin pa ang ipinukol niya sa akin bago siya tumalikod. Napakislot pa ako nang pabalibag nitong isinarado ang pinto ng kuwarto. Naiwan akong mag-isa roon. Luhaan, kawawa, walang kakampi at higit sa lahat nanginginig sa labis na lamig dahil sa basang suot ko. Isama pa ang aircon na nakabukas. Maybe that was the end of my life. Hindi na ako makakatakas doon. Hindi na ako makakabalik sa amin. At higit sa lahat, hindi ko na makikita si Papa. Baka bukas, malamig na bangkay ko na lamang ang maaabutan doon ng Hideo na iyon.
Tahimik na lamang akong napahagulhol dahil sa isiping iyon.