CHAPTER 4

1722 Words
TAHIMIK lang akong umiiyak habang nakaupo ako sa sofa na naroon sa sala ng bahay ng lalaking hindi ko kilala. I can’t explain the fear my heart feels in these moments. Ang lalaking kumidnap naman sa akin ay naroon sa labas ng sliding door—sa Lanai. May kausap ito sa cellphone nito. Kanina ko pa iniisip na tumakbo palabas doon para tumakas. Pero para ano pa ang pagtakbo ko palabas kung mahuhuli niya rin ako? Kung wala rin akong mapupuntahan dahil puro dagat naman ang nakapalibot sa bahay niya. I have nowhere else to go. God! Kung sana nakinig nalang ako kay Giuseppe at hindi ako nagpumilit na tumakas ng bahay, hindi ko sana pinagdadaanan ang lahat ng ito ngayon. Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat din ako na nangyari ito ngayon... kasi kung hindi ako umalis ng bahay, hanggang ngayon wala pa rin akong kamalay-malay na niloloko na pala ako ng dalawang taong pinakamamahal ko. Hindi ko malalaman ang kababoyang ginagawa ni Zak at Shiloh habang nasa bahay lang ako at nagkukulong doon. Pero hindi ko ipinagpapasalamat na narito ako ngayon sa... ewan kung nasaang sulok ng mundo itong lugar ng lalaking iyon. Hindi ko nga alam kung nasa Pilipinas pa rin ako o nasa ibang bansa na. “Va bene! Parliamo un altro giorno dei prodotti su cui ci siamo accordati.” Dinig kong saad ng lalaki sa kausap nito sa kabilang linya. But I did not understand what he said. Ibang language kasi ang gamit niya. Parang Italian ata iyon or Spanish. “Grazie! Grazie!” Saad pa ng lalaki ’tsaka nito pinatay ang tawag. Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong-hininga bago lumingon sa direksyon ko. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Napatungo ako habang may mga luha pa rin sa mga pisngi ko. Mayamaya ay narinig ko ang tunog ng mga yabag niya na papalapit na sa akin. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko dahil sa labis na takot. “I told you earlier that you have stopped crying.” Wala sa sariling napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang magaspang at baritino niyang boses. Doon pa lamang ay labis na ang takot ko... labis na ang pintig nang puso ko. Ano pa kaya kung may gawin siyang hindi maganda sa akin? Please God! Please help me! Sana hinahanap na ako ngayon ni Papa... nina Giuseppe. “Stop crying Ysolde.” Bigla akong napa-angat ng mukha. Kunot ang noo ko na napatitig sa kaniya. He know me? Kahit nanlalabo ang aking paningin dahil hilam pa rin ng luha ang mga mata ko... pilit ko siyang tinitigan. Kahit nakakatakot ang itim niyang mga mata. “K-kilala m-mo ako?” kanda utal na tanong ko sa kaniya. Pero hindi agad siya nagsalita. Sa halip ay umupo siya sa single couch na naroon sa kaibayong sofa na inuupuan ko. “Why not?” balik na tanong niya. Dumikwatro pa ito at ipinatong ang mga siko sa armchair ng upuan pagkuwa’y ipinagsalikop ang mga palad. Tears welled up in my eyes again. “W-who are you? B-bakit mo ako kinidnap?” “Well, let’s just say that... your Dad owes me a lot.” My forehead furrowed and I stared at his face. May malaking utang si Papa sa lalaking ito? How did that happen? Maayos naman ang negosyo ng Pamilya namin. Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng problema si Papa. Lalo na tungkol sa pera. Napailing ako dahil sa sinabi niya. “Dad never had a problem. Especially in his business.” Bigla namang tumawa ng nakakaloko at malakas ang lalaking ito. Mayamaya ay bigla ring naging seryoso ang hitsura nito at tumitig din sa akin. Sa titig pa lamang nito, ramdam ko na ang pagtatayuan ng mga balahibo sa buong katawan ko. Nakakakilabot. “Ikinulong ka nga ng Papa mo sa mansion ninyo kaya wala kang kaalam-alam na naghihirap na ang ama mo.” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Kilala ba nito kung sinong tao ang binabanggit nito ngayon? Kilala si Papa sa larangan ng negosyo. At ilang dekada na ring namamayagpag sa industriya ng negosyo ang kumpanyang itinayo niya noong binata pa lamang siya. So, paanong nagkaroon ng problema ang Papa ko sa lalaking? Paanong nagkaroon ng malaking utang ang Papa ko sa lalaking ito? “K-kung totoo man ang mga sinasabi mong may malaking utang sa ’yo si Papa... iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako kinidnap at dinala rito sa... h-hawla mo?” lakas loob na tanong ko sa kaniya. I saw the small grin on the side of his lips. “Yes!” Walang atubiling sagot niya sa tanong ko. Pakiramdam ko bigla akong nanlabot muli. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Papa, please help me! Lihim na lamang akong napapanalangin na sana matunton agad ako rito ni Papa... kahit parang napaka-imposible namang mangyari iyon. Nagbaba ako ng mukha at yumugyog ang mga balikat ko dahil sa hagulhol na pilit kong pinipigilan na huwag lumabas sa lalamunan ko. “Stop crying Ysolde.” Hindi ko man siya tingnan, pero sa klase ng tono ng salita niya... alam kong matalim ang titig niya ngayon sa akin. “From now on... sanayin mo na ang sarili mo na nandito ka at kasama ako. Because starting today, this will be your home.” “No!” biglang singhal ko sa kaniya nang mag-angat ako muli ng mukha. Matalim na tingin din ang ipinukol ko sa kaniya. Napailing pa ako ng sunod-sunod. “No! You can’t lock me up here. Ibalik mo ako sa Papa ko.” Tumatangis na saad ko sa kaniya. Magkahalong galit at pagmamakaawa na saad ko. “Please! I wanna go home.” Tumayo naman sa puwesto nito ang lalaki. Maging ako man ay napatayo na rin sa puwesto ko. Kahit labis ang takot na nararamdaman ko ngayon... lakas loob akong lumapit sa kaniya at walang paalam na hinawakan ko ang isang palad niya. Kita ko pa ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko nang lumingon siya sa akin. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko at lumuhod sa tabi niya. “Please! Please I wanna go home. Iuwi mo na ako sa Papa ko. Ayoko rito.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya—sa halip ay tiningnan lamang niya ang kamay naming magkahawak. Pagkatapos ay muling tumitig sa mga mata ko. “Please mister! I wanna go home.” Paulit-ulit na pagmamakaawa ko sa kaniya. “Please let me go.” “I can’t take you back to your father. You will stay here. With me.” Mariin ang mga salita niya bago niya marahas na binawi ang kaniyang palad na hawak ko. Dahil sa ginawa niyang iyon... muntikan pa akong mapasubsob sa marmol na sahig. “Stop crying Ysolde. Your tears won’t help you either.” Anito at mabilis itong umalis sa sala. Napahagulhol na lamang akong muli habang lugmok akong nasa sahig. NAKATAYO ako sa gilid ng sliding door habang nakatanaw sa labas ng bahay. Pinagmamasdan ko ang papalubog ng haring araw sa kanluran. Hindi ako siguro kung anong oras na ngayon. Wala naman kasi akong suot na relo, at wala rin akong makitang orasan sa sala ng bahay na ito. Kanina pa rin ako nakatayo roon na tila ba may hinihintay akong dumating. Kahit ramdam ko na ang pananakit ng mga paa at binti ko... hindi ako umalis doon. Medyo kumalma kasi ang pakiramdam ko kanina habang pinagmamasdan ko ang maliliit na hampas ng alon sa dalampasigan. Kahit papaaano ay napahupa ko ng kaunti ang puso kong puno ng takot kanina dahil sa lalaking iyon. Kasabay ng pagpapakawala ko ng malalim na buntong-hininga ay muling yumakap sa buong katawan ko ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko. “Are you not hungry?” Bahagya akong napakislot nang mula sa likuran ko, narinig ko ang boses niya. Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko. Ang puso kong unti-unti ng kumakalma kanina ay muli na namang kumakabog dahil sa takot. Hindi ako sumagot sa kaniya. Sa halip ay nagsumiksik ako sa bubog na pinto. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko naman siyang lumabas at pumuwesto sa Lanai. “Ang pinaka-ayoko sa lahat... magtatanong ako at hindi naman ako sasagutin.” Pero hindi pa rin ako nagsalita. Bahala siya sa buhay niya. Magsalita siya ng magsalita hanggat gusto niya wala akong pakialam. Mayamaya ay nakita kong may hinugot siya mula sa tagiliran niya. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang makintab niyang baril. Muli akong sinalakay ng labis na takot. Bahagya rin akong napaatras sa kinatatayuan ko. Ilang sandali niyang tiningnan ang hawak na baril bago siya lumingon sa akin. “Are you not hungry, Ysolde?” Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya maging ang mas nakakatakot niyang mga mata. Dahil sa labis na takot, hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. “Ahhh!” Bigla akong napasigaw nang iputok niya ang kaniyang baril na nakatutok sa labas ng bahay. Pakiramdam ko bigla akong nabingi sa lakas ng putok niyon. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako nakarinig ng putok ng baril kaya labis na nanginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Tumayo siya sa kaniyang puwesto at lumapit sa akin. Dahil nanginginig sa takot ang mga tuhod ko, hindi ko na nagawang makaalis sa puwesto ko. Isang hakbang nalang ang layo namin sa isa’t isa. Matalim na titig ang ipinukol niya sa akin. Ako naman, muli kong naramdaman ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. “Next time, when I ask you... answer me.” Tiim-bagang na saad niya. Sa halip na sumagot ako, sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. “Do you understand me, Ysolde?” tanong nito. “Do you understand me, Ysolde?” “Y-yes! Yes!” Biglang sagot ko nang sigawan niya ako. “Good!” bigla ring bumaba ang boses niya habang nakatitig pa rin sa mukha ko. Umangat ang isang kamay niya papunta sa ulo ko. He tap my head. “Be good girl to daddy, para hindi uminit ang ulo ko.” Anito. “Now, go to the kitchen and eat.” Wala sa sarili at parang nahipnotismo na akong sumunod na lamang sa mga sinasabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD