CHAPTER 14

2523 Words
BUMUKA ang bibig ko pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaking ngayon ay nakatayo sa gitna ng pintuan habang nakangiting nakatingin sa akin. “Are you not hungry?” Tanong nito sa ’kin. Dahil doon, wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo na naman iyon. Bumuntong-hininga ang lalaki at tiningnan ang orasang pambising nito. “It’s already ten in the morning. Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong nitong muli. “Um—” “Tsk! Tsk! Tsk!” umiling pa ito. “You are really weird Hideo Colombo. Magdadala ka ng babae rito tapos hindi mo naman pakakainin.” My forehead furrowed as I stared seriously at his face. Did he say Hideo’s fullname? Hideo Colombo? Iyon ang pangalan ng lalaking dumakip sa ’kin at nagkulong sa Islang ito? “Come on, let’s go downstairs. I know gutom ka na.” Nang mailang ako sa klase ng pagkakatitig niya sa ’kin... bahagya akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Um, h-hindi raw ako puwedeng lumabas sa kuwartong ito. Hideo might be mad at me again.” Saad ko. “Nah!” naglakad ito palapit sa puwesto ko. “He’s not here. Mamayang gabi pa siya babalik dito. So, come on. Kumain ka na muna sa kusina.” Umalis pala siya! Kaya naman pala hindi siya nagpunta sa kuwarto ko para pakainin ako. O para sabihang puwede akong bumaba sa kusina para kumain. Pero sana manlang sinabihan niya ako kanina bago siya umalis. Paano nalang pala kung wala rito ang lalaking ito ngayon? E ’di naghintay lamang ako roon buong maghapon dahil ang buong akala ko ay naroon din siya sa bahay niya. E ’di namatay na akong dilat doon dahil sa gutom. “I’m Ulap by the way!” Napatingin ako sa kamay niyang inilahad sa harapan ko. Yeah! I know his name. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siya e! Pero sa halip na tanggapin ko ang kamay niya, muli lamang akong nag-angat ng mukha upang tingnan siya sa mga mata niya. His puffy eyes are black. His eyelashes are long. His eyebrows are also thick, like Hideo’s. May bigote at balbas din siya sa mukha. Habang nakatitig ako sa buong hitsura niya... parang pakiramdam ko familiar sa ’kin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang matandaan kung saan. “Um, my hand is clean. I washed well after I defecated earlier.” Mukhang nagpipigil pa itong huwag matawa dahil sa pagbibiro nito. Pero ako... hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa sinabi niya. Napilitan na rin akong tanggapin ang kamay niya. “I’m... I’m Ysolde!” pagpapakilala ko sa kaniya. “Yeah I know! Sinabi nga sa ’kin ni Julemie.” Tumatango pang saad nito at pinakawalan ang kamay ko. “So, let’s go downstairs? Kumain ka muna.” “H-hindi ba magagalit sa ’kin ang boss mo?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Baka mamaya niyan kasi ay bigla na lamang dumating si Hideo at makita akong nasa ibaba at bigla na lamang magalit sa ’kin. “Mamayang gabi pa siya uuwi. Magkausap kami kanina. Nasa Davao siya kasi may meeting siya roon. So, huwag ka ng mag-alala... kung gusto mo pa ay lumabas ka rin ng bahay para naman makalanghap ka ng mas sariwang hangin sa tabing dagat. Ako ang bahala sa ’yo.” Ngumiti pa ito. Oh yeah? Really? Pinapayagan niya akong makalabas ng bahay? Mmm! Mukha naman siyang mabait hindi kagaya ni Hideo. Pero teka... baka naman sinusubukan lang ako ng Cloud na ito? Baka mamaya ay isusumbong niya rin ako kay Hideo kapag lumabas ako rito. “H-hindi na. B-baka malaman pa niya na—” “Tayong dalawa lang ang nandito señorita. At hindi naman kita isusumbong kay boss. Kaya kung ako sa ’yo... halika na.” Tumalikod ito at nagpatiuna ng naglakad palabas ng kuwarto. Ako naman ay nagdadalawang-isip pa rin dahil sa mga sinabi niya. “Come on!” Bahala na nga! Bigla akong tumayo sa puwesto ko at naglakad na rin palabas ng kuwarto. Nakasunod lamang ako sa kaniya hanggang sa makababa kami sa hagdan at marating namin ang kusina. May pagkain ng nakahain doon. “Have a sit! Sabay na tayong kumain.” Habang pinagmamasdan ko ang mga pagkain na naroon, mas lalo akong nakaramdam ng gutom. Natatakam ako sa mga pagkaing nakikita ko ngayon sa lamesa. It’s been three days simula nang mapunta ako sa Islang ito. At tatlong araw na rin akong hindi nakakakain ng masarap na pagkain. Kagaya niyon. Kaya imbes na magpabebe pa roon, umupo na rin ako sa isang silya at kumain. “Dahan-dahan lang! Walang may umaagaw sa ’yo.” Dinig kong saad niya habang natatawa pa at nakatingin sa ’kin. Napapahiyang napangiti na lamang ako sa kaniya at nagdahan-dahan nga sa pagkain ko. Tahimik lamang kami pareho habang kumakain. Siguro napansin niyang nakatuon sa pagkain ang buong atensyon ko kaya hindi na siya nagsalita para kausapin ako. Hanggang sa matapos kaming pareho. “Excuse me!” saad ko nang mapadighay ako ng malakas. “Mukhang hindi ka ata pinapakain ni boss ng maayos a!” Ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya. “T-thank you!” “Do you want to go outside? Gusto mo bang mamasyal sa dalampasigan?” mayamaya ay tanong nito. “Um, p-puwede ba?” balik na tanong ko sa kaniya. Pero sa halip na sagutin ang tanong ko. Tumayo siya sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa refrigerator at kumuha roon ng malamig na tubig. Pagkatapos nitong uminom ay muli siyang humarap sa ’kin. “Let’s go! Sasamahan kita.” Kaagad naman akong tumayo sa puwesto ko nang magsimula na siyang humakbang palabas ng kusina. Kagaya kanina ay nakasunod lamang ako sa kaniya... hanggang sa makalabas kami ng bahay. Nasa ibaba pa lamang kami ng Lanai ay naipikit ko na ng mariin ang aking mga mata at huminga ng malalim upang lumanghap ng sariwang hangin. Saglit ko iyong inipon sa tapat ng dibdib ko bago iyon pinakawalan sa ere. Ang bango ng hangin na nanggagaling sa malawak na katagatan. Hay! Ang buong akala ko ay lagi na lamang akong makukulong sa kuwartong iyon. Ang akala ko, pagkatapos nang nangyari kagabi ay hindi na ulit ako makakalabas ng bahay na iyon dahil kay Hideo. Pero mabuti na lamang at narito ngayon si Cloud. Pinayagan niya akong makalabas ng bahay. Okay na rin iyon. Kahit nakakulong ako sa Islang iyon, at least nakakalabas naman ako ng bahay. “Bakit ka dinala ni Hideo rito?” Nagmulat ako ng mga mata ko nang marinig ko ang tanong ni Cloud sa ’kin. Nang balingan ko siya ng tingin, nakatayo na rin pala siya sa tabi ko. Seryosong nakatitig sa ’kin. Banayad ngunit malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ulit sa ere bago itinapon sa malayo ang paningin ko. “That’s also what I want to ask Hideo... or to you,” sabi ko. “Bakit niya ako dinukot at dinala rito?” nasa dulo ng karagatang ang paningin ko. “And I know... I know alam mo kung bakit niya ako dinukot at dinala rito.” Muli ko siyang binalingan ng tingin. Mayamaya ay hinubad ko ang suot na tsinelas at nag-umpisa akong maglakad papunta sa gilid ng dagat. Nang lingunin ko si Cloud, hindi naman siya sumunod sa ’kin. Nanatili lamang siyang nakatayo sa kaniyang puwesto. Pinagmamasdan lamang ako. Hinayaan niya lamang akong maglakad sa gilid ng dagat. Ramdam ko ang malambot at pinong buhangin. Maging ang maliliit na alon na humahampas sa dalampasigan. “ZAKH, IPAPAHANAP mo ba talaga sa mga tauhan mo si Ysolde?” seryosong tanong ni Shiloh sa binata habang nakahiga ito sa kama. Tanging makapal na kumot lamang ang nakatabing sa hubad nitong katawan. Ang binata naman ay nakatayo sa gilid ng kama at nagsusuot na ng pantalon nito. Katatapos lamang gumawa ng milagro ang dalawa sa condo ng dalaga. “I have to do that.” “But why? I mean... why do you need to find her? Puwede bang huwag nalang? Kasi... para wala ng problema sa ’tin. Hindi ko na kailangang patago na makipagkita sa ’yo. And besides—” “I have to do that Shiloh.” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga sa ere pagkuwa’y kumilos sa puwesto nito. Tumayo ito mula sa pagkakahiga sa kama. Hawak-hawak ang makapal na kumot na nakapulupot sa katawan nito ay lumapit ito sa binata. Gamit ang isang kamay nito ay hinawakan nito ang lalaki sa balikat at matamang pinakatitigan sa mga mata. “I love you, Zakh! So please... huwag mo nalang ipahanap si Ysolde. Hayaan nalang natin siya kung nasaan man siya ngayon. Let’s just—” “Look Shiloh... for now, I need to find Ysolde because I still need her. May mga kailangan pa ako sa kaniya na hindi ko pa nagagawa.” “Like what? You always tell me that dati pa man. Pero parang wala namang nangyayari,” mababakas sa hitsura nito ang pagkainis dahil sa mga sinabi ng binata. “Or maybe you still love Ysolde so you still don’t want to—” “I don’t love her anymore babe! Matagal ng wala ang pagmamahal ko para kay Ysolde.” Mabilis na turan nito dahilan upang maputol sa pagsasalita ang dalaga. Ngumiti naman biglang si Shiloh dahil sa mga sinabi ni Zakh. “I love you, Shiloh!” umangat pa ang isang kamay nito at masuyong hinaplos ang pisngi ng dalaga. “But for now... magtiis ka na muna sa relasyon natin. Mmm?” Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang tumango bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ng binata. “I love you too!” ito na ang kusang humalik sa lalaki. “I have to go. May meeting pa akong pupuntahan.” “Okay! Mag-iingat ka babe!” Pagkatapos isuot ni Zakh ang puting polo nito ay nagpaalam na rin ito ng tuluyan sa dalaga at umalis sa condo na iyon. “MAAASAHAN ka talaga at ang mga negosyo mo Signore Hideo. Kahit kailan ay hindi mo ako binigo.” Saad ng isang matandang lalaki na kausap ni Hideo. Ngumiti naman ng mapakla ang lalaki. “Sinabi ko naman sayo Alfonso, huwag ka lang gagawa ng isang bagay na hindi ko magugustohan. Sigurado akong double-double ang balik ng pera mo.” “Huwag kang mag-alala... lagi ko namang sinusunod ang mga sinasabi mo.” “I’m glad to hear that.” “At ang shipping pala ng bagong produkto natin papuntang Taiwan ay magsisimula na the day after tomorrow.” “Just make sure na hindi na tayo mabubulilyaso this time. Ayoko ng magsayang ng pera ulit.” Seryosong saad ni Hideo sa matanda. “You have my word Signore Hideo.” Iyon lamang ang sinabi ng matandang lalaki ’tsaka dinampot ang kopita na may lamang alak at sumimsim doon. Walang salita, tumayo si Hideo sa puwesto nito at naglakad na palabas ng kuwartong iyon. Iniwan nito ang matandang kausap nito. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng Hotel ay dinukot naman nito ang cellphone na nasa loob ng bulsa ng coat nito. “How is she?” Kausap nito sa kabilang linya ang tauhan nitong si Cloud. “Ayon, nakakulong pa rin sa kuwarto niya. Nahimatay na ata dahil sa gutom.” “f**k you Cloud! Pinapunta kita riyan para pakainin mo siya.” Malulutong na mura ang pinakawalan ni Hideo sa binatang kausap nito sa kabilang linya. Tumawa naman ng nakakaloko si Cloud. “Ikaw kasi... why don’t you just let her out of her room. Hindi naman siya makakatakas dito sa Isla mo e!” turan pa nito. “Do not question my decisions, Cloud. Gawin mo nalang ang trabaho mo.” Tiim bagang na saad ni Hideo habang magkasalubong na naman ang mga kilay nito. “Pakainin mo siya kung ayaw mong ikaw ang pakainin ko ng bala mamaya pagkadating ko riyan.” Tumawa lamang ulit ang binata. Sanay na ito sa mga gano’ng biro ni Hideo. Alam naman nitong hindi iyon kayang gawin ng binata. “Ano ba ang ipapakin ko sa kaniya? Hotdog—” “f**k! I will kill you!” “Masiyado ka namang high blood boss. Hindi na mabiro.” Iyon lamang at biglang pinatay ni Hideo ang tawag mula sa kabilang linya. Malalaki na ang mga hakbang nito na tinungo ang kinaroroonan ng elevator na maghahatid dito papunta sa rooftop ng building kung saan naghihintay dito ang Helicopter nito. KUNOT ANG AKING NOO na naglakad ako palapit sa Lanai kung saan nakapuwesto si Cloud. Galing ako sa kusina at katatapos ko lang maghugas nang mga pinagkainan namin kanina. Papanhik na sana ako sa kuwarto nang marinig ko naman siyang tumatawa at may kausap sa cellphone. “Hey señorita!” Nakangiting saad sa ’kin ni Cloud habang prente ang pagkakaupo niya sa sofa. Nakataas pa ang dalawang paa sa babasaging center table na naroon. “Um,” “Tapos ka na ba? Come, have a sit!” tinapik pa nito ang sofa sa tabi nito. “S-salamat pero... hindi na. Aakyat na rin ako sa kuwarto. Baka kasi... dumating na si Hideo at makita niya pa akong nandito sa labas at magalit siya.” Mabilis naman itong tumayo sa puwesto nito at walang paalam na hinawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako papunta sa sofa at magkatabi kaming umupo roon. Wala na rin akong nagawa. Hindi na ako umalis sa puwesto ko. Well, ang totoo niyan ay ayaw ko pa naman talagang umakyat sa kuwarto ko. Gusto ko pang manatili roon sa Lanai para pagmasdan ang dagat. Iyon lamang ay natatakot ako na baka biglang dumating si Hideo. Ewan ko ba... pero ayoko ng magalit siya sa akin kaya susundin ko nalang ang mga sinasabi niya. “Don’t worry. Hindi siya magagalit.” Anito. “Actually, kausap ko lang siya ngayon. Ang sabi niya pauwi na siya—” “Huh?” akma na sana akong tatayo sa puwesto ko, pero pinigilan niya ako sa balikat ko kaya napaupo akong muli. “Just stay here! Sinabi ko naman sa kaniya na nandito ka sa ibaba at nagpapahangin. So, hindi siya magagalit sa ’yo. Dito nalang tayo at hintayin na dumating siya.” Nangunot ang noo ko at napatitig sa mukha nitong nakangiti ng malapad sa ’kin. In fairness, simula kanina hindi ko pa siya nakitang seryoso ang hitsura. Lagi siyang nakangiti sa ’kin. At hindi ko rin maikakaila ang guwapo niyang mukha. Just like Hideo, guwapo rin siya. Oh my God! Did I say Hideo is handsome? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko ngayon. Bakit ko naman iniisip ang mga bagay na katulad no’n? “Are you okay señorita? Your face is red.” Anito. Wala sa sariling napahawak ako sa mukha ko. And yeah... I could feel the heat all over my face. Sigurado akong namumula nga ang mukha ko ngayon. “Um... a...” Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya mayamaya, muli akong tumayo sa puwesto ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay at pumanhik na at tinungo ang kuwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD