MAGKASALUBONG ang mga kilay ni Hideo nang makababa ito sa Helicopter at makita si Cloud na ngiting-ngiti habang nakapamaywang pa at nakatayo ilang hakbang mula sa sasakyang iyon.
“Hey boss!” anang binata na sumaludo pa. “How’s your meeting in Davao?” tanong nito at kaagad na sumabay sa paglalakad ng lalaki.
“Where is she?” sa halip ay balik na tanong ni Hideo sa binata.
“Um... she’s in her room.” Sagot nito. “Hindi ko naman siya pinalabas gaya ng utos mo.”
“Has she eaten yet?”
“Hindi pa! Ang sabi niya kasi sa ’kin kanina... ayaw niya raw kumain kung hindi mo siya palalabasin sa kuwarto niya. Mas pipiliin nalang daw niya ang mamatay sa gutom kaysa ikulong mo siya sa kuwarto na iyon pati rito sa Isla mo.”
Biglang napahinto sa paghakbang si Hideo at mas lalong nagsalubong ang mga kilay nang balingan nito ng tingin si Cloud.
“Iyon ang sabi niya sa ’kin kanina,” mabilis na saad nitong muli kasabay nang pagkibit ng mga balikat nito. “Ikaw naman kasi... bakit hindi mo nalang palabasin sa kuwarto niya si Ysolde? Do you think she can still escape you here on the Island?” tanong pa nito na sinabayan na rin ng malalim na pagbuntong-hininga.
Matalim na titig ang ipinukol ni Hideo sa binata bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad upang tunguhin na ang bahay nito.
“I told you Guilherme, do not interfere with my decisions.” Seryosong saad nito.
Mabilis na nagsalubong din ang mga kilay ni Cloud nang banggitin ni Hideo ang totoo nitong pangalan.
“Oh f**k! Fine!” naiinis na saad na lamang nito. “Just... stop calling me that way.” Anito.
Iyon pa naman ang pinakaayaw ng binata... ang tatawagin ito sa totoo nitong pangalan. He’s half Filipino and half Italian, kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon ang pangalan nito. Noong una ay wala namang kaso rito kung anuman ang pangalan nito, pero nang lumipat sa Pilipinas ang pamilya nito at doon na nag-aral ang binata simula high school hanggang kolehiyo, na-conscious na ito sa sariling pangalan lalo pa noong sabihin ng crush nitong hindi raw gusto ng babae ang pangalan nito. So, he decided to gave himself a nickname. But his friends decided to name him Ulap. Mabuti na rin iyon. Hanggang sa tumagal na at nasanay na rin ito sa ganoong pangalan.
Nang makapasok sa bahay ay kaagad na inilapag ni Hideo sa center table ang bitbit na itim na bag.
“Call Jule, she has to come here tomorrow because I’m leaving.” Anito.
Pabagsak namang umupo sa single couch si Cloud. “Where are you going?”
“I had to leave for Cuba.”
“What? Akala ko ba sa susunod na linggo pa ang alis natin para harapin si Massimo—”
“I’ll be the one to leave. Biglaan ang pag-alis ko bukas dahil nagkaroon ng malaking problema ang isang negosyo natin doon,” anito at dinampot ang bote ng alak na naroon lang din sa center table at nagsalin sa isang baso. Inisang lagok nito ang laman niyon at muling nagsalin ulit bago naglakad palapit sa isa pang single couch at doon pumuwesto. “Kailangan mong magpunta sa Cebu bukas ng umaga para asikasuhin ang mga bagong shipment natin na bukas ang dating sa pier.”
“Okay! Ako na ang bahala roon.”
“And you also need to go to Matias. He had a problem with one of our dealers. I don’t want my name to be tarnished because of the stupidity he did.”
“Ano ba ang gagawin ko sa kaniya?” seryosong tanong ni Cloud.
“Teach him a lesson. Or end his life so that he will not be a problem to me anymore.” Nagtiim ang mga bagang nito kasabay ng pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga.
DAHAN-DAHAN akong naglalakad palapit sa may puno ng hagdan. I heard the noise of the Helicopter earlier so I knew Hideo had arrived. But I still went out of my room to peek at him... ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit ko iyon ginawa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon at kung bakit parang gusto kong masilayan ulit ang mukha niya.
Nang marinig ko ang boses nina Cloud at Hideo na nasa sala at nag-uusap... bahagya akong nagtago sa gilid ng isang kuwarto. Pinipilit ko pang pahabain ang leeg ko para makita sa ibaba si Hideo. But I couldn’t see him.
When I heard what they were talking about... bigla akong kinabahan at sinalakay ng kilabot at parang bigla akong natuod sa kinatatayuan ko. God! Hindi lamang pala basta kidnapper si Hideo. Based on the conversations I heard he had with Cloud, he was involved in illegal activities. Not only here in the Philippines, but also abroad. And he could also kill. Oh yeah! Nakita ko na nga nang patayin niya ang isang tauhan niya na nagtangkang gahasain ako noong isang araw. And Cloud, mukha naman siyang mabait. Pero hindi ko alam na pumapatay din pala siya ng tao.
God! Ano po ba itong buhay na dinadanas ko ngayon? Bakit po kay Hideo pa ako napunta? Paano na lamang kung... kung ako naman ang isunod niyang patayin? Lalo na ngayon na narinig ko ang usapan nila ni Cloud? Lalo na ngayon na nalaman ko kung ano ang ginagawa niyang mga illegal dito sa Pilipinas.
Muli na namang sinalakay ng labis na takot ang puso ko. Oo na... sinabi ko ng mas gugustuhin ko na lamang na mamatay habang nandito ako sa Isla kaysa makasama siya ng matagal. Pero ngayong nalaman kung kaya nga talaga niyang pumatay ng tao... ng walang kalaban-laban, bigla akong natakot. Mahal ko pa ang buhay ko. At kahit wala mang kasiguraduhang makakatakas pa ako rito... I’m still hoping na makikita at makakasama ko pa rin si papa. Pati si Manay Salve.
“What are you doing here?”
Gulat na napa-angat ako ng mukha nang marinig ko ang galit na boses ni Hideo. Mas lalong sinalakay ng labis na kaba at takot ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. I can see the anger in his eyes. s**t! Nahuli niya akong nandito sa labas ng kuwarto, and worst... nahuli niya akong nakikinig sa usapan nila ni Cloud. God! Bakit hindi ko manlang narinig ang pagpanhik niya sa hagdan?
Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko habang hindi ko magawang ialis ang paningin sa kaniya. I could clearly see how his jaw tightened before he grab my arm.
“O-ouch!” napadaing ako nang masaktan ako dahil sa marahas niyang pagkakahila sa braso ko.
“What are you doing, Ysolde?”
Galit na tanong niyang muli sa ’kin habang matalim ang titig niya sa mga mata ko.
“Didn’t I say you can’t leave your room until I say so?”
“Um... a,” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. He caught me here outside.
“And what do you think you are doing? Are you listening to our conversation?”
I was even more nervous when I saw the glare in his eyes. He also tightened his grip on my arm.
“Um... h-hindi,” nahihintatakutang sagot ko sa kaniya at pinipilit na bawiin ang braso ko sa kaniya. “K-kakalabas ko lang ng kuwarto ko. I... I... I just want to go to the kitchen. G-gusto ko lang kumuha ng tubig kasi... kasi nauuhaw ako. A-akala ko kasi... w-walang tao.” Kinakabahang pagdadahilan ko sa kaniya. “A-aray! Nasasaktan ako.”
“Huwag mo ako gawing tanga, Ysolde!”
Singhal niya sa ’kin at walang paalam na hinila niya ako pabalik sa kuwarto ko. Nang marating namin ang kama, kaagad niya akong itinulak doon.
“I told you... ayoko ng babaeng matigas ang ulo.” Habang matalim pa rin ang titig niya sa ’kin.
Mabilis akong kumilos sa puwesto ko. Mula sa pagkakahiga ko sa kama, umupo ako at sumusog hanggang sa mapasandal ako sa headboard niyon.
“I... I’m telling the truth, Hideo. G-gusto ko lang uminom.”
Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadya sa sulok ng mga mata ko. Napahawak din ako sa braso ko na nasaktan dahil sa panggigigil niya kanina. Nag-iwas din ako ng tingin sa kaniya. God! I couldn’t bear to stare into his scary eyes.
“I... I... I’m sorry!” sumisinghot pang saad ko sa kaniya habang nakatuon sa ibabaw ng kama ang paningin ko.
I heard him let out a deep sigh. Mayamaya ay walang salita na naglakad siya palabas ng silid ko. Naiwan akong mag-isa roon. ’Tsaka lamang ako nakahinga nang maluwag pero may mga luha pa ring pumapatak sa mga mata ko.
Grabe! Habang tumatagal na nandito ako sa poder niya, mas lalong lumalala ang ugali niya. Mas lalo kong nakikita ang totoong ugali niya.
Humugot ako nang malalim na paghinga ’tsaka ko iyon pinakawalan sa ere. Inabot ko ang dulo ng makapal na kumot at ipinailalim ko roon ang mga paa ko, hangga sa baywang ko. Nakasandal pa rin ako sa headboard ng kama habang nakatulala na sa kawalan. Mabilis na umangat ang mga palad ko at pinunasan ang mga pisngi ko na nabasa ng mga luha ko kanina.
Mayamaya lang ay muli akong napatingin sa may pinto nang bumukas iyon at muling pumasok si Hideo. Napatingin din ako sa kamay niyang may hawak na isang baso ng tubig.
Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya. Bagaman seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, pero wala na roon ang galit niya dahil sa pagsuway ko na naman sa utos niya kanina.
Tinitingnan ko lamang siya hanggang sa makalapit siya sa kama at ipinatong niya sa bedside table ang basong dala niya.
“Drink!”
Utos niya sa ’kin. Pero hindi naman agad ako nakakilos sa puwesto ko.
“I said, drink Ysolde!”
Bahagya pa akong napakislot sa puwesto ko ’tsaka kumilos palapit sa bedside table upang kunin ang baso ng tubig. Nagtataka man kung bakit niya ako kinunan ng tubig sa kusina... wala na rin akong ginawa kundi ang inumin iyon. Halos maubos ko pa ang laman niyon. Hindi naman talaga ako nauuhaw. Alibi ko lang iyon sa kaniya kanina. Pero sa mga nangyari kanina, pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko.
Pagkatapos kong ilapag ulit sa bedside table ang baso, muli akong bumalik sa puwesto ko habang nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa ’kin.
“Did you eat already?”
Hindi pa rin ako tumitingin sa direksyon niya. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya.
“f**k you, Guilherme!”
Dinig kong pagmumura niya. Hindi ko kilala kung sino ang minumura niya.
“Take a rest... mamaya ay kailangan kita,”
Wala sa sariling napa-angat ang mukha ko upang tingnan siya. What is he talking? Anong kailangan niya ako mamaya? Is he planning something bad to me?
Bubuka pa lamang sana ang bibig ko nang bigla naman siyang tumalikod at naglakad upang muling lumabas sa kuwarto ko. Napatitig na lamang ako sa sumaradong pinto.
DAHIL SA MGA sinabi ni Hideo sa ’kin kanina bago siya lumabas sa kuwarto ko, hindi na ako natahimik at napakali rito. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi na humupa. Hindi ako matigil sa iisang lugar lang. Paroo’t parito ang lakad ko. Lahat ata ng sulok ng kuwartong ito ay nalibot ko na, ngunit hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang salita niya kanina.
Mamaya ay kailangan kita!
Jesus! Dahil ba nahuli niya ako kaninang nakikinig sa pag-uusap nila ni Cloud kaya papatayin na rin niya ako? Baka inisip niya na kung sakaling makakatakas ako rito ay isusumbong ko siya sa mga pulis. Bago pa siya mabuko at ang mga illegal na ginagawa niya... so, he needs to kill me.
Binalot ako ng labis na takot dahil sa isiping iyon. Ramdam ko rin ang panglalambot ng mga tuhod ko.
Mayamaya ay bigla akong natigilan sa paglalakad ko at napalingon sa may pintuan nang bigla iyong bumukas at pumasok si Hideo. Wala sa sariling napaatras ako nang tuloy-tuloy ang lakad niya palapit sa ’kin.
Napailing ako. “N-no!” akma na sana akong tatakbo papunta sa kabilang ibayo ng kama pero mabilis naman niya akong nahuli sa aking baywang. Napasigaw ako. “Ahhh! Please! No! Please I’m sorry! Huwag mo akong papatayin.” Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko dahil sa takot.
“Stop, Ysolde!”
Galit na saad niya nang magpumiglas ako sa kaniya.
“No! No! Please! Please don’t kill me.”
“I’m not going to kill you,”
Mariing saad niya sa ’kin habang nakapulupot pa rin sa baywang ko ang isang braso niya.
“But if you continue to struggle and shout, I might kill you right now.”
Bigla akong natigilan at napatitig sa mukha niya. He’s not going to kill me? But where will he take me? What will he do to me?
“Come here!”
Hinigit niya ako palabas ng kuwarto ko. Hanggang sa makababa kami sa hagdan ay hindi niya pa rin pinapakawalan ang kamay ko. Nakarating kami sa isang silid na naroon sa may ilalim ng hagdan. Binuksan niya ang pinto niyon at pumasok kami roon. Doon ko naman nakita si Cloud at ang isang lalaki na tingin ko ay nasa late 60’s na ata.
Mayamaya ay pinakawalan ni Hideo ang kamay ko nang nasa tapat na kami ng isang lamesa. Napatingin naman ako sa Desk Plate na naroon. Nabasa ko roon ang pangalan niya. Antonio Hideo Colombo. That’s his full name.
“Let’s start!”
Napatingin akong muli kay Hideo nang marinig ko siyang nagsalita.
Tumayo naman ang matanda sa harapan ng lamesa, sa harapan namin.
What is happening right now? Kunot ang noo na napatingin ako ng seryoso kay Hideo.
“W-what is... what is happening right now?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“We’re getting married!”
What? Halos malaglag sa sahig ang panga at mga mata ko dahil sa labis na pagkagulat dahil sa sinabi niya.
What did he say? I thought we will get married next week? Iyon ang sinabi niya kahit tutol naman ako roon. Pero ikakasal kami na ngayon? That this is how I look? Just wearing a pair of pajamas and slippers? With a messy hair? Jesus!