CHAPTER 3

1998 Words
NANLALABO man ang aking paningin, pero pinilit kong maglakad sa pasilyo para lumayo sa unit ni Shiloh. Ewan, pero hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ngayon ng puso ko. Sobrang galit din ako kay Zak, lalo na kay Shiloh! Mga hayop sila! How did they do this to me? Zak told me, he was in abroad because of his business trip... tapos ngayon malalaman ko nalang na si Shiloh pala ang tinatrabaho niya. And Shiloh? She was my childhood bestfriend. Simula Kindergarten, siya na ang kaibigan ko. Hanggang sa mag college kami... then this is what she will do to me? I thought she was my real friend. Kailan pa nila ako niloloko ni Zak? Kailan pa nila ginagawa itong kababoyan nila? Muling bumuhos ang mga luha ko at napahagulhol ako. Nanghihina ang mga tuhod ko na napasandal ako sa pader sa gilid ng pasilyo. Tutop ang aking bibig habang humahagulhol pa rin. Kahit may iilang mga tao ang naroon at nakakita sa akin, hindi ko na lamang iyon inintindi. “Ysolde! Babe!” Narinig ko ang boses ni Zak. Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ng puso ko nang lumingon ako sa kaniya. Wala siyang pang-itaas na damit. Ang pantalon naman niya ay hindi pa naisarado ang zipper. Pawisan at gulo-gulo pa ang kaniyang buhok. “Babe—” Dahil sa galit ko, ubod lakas ko siyang sinampal nang makalapit na siya sa akin ng tuluyan. “How dare you?” singhal ko sa kaniya habang patuloy pa rin ang pagragasa ng mga luha sa pisngi ko. “Babe—” “Babe?” sigaw ko ulit. Halos maputol ang mga ugat sa leeg ko. Nanginginig talaga ang buong katawan ko ngayon dahil sa sobrang galit. Maging ang kamay ko na nasaktan nang sampalin ko siya ng pagkalakas ay muling nangati at gusto ko iyong gamitin ulit upang paghahampasin siya. But I stopped myself. Napailing ako ng sunod-sunod habang nakatitig ako sa kaniya. “How dare you Zak?” “Let me explain—” “Pagkatapos ng mga nakita ko kanina sa loob ng kuwarto ni Shiloh? Habang nagpapakasarap kayong dalawa roon, may gana ka pang magpaliwanag sa akin ngayon? Para ano? Para ano Zak?” malakas na singhal ko sa kaniya. Puro galit ang nag-uumapaw ngayon sa puso ko. Na kahit magsisigaw ako roon, na kahit pagsasampalin ko siya roon, hinding-hindi mawawala ang galit at sakit na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling iyon. Dahil sa nalaman ko. Dahil sa mga nakita ko. I feel the sharp knife slowly sinking into my heart... at pagkatapos no’n ay pipira-pirasuhin niyon ang puso ko. “Kailan mo pa ako niloloko? Kailan n’yo pa ako niloloko ni Shiloh, huh? Matagal na ba, Zak?” may diing tanong ko ulit sa kaniya. Ang mga mata kong nakatitig sa kaniya ay puno ng hinanakit at pagkabigo dahil sa mga nangyari ngayon. God knows how much I love this man. Pati ang bestfriend ko... pero nagawa pa rin nila akong lokohin at saktan. Hindi naman siya sumagot agad. Humugot ako ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi. “Akala ko ba... nasa abroad ka? Pero bakit nasa kuwarto ka ni Shiloh at kasama siya?” “Babe... I-I’m sorry.” Bigla akong natawa ng pagak nang marinig ko ang sorry niya. Muli rin akong napaluha at napahagulhol. Ibig sabihin lang ng sorry na iyon... matagal na silang may relasyon ni Shiloh... habang may relasyon din kaming dalawa. Paano nila nagawa ito sa akin? Alam din ni Shiloh kung gaano ko kamahal si Zak. Pero bakit nagawa niya pa rin akong traydurin? Dahan-dahan akong tumalikod. Kasi kung magtatagal pa ako roon, baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na balikan si Shiloh at saktan siya. “Babe—” Muli kong sinampal si Zak nang pigilan niya ako sa braso ko. Matalim na titig ang muli kong ipinukol sa kaniya. “I love you so much, Zak... but you only broke my heart. You cheated on me... with my bestfriend.” Umiiling na saad ko bago muling tumalikod at pinilit ko ang sarili ko na maglakad ng maayos. Hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng elevator. Pagkapasok ko roon, sa sulok ako pumuwesto habang pinipigilan ang sarili ko na mapalakas ang hagulhol ko. “Are you okay miss?” Dinig ko ang boses ng isang lalaki na hindi ko napansin kanina nang pumasok ako sa loob ng elevator. Nag-angat ako ng mukha. Kahit nanlalabo pa rin ang aking paningin dahil nag-uulap pa rin ang mga luha sa mga mata ko... pilit kong inaninag ang lalaki. Nakapuwesto rin ito sa isang sulok. Nakasandal sa gilid habang nakasuot ng itim na sumbrero. “Why are you crying?” Pero sa halip na sagutin ko ang tanong ng estranghero na ito, muli akong tumungo upang itago ang mukha ko. Ayokong makita nito ang pagluha ko roon. “Hindi bagay para sa isang magandang babae ang umiiyak.” Kunot ang noo na muli akong nag-angat ng mukha upang tapunan ng tingin ang lalaki. This time... nakatuon na sa unahan ang paningin nito. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang mukha niya. Medyo puno ng balbas ang mukha niya pero kitang-kita ko ang nunal na malapit sa may ilong niya. May tattoo rin ang braso niya. Kung tama ang pagkakahula ko, pakpak iyon ng ibon. Hindi ko masiyadong makita dahil nakasuot siya ng black long sleeve polo. Mayamaya ay hindi agad ako nakapagbawi ng tingin nang lumingon siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. And his eyes... parang nakakatakot tumitig doon. Parang puno ng dilim na hindi ko maipaliwanag. Basta bigla na lamang tumayo ang mga balahibo sa buong katawan ko. Mabilis akong nagbawi ng tingin sa kaniya. Dahan-dahan na umangat ang mga kamay ko at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Mula rin sa gilid ng mata ko, nakita kong kumilos ang lalaki at parang may kung anong dinukot sa bulsa nito. “Here! Take this and wipe your tears.” Saad nito. Kahit ayoko mang tanggapin ang panyo na iniabot niya sa akin... napilitan na rin ako. Ayaw kasing tumigil ang pagluha ng mga mata ko. Dahan-dahan na gumalaw ang kamay ko upang tanggapin ang panyo niya. “T-thank you!” halos pabulong pang saad ko sa kaniya. Ngumiti lamang ito sa akin bago muling itinuon ang paningin sa pinto ng elevator. Gamit ang panyo ng lalaking ito, pinunasan ko ang mga luhang naglalandas pa rin sa mga pisngi ko. Pero mayamaya, parang may kakaiba akong naamoy mula sa panyo na iyon. Parang unti-unti ring nakaramdam ako ng pagkahilo. Napatingin ako sa lalaki nang marinig kong nagsalita siya pero hindi ko naman naintindihan kung ano iyon. Unti-unti na ring nagdilim ang paningin ko kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko. “Opps!” anang Hideo nang matumba si Ysolde at saluhin nito ang dalaga. Ngumiti pa ito ng nakakaloko nang dalhin nito sa tapat ng dibdib nito ang dalaga na ngayon ay wala ng malay. Mayamaya lamang ay bumukas ang pinto ng elevator. Pinangko nito ang dalaga bago naglakad palabas doon at tinahak ang basement parking kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Binuksan nito ang pinto sa backseat at doon isinakay si Ysolde. Pagkatapos ay lumulan na rin ito sa driver seat. NANG MARAMDAMAN ko ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko, bahagya akong napakislot at kumilos sa puwesto ko. Hindi pa man ako nagmumulat ng mga mata ko ay nag-inat na ako. Mayamaya, dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Ngunit ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang bumungad sa aking paningin ang kisame ng kuwarto na hindi naman pamilyar sa akin. Wala sa sariling biglang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-ikot ng paningin ko sa buong silid. The room is not familiar. Ngayon lamang ako napunta roon. Bigla akong napabangon at napaupo sa ibabaw ng kama. Pero bigla rin akong napapikit ng mariin at napahawak sa sentido ko nang maramdaman ko ang pagkirot doon. Maging ang mga mata ko, ramdam ko ang hapdi niyon. “Teka... bakit ako nandito? Kaninong silid ito?” tanong ko sa sarili at muling inilibot ang paningin ko. Mayamaya ay biglang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Simula nang umalis ako sa bahay at tinakasan ko si Giuseppe... hanggang sa makarating ako sa unit ni Shiloh, at masaksihan ko ang panloloko nila sa akin ni Zak... tapos, muli akong natigilan nang maalala ko naman ang lalaking nakasabay ko sa elevator. Ang lalaking nagbigay sa akin ng panyo. Bigla akong nilukob ng matinding kaba sa dibdib nang maalala ko ang nangyari kagabi bago ako nawala ng malay. “My God!” napatutop ako sa aking bibig. “Did that man kidnap me?” God! Bakit ko pa itinatanong iyon? Malamang na kinidnap nga ako ng lalaking iyon kagabi. He gave me a handkerchief with a pungent odor. After I wiped it on my cheek and nose, I gradually fainted. Tapos ito na ngayon ang nangyari. Mas lalong lumakas ang kabog sa puso ko dahil sa takot. Mayamaya nang mapatingin ako sa bintana ng silid, kaagad akong napaalis sa kama. Patakbo akong lumapit sa bintana upang tingnan kung nasaan ako ngayon. Ngunit ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang pagkasilip ko sa bintana ay puro tubig dagat at dalampasigan lamang ang nakita ko. “Oh God!” Because of the fear I feel in these moments, I can no longer think clearly. Ilang minuto na akong nakatayo lamang doon sa tapat ng bintana bago muli akong bumalik sa sarili ko. Napalingon ako sa may pintuan. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, naglakad ako palapit doon. Mabuti nang pagkahawak ko sa doorknob at nang pihitin ko iyon ay hindi naman pala nakasirado. Kahit sinasakalay ng labis na takot ang puso ko ngayon, dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Hanggang sa marating ko ang puno ng hagdan. Tahimik ang buong paligid. Wala rin akong marinig na ingay sa paligid para makapagtukoy na may ibang tao roon maliban sa akin. Ang mahinang hampas ng alon lamang sa dalampasigan ang naririnig ko mula sa nakabukas na sliding door sa ibaba ng hagdan. Bumaba ako roon. Maingat pa rin ang mga hakbang ko habang inililibot ang paningin ko sa buong paligid. Wala talagang tao roon kundi ako lamang. Nang tuluyan na akong makababa sa mataas na hagdan... ganoon na lamang ang aking gulat nang pagkapihit ko sa aking likuran ay ang malaking portrait ng lalaki ang nakita ko. Napahawak pa ako sa tapat ng dibdib ko. “Jesus!” sambit ko. Pero mayamaya ay natigilan din ako agad nang makilala ko ang mukha ng lalaking nasa picture... maging ang tattoo nito sa braso. It’s him. Iyon nga ang lalaking nakasabay ko sa elevator kagabi. Muli na namang nanindig ang mga balahibo sa buong katawan ko dahil sa takot na sumibol sa dibdib ko. Wala sa sariling napaatras din ako nang mapatitig ako sa mga mata ng lalaki. God! Portrait lang naman iyon, pero kung makatitig ang lalaking ito ay sobrang talim at nakakatakot pa rin. Parang anumang sandali ay biglang tutupi ang mga tuhod ko. Mabilis akong tumalikod at malalaki ang mga hakbang ko para tunguhin ang nakabukas na sliding door. Pero bigla rin akong natigilan at napasigaw ng malakas nang biglang sumulpot sa harapan ko ang lalaking ito. “Ahhhh!” “Hey! Shut up!” Hinawakan nito ang isang braso ko nang akma na sana akong tatakbo. Hinila niya ako pabalik sa kaniya at gamit ang isang palad niya, tinakpan niya ang bibig ko. “Shut up if you don’t want to get hurt.” Mariing saad nito sa tapat ng tainga ko habang nakapulupot na ng mahigpit ang braso niya sa baywang ko. “Just... shut up!” “Mmm!” umiling-iling ako habang nag-uumpisa na namang mag-init ang sulok ng mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD