“BOSS, nariyan na po si Mr. Latorre.”
Anang isang lalaking nakasuot ng itim na polo shirt nang makalapit ito sa amo nitong nakaupo naman sa harap ng malaking lamesa.
Nasa loob ito ng Casino at naglalaro ng Blackjack. Maliban dito, may kalaro pa itong apat na matatandang lalaki.
Saglit na nag-angat ng mukha ang lalaking mukhang nasa late 30’s na ang edad. May balbas ang mukha. Maskulado ang katawan. Nakasuot ng itim na long sleeve polo na nakatupi naman ang dulo hanggang sa siko nito. May malaking tobacco ang nakaipit sa gitna ng mga daliri nito habang nakasandal sa upuan nito. Tumingin ito sa itaas ng hagdan upang tapunan ng tingin ang matandang lalaki na ngayon ay pababa naman doon. Mayamaya ay nilingon nito ang tauhan at tumango. Umalis naman ang lalaki.
Muling itinuon ng lalaki ang atensyon sa apat na kalaro nito maging sa dealer na nasa kabilang ibayo ng lamesa. Pagkatapos ay sinilip nito kung ano ang hawak nitong card. Mayamaya ay ngumiti ito ng nakakaloko at tuluyang dinampot ang baraha at itinapon iyon sa gitna ng lamesa.
“Hindi pa talaga ako nanalo sa larong ito kapag ikaw ang kaharap ko Mr. Colombo.” Saad ng isang matandang lalaki. Napailing pa ito ngunit may ngiti sa mga labi. Dinampot na rin nito ang baraha at itinapon sa gitna ng lamesa.
“Magaling lang talaga ako maglaro Mr. Hernandez.”
“Next time let us win at least once, Hideo.” Natatawa ring saad ng isa pang matandang lalaki. Kagaya sa iba pang mga nakalaro ng lalaki, ilang beses na rin itong natalo sa larong iyon.
“I’ll think about it, Matias.” Pagsakay naman ng lalaking tinawag na Hideo. Muli itong ngumiti ng nakakaloko ’tsaka sumenyas ang isang kamay upang palapitin dito ang isang tauhan nito.
Nang makalapit ang isang lalaki ay kaagad nitong inipon ang mga poker na napanalunan ng amo nito.
Tumayo naman sa puwesto nito si Hideo. “Well, gentlemen... this game is done. Trabaho naman ang aasikasuhin ko. Enjoy the night.”
Tumango naman ang apat na matanda bago tumalikod ang lalaki at naglakad na palayo sa lamesang iyon.
“Nasa VIP room po si Mr. Latorre, boss.” Anang lalaki.
Hindi sumagot si Hideo. Sa halip ay nagtuloy lamang ang lakad nito hanggang sa makalabas ng Casino at tinungo ang parking lot.
GANOON na lamang ang gulat ni Bernard nang pagkasakay nito sa sasakyan nito ay biglang may suminding lighter sa tabi nito. Sinindihan nito ang malaking tobacco na nasa pagitan ng mga labi nito. Nanlalaki ang mga mata ng matanda nang mapalingon ito sa katabing upuan, matapos sulyapan ang driver seat... wala roon ang driver nito. Madilim man at hindi nito maaninag ang hitsura ng lalaking naroon na nakasuot ng Fedora hat, kilalang-kilala ito ng matandang Latorre.
“H-hideo.” Nauutal pang sambit nito sa pangalan ng lalaki pagkuwa’y napaatras ito sa tabi ng pintuan. Napalunok pa ito ng laway.
“Long time no see Bernard.” Ang baritinong boses ni Hideo pagkuwa’y humithit ito sa tobacco at pinakawalan sa ere ang makapal na usok.
Napaubo pa ng sunod-sunod ang matandang lalaki nang malanghap nito ang usok. Dahil nakasarado ang buong sasakyan, naipon lamang sa loob niyon ang usok ng tobacco.
“Hideo—”
“Hideo! Hideo! I heard it twice, Bernard. Wala ka bang ibang sasabihin sa ’kin?” tanong ng lalaki habang nakatuon pa rin sa unahan ng sasakyan ang paningin nito.
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan na iyon. Mayamaya ay si Hideo na ang lumingon sa nahihintatakutang matanda.
“Mukhang pinagtataguan mo ata ako.”
Mabilis at sunod-sunod namang napailing ang matanda at mas lalong nagsumiksik sa gilid ng pintuan nang makita nito ang kislap ng mga mata ng kausap.
“H-hindi. Of course not!”
“Paano ang usapan natin tungkol sa pera ko?” mariing tanong nito. Nagtiim-bagang pa ito habang matalim ang titig sa matanda. “Lumagpas ka na ng isang linggo Bernard. Hindi ka tumupad sa usapan natin. And you know that’s what I hate the most.”
Muling napalunok ng laway ang matanda. Dahil sa labis na takot na nararamdaman nito sa mga sandaling iyon, hindi nito malaman kung paano ibubuka ang bibig upang sumagot sa lalaki.
Hideo Colombo is known as a good businessman in the Philippines. Marami itong pag-aari na malalaking negosyo, hindi lamang dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa man. May nababalita mang isa rin itong leader ng isang grupo na nagbebenta o nagpapasaok ng mga illegal na produkto rito sa Pilipinas, pero wala pang kumpirmasyon iyon. Isa rin ang lalaki sa kinatatakutan ng ibang malalaking kumpanya. Dahil kahit sino ang kumalaban dito, wala pang may nakatalo rito.
At ang pagkakamali lamang ni Bernard ngayon ay kung bakit sa isang Colombo pa ito humiram ng para noon para lamang maisalba ang papalubog na nitong negosyo. At ngayong naniningil na si Hideo at wala itong maibigay na pera, labis-labis ang takot na nararamdaman nito. Ano na lamang kung magaya ito sa ibang mga negosyanteng nagkaroon ng atraso kay Hideo? Pagkatapos na hindi makapagbayad sa lalaki ay bigla na lamang napabalita na hindi na matagpuan ang mga ito.
“Please Hideo... just... just give me another time. Ginagawan ko naman ng paraan kung paano ako makakakuha ng pera para makabayad sa ’yo.”
“Really?” mapanuyang tanong ng lalaki.
“Just give me another time... I promise—”
Tumawa ito bigla ng pagak dahilan upang matigil sa pagsasalita ang matanda. “Ilang beses ko ng narinig ang mga pangako na iyan mula sa mga kagaya mong hindi marunong tumupad sa usapan, Bernard.” Napailing-iling pa ito pagkatapos ay hinugot ang baril na nakaipit sa may tagiliran nito.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Bernard at mas lalong binayo ng kaba at takot ang puso nito. Nang makaramdam ng paninikip sa puso ay biglang napahawak sa tapat ng dibdib nito ang matanda. Nag-umpisa na itong mahirapang huminga.
Ngumisi lamang si Hideo habang hinihimas-himas nito ang makintab na baril at nakatingin sa nahihirapang matanda.
“Sinabi ko na sa ’yo Bernard... kapag hindi ka nakabayad sa utang mo, buhay mo ang kapalit.”
Mas lalong nanikip ang dibdib ng matandang Latorre at mas nahirapan itong huminga. Hanggang sa unti-unti itong napasandal sa gilid ng pinto.
Bahagyang hinipan ni Hideo ang Muzzle ng hawak nitong baril ’tsaka muling nilingon si Bernard na wala ng malay. Mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na paghinga pagkatapos ay muling dinala sa tapat ng bibig nito ang halos nangangalahati ng tobacco. Muli itong humithit doon at pinakawalan sa ere ang makapal na usok. Pagkatapos ay binuksan na nito ang pinto na nasa tabi nito at bumaba roon.
“Let’s go.” Saad nito sa mga tauhan nito at sumakay na rin sa itim na BMW na nasa katabi lamang din ng sasakyan ni Bernard.
DAHAN-DAHAN kong pinihit ang doorknob ng aking kuwarto. Even my step was also careful so that I did not create noise. Baka magising si Manay Salve... maging si Giuseppe na hindi ko malaman kung nasaan ngayon natutulog. Well, wala naman kasi siyang permanenting puwesto rito sa bahay. Kung saan-saan lang siya matutulog. Kung saan siya kumportable at abutan ng antok niya habang nagbabantay sa bahay kasama ng ibang tauhan ni Papa.
Nang marating ko ang puno ng hagdan, saglit kong iginala sa buong sala ang aking paningin. Nang makumpirma kong tahimik naman at mukhang walang tao sa ibaba... dahan-dahan ulit akong naglakad pababa ng hagdan. Nakapaa lang din ako para siguradong hindi maririnig ang mga yabag ko. Bitbit ko lamang ang bag ko pati ang sandals ko.
Mayamaya nang palapit na sana ako sa main door, narinig ko ang boses ng isang tauhan ni Papa. I suddenly ran closer to the sofa and hid on its side.
“Pare, ikaw muna ang magbantay sa labas. Pupunta lang ako sa kusina para magtimpla ng kape.”
“Sige pare.”
Mas lalo akong nagtago sa gilid ng sofa nang makita kong papalapit na sa direksyon ko ang isang body guard ni Papa. Kinakabahan pa ako na baka makita niya ako. Pero nang makalagpas naman siya sa sofa at hindi niya ako nakita... I immediately got up and ran to the main door. Mabuti nalang at hindi iyon nakasarado, kaya hindi na ako nahirapang buksan iyon. Nang makalabas na ako roon, muli kong iginala ang paningin ko sa buong garahe. Nasa dulo ng swimming pool ang dalawang bantay. Tinapunan ko rin ng tingin ang gate. Nakasarado iyon. Pero tingin ko naman ay hindi ako mahihirapan na buksan iyon.
I took a deep breath then released it into the air. Ilang segundo lamang ay mabilis akong tumakbo palapit sa gate. Hindi naman ako napansin ng mga bantay na naroon. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. ’Tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag nang makalabas na ako roon. Mabilis akong tumakbo palapit sa Taxi na naroon naghihintay sa labas. Bago kasi ako lumabas ng kuwarto ko ay tumawag na ako ng Taxi at sinabi kong hintayin lang ako sa labas at babayaran ko nalang siya ng double.
“Kuya, bilis na po. Umalis na tayo.” Saad ko sa driver nang makapasok na ako sa backseat. Doon ko na rin isinuot ang sandals ko.
“Saan po tayo ma’am?”
“Makati po.”
Doon na ako didiretso. Alam kong nandoon si Shiloh ngayon kasi nang tumawag ako kanina sa bahay nila, ang sabi ng kasambahay nila ay nasa BGC daw siya. Hindi ko na kasi siya nasabihin kanina na tutuloy ako sa pagpunta sa bahay nila para mag sleep over.
Habang nasa Taxi ako at bumabiyahe papunta sa condo ni Shiloh, ewan ko kung bakit mas malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon kumpara kanina nang patakas pa lamang ako sa bahay. Sabagay, ayokong mapagalitan ni Papa bukas pag-uwi ko ng bahay. Bahala na! Nandito naman na ako e! Hindi na ako puwedeng bumalik doon dahil panigurado akong matatalakan na naman ako ni Giuseppe.
Halos dalawang oras ang naging biyahe ko bago ako nakarating sa Makati. Pagkababa ko sa Taxi, sinubukan kong tawagan ang cellphone number ni Shiloh, pero panay lang ang ring no’n sa kabilang linya. Nagpasya na rin akong pumanhik sa unit niya.
Habang nasa loob ng elevator, ganoo na ganoon pa rin ang nararamdaman ko kagaya kanina habang nasa Taxi ako. Ewan ko ba talaga.
Nang marating ko ang tapat ng unit ni Shiloh, I knocked on the door. But she didn’t answered. Dahil alam ko naman ang password ng unit niya, sinubukan ko nalang na buksan iyon. Sana lang ay hindi niya pa pinapalitan ’yon. But thank God... nabuksan ko naman.
“Shiloh!” nakangiting tawag ko sa kaniya nang makapasok na ako ng tuluyan. “Shiloh!” pero hindi naman siya sumasagot.
I walked closer to her room. Maybe she was just there and resting, kasi anong oras na rin naman. It’s already ten in the evening. Pero mayamaya napahinto ako... I frowned when I heard someone moaning from inside her room. Is that Shiloh? I step closer to her room again. I heard her moan louder... and faster. And this time, I’m sure it was Shiloh.
Napatutop ako sa bibig ko nang mula sa siwang ng pinto ng silid ay nakita ko si Shiloh. She was naked while on top of the man.
Biglang nag-init ang buong mukha ko... pati ang pakiramdam ko. Napatalikod ako at akma na sanang maglalakad para lumabas doon at hintayin na lamang sila na matapos... pero bigla rin akong natigilan nang marinig ko ang boses ng lalaki.
“Ohhh! f**k! Faster babe!”
I frowned. That voice is familiar. Naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko. I can’t go wrong. Kilala ko ang boses na iyon. It’s Zakhar. My boyfriend. Ewan, pero biglang nanghina ang buong katawan ko sa isiping ang boyfriend ko at ang bestfriend ko ay gumagawa ng milagro ngayon sa loob ng kuwartong iyon.
Naramdaman ko bigla ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata. Mayamaya ay biglang rumagasa ang mga luha ko roon. Nang pumihit ako paharap sa silid ni Shiloh, I saw him. At nakita niya rin ako. Nanlaki pa ang mga mata niya when he saw me standing outside Shiloh’s room.
“Ysolde!”
Lumingon din si Shiloh sa akin.
Sunod-sunod akong napailing kasabay ng pagbagsakan ng mga luha sa mata ko. Nanghihina man ang mga tuhod ko. Nanginginig man sa galit ang buong katawan ko, pinilit kong kumilos sa puwesto ko. Nanlalabo man ang paningin ko, tumakbo na ako palabas ng unit ni Shiloh bago pa ako maabutan ni Zak.
Mga hayop sila! Paano nila ako nagawang lokohin? Ang boyfriend ko? Ang bestfriend ko?