CHAPTER 1

1769 Words
CHAPTER 1 DAHAN-DAHAN kong hinawakan ang doorknob ng opisina ni Papa. Nang mabuksan ko iyon ay sinilip ko muna kung naroon siya sa loob. Nakita ko naman siyang nakaupo sa tapat ng kaniyang lamesa—nakangiting itinulak ko na ng tuluyan ang pinto at pumasok doon. “Hi Pa,” masigla at nakangiting bati ko kay Papa. Nag-angat siya ng mukha upang tingnan ako. “Oh! Yes honey? What are you doing here?” nagtatakang tanong niya sa akin. Naglakad ako palapit sa puwesto niya. Humalik ako sa pisngi niya bago ako umupo sa visitor’s chair na nasa gilid ng lamesa niya. “Um, Papa...” Nakatingin lamang sa akin si Papa ng seryoso. Alam kong hindi niya nagustohan ang pagpunta ko roon ngayon. “...puwede po ba akong magpaalam sa inyo?” tanong ko. Kita ko naman ang pangungunot ng kaniyang noo. “Why where are you going?” “Can I sleep over at Shiloh’s house?” Yeah! I’m already twenty seven years old. Pero kailangan ko pa ring magpaalam sa Papa ko kapag aalis ako ng bahay. Kahit mga kaibigan ko naman ang kasama ko. Well, masiyado lang over protective sa akin si Papa. Ayaw niya lang na may masamang mangyari ulit sa akin just like five years ago. Because of an accident that happened to me and mama then... dahilan ng pagkawala niya sa buhay namin noon, masiyado na siyang naging oa at over protective sa akin. Dahil na rin sa may nagtangka sa buhay ko nitong mga nakaraang araw kaya mas lalo siyang naging mahigpit at maingat pagdating sa akin. At hindi ko naman sinusuway ang mga gusto niyang mangyari—maliban na lamang sa isang ito. Kung bakit nagpapaalam ako sa kaniya na mag sleep over ako sa bahay ng bestfriend kong si Shiloh. “Why?” I gently let out a sigh. “E, gusto ko lang pong maka-bonding si Shiloh. We haven’t seen each other for a few weeks na po kasi.” Saad ko. Papa sighed too and leaned back in his chair. Alright! I think I know what he will tell me next. “Honey, alam mo kung gaano kita pinakaiingatan—” Laglag ang mga balikat na napatungo na lamang ako. Yeah right! Sabi ko na nga ba e! “Look baby...” “I know Pa.” Malungkot na saad ko sa kaniya para hindi na niya ituloy ang iba pa niyang gustong sabihin sa akin. Kabisado ko na kasi ’yon. “Go on. Giuseppe is outside waiting for you. He will take you home.” I sighed again then stood up in my seat. “Bye Papa!” saad ko at naglakad na rin palabas ng kaniyang opisina. “Ms. Ysolde,” Kaagad na lumapit sa akin si Giuseppe, pati ang apat na body guard ni Papa na laging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Nakakainis man na may mga lalaking nakaitim na polo shirt na panay ang sunod sa akin, but I can’t do anything about it. Hindi ko sila puwedeng itaboy. Kasi gaya nga sa sinabi ko... hindi ko sinusuway ang sinasabi ni Papa. He just wanted to protect me. “I want to go home, Giuseppe.” Saad ko sa kaniya at nagpatiuna ng naglakad sa pasilyo. Nasa tabi ko si Giuseppe at nakaagapay siya sa paglalakad ko. Ang dalawang body guard naman ni Papa ay nasa unahan namin, samantalang ang dalawa pa ay nasa likuran namin. “Sa ngayon ay wala kang ibang puwedeng gawin kundi sundin ang gusto ng Papa mo.” Saad nito sa akin. “Kapag nahuli na ang taong nagtangka sa buhay mo... babalik din sa normal ang lahat.” Napalingon ako sa kaniya. He’s only thirty years old. At matagal na rin siyang nagtatrabaho kay Papa bilang head leader ng bodyguard. Dahil hindi naman nalalayo ang edad namin kumpara sa ibang bodyguards ni Papa, sa kaniya ako kumportableng makipag-usap. Kahit nasa bahay lang ako. Kapag bored ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, siya lang lagi ang kinukulit ko. Mabuti nga at hindi siya umaangal sa akin. Because I know he’s masungit. Or maybe wala lang siyang choice kundi pagtiyagaan ang pangungulit ko sa kaniya. And did I ever say he was handsome? Yeah right! Kung type ko nga lang sana ang isang katulad ni Giuseppe, maybe... just maybe, naging crush ko na rin siya since the day I saw him. “Yeah you’re right. I don’t have any choice right now.” Muli kong itinuon sa unahan ang aking paningin. “Kaya huwag mo nang ituloy ang plano mong pumunta sa bahay ni Ms. Shiloh mamaya.” What does he mean? He gave me a serious look when I turned to him again. Nakakunot ang noo ko. “How did you know—” “I heard you talking on the phone with Ms. Shiloh.” Hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko ay mabilis agad siyang nagsalita. “Isn’t it prohibited to listen to someone’s conversation?” mataray at seryosong tanong ko sa kaniya. He shrugged his shoulders. “I did not listen to your conversation. It was just an accident that I heard you talking someone on the phone,” aniya. “Next time, learn to close the door of your room. Para walang may makarinig sa mga plano mo.” Lihim na lamang akong napabuntong-hininga dahil sa inis na bigla kong naramdaman sa kaniya. “Just allow me to go to Shiloh’s house. I promise I’ll go home right before Dad got home.” Nang muli ko siyang balingan ng tingin. Kailangan ko siyang mapilit ngayon dahil hindi naman pumayag si Papa sa pagpapaalam ko kanina. I just missed Shiloh. Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita. “Or, come with me. So that, even if Dad knows that I left the house... hindi pa rin siya magagalit sa ’kin—” “At sa akin naman siya magagalit dahil sinuway ko ang utos niya at sinunod ko ang gusto mo.” Muli niyang pinutol ang pagsasalita ko. Nakakainis naman ang lalaking ito. I know how loyal he is to my Dad as well as to his job... kaya sigurado akong wala akong pag-asa na mapipilit ko siya ngayon sa gusto kong mangyari. So, I just need to think of a way kung paano ako makakaalis sa bahay mamaya. Nanahimik na lamang ako hanggang sa makalabas kami sa builing. Pinagbuksan pa ako ni Giuseppe ng pinto sa backseat. Pagkasakay ko roon ay tumabi naman siya. Tahimik lamang ang buong biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay. Kaagad na sumalubong sa akin si Manay Salve. Ang Mayordoma rito sa mansion. Matagal na siyang nagtatrabaho rito sa bahay... siya rin ang nag-alaga sa akin simula noong ipinanganak ako ni mama. “Anak Ysolde,” “Manay!” saad ko sa kaniya. “Nagugutom ka na ba? Maghahain ako ng pagkain sa hapag.” I shook my head. “Mamaya nalang po Manay. Busog pa naman po ako.” Saad ko. “Hindi ka rin kumain kanina bago ka umalis.” “Bababa nalang po ako kung magutom na po ako.” I heard her let out a deep sigh. “Siya sige at ikaw ang bahala.” Tipid akong ngumiti sa kaniya ’tsaka ako naglakad na upang pumanhik sa mataas na hagdan. Nang marating ko ang silid ko, kaagad akong sumampa sa kama at kinuha ang cellphone ko. I sent a text message to Shiloh. Sinabi ko sa kaniya na hindi ako sigurado kung makakapunta ako mamaya sa bahay nila. Pero hahanap ako ng paraan para makalabas ng bahay mamaya. A few moments later I received a call from Zakhar—my boyfriend. A wide smile suddenly flashed on my lips as I answered his call. “Hi!” bungad ko sa kaniya. “Hey babe!” Somehow I felt happy when I heard his voice from the other line. I missed him so much. We haven’t seen each other in two weeks. And it’s been a few days since the last time na nakapag-usap kami dahil busy siya. Nasa abroad siya para sa business meeting niya. “I missed you.” Saad ko sa kaniya. “I missed you too babe.” “Kailan ka uuwi ng Pilipinas?” “I have another week meeting here. But I promise babe, I’ll go home right after my business trip. I missed you already—so much.” I smiled again when I heard what he said. Zak is my first boyfriend. Nagkakilala kami two years ago. Anak siya ng business partner ni Papa. Siya ang tipo ng lalaking iki-keep mo talaga at hindi hahayaang mawala pa sa ’yo. He is a full package man kungbaga. Guwapo, moreno, matangkad, lahat na ata ng features na hinahanap ng kagaya kong dalaga ay nasa kaniya na. That’s why I’m so lucky to have him in my life. He was a teacher before we meet. Pero dahil sa kagustohan ng Daddy niya na siya ang pumalit bilang CEO ng Family Business nila... napilitan siyang umalis sa trabahong gusto niya. “And I missed you so much babe. Hindi rin naman ako makaalis dito sa bahay.” I heard his sigh from the other line. “Sundin mo nalang muna ang gusto ni Tito Bernard babe. I don’t want anything bad to happen to you kaya mas mabuti ng nasa bahay ka na muna.” “Okay lang naman sa akin na nandito lang ako sa bahay... e, kaso wala ka naman dito. Bored na bored na ako babe.” Nagpapaawa pang sabi ko sa kaniya. “Magtiis ka na muna. And don’t worry babe... when I get home, I promise I’ll always be there for you so you won’t get bored.” “Promise mo ’yan huh!” nakangiting saad ko at dumapa ako sa kama ko. “I love you!” Sa halip ay saad niya sa akin. Mas lalo akong napangiti. “I love you too babe.” “Sige na! I need to go back inside. I still have a meeting. I just went out to call you.” Kinilig naman ako bigla dahil sa huling sinabi niya. He’s always like that simula noong maging kami. Kahit busy siya, minsan gagawa siya ng paraan para lang makausap niya ako. Mas lalo tuloy akong nai-inlove sa kaniya. “Bye babe. Take care okay.” “You too babe. Bye!” Iyon lamang at naputol na ang usapan namin. Bumuntong-hininga ako at tumihaya sa pagkakahiga ko sa kama. There was still a smile on my lips when I closed my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD