NAALIMPUNGATA ako mula sa masarap na pagkakatulog ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin na pumapasok sa nakabukas na pinto ng bintana. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bahagyang kumilos sa puwesto ko. I barely moaned when I felt pain in my lower body—between my thighs.
“Ahhh! Ouch!” daing ko kasabay nang mariing pagpikit ko ng mga mata ko.
Mayamaya ay muli akong napamulat at napatingin sa may bintana nang lumakas ang hangin at mas lalong isinayaw ang kurtinang naroon. Anong oras na kaya? Madilim na kasi sa labas. Muli akong kumilos sa puwesto ko.
“Ouch!”
Parang pakiramdam ko wala akong lakas para kumilos. Ramdam ko ring sobrang sakit ng mga hita at katawan ko. There is soreness in my womanhood.
Mayamaya ay bigla rin akong natigilan nang maalala ko si Hideo. Nang maalala ko ang mga nangyari sa amin kanina. Wala sa sariling napaangat ang mga kamay ko upang tanggalin ang kumot na nakatakip sa katawan ko. Yeah right! Hindi nga panaginip lang ang nangyari sa ’min ni Hideo kanina. It was real. Wala akong suot ni isang saplot. I’m totally naked. The pain and soreness of my womanhood is evidence that I already gave myself to Hideo earlier. Ewan ko ba... wala akong makapang pagsisisi sa sarili ko ngayon. Kung bakit ibinigay ko sa kaniya ang sarili ko kanina. Walang panghihinayang sa puso ko.
Tipid akong napangiti at nakagat ang pang-ilalim kong labi nang muling sumagi sa isipan ko ang mga tagpong nangyari kanina.
Wow! I can’t believe myself. It was my first time... pero bakit parang naging wild naman ata ako? God Ysolde! Napailing na lamang ako kasabay nang pagpapakawala ko nang malalim na buntong-hininga.
Mayamaya ay nakaramdam na rin ako ng gutom—nang kumalam ang sikmura ko. Dahan-dahan akong muling kumilos sa puwesto ko para umupo sa kama. ’Tsaka lamang ako nagbaling nang paningin ko sa tabi ko. Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam ng lungkot nang hindi ko nakita roon si Hideo.
Oh Ysolde! At talagang umasa ka pang pagkagising mo ngayon ay nandito pa rin sa tabi mo si Hideo? Nakakalungkot mang isipin—but yeah! I was expecting na pagkagising ko ay narito pa rin siya sa tabi ko.
Muli akong humugot nang malalim na paghinga ’tsaka ko iyon pinakawalan sa ere. Ilang saglit akong nakaupo lamang sa gilid ng kama bago dahan-dahan na muling kumilos para bumangon ng tuluyan. I need to go to the bathroom para maligo na. Yakap-yakap ko sa katawan ko ang makapal na kumot. Hanggang ngayon ay amoy dagat pa rin ako. Natuyo na lamang ang tubig dagat sa katawan dahil sa ginawa namin ni Hideo kanina.
Kahit hirap man akong kumilos, hirap akong maglakad ay pinilit ko pa rin ang sarili ko. Hanggang sa makapasok ako sa banyo. Binuksan ko ang gripo na naroon sa bathtub habang nakaupo ako sa gilid niyon. Nang mapuno na ’yon ’tsaka ko tinanggal ang kumot na nakapulupot sa katawan ko at sumakay na roon. Saglit akong nagbabad sa tubig. After about fifteen minutes, nagbanlaw na rin ako. Suot ang robe habang nakapusod naman ng tuwalya ang buhok ko ay lumabas ulit ako sa banyo. Kahit papaano ay nabawasan din ang sakit na nararamdaman ko sa ibaba ko. Guminhawa rin ang buong katawan ko.
Umupo ulit ako sa gilid ng kama ko. Nakatingin lamang ako sa nakasaradong pinto ng silid. I was waiting kung may magbubukas ba roon para tawagin ako at kumain na. Pero halos lumipas na ang ilang minuto habang nakaupo ako roon at nakatitig sa may pintuan, hindi pa rin iyon bumukas. Wala pa ring Jule o Hideo ang pumapasok doon para puntahan ako. Mas naramdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko.
I let out a deep sigh at tumayo na rin sa puwesto ko. Naglakad ako palapit sa pinto. Binuksan ko iyon at dahan-dahan na naglakad palabas. Bahala na kung makita man ako ni Hideo na nasa labas na naman ng kuwarto ko. Na sinuway ko na naman ang utos niya. Bahala na kung pagalitan niya ulit ako. I’m just hungry.
Kinakabahan man ay nagtuloy lamang ako sa paglalakad ko hanggang sa marating ko ang puno ng hagdan. Tahimik ang buong paligid. Hindi ko maramdaman na may ibang tao roon. Even Jule, hindi ko alam kung nandito pa rin siya sa Isla.
“H-hideo!” tawag ko sa pangalan niya nang makababa na ako sa sala.
But I didn’t get any response from him.
Naglakad na lamang ako papunta sa kusina. Kaagad akong naghanap ng pagkain doon. Pagkabukas ko sa refrigerator ay nakita ko naman doon ang natirang abodong manok na niluto ni Jule kanina. Kinuha ko iyon at ininit. Nagsaing na rin ako ng kanin. Nang maluto iyon ay kaagad akong kumain. Halos maubos ko pa ang sinaing ko dahil sa naparaming kain. Pagkatapos ay naghugas na rin ako sa pinagkainan ko. Mabuti nalang talaga at simula bata pa ako ay tinuturuan na ako ni Manay Salve sa mga gawaing bahay. Dahil kung hindi... ewan ko na lamang kung mabuhay akong mag-isa. Lalo na sa ganitong sitwasyon ko.
Pagkatapos kong linisan ang kusina ni Hideo ay naglakad na rin ako palabas. Tinungo ko ang Lanai sa pagbabakasakaling makikita ko roon si Hideo, o si Jule, o isa manlang sa mga tauhan niyang naroon kanina sa Isla. Pero wala akong makita ni isang tao roon. Maybe I’m alone on that Isla.
Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago naglakad palabas ng Lanai. Pumuwesto ako sa sofa na naroon. Nakatanaw lamang ako sa madilim na dalampasigan. Dahil may ilaw naman sa labas, kahit papaano ay nakikita ko ang mga paghampas ng alon sa tabing-dagat. Mayamaya ay napayakap ako sa sarili ko nang dumampi sa buong katawan ko ang malamig na simoy nang panggabing hangin. Naipikit ko rin nang mariin ang aking mga mata.
“SIGNORE HIDEO, please! Hindi ko naman po sinasadya na magkamali sa trabaho ko. It’s not my intention—”
Hindi naituloy nang lalaki ang mga sasabihin nito nang sumenyas si Hideo sa isang tauhan niya. Sinuntok ng isang lalaki ang lalaking nakaluhod sa marmol na sahig. Duguan na ang mukha nito dahil sa iilang mga sugat na natamo nito. Putok na ang kaliwang kilay, dumudugo na rin ang ilong at bibig nito.
Sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa nang lalaki habang namimilipit ito sa sakit at namaluktot sa sahig.
“Sinabi ko naman sa ’yo Rene... masama akong magalit.” Anang Hideo habang prente siyang nakaupo sa isang single couch na naroon sa opisina ng lalaking nagngangalang Rene. Isa ito sa mga tauhan niya na nagtatrabaho sa Custom. Ito ang sinisisi niya kung bakit nabulilyaso ang transaction niya noong nakaraan dahil sa kapabayaan nito. Ilang araw na nagtago ang lalaki dahil sa takot sa kaniya, ang malas lamang nito na natagpuan din ito nang mga tauhan niya.
“Simple na lamang ang trabaho mo. Magbibigay ka nalang ng signal para makapasok dito sa bansa ang negosyo ko pumalpak ka pa.”
Dinalang muli ni Hideo sa tapat ng bibig niya ang malaking tobacco at humithit doon. Pagkatapos ay pinakawalan niya sa ere ang makapal na usok niyon.
“Patawarin mo ako Signore Hideo! P-please! Just... just give me one more chance. I... I... I promise aayusin ko na po ang trabaho ko.” Pagmamakaawa pa ng lalaki.
Napailing naman si Hideo ’tsaka siya tumayo sa kaniyang puwesto. Nakasuksok sa bulsa ng pantalon niya ang isang kamay niya at naglakad palapit sa lalaki.
“P-please Signore!” umiiyak na tumingala ang lalaki. Mayamaya ay nanginginig ang mga kamay nitong hinawakan ang leather shoes ni Hideo. “P-please Signore!”
“You already made a mistake twice, Rene.” Tiim-bagang na saad niya at matalim na tinitigan ang lalaki. “At alam mong kahit isang pagkakamali lamang ay ayoko ng ganoon. Nagkamali ka na nang una... but still I gave you a chance. Tapos inulit mo ulit.”
Sunod-sunod na umiling ang lalaki habang lumuluha pa rin. “Patawarin mo ako Signore—ahhh!” daing nito nang apakan ni Hideo ang mga kamay nito.
“Hindi lamang peso ang nawala sa ’kin dahil sa katangahan mo Rene.” Aniya at mas lalo pang diniinan ang pagkakaapak sa kamay ng lalaki habang humihithit pa rin sa tobacco niya.
Sigaw ng lalaki ang namayani sa buong silid na iyon.
Mayamaya ay inalis ni Hideo ang kaniyang paa sa mga kamay ng lalaki. Naglakad siya palapit sa may pinto.
“Ano ang gagawin dito?” tanong ni Cloud.
Pinakawalan ni Hideo sa ere ang makapal na usok ng tobacco niya. “Ano pa ba ang ginagawa sa mga taong wala ng silbi?” sa halip ay balik na tanong niya. “Ayokong magkaroon ng mas malaking problema.”
Bumuntong-hininga nang malalim si Cloud pagkuwa’y binalingan ng tingin ang lalaking nakalugmok pa rin sa sahig.
“Paano ’yan Rene, si boss na ang humatol sa buhay mo!” anito. “Sige, kayo na bahala sa kaniya. Siguraduhin n’yo lang na malinis ang lahat dito pagkatapos.” Utos pa ng binata sa mga kasamahan nitong naroon din.
“Opo boss! Kami na po ang bahala rito.” Sagot ng isang lalaki.
Sumunod naman si Cloud kay Hideo nang makalabas na ang una sa opisinang iyon.
“Babalik ka ba agad ngayon sa Isla?” tanong nito.
Hindi agad sumagot si Hideo. Nakatuon lamang ang kaniyang paningin sa unahan habang pababa na sila ng hagdan. Nagpakawala pa siya nang malalim na buntong-hininga. “Nope!” tipid na sagot niya matapos sumagi sa isipan niya si Ysolde.
“How about Ysolde? Sino ang kasama niya roon? Wala rin sa Isla si Jule!” tila nag-aalala pang saad ng binata.
Seryosong tinapunan ng tingin ni Hideo si Cloud nang makalabas na sila sa bahay ng Rene na iyon. Sa halip na sagutin ang mga sinabi ng huli, sumakay na siya sa backseat ng kaniyang sasakyan nang buksan ng isang tauhan niya ang pinto niyon.
Napailing na lamang si Cloud at sinundan ng tingin ang sasakyan ni Hideo nang umandar na iyon.
DALAWANG ARAW ang lumipas na mag-isa lang ako rito sa bahay ni Hideo. Walang Jule o Ulap ang dumating para puntahan ako rito kagaya noong nakaraan. Ni isa sa kanila walang may dumating. Dalawang araw din akong naghintay na dumating si Hideo. Pero ni anino niya hindi ko manlang nakita.
Two days, hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko sa dalawang araw na mag-isa lang ako rito. Matutuwa ba ako dahil nakakalabas ako sa kuwarto at sa bahay niya o mag-aalala ako dahil ako lamang mag-isa rito? Ano’ng malay ko na may mga multo pala rito sa Isla niya. Wala rin akong ideya kung nasaan si Hideo o kung anong araw siya babalik dito. Nakakatawa mang aminin, pero nalulungkot ako na pagkatapos nang nangyari sa amin ay bigla na lamang siyang nawala at hindi nagpakita sa ’kin ng dalawang araw.
Wala rin akong ibang ginawa rito kundi ang tumunganga sa Lanai habang nakatanaw sa dalampasigan. Paminsan-minsan ay nakatanaw din ako sa langit, nag-aabang na baka parating na ang Helicopter niya, pero wala rin. Ewan ko ba... parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko rin naman magawang maligo ng dagat kahit pa parang nag-aanyaya na naman iyon sa ’kin... nag-aalala kasi ako na baka bigla siyang dumating at maabutan na naman akong nasa dagat. Magagalit na naman siya. Wala manlang TV, o Radio para mapagkalibangan ko. Boring na boring na ako.
Humugot ako nang malalim na paghinga ’tsaka iyon pinakawalan sa ere.
“God Ysolde! Nababaliw ka na ba at siya nalang ang laman ng utak mo?” naiinis na tanong ko sa sarili nang tumuwid ako sa pagkakaupo ko sa sofa. “Ano ba ang inaasahan mo, na pagkatapos nang nangyari sa inyo ni Hideo ay magiging okay na rin kayo?”
Yeah right! Iyon nga ang iniisip ko. Mukhang malabo man na mangyari, pero may kung ano sa puso ko ang umaasa na magiging okay din kami.
Makalipas ang ilang sandali—nang magpasya na akong tumayo sa puwesto ko para sana pumasok na sa bahay at matulog nalang sa kuwarto ko, pero narinig ko naman ang tunog ng Helicopter na paparating na.
Ewan ko, pero parang ang lungkot na nararamdaman ko simula pa noong isang araw ay biglang naglaho. Bigla iyong napalitan ng excitement sa isiping nandito na so Hideo. Makikita ko na ulit siya.
Naglakad ako palapit sa gilid ng Lanai upang tanawin sa langit ang Helicopter niya. Ayon na nga at parating na. Ilang saglit lang ay lumanding na rin iyon.
Ang puso ko na normal lang naman ang t***k kanina ay biglang kumalabog nang mula sa ’di kalayuan ay natanaw kong bumaba sa Helicopter si Hideo. Parang may sariling isip ata ang mga labi ko at bigla akong napangiti habang sinusundan siya ng tingin.
Hanggang sa maglakad siya sa buhanginan para tunguhin itong bahay niya. Mag-isa lamang siya.
Pumuwesto ako sa gilid ng pinto nang malapit na siya. Itinago ko rin ang kaligayahan ko dahil sa muling pagdating niya.
Nang makapasok na siya sa Lanai, tinanggal niya ang suot na Ray-ban. Bigla akong napatikom at nag-iwas ng tingin sa kaniya nang makita ko ang seryoso niyang hitsura, maging ang kaniyang mga mata.
Oh God! Sa labis na excitement ko kanina na makita siya, nakalimutan kong bumalik sa kuwarto ko bago pa man niya ako makita rito. He’s mad at me again... for sure.
“Um... s-sorry! L-lumabas lang ako kasi—”
Hindi ko na natapos ang iba ko pang nais na sabihin nang bigla na lamang niyang inisang hakbang ang espasyo sa pagitan namin. Walang paalam na kinabig niya ako sa baywang gamit ang isang kamay niya, samantalang kinabig naman ng isang kamay niya ang batok ko at mariing siniil ng halik ang mga labi ko. Gulat man ako dahil sa biglaang ginawa niya, naipikit ko na rin ang mga mata ko at tumugon sa halik niya. Jesus! Bakit ba nagtatatalon sa tuwa ang puso ko ngayon? Parang may sariling mga isip na rin ata ang mga kamay ko at kusa iyong umangat at pumulupot sa leeg niya. Dahil sa ginawa kong iyon, mas naramdaman kong hinapit niya ako sa baywang ko at mas lalo pang nilaliman ang pagkakahalik sa ’kin.
Pagkatapos ng ilang minuto na magkahinang ang mga labi namin, naramdaman kong unti-unti niyang pinutol ang halik na pinagsasaluhan namin. Pero ang braso niyang nakapulupot pa rin sa baywang ko ay naroon pa rin. Maging ang kamay niyang nakahawak sa batok ko.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko nang tuluyan nang maghiwalay ang mga labi namin. He was staring at me... intently. Ewan kung tama ba ang pagkakabasa ko sa mga mata niya. Pero wala na akong makita na galit doon para sa ’kin. Dahil naabutan niya akong nandito sa labas.
“How are you?”
Iyon ang narinig kong tanong niya habang gadangkal lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Parang pakiramdam ko, mas lalong nanghina ang mga tuhod ko. Kung hindi nga lamang nakapulupot ang braso niya sa baywang ko, malamang na matumba ako roon dahil sa panghihina ko.
Ipinagpalipat-lipat ko ang aking paningin sa kaniyang mga mata at mga labi. Napapalunok pa ako ng aking laway.
“I... I... I’m fine!” nauutal na sagot ko.
Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin habang magkatitigan lang kami. Mayamaya ay binitawan niya ang batok at baywang ko. Ang akala ko pa ay bibitawan na niya ako nang tuluyan, pero bigla akong napatingin sa mga kamay naming ipinagsalikop niya.
“Let’s go inside.”
Iyon lamang at iginiya na niya ako papasok ng bahay.