SHE closed her eyes and pinched the bridge of her nose. She was tired already, kanina pa siya nag-iikot sa mall. Looking for furnitures and appliances. God! She'll be spending her days preparing for her suprise. Hindi nga niya nagawang makipag-usap sa mga barkada niya. Her first week of staying will be spend by catching up and planning for the house surprise and blessing. She want everything to be perfect.
"s**t! Ikaw nga, Ave!"
"Aena?" wala sa sarili niyang usal.
"Kailan ka pa nakabalik? Siraulo ka! Hindi ka man lang nagsabi."
Before she could react, she was enveloped by a warm hug.
"Gaga, ka! Miss na miss ka kita!"
"I miss you too!"
"Gaga ka! Kaya ayaw ko magreply sa mga dm ko nandito na ka na pala. 'King ina! Kagigil ka 'te!" bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya.
She laughed. God. How much she misses her other circle of friends. She has three circle of friends that she considers important as her family. First, her childhood friends. Second her high school friends na nag extend. And lastly, her college friend.
"Sorry, Kahapon lang ako nakarating. Haven't open any social media accounts,” pagpapaliwanag niya rito.
"Anong ginagawa mo rito sa mall?" her friend ask.
Si Aena ang pinakamalapit sa kanya, pareho kasi sila ng mga gusto at ayaw.
Malapit siya sa mga kaibigan niya pero kay Aena siya mas malapit. Sinasakyan nito lahat ng kagagahan niya noon. Aena wasn't her highschool friend. Nakilala niya lang ito through her friend Mary, naging mas malapit siya rito.
"Mamimili sana ako ng furniture and appliances. Are you busy?"
Umiiling si Aena, "No, actually pauwi na 'ko. May binili lang ako. Want me to accompany you?"
"That would be great!" she excitedly exclaimed.
Nag-iikot sila sa buong mall. Nakapili rin siya ng mga appliances and furnitures. Thanks to Aena, she has a better taste in furniture’s than her. Matapos nilang mag-ikot ay napagpasyahan nilang kumain sa isang cafe. They sat on the corner of the shop, malayo sa tao. They ordered few slices of cake, fries, and frappe.
"So how are they? Hindi ko na kasi sila masaydong nakakausap at nakakavideo call," malungkot niyang saad.
"Okay, naman. Once in a while nagkikita kami. We try to catch things up kahit may kanya-kanya ng mga trabaho at buhay. Ikaw lang naman kasi ang sobrang layo mo. Nakakamiss tuloy ang mga kagaguhan natin noon."
"Can you contact them?" she asked.
"Yes," Aena answered and took a sip.
"Are you free tonight?" nagbakakasakali niyang tanong.
"Oo, Wala rin akong trabaho bukas 'cause it's holiday."
"Sabihin mo magkita kayo. Don't tell them I am with you. Let's surprise them."
"Good idea!" Aena grinned.
"SIRAULO KA!" tatawa tawang papalapit si Aena.
Nasa pinapatayong bahay niya sila. Dito niya naisipang magkaroon ng reunion with her friends. She told her parents she wont be home tonight. Well plano naman niya talaga para makapag-ayos sa bahay and Aena helped her. However, they are also planning for a reunion. They have ordered foods and drinks.
"What? Eh, dati pa naman 'to nating ginagawa,” tatawa tawa niya ring sagot.
Sobrang dami niya kasing biniling alak. She missed her babies. Nang magtrabaho sa ibang bansa ay madalang na lang siya kung uminom. Kadalasan wine lang at kaunti lang ang iniinom. Nagkaroon naman siya ng kaibigan sa ibang bansa pero iba pa rin talaga ang mga kaibigan niya rito. When she's with any of her circle of friends she felt home.
"Mag-iinuman tayo pero hindi mo naman sinabing papatayin mo kami sa kalasingan," biro pa ng kaibigan.
"Kaya nga tayo umiinom para maglasing. Asa'n na ba sila?"
Tanong niya habang inaayos ang mga inumin sa mesa. She bought different drinks: vodka, whiskey, tequila and beers. Hindi niya mapigilang mapayakap rito.
"Gagang 'to! Miss mo mo na ang mga iyan."
She laughed and kissed the bottle of tequila, "Pawine-wine lang kasi ako doon. Miss ko na kayang umuwing lasing. Yung tipong iikot na yung mundo mo—”
"Mundo mo sa maling tao, charot!"
They both laughed.
Namiss niyang tumawa ng ganito. Naging masaya naman siya sa ibang bansa. She enjoyed her journey. She met a lot of people who help her reached her dreams. Masaya siyang natupad ang pangarap para sa magulang pero pakiramdam niya ay may kulang. Pinilig niya ang ulo nang mawaglit ang mga kung anu-anong bagay sa isipan.
Buong araw silang magkasama ni Aena. Tinulungan siya nitong mag-ayos ng mga pinamili niyang appliances at furnitures. Being with Aena, makes her remember her teenage years where she had made mistake, yet those mistakes molded who she is today.
The door bell rang making them both stop from eating junk foods. Her heart race. Her palm started sweating. Pakiramdam niya ay nasusuka siya.
"I think it's them. Pupuntahan ko sila sa labas. Get yourself ready, uulanin ka ng mura ng mga iyon," pagbibiro pa ni Aena, before she stood up and left.
She laughed, labas sa ilong. Mas nangunguna ang takot at kaba niya. She clutched her chest, naninikip sa sobrang kaba. Nagpakawala siya ng malakas ng paghinga. Trying to ease and calm herself.
The screen door opened, Iniluwa nito ang mga kaibigang nakanganga at halos lumuwa ang mga mata.
She chuckled, "Hi."
"Ave!"
Sabay na sigaw ng mga ito saka dinamba siya ng yakap. Naiipit siya sa gitna ng mga kaibigan, she felt her heart swelling in happiness. Humiwalay ang sa pagkakayakap ang mga ito at pinagmumura siya. She wanted to cry but end up laughing. Kaliwa't kanan kasi ang murang na tatanggap niya.
"Gago! Kaya pala ilang linggo kitang hindi macontact sa Instory," pagmamaktol ni Mary.
"Hmm. I was busy doing arranging my files, kasi nga uuwi ako. Surprise!"
She grinned but second later her grinned vanished. She met his gaze, she froze.
Kumpleto ang barkada niya. Walang labis walang kulang... including her ex. She wanted to curse but she manage to stay calm.
"Umupo kayo, uy! Walang bayad sa pagtayo riyan." Aena joked.
"'Te kailangan mong bumawi, ang tagal mong nawala sa klase natin. Nawalan kaya kami ng presidente." Naia blabbed.
She smiled, "Well I am back?"
"Baklang 'to, umuwi ka nga sana dinalhan mo ko ng dyowa." JM, her gay friend.
"Don't worry, bibigyan kita."
Pagsakay niya pa sa biro nito. She wanted to hide when she felt his stares lingered.
"Mukhang pinaghandaan mo 'to, ah!" singit ni Meira.
"Kumain muna kayo saka tayo magkwentuhan. Nag-order ako ng mga pagkain," she paused and grinned as she took a bottle of tequila. "The class is back."
All the girls screamed. She laughed. JM, Meira and Mary are her classmates in highschool. Their friendship grow even they have parted ways. Ibaiba sila ng paaralang pinasukan ng magsenior highschool. Still they have communication and meet once in a while. Hanggang sa nagdagdagan ang grupo, Naia and Aena came in to the picture. Hansen came into the picture when he courted Naia. Jervy also became part of the group when he became Meira's boyfriend... and her ex Von Rix became part of the group because of her. They all became more close to each other because of the drunken adventures. Their bond became stronger each year.
Siya nga 'ata pasimuno ng mga kalokohan. Kaya nga gigil na gigil sa kanya ang ex niya, walang humpay ito kung pagsabihan siya.
She shook her head trying to ignore unwanted thoughts.
"'Nyare 'Teh?"
She shrugged, "Wala. Bilisan niyo mag-iinuman pa tayo."
Matapos kumain ay nag-inuman silang magkakaigibigan reminiscing the past. Hindi maiwasang ungkatin pati ang nakaraan nila.
"Sayang 'no. Nine years na dapat kayo 'di ba?" Miera asked.
Nagkatinginan silang dalawa ni Von Rix. She smiled, epekto ata ng alak.
"Yeah," mahina niyang tugon.
He changed. Mas gwumapo ito at mas mature tignan. She's happy for him, he was actually the main reason she rarely opens her social media account. Natatakot siyang aminin na miss na niya ito. They've been together for four years, they shared a lot of moments. The moment she left the country, their connection ended.
"Kasal na siguro kayo ngayon 'ano?" singit ni Mary, bakas sa boses nito ang panghihinayang.
"Yeah," Von answered, he paused for a while and glance at her. She was taken a back. "But well, we're still friends right?"
She smiled, a fake one. Tang ina gusto niya itong murahin. Ano pa nga ba? Limang taon na ang lumipas. Tapos na gaya ng kuwento sa libro. May wakas. Hangganan. Dulo. Katapusan. In short sa totoong buhay, wala na.
"Naging masaya naman kami, noon. No need to sulk guys. Kaso ganoon talaga. We need to grow... grow a part,” she tried to make her voice sound happy pero pumiyok siya.
Para pagtakpan ang sarili tinungga niya ang isang baso ng alak. Gumuhit ang pait sa kanyang lalamunan gustuhin man niyang ngumiwi ay mas nananaig ang pait ng kanyang puso.
Paano nga ba nag-umpisa?
Bakit mag-uumpisa kung sa dulo ay matatapos din lang?
"EH, ayaw ko ngang sumama!" ingos niya habang umiiling.
"Alam mo ang KJ mo!" her friend, Ange rolled her eyes.
"'Pag nahuli ako papagalitan ako, gaga ka ba," pagdadahilan niya pa.
"Tanga magpapahuli ka ba? Tell your Lola you'll be with your classmates, may school project kayo."
"Gaga! May pasok ba ngayon? Walang pasok bobo!"
Her friend is convincing her to go with them, mag-oovernight daw ang mga ito sa isang resort. Hindi pa niya nasubukang uminom kasama ang nga kapitbahay na kaedaran niya. Mas nakakasabay niya ang mga kaklase. Hindi rin naman kasi siya masyadong lumalabas sa bahay.
"Sumama ka na, minsan lang 'to oy! Pagkaklase mo naman sumasabay ka, eh, kami!"
"Oo na huwag mo na akong dramahan, pisteng 'to!” nakabusangot niyang sabi rito. "Bihis lang ako, tatakas ako kaya manahimik kayo."
"Yes!" her friend screamed.
"Tanga! Kakasabi lang na manahimik!” pinandilatan niya ng mata ito. Nagpeace sign lang ang kaibigan.
Nasa may bintana ang kaibigan daig pa ang umaakyat ng ligaw. Iniwan niya ito at nagmadaling nagbihis ng short at tshirt. Naglagay rin siya ng kaunting liptint at pulbo sa mukha. Sinipat niya ang kapatid na natutulog.
"Bahala na,” she murmured.
Sumampa siya sa bintana. Ilang beses na niyang nasubukang tumalon rito hindi pa naman siya pumapalya.
"Tabi!" pabulong niyang sabi. Tumabi naman ang kaibigan niya.
Nang makababa ay pinagpagan niya ang kamay.
"Tara na. Baka magising sila Lola at mahuli tayo rito. Yari nanaman ako roon." Aniya saka hinila ang kaibigan papalayo sa bahay nila.
Masyado kasi siyang mabait sa paningin ng pamilya niya. Ni hindi makabasag pinggan. Maganda, matalino, mabait. Puwede na nga siyang ipasok sa kumbento dahil parati siyang pinaglilead sa mga kung anu-anong padasal. Little did they know she has horns. Hiding, naghihintay lang na lumabas.
"Tang ina. Tumatakas ka pala. Kala ko magpapaalam kang gago ka,” her friend laughed.
"Tingin mo papayagan akong lumabas? Eh anong oras na. Saka may magpapaalam bang tumatakas?"
Nakarating sila sa kanto ng kalye nila. May kotseng itim na nakaparada roon. Ange waved her hands. Hinila siya nito at tumakbo papalapit sa sasakyan.
"Hindi mo naman siguro ako ibubugaw?" she asked.
"Gagang 'to! Sila Marc iyan tanga! Kotse 'yan ng kapatid niya. Uy, tara na! May nahila na 'ko!"
"Uy si Ave Maria napupuno ka ng grasya pala iyan!" Marc joked.
She rolled her eyes, "Gago!”
They all laughed. Gaya ng pangalan niya banal siya kung ituring ng mga tao. Masyadong mabait, magalang at kung anu-anong positive traits. Hindi siya makabasag pinggan sa paningin ng iba but heck. That's too good to be true. She has her horns hidden. Lahat ng tao ay may masamang ugali. It's just that some people aren't afraid to show their horns and some are afraid.
"Magsorry ka kay Lord, minura mo 'ko." Marc joked.
"Tang ina ka,” she said and smiled.
Marc eyes widen and touched his chest acting like he was hurt. She almost laughed.
"Tama na iyan, Marc. Tara na uy! Gusto ko ng uminom."
Pumasok siya sa kotse na nakabusangot. Paano nga ba siya napunta sa sitwasyong 'to? Puwede naman 'ata siyang humindi. She saw her friends brother sitting on the passenger seat. Inirapan niya lang ito. Bad mood siya dahil sa gagong Marc na 'yun. Well, kaibigan niya naman si Marc. Kaso parati siya nitong napagtitripan minsan pangbabastos kaya parati niyang minumura ang gago.
Ange sat next to her.
"Akala ko ba marami kayo?" she asked while crossing her arms.
"Marami nga nauna na 'yung iba. Kala ko naman kung sino isasama ni Ange ikaw lang pala," Marc answered.
"Ikaw ba tinatanong ko?" pamimilosopo pa niya.
"Wala ka namang sinabi, alangang si Von Rix sasagot sa 'yo," bumaling si Marc kay Von na tahimik lang na nakangisi."'Di ba, Pre?"
She groaned, "Why Am I even here?" she mumbled.
"Nagsasawa na kasi ako sa mukha ng iba Ave. Saka, haler! Malalandi naman kasi sinasama ng mga 'to. Buti pa ikaw may sense kausap. Yung mga kasama nito puro kalandian lang,” Ange paused for a second and rolled her eyes. "At saka the last time you bonded with us was two years ago. We need some catching up!"
Humarurot na ang kotseng sinasakyan nila tahimik lang siya. Sa tuwing tinatanong ay sumasagot naman siya. Excited siya hindi lang nga lang halata. The waves of the sea excites her. Hindi niya alam, siguro sa past life niya sirena siya. Baliw na baliw kasi siya sa dagat. She loves the sea so much. That once in a while kailangan niyang pumunta kahit mag-isa. Minsan hindi naman siya naliligo pinanunuod niya lang ang bawat hampas ng dagat sa buhangin. Kumakalma siya sa tuwing pinapanuod niya ang dagat.
Nakarating sila sa beach resort. May mga motor na nakaparada roon. Namumukhaan niya ang mga lalaking naroon. It was their neighbors! So much testosterones.
May iilan namang mga babae iba'y hindi niya kilala. Panigurado kalandian ito ng mga kapitbahay niya. She rolled her eyes in annoyance.
"Hindi ka ba lalabas?"
She tried to keep still, "Lalabas." She uttered in a small voice. Silang dalawa nalang pala ang nasa kotse.
Hindi niya maiwasang magulat. Hindi kasi talaga sila nag-uusap ni Von. Kahit na parati siyang pumupunta sa bahay nito ay hindi naman sila nag-uusap. Para lang siyang hangin tuwing pupunta siya sa bahay nila. Okay naman sa kanya iyon, kapatid naman nitong si Ishie ang pinunta niya.
"Halika na, baka kung ano ang isipin nila sa 'ting dalawa." He grinned as he finished his sentence.
She smirked, "Eh, di bumaba ka. Hindi ko naman hawak paa mo."
"Hawak mo kasi puso ko."
She almost died.
“Gago!"
He laughed. Padabog siyang lumabas ng kotse. Iniwan niya ang gagong hindi parin magkandaugaga sa kakatawa.
"Kadiri!” she mumbled.
"Tagal niyo sa kotse, ah!" bungad sa kanya ni Angge.
"Ew, stop thinking green thoughts," pagrereklamo niya rito. Her friend just grinned.
She sighed when she saw the sea. She hurriedly run towards the shore. Tinanggal niya ang kanya tsinelas at hinayaang mabasa ng alon ang kanyang binti.
"This is heaven!" she uttered in glee.
"Heaven is when you're wrapped around my arms," Von Rix suddenly appeared grinning at her.
"Ew! Stop talking nonsense, dude!"
Little did she know that day she'll see him in another light.