Chapter One

2471 Words
"SALAMAT, Manong!" she said while handing him the p*****t. "Salamat rin, Ma'am. Welcome to Maupad City rin po!" Humarurot ang taxi paalis. She sighed and smiled. Finally, she's home after five years. She took her luggage and slowly walk. Maraming nagbago sa lugar nila, umunti ang mga bahay na naroon. Mas naging malinis ang lugar. Hila-hila niya ang maleta habang nakangiti. Hindi niya sinabi sa mga magulang na uuwi siya ngayon. She wanted it to be a surprise. Sinipat niya ang relo. "Hmm." Alas siete pa pala. Sigurado siyang gising na ang mga magulang niya at nakahilira na ang mga chismosang kapit bahay niya. Mabilis siyang naglakad papasok sa lugar nila. Hindi nga siya nagkakamali, mga kapit-bahay niya'y nag-uusap. Ang mga walang kupas na chismosa, wala pa rin talagang pinagbago ang mga ito. Tinitigan siya ng mga ito at ngumiti lang siya. Panigurado, manghihingi na naman iyan ng pasalubong. She continued walking and stopped at an old house. Iniwan niya ang bagahe at tumakbo paakyat. "'La! ‘Ma! ‘Pa!" she shouted happily. Bumukas naman ang pinto. Sumalubong sa kanya ang Lola niyang nakangiti! "Ave!" she screamed in glee. Niyakap niya ito ng mahigpit at hindi namalayang naiipit na siya sa mahigpit na yakap ng kanyang pamilya. A tear fell on her eyes. Finally she's home. Hindi magkandaugaga ang pamilya niya sa kakatanong sa kanya. For five years, they would talk through video calls. Hindi niya rin naisipang umuwi kada taon, sayang ang pera. Her goal was to build a home for her family and save money for them and for her. After five years, finally she'll be able to celebrate Christmas with them. Hindi magkamayaw ang mga kapatid niya sa mga pasalubong na dala niya. Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti, dati-rati ay away bati niya ang mga ito. Siya kasi ang boss dati. Takot ito sa kanya, mas takot pa nga ang mga ito sa kanya kaysa sa mga magulang nila. Kahit nga pakikipagsuntukan noon sa nga kapatid niya ay pinapatos niya. Aminado siyang minsan ay masama ang ugali niya. "Naku, Ate. Manghihingi naman ng nga tsokolate sa 'yo ang mga ‘yan Alam mo naman sa tuwing may mangingibang-bansa, akala mo kapamilya kung makapagdemand." Reklamo ng kapatid niyang si Nikka. She grinned, "Ano pa nga ba. Bigyan niyo, marami naman yan, eh." "'Nak, ba't wala kang masyadong damit na dinala?" her mom asked. Nagkibit balikat siya, "Nakakapagod magdala. Sinuguro ko ang mga pasalubong niyo at mga tsokolate. Bibili nalang ako sa mall, Ma. Saka ko na dadalhin ang mga gamit ko 'pag tapos na ang trabaho ko roon." Iniwan niya ang mga gamit niya sa Tita niya. She'll be back after one month and after that she'll be staying in the Philippines for good. "Sana sinabi mong uuwi ka, Apo. Nasundo ka sana namin at nakapaghanda kami kahit kaunti man lang," nagtatampo usal ng Lola niya. "It's okay, 'La. Suprise nga 'di ba? At saka ako lang naman ang umuwi hindi naman Presidente ng Pilipinas. Anything will be good, miss ko na ang pagkaing pinoy." Nakakain naman siya ng mga Filipino cuisines ang kaso iba pa rin talaga 'pag Lola niya nag luto. Iba rin 'pag nasa Pinas ka. Thank, God! She's finally home, she misses the warmth. Pagkatapos na inayos ng ina niya ang mga gamit niya ay ipinaghanda siya nito ng agahan. Sa loob ng limang taon, light meals lang ang kinakain niya bago pumasok sa trabaho. Minsan nga hindi na siya kumakain at palaging nalilipasan ng gutom kaya bumagsak ng sobra ang kanyang timbang. Kung dati rati'y malusog ang kanyang pangangatawan, ngayon litaw na litaw ang collar bone niya. Ang tiyan niya lumiit, ang mga braso numipis. She kinda misses her chubby body pero dahil sa sobrang busy sa trabaho hindi na siya halos nakakain. "'Nak, wala ka ba talagang kasama umuwi?" her mother asked. She rolled her eyes, "Ma, kita mo ngang ako lang mag-isa. Tita and her family wouldn't be here for Christmas. Mommy will also spend her Christmas there. Ako lang ang umuwi ng Pilipinas.” Mommy, is what she call her Aunt. Kapatid ito ng Tatay niya, walang anak. Dito siya pinaka malapit, for five years her Mommy is the one who nags her for not eating on time. Nag-asawa rin ito ng foreigner gaya ng isa pa niyang Tita. "Nasabihan mo ba mga kaibigan mo na nandito kana?" "Hindi, Ma. Malamang sa malamang nasabihan na ang mga iyon ng mga kapit-bahay mong chismosa. ‘Ma, magpapahinga lang ako. Before five dapat bihis na kayo, ha. Huwag na kayong magluto, will be out for dinner. Magpapahinga lang ako, pagod ako sa byahe. At nang makapagpahinga naman kayo sa pagluluto." "Wala bang sinabi ang mga Tita mo para sa birthday ni Nanay at Tatay?" his father asked. "Hindi po, eh. Wala naman pong sinabi. Maybe just the usual," sagot niya rito. His father was pertaining to his grandparents. Nagpaalam siya saglit at dumiretso sa kwarto. She took her air pods and played music on her phone. She needs a good sleep. Babawi siya pamilya niya and to her different circle of friends. God, she misses them so much. Moments later she doze off to sleep. "'NAK, nangungulit na 'yang mga kapit-bahay natin ng pasalubong." She rolled her eyes, "Sabihin mo, Ma. Hindi ako namili. H'wag mo ngang bigyan ang mga iyan. Namimihasa. Saka Isa pa may nakalagay na para kanino iyang mga nasa paper bag. Ibibigay ko 'yan ngayon." "Alam mo namang sa 'tin nanghihingi ang mga iyan kung kanino. Mga feeling close." Minsan talaga ang mga ugali ng mga tao nakakagigil. Kung makapagdemand 'kala mo tinulungan kag magtrabaho. 'Kala mo nagpakahirap rin sa abroad. Nagtiis nga siyang magtrabaho para sa pamilya hindi para kung kanino lang. Manghihingi 'kala mo may naiambag. "Let them be, Ma. Kahit pa madurog 'yang mga nguso ng mga iyan. 'Kala mo naman nakapag pasweldo sa 'kin ang nga iyan." Gigil na gigil niyang saad habang kinukuha ang mga paper bag sa maleta. "Bigyan ko lang kaya ng mga chocolate?" her mother asked. "Ikaw bahala, Ma. Pero yung nasa mga paper bags, huwag mong galawin." Pagsuko niya pa. Masyadong maaawain ang ina. Hindi naman siya ganoon. Napagsasabihan tuloy siyang madamot. Pakialam niya ba sa opinyon ng iba? "Lalabas ako, Ma. Ibibigay ko lang to sa mga kaibigan ko." Lumabas siya bitbit ang iilang malilit na paper bags na naglalaman ng mga tsokolate. Wala siyang oras para maghanap ng mga gamit. She resulted in buying chocolates. Naglakad siya ng ilang metro at huminto sa isang tindahan. "Aling Diday!" she exclaimed. "Naku! Totoo nga ang balitang nakauwi kana." She smiled, "Opo, nandiyan po ba si Ishie?" "Buti nalang natyempohan mong andito pa siya at ang anak niya. Ishie, may naghahanap sa 'yo!" sigaw pa ng ginang. "Pasukin ko nalang kaya 'ho?" she suggested. Tumango lang ito bilang pagsang ayon. Mabilis pa sa alas kwartrong pumasok siya, wala pa rin naman gaanong nagbago sa bahay ng kaibigan. Kaya alam niya ang pasikot-sikot rito. She stopped at the door. She knocked for few times. "Pasok," rinig niyang saad ng nasa kwarto. She pushed the door happily, "Bruha!" she screamed. "Ay gaga!" She laughed at her friend’s reaction. Pinapatulog nito ang limang taong gulang na anak. "Matagal ng gaga," she joked. "Nakauwi ka na pala, gagang 'to wala man lang pasabi!" "Kaya ng suprise 'di ba?" Lumapit siya rito at naupo rin sa kama. Inabot niya ang paper bags. "Ikaw na magbigay sa kanila." "Uy! May pasalubong ka pa. Sana dinamihan mo pa." She laughed, “Gaga, abusadong 'to!" "Dapat bumawi ka, limang taon ka kayang absent.'Tong inaanak mo malaki. Nagmumura na nga." Sinipat nito ang anak na kahiga nanunuod ng kung ano sa cellphone. "Ang rami ko ng inaanak. Pakiramdam ko mamumulubi ako!" "Talagang-talaga! Sakto pauwi rin si Maggi. Sa wakas, makukumpleto rin tayo." "Talaga? Uuwi si Maggi?" usisa niya. Tumango ang kaibigan niyang si Ishie. "Oo, pagkakaalam ko kasi ikakasal na 'yun. Akalain mo nga naman, inaayawan niya ang ideyang makakapag-asawa ng may lahi. Eh, foreigner mapapangasawa nu'n." Sa loob ng ilang taon ay minsan lang siya makibalita sa mga kaibigan niya. Parati siyang subsub sa trabaho para makapag-ipon. Ni hindi nga siya nakahanap ng dyowa roon. Ilang beses na siyang pinilit ng mga tiyahin na makipagdate at magsign up sa mga dating app. "Alam mo, mag-outing tayo pagkauwi niya, akong bahala sa pagkain," she suggested. "Wow, ha. Ang dami mo na sigurong ipon," biro pa nito. "Bumabawi lang sainyo. Biruin niyo limang taon tayong hindi nagkita. Masyado akong busy sa trabaho at pag-iipon. Sayang naman kung taon-taon ay magbabakasyon ako rito." "Sa five years, maraming nagbago, ano. Halos lahat kami ay nagsipag-asawa na. May mga bubwit na. Ikaw ba, musta na ang pechay mo, sagana ba sa dilig?" Hinampas niya ito ng marahan, "Gagang 'to ang balahura!" "Oh, come 'on, Ave. Wala ka bang naging boyfriend roon?" pang-uusisa pa ng kaibigan niyang chismosa pa rin hangang ngayon. "God, let's not talk about my non-existing s*x life and love life," masungit niyang usal. Sinipat siya ng tingin ng kaibigan, “Seryoso, nga. Hindi ka ba nakahanap ng lalaki roon?" "As if panglalaki ang pinunta ko ro'n. Ni wala nga akong oras kumain, maghanap pa kaya ng dyowa?" "Eh, baka sarado na ang pechay mo!" biro pa ng kaibigan. "Siraulong 'to. Ano akala mo sa p**e ko gulay! Aalis na ko, oy. May lakad pa kami nila Mama. Tell them let's catch up. Drinks and foods are on me." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Eh, kay ano, ayaw mong makipagcatch up?" Her brows furrowed in confusion, "Ha?" Umiiling ang kaibigan, "'Kako sabi ko mag-ingat ka. Enjoy sa family bonding niyo. Magbonding tayo by saturday. Thursday dating ni Maggi." "Sige, just chat me. Magiging busy ako these past few days may aasikasuhin kasi ako." She's planning to buy home furnitures for the house she built for her family. Isasakto niya sa birthday ng kapatid niya ang pagsosorpresa niya sa magulang. Matagal na niyang pinag-iipunan ang pagpagawa sa bahay na iyon. Limang taon siyang kayod kalabaw, nagpatulong siya sa ina ng kaibigan niya na isang real estate agent. Naipatayo niya ito ngayong taon, ang plano niya noon ay hulog-hulogan nalamang pero dahil malaki na rin ang ipon niya ay isang beses niya lang itong binayaran, Including the extension of the house. She felt really proud for herself, all her hard work paid off. "Chat, e hindi ka nga narereply sa chat! Gagang 'to,” ingos ng kaibigan. "Ngayon ko lang kasi binuksan ang social media account ko. You know, para makaiwas sa mga chismosa,” pabiro pa niyang tugon. Her account is not active, ayaw niyang makakita ng kung anu-anong litrato ng mga kaibigan kasi baka gustuhin niyang umuwi agad, tinikis niya ang sarili. She wanted to achieve all her dreams in life. Umalis siya ng bansa dala ang pangakong sa pagbalik niya ay matagumpay na siya. Even partying and dating iniwasan niya, subsob siya sa trabaho. Noong una ay hindi siya makapasok sa maayos na trabaho dahil student visa lang ang mayroon siya. Napilitan siyang mag-aral ng mga short courses just to justify her visa. Kaliwa't kanan ang trabaho niya roon, naging waitress siya, baby sitter, at janitress. Malayong-malayo sa inaakala niya na magiging buhay niya. Hanggang sa natagap siya sa isang opisina. Malaking ang sahod roon, sa laki ng kinikita niya maliit lang ang pinapadala niya sa pamilya, rason niya'y nag-aaral siya ulit para sa kanyang doctorate degree, totoo nga't nag-aaral siya ulit para sa kanyang doctorate degree. Nag-iipon rin siya para sa bahay na inaasam. Hindi naman kwenistyon ng pamilya niya ang kagustuhan niya. Nirespito ng mga ito ang desisyon niya, nagkakasya sa perang pinapadala niya at sa mga balik bayan boxes. Kaya ngayon ay babawi siya rito. Matapos mag-usap ng kaibigan ay dumiretso siya sa bahay. Nadatnan niya ang inang nakabihis na. "Excited, Ma, ha. Pakiramdam ko marami-rami ipapabili niyo sa 'kin,” biro niya pa. "Naku, ikaw talagang bata ka. Maayos ba ang naging pahinga mo?" She nodded, "Oo, ma. Maliligo ako, dapat bihis na rin sila. Kakain tayo sa labas, huwag na kayong mag-abala pang magluto." "ATE, Ba't taxi kinuha mo. Eh, sanay naman kaming mag-jeep?" "Pabayaan niyo na mas madali kung magtataxi tayo. Dalawang sakayan 'pag traysikel at jeep sasakyan. Nakakapagod panaog baba 'ano." Nakasakay sila ngayon sa isang taxi. Hati sila sa dalawang sasakyan. Siya at mga kapatid niya sa isang taxi at sa kabila ay ang magulang at lola niya. "Ano gagawin natin sa mall, Ate?" tanong ng bunso niyang kapatid. "Ano ba ang gusto mo?" malambing niyang tanong rito. Trese anyos palang ang kapatid niyang bunso. Matangkad ito para sa edad nito, binatang-binata ng tignan. But he will always be her number one baby. Malaki ang agwat ng edad nila. Simula sanggol ang kapatid ay inaalagaan na niya ito. Kaya dito siya pinakamalambing. Ang sumunod naman sa kanya na apat na taong ang pagitan ng edad nila ay ang kadalasang nakakaaway niya. Masyadong kasing mapang-asar ang kapatid niyang si Jose at siya naman ay pikon. Hanggang ngayon ay medyo mapang-asar pa rin ito, walang pinagbago. Gusto nitong sumunod sa kanya sa Australia kaya sa pagbalik niya sa susunod na buwan ay kasama na niya ito. Gusto nitong doon magtrabaho. "Pwede tayong manood ng sine?" singgit ng nag-iisa niyang kapatid na babae, si Nikka. Pangatlo ito sa kanilang apat, maldita. Talo nga ata siya sa kamalditahan nito. Ito ang kasundo niya sa lahat. Pareho kasi sila ng trip, paborito nilang magchismisan noon. "Pwede, pwede ring magpasalon ka. Anything you want. Gagawin natin, advance pa-birthday gift ko sa 'yo." "Hmm, kahit bagong cellphone?" nag-aalangang tanong nito. Natawa siya, "Oo, pero hindi ka na pwedeng manghingi pa ng regalo sa pasko." "Ay, ang daya!" pag rereklamo pa nng kapatid niya. She laughed, "Madaya kung dalawa sa 'yo ano. Mamili ka sa pasko na o bibilhan kita ng cellphone ngayon?" Umiirap ito, "Damot nito! Eh, dapat nga dalawa ibigay mo! Birthday gift and christmas gift." "Anla, maduga ka rin, eh. Isang regalo lang 'ano! Hindi ko kasalanang december ka ipinanganak," pabiro niyang sabi, her sister rolled her eyes in annoyance. Tuloy tuloy silang nagkwentuhan hanggang makarating sila sa mall. Nilibot nila ang buong mall at bumili ng kung anu-ano. Nakita niya ang kasiyahan sa nga mata nila. Matagal niyang hinintay na dumating ang panahon na 'to. Kahit na ang dami niyang pinagdaanang hirap makamit lang ang pangarap, makitang masaya at maginhawa ang pamilya niya. She almost teared up. She had reach another dream, to make them happy. After all the pain she went through were all worth it. Kahit kapalit pa noon ang puso niyang nawala. Maybe in life we can't have both, you need to give up something in order to gain. She choose to give up her heart. Five years ago her heart went missing .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD