Chapter Thirteen

1505 Words
NOONG una akala niya kapag nasa isang relasyon may kaunting problema pero maayos naman agad dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal. But as the time went by, ang akala niyang kapag nagtagal ay mas mamahalin nila ang isa't-isa ay nagbago. Akala niya she can understand things fully dahil malawak ang pag-iisip niya at ang pisi ng pasensya niya. Pero ng magtagal ay umikli ang pisi ng pasensya niya. Ang mga bagay na akala niya hindi niya gagawin ay nagawa niya. She felt lost, she wanted Von Rix to always choose her in every circumstance. She wants him to follow her words and rules. She wants him to prioritize her above all. Because that is what he promised her in the beginning. He promised that he will love her and prioritize her. But why does she feel neglected? There was a celebration in their town. Her two circle of friends asked her out. But she doesn't want to choose any of the two 'cause they might think she is unfair. So she decided to ask her boyfriend, Von Rix out. She wants to experience normal things as a couple, hindi iyong puro nakaw na tingin at hawak sa kamay lang sa tuwing nagkikita sila sa lugar nila. Everything was settled. Until Von Rix ruined her fairytale. Hindi niya mapigilang matulala. She was riding a cab, how ironic. Maraming nag-aya sa kanya, but here she is. Alone in the cab. No Von Rix showed up, she blocked him in all of her social media account. If someone could hear her thoughts, iisiping napakababaw niya. Na pwede naman silang mag-compromise. But nah! He f*****g promised to be with her tonight, they had settled things. Excited na siya na makasama ang nobyo and one message ruined her fantasies. He asked her if he could be with his friends at siya naman sa mga kaibigan niya. Nagmukha siyang tanga. Nang makarating sa stadium kung saan may free concert ng iilang sikat na mga banda sa bansa. She felt lost in the crowded place, nagpalinga-linga siya. She should've stayed home, pero nanaig ang pride niya. She wants to tell him that she can go roam around by herself. Nag-ikot siya sa mga stalls ng mga pagkain. Inuuna niya ang paboritong mga street foods. Para siyang tanga dahil sa bawat subo niya ng pagkain ay tumutulo ang luha niya. Kasabay pa nito ang malakas ba tugtog. Ngunit mas naririnig niya ang kanyang hikbi. HINDI nga siya nagkakamali, dumating si JM kasunod nito si Von Rix. Another awkward moment again, mabuti sana kung si JM lang ang pumunta but her ex? The reason why she is here nandito din? Ano pa ang laban at takas niya sa tadhana? Ang siste walang silbi ang pagpunta niya rito to unwind and to relax. Pinilit niyang huwag sumimangot, she plaster a fake smile. However, the stranger who told her to let go was from the other hut. Katabi pa ng kubo niya. They were sitting outside her hut, may upuan naman at mesa. Her ordered was served. "Ano— kumain na ba kayo?" she asked. Ilang na ilang siya sa titig ni Von Rix. "Hindi ka pa pala kumain. You should eat first bago ka sana umorder ng beer." She stopped herself from groaning, "Kakain na nga 'di ba. Ikaw JM kumain ka na?" "Ay oo te kanina pa, sa bahay. Gusto ko lang maghanap ng baby boys dito—" "Ang landi mo, Baks!" tatawa-tawa niya pang saad. "Kumain ka muna," she heard him say. Nilalagyan pa nito ng ulam ang pinggan niya. "Mamaya na kayo magdaldalan." "Sana all!" kantsaw ni JM palihim niyang inirapan ang kaibigang bakla at nag-umpisang kumain. Habang ang dalawang lalaki—o mas tamang sabihin na isa't kalahating lalaki at kalahating babae ay nag-iinuman na. "Bakit ka nga pala pumunta rito Von Rix? Nagkabalikan ba kayo?" Sa gulat ay nabilaukan siya. "Magdahan-dahan ka naman, Girl!" inabutan siya ni JM ng soft drink. Tinanggap naman niya iyon at agad na ininom. Pahamak talaga ang bibig ng kaibigan niyang bakla! Baka sa susunod na sasabihin nito ay mahimatay siya. Kung anu-ano ba naman ang pinagsasabi. She tried focusing on eating but her eyes couldn't help but notice Von Rix's action. Pinaghihimay siya nito ng hipon habang nakikipag-usap kay JM. "Ba't ka nga ulit nandito?" lakas loob niyang tanong, diretso ang titig niya sa mata ng dating kasintahan. Tila hinihipnotismo siya ng mata nito. "Ah. May pinuntahan akong malapit dito, JM messaged on the group chat na pupunta siya rito so I decided to go too. Wala naman sigurong masama 'di ba?" Hindi niya gets, masyado ang logic ng ex niya. O sadyang over reacting lang siya? Na siya lang iyong nagbibigay kahulugan sa bawat galaw nito? "Wala. I was just asking," mahina niyang saad saka nagpatuloy kumain habang ang binata ay pinaghihimay pa rin siya ng hipon. Hindi niya namalayan na malapit na niyang maubos ang mga pagkaing in-order niya. She was enjoying the food so much, habang ang dalawa ay nag-iinuman at nagdadaldalan. "Mabuti naman ano, you two get along? Like hindi kagaya sa iba na bitter or awkward." JM spoke. Kung alam lang nito, how awkward things for her. Siguro sa ex niya, things are okay samantalang sa kanya hindi. She is still stuck with their past, at hindi niya alam hanggang kailan. "We're good, right?" Von Rix uttered with a smile on his face. Sasagot ba siya o iiwas sa tanong? "Yeah," simple niyang sagot. "Akala ko talaga nagkabalikan kayo noong nakaraan," JM mumbled. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. "Wala— I mean hindi. Saka my family loves her and she is very welcome in our family. Siguro naman we can be friends at isantabi kung ano man ang meron sa 'min at kung ano ang nangyari nun. It's been five years and we both totally moved on." Gusto niyang magsalit at sabihing hindi. Ipamukha sa binata na she is still stuck in the past. But what's the point? Past is past na nga, kahapon, noon, at kung ano pa ang eksaktong termino. Bumaling sa kanya ang binata at ginawaran siya ng matamis na ngiti. "Habang buhay siyang magiging parte ng buhay ko. She was the only girl who stayed with me. Kahit noong walang-wala ako she was there." "Ku! Nagdadrama na tayo, past is past na nga hindi ba. Let's forget about the past," madaling sabihin mahirap gawin. Pakiramdam niya kung artista siya, mananalo siya bilang best actress. "We should stop dwelling in the past. Importante ang ngayon." She wanted to smack her head. Nang matauhan naman siya sa pinag-iisip at pinagssabi niya. "Let go my ass! Ni hindi nga nawala sa isipan ko ang nakaraan. Move on pa kaya?" "Pero may chance ba namagkabalikan kayo?" JM asked, "tanong lang 'to ha. I am not implying things, I am just asking." "Kapag naging lalaki ka JM, magkakabalikan kami." Pagbibiro ni Von Rix. "Hindi ko alam na magiging hot seat ako ngayong gabie. I thought we will talk about other things, especially boys?" pagbibiro niya pa. "Pwes ngayon you are. Saka tayong tatlo lang huwag kayong kill joy, ano!" pagpoprotesta pa ni JM. She just shrugged, wala na siyang kawala. Much better she'll answer things to keep them quiet. Pero ano pa nga ba ang dapat sagutin? Malinaw pa sa malinaw kung anong meron ngayon. They are ex-couple, no one needs to question it. They were drinking their hearts out, sumasabat naman siya sa usapan. Though, she prefers silence. Ang kanya lang ay naririnig niya ang hampas ng alon sa dalampasigan. Sa may hindi kalayuan sa kanila ay may magbabarkada na nag-iinuman rin but they were singing. Naririnig nila ang musika na nagmula sa gitara. Sa paningin niya ay nasa Senior highschool pa lang ang mga ito. Naaalala niya tuloy kung paano siya tumakas para lang makasama sa ganyang mga gala. Little did she know, it was the turning point of her love life. Sa pagsamang iyon mag-uumpisa ang pagtingin niya kay Von Rix. Napansin niyang bumukas ang pinto mula sa kabilang bamboo house. The man earlier appeared, tumingin ito sa kanila. Von Rix smiled at that man and waved, "P're baka gusto mong sumabay?" Napailing na lang siya. Von Rix is a social butterfly when he is hammered. Kahit hindi nito kilala ay nagiging kaibigan nito kapag lasing. Hindi gaya ng normal lang ito, he can only talk to his friends. Pero kapag nasapian na ng espiritu ng alak, mukhang tatakbong presidente ng Pinas. The man smiled. "Baka gusto mong sumabay sa 'min?" JM also asked, nagsama na nga ang dalawang palakaibigan. Ang kaibahan, natural na palakaibigan si JM. While Von Rix friendliness appears whenever he is drunk. "Nakakahiya naman," the stranger mumbled, sumulyap siya saglit rito at bumalik sa pagngata ng french fries at sisig na in-order nila. "Kami nga ang dapat mahiya, maingay kasi kami. Ba kako naiingayan ka na sa 'min," pabebeng saad ni JM. She rolled her eyes, she knows what he is doing. He is flirting and wanting to get laid tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD