"HOY!" sigaw ni Ishie habang niyuyogyog siya. Saka lang siya natauhan. She shook her head lightly.
"Bakit?" walang kabuhay-buhay niyang tanong.
Ngayon ay nagkita-kita sila magbabarkada. Bitbit ng mga ito ang kanya-kanya nitong mga anak. Samantalang siya ang bag niya lang ang dala niya. They are in a small resort in their town, just like what she promised. Drinks and foods are on her. Lalo pa't hindi matagal-tagal rin ang huli niyang kita rito. Ang mga anak ng mga ito ay malalaki na, ang iilan sa mga ito ay may pangalawang anak na.
"Ang sabi ko nagkabalikan ba kayo ni Kuya?"
"Huh? Ano ba ang pinagsasabi mo Ishie? Lasing ka na 'ata, eh." Patawa-tawa niyang usal rito.
"Oo nga, Ave. I saw your pictures with him, uploaded by your other friends." Ange second the motion.
She rolled her eyes, "Hindi no!"
"Pero may change?" singit ni Maggie na muntik na siyang mahulog mula sa kinauupuan.
"Wala, ano ba kayo. Past is past na nga," she said, acting cool kahit sa loob loob niya ang nagwawala na siya.
Probably it was the photos Aena uploaded. They were on a bar, actually they were not talking great rather they are arguing. It may look like they were doing lovey dovey—no their arguing about certain petty things. Like sino ang maghahatid sa kanya pauwi. But it was nothing.
"Hindi, no! Sinetch itey, hinatidlalu sa house lalo ng morning. Kasi buong gabi silang magkasama?" Ishie playfully asked.
Or maybe not.
Sa gulat ay nagkanda ubo-ubo siya. Tang ina! Paano nito nalaman?! Eh, ang may alam lang na magkasama sila ni Von Rix ay si JM at iba pa niyang kaibigan. Napainom tuloy siya ng tubig ng wala sa oras dahil sa gulat at pagtataka.
"A. Nagwarakan sila pero friends. B, nagwarakan sila dahil mag-ex sila. C. Nagwarakan talaga sila dahil tag tuyot si Ateng. D, nagwarakan sila dahil sila na ulit at mahal nila ang isa't-isa," Ishie said teasingly.
She just rolled her eyes, kung may warakan sanang nangyari. Kaso wala, eh. They slept in the same kubo however JM was with them. Kung sana lang talaga, kaso hindi. Ni halik nga ay hindi na siya nakatikim pakikipagtalik pa kaya.
"s**t! Ang manok talaga natin ay gumagalaw-galaw na siguro," kantyaw ni Ange.
"Share ka naman diyan, Ave!" Maggie sai, kagaya niya ay kakauwi rin lang nito mula abroad. And just like her she is an ex-girlfriend of Ishie's older brother, Riley. Yun nga din, when she went to abroad their relationship didn't work out, kasi nga daw LDR.
However, Maggie got engaged with someone. Samantalang siya, ito ni magpahalik sa iba ay pakiramdam niya ay nagtataksil na siya. Siguro nga totoong ang pagiging martyr at tanga sa pag-ibig ay nasa dugo na nila.
Just like her Mama. Her mother's first everything is his father. Una't huling lalaki sa buhay nito, her mother accepted her father despite of all the heartbreaks he gave her.
Ito rin siya, despite all the pain Von Rix caused her young heart. Hindi niya pa rin makalimutan ang binata.
"Wala, ah. There's nothing going on between us no. Ex na nga 'di ba. Mabuti pa bigyan niyo ako ng malalandi," pagbibiro niya pa.
Hindi niya tuloy mapigilang tumungga sa bote ng flavored beer na hawak niya. God, she didn't know that going back to the Philippines would be like this. Everyone asking if they got back together, kahit siya na gustong-gusto makipagbalikan ay nananahimik na nga lang.
"Hindi na ba talaga kayo magkalabalikan?" Lovelie asked.
Natawa naman siya, "Siraulo. Matagal na kaming hiwalay, limang taon na baka nakakalimutan niyo."
"Pucha! Mali 'ata ako ng hula—"
"May sinasabi ka Vie?" naguguluhan niyang tanong. May sinabi kasi itong hindi niya masyadong narinig.
"Ah— wala!" siniko ni Ishie si Lovelie na mas lalong ikinalito niya. Nagpapalit-palit tuloy ang tingin niya sa mga kaibigan. "Kako 'yung mga bata. Nakita ko kasing tumakbo si Macy."
Tumango naman siya at saglit na sumulyap sa mga inaanak na enjoy na enjoy naman sa pool. Wala naman siyang nakitang masama o kung ano kaya binaling niya ulit ang tingin sa mga kaibigan. Isa pa isa sa anak ni Lovelie ay matanda na, she was the one watching the kids actually. Ito ang pinaka una niyang inaanak, she had a great memory with that kid.
"Bagay kayo ni Kuya Von Rix talaga," Chie said.
She snorted, "Jusko ha. Umay na umay na 'ko sa pangalan ni Von Rix. Baka yung tao nasa putikan na sa kakabanggit natin sa pangalan niya."
"Weh? Affected ka lang, eh!" kantyaw ni Jean.
She made face, "Wow ha. 'Di ako na inform ex ko ang paulit-ulit nating pag-uusapan."
"Kasi naman wala ka pa rin dyowa hanggang ngayon, Ave. Ni wala ka nga update sa social media accounts mo kundi puro pagkain. Teh, dyowa mo inaabangan namin. Malapit ka na mawala sa kalendaryo—"
"Woy! Grabe ka naman sa 'kin Maggie. Porque na-engage ka lang. Teh, kasalanan ko bang nilunod ko sa trabaho sarili ko for these past few years para ma-reach ko yung goals ko."
"Nga naman dapat multi tasker ka, bonggang work, bonggang harot!" Jean said between her laugh.
"As if ano, madali! Gagang 'to, saka ayaw ko sa foreigner. Malalaki daw edi warak pempem ko," pagbibiro niya pa.
Pero half true, when she was in junior highschool her classmates would watch porn and rate the film or whatsoever. Eh, siya may dugong chismosa nakikinuod rin siya. Saka iyon rin ang naririnig niya sa mga katrabaho niyang Pinoy rin, malalaki daw ang armas ng mga foreigners.
Amelie, her co-worker and the only friend she had in Australia usually talks about her s****l escapades. It freaking traumatize her, one time nagpasundo sa kanya ang bruha sa isang motel. Paika-ika itong naglakad papunta sa kanya, akala niya na disgrasya ito. Nadisgrasya nga— nadisgrasya ng rumaragasang sandata.
"Oh, f**k. I had the best night! I just met a thirteen inches c**k," iyan ang eksaktong sinabi ni Amelie na halos mahimatay siya nang narinig iyon.
Halos ilang araw niyang naiisip iyan, it made her curious but it terrified her too. Lintek kasi na Amelie, sinasali siya sa kamunduhan nito.
"Magbalikan na kasi kayo ni Kuya Von Rix," Ishie said.
She snorted, "As if madaling gawin. Saka baka may girlfriend o live in partner na iyang kuya mo. 'Di ba nga sabi mo may bahay siya sa Mason Subdivision."
"Wala ano! Saka sure akong walang nilalandi si Kuya. Kung gusto mo ikaw na lang tutal may pinagsamahan kayo. Saka haler, Reiz lives with Kuya sa Mason. Sila Mama lang ang ayaw lumipat at umalis sa lugar natin. Kaya kung ako sa 'yo galaw-galaw na girl!"
"Siraulo!"
Akala niya siya lang ang hindi nakausad. Pati pala mga kaibigan niya hindi nakausad sa lumang pahina ng buhay niya.
"Pero mahal mo pa ba si Von Rix, Ave?" seryosong tanong ni Jean na nagpakabog sa puso niya.
Mahal? Kung alam lang ng lahat gaano niya kamahal ang binata. Hanggang ngayon ang binata lang ang nakikita niyang makakasama habang buhay.
She bit her lower lip, "I will always love him 'no. But it is different kind of love. I love him in different intensity, gets niyo? Hindi iyong pang-dyowa type na pagmamahal na."
Weh? Gusto niyang sapakin ang sarili sa pinagsasabi niya. Different intensity? Intensity her ass.
"Lord, paki sapak ako ng mabawasan ang pagiging tanga ko." If only the Lord would do that.
"Saka he was a big part of my life. So no matter what, I'll think of him as a special person." Dagdag niya pa.
"Teka nga. Ba't nga kayo naghiwalay ni Kuya?" Angge asked.
"Paano ko ba 'to sasabihin?" she mumbled go herself. "Nagkalabuan kami right after kong lumipad pa Australia. He was being paranoid. Our relationship became toxic as s**t. But I stayed and I even offered na if makaipon ako ng malaki susunod siya sa 'kin. However, two months right after he broke up with me. I don't know why, it just happened."
It was painful for her, ni hindi niya alam ang eksaktong rason why he wants to break up. He even blocked her, she tried fixing their relationship kaso wala eh. It came even to a point where she had to call Ishie just to ask if Von Rix is home.
Kahit na limang taon na ang nakalipas masakit pa rin sa kanya. Masakit na hindi man lang niya nalaman kung bakit, he left without even giving her a proper reason. Ilang balde ng luha ang nailuha niya. Ilang tissue rolls ang naubos niya.
Paanong ang apat taon nilang relasyon ay natapos lang ng ganoon na lang? Habang siya hindi makausad at hindi matanggap ang lahat.
"But I can't blame Von Rix naman. Maybe he had really enough, sinubukan ko pero ayaw na niya. Maybe we're not meant to be," mahina niyang saad.
"Anong hindi meant to be. Shuta ha! Ang kay Ave ay para kay Ave regardless kung ilang taon man ang lumipas. AvRi pa rin hanggang ngayon!" sigaw ni Angge na ikinatawa ng lahat.