KUNG ano ang siyang lakas ng hampas ng alon sa dalampasigan ay ang siyang nagpapakalma sa puso niya. Hindi niya aakalaing darating siya sa puntong magtatanong siya sa mga bagay-bagay na nangyari sa loob ng ilang taon. Kasi kahit pa mahal na mahal niya hanggang ngayon si Von Rix ay pinapaubaya na niya ang lahat sa tadhana. Ayaw na niyang umasa, ayaw na niyang masaktan. But the people around her don't get the idea that she stopped dreaming about him being with her again. At mas lalo pang tumindi ang nararamdaman niya nang malaman na nagpunta talaga ang binata sa pinagtatrabahuhan niya.
The what if's kept on swirling on her head. Paano kung hindi rin siya sumuko? Paano kung ipinaglaban niya? Masyadong maraming tanong pero iisa ang sagot. Tapos na. Dalawang salita na nagpapakita sa kanya ng kabiguan sa pagmamahal. She wanted to calm her nerves down and her emotions kaya agad siyang dumiretso sa dagat. Pinapakalma nga nito ang walang humpay na hampas ng kanyang katangahan.
By looking at him smiling and achieving his goals in life. It makes her feel that she wants him back. She wants him to be a part of her life again. But she can't dismiss the fact that what they had back then is very different from now.
Hindi na siya ang dating Ave na masaya sa lahat ng bagay kahit maubos siya. Things are different and she need to get use to it. She can't be always stuck to the past, hindi pwedeng hanggang ngayon ganoon pa rin. Napapagod na siya, kung sana pwedeng turuan ang puso na magmahal ginawa na niya.
Pinagmasdan niya ang dagat na sumasayaw sa saliw ng hangin. Napakapayapa sana darating ang panahon na ganun na rin kapayapa ang kanyang puso at isipan.
"Hindi naman yata makatarungan na ang isang magandang dilag ay nalulunod sa mga salita sa kanyang isipan," ani ng isang boses.
She raised her right brow as she tilted her head, she saw a man standing a meter away from her. He was holding a bottle of beer.
Hindi niya masyadong maaninag ang itsura nito dahil malayo ang poste sa pwesto nila. Inirapan niya lang ito at patuloy na tumitig sa karagatan.
"Loving someone is like the ocean, unending. Pero kapag alam mong sobra na, learn to let go. Don't even try killing yourself. Marami pang ibang lalaki diyan, Miss."
Hindi niya pa rin pinansin ang lalaki. Nanatili siyang tahimik at nilalaro ang buhangin gamit ang kanyang paa. Kahit nag-iinit na ang tenga niya sa galit. She was counting one to ten, trying calm her nerves down.
"There are certain things in life we must learn to accept and let go—"
"Putang ina, ha! Kanina ka pa, nanahimik ako rito ang ingay mo. Kung wala kang magawa sa buhay mo manahimik ka, leche!"
She angrily said and stormed out. Masyadong pakialamero, hindi naman niya hiningi ang opinyon nito para pangaralan siya!
"Leche! Panira ng moment!" she said to herself.
Katahimikan lang hinahanap niya hanggang dito ba naman maingay pa rin. Dumiretso siya sa kubo niya. She slammed the door and went straight to the bed.
She hates it when people interfere with her things. Hindi niya gets, mukha ba talaga siyang lugi sa pag-ibig? Mukha ba talaga siyang magpapakamatay? She groaned in anger, mukha kailangan niya ng alak pampatulog. She reached for the telephone and dialed the number written on the paper that was glued on the wall.
After a few ring, the line answered.
"Hello," ani niya sa mahinang boses.
"Maayon gabie, Ma'am. Ano po ang maipaglilikod namin sa inyo?"
She cleared her throat, "Can I order 3 bottles of flavored beer and your best seller food."
"Yes, Ma'am. Can you wait for fifteen minutes, Ma'am?"
"Sure, I can wait naman. If you serve fries, can you add that to my order?"
"Noted, Ma'am!"
Then she ended the call. She sighed and rolled to the other side of the bed. Mababaliw na yata siya sa lungkot.
She felt her phone vibrated. Nang tignan niya ito, rumehistro ang tawag mula sa group chat nila. It was JM, she tapped answer.
"Anong problema mo bakla?" she greeted.
Nakahiga rin ang kaibigan kagaya niya. Seconds later sunod-sunod na ang pag-appear ng mga kaibigan sa conference call.
"Huy Ave, nasaan ka?" JM asked.
"Nasa Tree Sea ako," tukoy niya sa resort na nasaan siya.
"Luh! Ang daya, hindi man lang nag-aya!" Nala said.
She smiled, "Biglaan lang ano."
"Huy punta ako diyan!" JM said.
The last one to enter the conference call was Von Rix. Iniwas niya agad ang tingin.
"Kayo if you want. I'll wait, check out ako tomorrow morning. Samahan mo 'ko mag-iinom dito Baks!"
Kaysa naman malunod siya sa lungkot. Lecheng lalaki kasi iyon, hindi sana siya mag-iisip ng kung anu-ano.
"Mga maduduga!" reklamo ni Aena. "'Di ako pwede, may work ako bukas."
"Huwag kang sumama uy! Maghahanap kami ng mga baby boys," pagbibiro ni JM.
"Ako din I can't, busy sa shop bukas. Maraming deliveries," nakangusong saad ni Mary.
Meira on the other hand was tucking her kid to bed. Si Jervy tahimik lang rin nagmamasid sa kanila.
"Sanaol pweding gumala!" kantsaw ni Meira.
She smiled, "Itapon mo anak mom Charot labyu Van!"
"Ay shet! Aylabyu daw Kuya Von!" kantsaw ni Nala.
She mouthed, gago!
Von Rix smiled, "Thank you."
"Ouch!" sabay-saby na sigaw ng lahat maliban sa kanya she rolled her eyes in annoyance.
"Ulol," she said and raised her middle finger.
"Bibig mo," saway ni Von Rix.
Inirapan niya lang ang binata. Ganito kasi sila dati, kung ano ang kamalditahan niya ang binata ang taga-saway sa kakulitan at kamalditahan niya. Pero deep inside her, heart heart melted. It reminds her of their moments.
"Wow, dapat bang mag-leave na kami sa call?" Mary uttered.
"Heh! Kung pupunta ka didto sa Tree Sea, JM maghihintay ako. Kakain muna ako, bye mga siraulo!" she said and ended the call.
Napahawak siya sa dibdib niya sa sobrang kaba. Minsan ayaw makisama ng puso niya, paano talaga siya makakalaya kung hanggang ngayon lahat sa paligid niya ay tinutukso pa rin sila? Would she find a new heart or look for her old heart?
She went outside her bamboo house, nag-inat pa siya para kumalma. She tilted her head side ways, but boy! It was wrong move.
It was the guy earlier, he was sitting on a chair. On his hand was a bottle of beer, he was looking at her. He smiler apollogetically.
"I am sorry about earlier," he said.
Tinaasan niya lang ito ng kilay at hindi nagsalita. Titig na titig ang lalaki sa kanya. Then he suddenly sighed.
"Pasensya ka na. If I was out of line."
Hindi pa rin siya nagsalita at iniwas ang tingin. She turned around, akmang papasok ulit.
"I just don't want to see someone like that again. Kasi the last time I saw one, binalewala ko. I failed to save him— my best friend."
Napahinto siya at napabuntong hininga, "You can't save everyone. Stop blaming yourself or anything. Not everyone wants saving, not everyone wants to be interfered. Have a nice day."
She said and went inside.
Hindi niya kailangan ng pagliligtas, kailangan niya katahimikan.
Literal na katahimikan dahil nabibingi na siya sa nga pangungusap na paulit-ulit bumubulabog sa kanya.