Chapter Twenty One

1761 Words
HINDI niya alam kung bakit malas siya. Wala naman siyang balat sa puwet pero ngayong araw. Napapalibutan siya ng mga babaeng nagbigay ng trauma sa kanya noon. Imagine her horror, seeing Von Rix's exes and flings in one frame. It is a complete bullshit. Parang gusto niyang magmura sa sobrang inis ang kaso wala siyang karapatan. She doesn't own the place nor she didn't rented it. She just saw Von Rix first love few days ago. Now, she saw his other exes and flings in the resort. Ang masama pa, they all knew she had an issues with them. Jusko, limang taon na pero baon na baon pa rin siya sa kamalditahan at katangahan niya ngayon. She is with her siblings and cousin except Duke, her youngest sibling. Nasa isa silang resort na kung saan pwedeng magdine in upang kumain lang. They served mostly seafood's. The group of girls, few tables away from them was Von Rix's friends—some of it was his exes na iniyakan niya noon dahil sa sobrang insecurities and trauma's. Kilala siya ni Shaina at ni Micah, they met a few times and she was introduced as Von Rix's girlfriend. They want to get close with them, but she doesn't like their vibes. Saka for her , being friends with his exes? Nah. She had enough. Von Rix is too friendly, sa sobrang pala kaibigan nito ay pati ang mga ex nito kinaibigan nito. “Ate?” “Oh?” kumurap siya nang tapikin siya ni Jose. Kunot ang noo nito at bakas ang pag-aalala sa mukha nito, “Ayos ka lang?” Ngumiti siya, “Yeah. Don’t mind me. Kumain na kayo.” “Sure ka?” pag-uulit nito. Umirap siya, “Oo nga… just eat.” Hinayaan niya ang mga kapatid na kumain habang siya inabala ang sarili sa pag-inom. Hindi naman matapang na alak ang in-order niya. It was just flavored beer. Ayaw rin naman niyang ipakita sa mga kapatid niya kung paano siya malasing. Baka I-chismis pa ng mga ito sa magulang nila. “Te sumama na lang kaya ako sa inyo pagbalik mo sa Australia?” wika ni Nikka. Tumalima siya, “After ni Jose ikaw naman ang isusunod ko. Wala naman problema, tapusin mo muna ang senior high mo rito.” Kung ano-ano ang pinag-usapan nila ngunit kung saan-saan naman napapadpad ang utak niya. Nakakahalata na rin yata ang mga kapatid niya dahil hindi na siya tinatanong ng mga ito. Ang larangan kung saan siya pinaka magaling? Ang mag relapse. Alalahanin ang mga kahapong ‘di na maibabalik. Tumayo siya, “Banyo lang ako. H’wag kayong lalayo, ah!” Dumiretso siya sa banyo, pumasok siya sa bakanteng cubicle at ginawa ang ritwal niya. Eksaktong paglabas niya ay ang pagpasok naman ng mga kaibigan ni Von. Nginitian siya ng mga ito kaya ngumiti rin siya pabalik. Kumaway ito sa kanya kaya tinanguan niya. “Uy, nakabalik ka na pala!” ani ni Shaina. “Ah, oo. Nung nakaraang linggo lang.” “Magpapakasal na kayo ni Von?” tudyo nito. Kumunot ang noo niya sa narinig, “Huh? Hindi. Matagal na kaming hiwalay.” “Ano?!” gulat na anas nito. “Akala ko kayo pa!” Naguluhan siya sa sinabi nito ngunit ipinag-kibit-balikat na lamang niya iyon. There’s no point of asking her. Kasi alam naman niya ang katotohanang wala na sila. Matagal nang tapos ang storya nila ni Von. And now, she have to accept it. Limang taon na ang nakalipas, nakausad na ito samantalang siya ay nanatili pa rin sa lugar na pinag-iwanan nito sa kanya. “Sayang! Akala ko talaga ikakasal na kayong dalawa, e.” Peke siyang ngumiti, “Akala ko rin but well things are not always meant to last. Kidding, I gotta go.” Von Rix friends wasn’t her friends while her friends are Von’s friends too. Hindi siya kagaya ng dating nobyo na pala kaibigan at higit sa lahat ay h indi siya madaling magtiwala. Kaya nga hindi siya nagkanobyong muli kahit pa ay maraming nagpapahiwatig sa kanya na mga nakatrabaho niya. O di kaya mga naging kaklase niya noon. Masyado siyang loyal kay Von ang kaso wala ng sila. Nagising siya dahil sa marahang tapik ni Nikka. Kinusot niya ang kanyang mata at nagmulat, sumalubong sa kanya ang kabadong ekspresyon ng kapatid niya. “Ano?” aniya saka umupo. Nakatulog kasi agad siya nang makauwi sila galing sa galaan. Dahil na rin siguro sa pagod na ang utak niya sa kakaisip ay nakatulog siya ng mahimbing. “Ate tulong naman please?” pinagdikit pa ni Nikka ang mga palad niya. “Ano na naman ‘yan? Kakabili ko lang ng cellphone mo, h’wag mong sabihin na sira na agad!” ha-high bloodin talaga siya kay Nikka, ito ang palaging pumuputol ng pasensya niya. “Help naman, Ate! Pa-drop naman nitong ID ng kaibigan ko sa bar. Hinahanap raw siya ng ID, eh. Alam mo na, iniisip na minor siya-” “Fake ID yan ano?” ismid niya habang tinali ang buhok niya. Pekeng tumawa si Nikka, “Lapit na naman mag-eighteen no’n ate. Baka pwede na,” she giggled. “Saka ikaw kaya nagturo sa ‘kin nito-” “Hoy! Wala akong sinabing ganyan, ah!” Humagikgik lang si Nikka. Gawain kasi nila ‘yan noon para lang makapasok sa mga bar. It wasn’t a good idea ngunit nakakapasok sila sa mga bar dahil roon. Aminado siyang sutil talaga sila noon, kadalasan siya pasimuno noon pagdating sa inuman, e. “Sige na, Ate! Hindi naman ako sasama, ipapaabot mo lang ‘to ro’n-” “Fine! Papayag ako pero maglilinis ka ng buong bahay bukas, ah!” Ngumisi si Nikka. “Deal!” Mabilis lang siyang naligo at nagbihis, kaswal lang ang pormahan niya. Balak niya rin kasing bumili ng pagkain sa drive through. Tinatamad na siyang magluto ng mga pagkain. Nang masigurong presentable ang itsura niya ay mabilis siyang nagtungo “The Boys” isa sa popular na inuman sa lungsod nila. Agad niyang namataan sa labas ang kaibigan ni Nikka na si Dianne, kinawayan niya ito. Nang makita siya ay umaliwalas ang mukha nito at tila ba nabunutan ng tinik sa lalamunan kaya bahagya siyang natawa nang magkalapit sila. Inabot niya rito ang ID nito, “Here.” Dianne smiled, “Thank you, Ate! Libre ko po kayo inumin.” “Nah, I am good. Pasok ka na, uuwi na rin ako.” Nakapasok na si Dianne, nasa labas siya at nag-aantay ng masasakyan. Naghihintay siya ng taxi. “Ave?” may lalaking huminto sa harap niya. Napaawang ang labi niya sa gulat, “Steve?” “Ave!” sigaw nito at niyakap siya, close friend niya ito noong Senior high school siya. May kaibigan siya noong Senior high school niya, siya lang ito lumayo. But still, she treasured them. May mga kaibigan talagang hindi mo na makakausap ng ilang taon ngunit kaibigan pa rin ang turing kahit pa sa paglipas ng mga taon. “Nandito sila sa loob. Sama ka! Matanggal ka na naming hindi nakikita, ah!” aniya Steve. “Oh, pero hindi ako magtatanggal, ah? Magtataxi lang kasi ako pauwi-” “Hatid ka na namin!” Wala na siyang nagawa kundi magpatianod rito. Nakapagbar tuloy siya ng wala sa oras. Her old friends greeted her, pinainom siya ng mga ito kaya wala siyang nagawa. Panay ang salin sa kanya ng inumin, nagkanda ngiwi-ngiwi siya dahil halo-halo na ang mga nainom niyang alak. They were giggling and having fun, nilibre niya rin ang mga ito ng inumin. Nang makaramdam ng hilo ay nag-excuse siya. “Hoy, tatakas ka na naman!” sigaw ni Oene. Ngumiwi siya, “Magsisigarilyo lang sa labas!” “Sama ako!” Steve said and got off his feet. Nakahawak si Steve sa baywang niya dahil maraming tao. Hinaharang ni Steve ang sariling katawan para lang hindi siya tamaan ng mga taong nakakasalubong nila dahil sa masikip ang lugar. Pareho silang nakahinga ng maluwag nang makalabas sila. “Grabe ang daming tao!” natatawang ani ni Steve saka hinila siya sa gilid kung saan may nagtitinda ng sigarilyo. “Anong sa ‘yo?” Nginuso niya ang putting sigarilyo. Inabot sa kanya ni Steve ang isang kaha ng malboro, “Grabe isang stick lang, Steve!” Kumuha siya ng isang stick sa kaha at inipit iyon sa labi niya. Sinindihan iyon ni Steve, gano’n rin ang ginawa ni Steve. Pareho silang nakaharap sa kalsada kung saan may dumadaan na mga sasakyan. Hithit. Buga. Hithit. Paulit-ulit na proseso na kumakalma sa isipan niya. “Babalik ka pa ba sa ibang bansa?” untag ni Steve. Lumingon siya rito, “Ah. Oo, sa January ang balik ko sa ibang bansa. Bakasyon lang ako rito. Alam mo naman mas malaki ang kita roon.” Kahit ang totoo ay malaki ang ipon niya. Kahit hindi na siya bumalik sa ibang bansa ay ayos lang. Ngunit nais niyang tuluyan ng makalaya sa pagmamahal na mayroon siya para kay Von. Ang plano niya noon ay makalipas ang limang taon ay babalik na siya ng Pinas at mag-stay na for good. Ang kaso, pumalpak ang relasyon nilang dalawa ni Von. And it is hurting her whenever she remembers their memories together. Hindi siya makakausad kapag nagkataon. “Ave,” mariin wika ni Von, bigla itong huminto sa harap nila ni Steve. Napaubo siya nang makita ito kaya hinimas-himas ni Steve ang likod niya. Hinampas niya ang sariling dibdib dahil ayaw mahinto ng pag-ubo niya. “Ako na,” wika ni Von at pinigilan ang kamay ni Steve na humahaplos sa likod niya. Saglit pa ay huminto na siya sa kakaubo. Nag-angat siya ng tingin at galit na galit ang mukha ni Von, parang mangangain ito ng tao. Napatayo siya ng tuwid dahil sa kaba. “V-von…” “Ave, pasok na ko sa loob!” nagmamadaling paalam ni Steve, nilingon niya ito at tinanguan. “Ave,” mariing tawag ulit sa kanya ni Von kaya nilingon niya ito. “V-von.” Hinawakan nito ang palapulsuhan niya. Marahan siyang hinila at inabutan ng helmet. Napakurap siya, papalit-palit ang tingin niya sa motor, helmet, at kay Von. “Paano ka? Wala kang helmet?” “Isuot mo ‘yan,” wika nito. Hindi siya tumalima, natulala lang siya. Bakit ba siya sumasama rito? Nang hindi siya gumalaw ay si Von ang na ang nagsuot sa kanya ng helmet. Seryoso ang mukha nito at kunot ang noo. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin. “Sakay,” utos nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD