NEVER she would thought that they will be alone together. Nakasakay siya sa motor nito, kahit na takot siya sa lakas ng pagmamaneho nito ay nanatili siyang nakaupo ng tuwid at hindi man lang humahawak sa binata. Von Rix saw her in the bar. She has to drop something to a certain friend of her sibling.Until she bumped with an old friend. Von Rix interfered and asked her to come with him. Mukha itong mangangain ng tao sa galit kaya na pa-oo na lang siya. Ewan kung anong trip nito, the last time she saw him was few days ago. At ito na naman ang binata ngayon, walang humpay na pinapakaba ang puso niya.
They stopped in front of his restaurant. It was already closed, however, there were still a few people inside. Mga trabahante yata ng binata.
"Boss!" a moreno boy approached them, sumaludo pa ito kay Von Rix.
Von Rix on the other hand was still in a foul mood. Hila-hila siya nito, gusto niyang umungot dahil sa lakas ng pagkakahawak nito sa may pulsuhan niya. But she doesn't have the courage to go against him with his eyes blazing in fire. Tumango ang iilan sa mga trabahante ni Von Rix sa kanya. He opened the door of his office without even letting go of her wrist.
Nang makapasok sila ay pinaupo siya nito at binitawan ang kamay niya. Nagtatakang tinignan niya ang dating kasintahan. Hindi niya maintindihan ang kilos nito.
“Von!” aniya ngunit hindi siya nito pinansin tinalikuran siya nito at naglakad papunta sa pintuan.
Huminto ito at humarap sa kanya. “I will cook you some soup. Dito ka lang at h’wag kang aalis.”
“What? Hindi ako lasing. I am not drunk,” giit niya patila bingi si Von at basta na lamang lumabas sa opisina at naiwan siya roon na mag-isa.
Hindi siya mapakali. Gusto na niyang umuwi ngunit nahihiya naman siyang lumabas. Paano kung naroon pa ang mga trabahante ni Von. Mukhang may ginagawa pa ang mga ito sa labas. Napapadyak siya sa inis. Hindi niya maintindihan ang kilos ni Von. Bakit kailangan nitong huminto at bigla siyang isama. Heto naman siya, marupok! Sumama agad! Hindi man lang siya pumalag.
Napasabunot siya sa inis, naiiyak na siya. Palakad-lakad siya, nagdadalawang isip kung lalabas ba siya at uuwi o hihintayin si Von. Huminga siya ng malalim at akmang pipihit na ang sedura nang bumukas ang pinto, kunot pa rin ang noo ni Von at may dalang tray.
“What are you doing?” mariing tanong nito.
“I-I was planning to-”
“Umupo ka don. I told you to stay still, right?”
Umirap siya, “Hindi nga ako lasing!”
“May lasing bang umaamin? Maupo ka na roon. Kainin mo ‘to nang mahimasmasan ka. Pagkatapos nito ihahatid kita sa inyo,” wika nito.
Wala siyang nagawa kundi sundin ito nang samaan siya nito ng tingin. Umupo siya sa silya, sumunod naman ito at inilapag sa lamesita ang tray na may mangkok ng ramyeon. Umupo ito kaharap niya, itinulak sa harapan niya ang mangkok.
“Kainin mo ‘yan nang mahimasmasan ka. Ihahatid kita pauwi! Gabing-gabi na may kausap ka pang lalaki ro’n,” tiim-bagang na wika nito.
“Si Steve ‘yun. Kilala ko ‘yun,” aniya.
“Kilala mo, ba’t ka ya niya hinayaan na humithit ng sigarilyo? Sabay pa kayo. ‘Yan ba ang mga kaibigan mo ngayon? Hinahayaan ka na mapadpad sa masamang landas?!” tumaas ang boses nito kaya napaigtad siya.
Pabagsak niyang ibinaba ang kubyertos at matalim na tinignan ang dating kasintahan. “Pinapunta mo ba ako para sermunan, ha?!”
Von rolled his eyes, “Eat. Kumain ka habang mainit pa ‘yan.”
Kumalam ang sikmura niya kaya inignora niya ito at kumain na lamang. Bawat subo niya ay nakaabang ito, kahit pa pati paglunok niya ay nakamasid ito. Siguro dala na rin ng alak ay wala siyang hiya na nararamdaman sa harapan nito. Nang matapos siyang kumain ay inabutan siya nito ng tissue. Tinanggap niya iyon.
“Hindi ba pinagsabihan na kitang tumigil na sa paninigarilyo?” biglang sabi nito.
Tinaasan niya lang ito ng kilay, “Iuwi mo na nga ako.”
“Kakatapos mo lang kumain,” aniya.
Naningkit ang mga mata ni Ave. “Sabi mo, iuuwi mo ako agad pagkatapos kumain?”
Tinaasan siya ng kilay ni Von, “Kakatapos mo nga lang kumain. Maupo ka nga muna.”
“Inaantok na ko,” katwiran niya.
Ayaw niyang magtagal kasama si Von dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. Natatakot siya na baka may masabi siya o ‘di kaya may gawin siya. Ayaw na rin niyang umasa pa. Paulit-ulit niyang kinakastigo ang sarili sa kanyang isipan.
“Inaantok ka na ako ang kasama mo? Samantalang kasama mo ang Steve na ‘yun, tuwang-tuwa ka. Dahil sa ano? Hinahayaan kang humithit ng sigarilyo? Iyan ba ang tipo mo sa lalaki?” mapaklang wika nito.
“Anong pinagsasabi mo? Steve is my friend. Pinakialaman ba kita kung sino ang kakaibiganin mo at hindi? Hindi naman ‘di ba? Saka pwede ba, alam nating pareho mas matino ako sa mga kaibigan mo!”
“Ave!” saway nito sa kanya. Humalukipkip siya sa inis. “H’wag mong idamay ang mga kaibigan ko rito.”
“Then stop dragging Steve! Wala siyang ginawang masama–”
He chuckled without humor. “Wala? Anong wala?! Hinayaan ka niyang magsigarilyo!”
Tumayo siya, “Pwede ba, Von. Tigil-tigilan mo ako sa kakasaway sa mga bisyo ko. Labas ka na kung ano ang mga gagawin ko. Ikaw na rin ang nagsabi matagal na tayong tapos. I can do whatever I want. H’wag mo akong pakialaman! Wala kang karapatan–”
“Kaibigan mo ako!” he spat angrily making her blood boil.
“Kaibigan? Ang sarap mo namang kaibigan. Concern ka sa health ko–”
“You know that I care for my friends–”
“Tang ina!” natatawang aniya. “Tigil-tigilan mo ako sa mga ganyan mo. I f*****g get it. Kaibigan mo ako but stop intereferring with what I want to do! You know my stand against being friends with ex. You can be my friend but stop acting like you f*****g care–”
“I care for you!” tumayo ito. He was towering over her.
Matangkad si Von kaysa sa kanya at hanggang balikat lang siya nito kaya nanakit ang leeg niya nang tumayo ito. Kailangan niya pang tumingala para tignan ito na mas lalong nagpagalit sa kanay. Para bang iniinsulto siya nito nang tumayo ito.
“Sit down!” she spat. “H’wag mo akong daanin sa lecheng height mo na ‘yan!”
He smirked. “Kasalanan ko bang mas matangkad ako sa ‘yo?”
She knew he did it on purpose. Madalis itong ginagawa ni Von kapag nag-aaway sila, to divert her attention. Alam nitong bwisit siya dahil malaki ang agwat ng height nila. At mas pinaparamdam nitong maliit lang siya.
“f**k you!” she angrily spat.
Nagsalubong ang kilay ni Von, “‘Yang bibig mo namumuro na.”
Umirap siya, “Bahala ka sa buhay mo. Bwisit! Tigilan mo na ako!”
Nagmartsa siya papunta sa pintuan at nang pihitin niya ang sedura at buksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang mga trabahador ni Von na nasa labas at nagkukunwaring may mga ginagawa. Mukhang narinig ng mga ito ang sigawan nilang dalawa. Ngunit mas matindi ang kagustuhan niyang makalayo kay Von. Dahil kaunting usapan pa ay baka mapaamin siyang mahal niya pa ito. Desido na siya sa desisyong umusad!
“Ave!” tawag ni Von sa kanya nang dire-diretso siyang naglakad palabas ng restaurant nito.
Mabilis niyang kinawayan ang taxi na papalapit sa puwesto niya. Hinablot ni Von ang braso niya kaya napalingon siya rito. Galit na galit niya itong tinignan.
“Uuwi na ‘ko! Bahala ka sa buhay mo, bwisit!” aniya at sinuntok sa sikmura si Von kaya napa-igik ito.
Mabilis siyang kumawala rito at nagkukumahog na makapasok sa taxi. Ibinigay niya ang address sa driver at nagdarasal na sana makauwi siya ng ligtas at hindi na siya bwisitin pa ni Von. Alam na alam talaga nito kung paano siya inisin at higit sa lahat kung paano siya paamuhin.
She knew that being with him again made her weak.