"OO, nga sure akong magkaibigan lang kami!" ani niya habang tinitignan ng matalim ang kaibigang si Nala at Aena.
Silang tatlo ay nasa isang bar, hapon pa lang ay nag-inuman na sila. Nagyaya kasi si Aena at niyaya niya rin si Nala na wala sa mood. Nagkaroon na naman sila ng tampuhan ng long time
boyfriend nito. Just like before, whenever things go down, silang tatlo ang parating magkakasama. Mary and Meira are usually busy. JM on the other hand, minsan lang din.
"Weh? Totoo? Mamatay ka man ngayon?" Aena asked while wiggling her brows.
"Jusko ha! We are both trying to be civil with each other ano, saka matagal na iyon." Katwiran niya.
Matagal na nga, matagal na rin siyang nakasadlak sa mga kahapong hindi na maibabalik.
"Huwag nga tayong maglokohan tito," seryosong saad ni Nala. "Ate, nagkabalikan ba kayo ni Kuya Von Rix o hindi?"
"Malamang—"
"Oo at hindi lang ang sagot, Ate." Pagdidiin pa ni Nala.
"Jusko hindi nga kami nagbalikan. He is just being nice to me and in return I am being nice to him. His family treats me like their own, so we both had to be civil in all aspects." Sagot niya bago tumungga sa flavored beer na hawak niya.
"Wala na ba talagang pag-asa?" Aena asked with full of curiosity.
She shrugged her shoulders, "Malabong mangyari nga iyon. May kanya-kanya na kaming buhay."
"Fine! But are you open to seeing someone?" Nala asked.
She rolled her eyes, "No."
"Why?" Nala pouted.
"I want things to happen slowly and natural—"
"Teh, ganyan rin sinabi ko. Kita mo sa ako ngayon? Walang dyowa rin. Malapit na tayong maalis sa kalendaryo," nagma malditang saad ni Aena.
"But you have your s*x life at least you are meeting someone," katwiran niya.
Kung siya tutuusin zero, wala, wit, nada o bokya. She had nothing in action for these past few years because of her f*****g feelings for him. She can't even date someone, kiss someone what more to love or to f**k. She has been stuck in this situation for almost a decade.
"Oh, come on. s*x is very much different from love. They are both human needs however, s*x is for pleasure and fun. While love is a whole damn commitment. And I f*****g hate commitment," Aena mumbled as she grab her bottle of beer.
"It's still a commitment 'no," katwiran niya saka tinungga rin ang bote ng beer. "It takes a whole lot of courage to muster that. Kasi sino ba naman ang papayag sa s*x lang agad-agad. It takes time to think."
"Parang. It's the same thing Aena. You f**k someone casually you need to be comfortable first. You become in a relationship when you are comfortable too. Minus lang talaga sa part ng sweet things like exchanging "I love you's". Saka girl, marami pang time para maghanap ng dyowa. Balik tayo sa online dating sites—"
"Online dating sucks," komento niya. Usually they are only after s*x.
"Malay mo Aena makahanap ka," Nala cheered Aena up.
She chuckled, "Akala ko ba ikaw ang may problema dito Nala. Looks like Aena is wanting to take things seriously na."
"Hindi, ah. Hindi kami nag-away ng gagong yun. Pero tang ina niya talaga," Nala mumbled with her nose flared up in anger.
"Sus. 'Di daw halata naman sa ilong mo—"
"Pero kasi 'di ba? Hindi na tayo bumabata Ave. Everyone around us is starting to build their own family. Tayo ilang taon na lang nasa treinta na tayo pero ni dyowa wala," asik ni Aena.
Hindi rin niya maitatanggi. She is pressured with everyone around her settling down. With her social media accounts? Lahat ng ka-batch niya, naging kaibigan, acquaintance either in a relationship. May mga anak na o kaya kasal na. Hindi na nga niya maalala paano humalik.
"Ano ka ba baka will ni God marami ka pang matitikman na mga labi," ani niya saka tumawa.
"Gago. Minus points ka na naman kay Lord," Aena said and smirked. "Buti pa 'tong si Nala kahit noon kulang na lang magpatayan sila ng dyowa niya. Sila pa rin hanggang ngayon. Eh, ako? nakailang dyowa na 'ko ni isa walang umabot ng isang taon. Hindi man lang pinatikim sa 'kin ang anniversary!"
Halos maiyak siya sa kakatawa sa lintanya ng kaibigan niya. Even Nala was laughing so hard, hinahampas-hampas pa siya nito sa braso. She could only wince in pain and accept her fate.
Nang mahimasmasan silang dalawa sa kakatawa sa binitawang salita ng kaibigan ay kanya-kanya silang tumungga ng alak. She jugged the flavored beer down. She even opened another bottle. Magpapasko na, ramdam na ramdam na sa simoy ng hangin at ang kumikislap na mga dekorasyon. Everything that reminds her of the most awaited holiday is everywhere.
"Hindi na 'ko namimisikal at naninira ng mga gamit gaya ng dati 'no. I've changed, I am done with my anger issues. I am cleared according to my doctor. Saka we tried to fix our relationship no. For seven years ilang beses na kaming muntik ng magpatayan but we can't let go of each other kahit sobrang toxic na namin. Baka tama ngang kamatayan na lang ang makapaghihiwalay sa 'min," Nala said while shaking her head.
"Oo, panigurado dyowa mo sa langit. Ikaw sa impyerno," pambabara ni Aena.
"Duh. As if ako lang. See you in hell bitches," Nala said and flipped her hair like she was in a shampoo commercial.
"At least you both tried to fix your indifferences. And hindi ka na madaling magalit gaya ng dati," nilaro-laro niya pa sa kamay ang tissue paper.
"Sayang talaga kayo ni Kuya Von Rix. Baka magkabalikan pa kayo Ate. Alam mo naman, love is sweeter the second time around," tukso ni Nala.
She smirked, "Second time around? Hindi na mabilang ilang beses kaming naghiwalay gago. Saka five years na 'ano. Let go niyo na yung sa 'min. Kayo 'ata ang hindi nakausad."
"Talagang walang uusad sa 'min," makahulugang saad ni Aena. "Kasi ano— barkada tayo. Nakita namin yung growth niyo as a couple. Kaya, we are rooting for the two of you. Okay lang naman if wala na talaga," bumaling ito kay Nala. "We can't force things right?"
Nagtataka niyang tinignan ang dalawang nagpapalitan ng mga makahulugang tingin, "Oo naman. We really can't." Nala answered.
She rolled her eyes, "Ayan na naman kayo sa mga tininginan na 'yan. Pagbuhulin ko kayo riyan!"
The two laughed at her like she was an idiot. Ewan pero masyadong magugulo ang utak ng mga kaibigan niya sometimes she don't really understand them.
"Hanggang kailan ka ba dito sa Pinas?" biglang tanong ni Aena.
She sighed, "Hanggang sa katapusan ng enero lang ako. Babalik din ako sa Australia."
Her plan is to help her brother settle down in Australia. Gusto kasi nitong magtrabaho roon. Wapa namang kaso sa kanya dahil naroon rin ang iilan nilang kamag-anak, kapatid ng ama niya. Ang mga ito rin kasi ang tumulong sa kanya na makapagtrabaho roon.
"Hanggang kailan ka dun, Teh? Wala ka bang balak mag-stay sa rito for good?" Nala asked.
"Mayroon naman. I am really planning to stay here for good. Kaso andun na ang trabaho ko sa Australia."
Nala rolled her eyes, "Ate. Ang laki-laki na ng ipon mo no. Saka andito pamilya mo. You can build your own business here. Iyon naman talaga ang gusto mo noon 'di ba?"
Yep, her dream was to have her own business. Kung anong negosyo? Iyon lang ang hindi niya pa napag-isipan. Back then she really wanted to be a doctor. Kaso mahirap lang sila at siya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Masyadong mahal ang medisina. Iyong college degree pahirapan na ngang kunin. She really wanted to be a doctor because of her grandparents. But well, there are things that the universe will not give.
Maybe medicine is not really for her.
"Iyon naman talaga ang plano. Kaso alam mo naman the company I am working with pays a huge salary. Kaya nga nakapag-ipon at nakapag pabahay ako. Nakakahinayang naman kasi kung basta-basta na lang akong magreresign."
In reality, pakiramdam niya ay wala na siyang lugar sa Pinas. Wala na ang comfort zone niya. Oo, na-miss niya ang lahat ng meron sa Pinas. But while she was struggling she learnt how to go on with her life in Australia. Pakiramdam niya rin kasi kapag nasa ibang bansa siya, pain will not strike her.
"Sus, Ave. You should start living your life na no. Alam namin masyado kang subsob sa trabaho. Kaya nga sa limang taon ngayon ka lang umuwi. Unless there are certain things you're avoiding," patutsada ni Aena.
"Baka nga," saad ni Nala saka humagikgik.