ANO nga ba sa tingin niya ang tama at Mali? Kailangan ba niyang magpadala sa bugso ng kanyang damdamin? O kalimutan na lang ang lahat, gaya ng plano niya? Pero bakit ganun? Nangingibabaw ang pagmamahal niya para kay Von Rix. She could see herself in the same situation again, people would often tease them. Dahil sa mga tag photos na palagi silang magkasama. She always sees him everywhere. Tipong ang tadhana na ang nanggagago sa kanya. Gusto na niyang umiwas pero heto ang tadhana ayaw makisama. Pati na rin ang lecheng puso niya ayaw makisala. She could hear her heart beat going wild everytime she sees him. He is always being nice to her, natatakot naman siya na bigyan ito ng kulay baka sa huli siya rin lang ang uuwing luhaan.
Maybe he wants to take care of her, he is infatuated with the idea of helping her. Ganun! Kasi kung sasabihin niyang mahal siya nito, sino ang ginagago niya? Ang sarili niya? Ang tadhana o ang binata?
She tries to escape his grasps but destiny has it's own of shitting on her
Napakahirap dahil sa bawat paglipas ng araw ay nalilito na siya dahil mas minamahal niya ang binata.
Hindi aakalaing magmamahal siya ng ganoon kalalim.
“Hi,” bati ni Von nang makarating ito. Umupo ito katapat niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin, banas pa rin siya rito at syempre mahal niya pa rin ito.
“Uy!” bati ng mga kaibigan nila siya lang itong tumango.
Huling kita nila ay noong nilayasan niya ito dahil sa pagkabwisit. Kasalukuyan silang nasa restaubar, kung saan nakita siya nito noong nakaraan. Napag-usapan kasi nilang magkakaibigan na mag-night out. Pampawala kuno ng stress, stress ang mga ito sa kani-kanilang work. Samantalang siya ito bakasyon pero stress dahil ayaw pa rin matapos ng feelings niya para sa dating kasintahan.
“Sa wakas at nakompleto ulit tayo!” wika ni Mary katabi nito ang nobyo nito.
“Walwalan tayo, ah! Sunday bukas, day off ng lahat. Kaya dapat walang uuwi ng hindi gagapan,” paalala ni Aena.
Napangiwi siya sa tinuran ng kaibigan niya. Araw-araw siyang halos lasing, nababakante lang siya ng isa o dalawang araw. Hindi niya alam kung pahinga ba ang inuwi niya rito sa Pinas o ang makipag-inuman.
“Kain muna tayo!” ani ni Meira– mabuti nga at nakasama ang mag-asawa.
Muntik na ngang hindi makasama dahil nagtatantrums ang anak nila. Ayaw magpaiwan, buti na lang at nadala ito ng isang tub ng ice cream at hinayaan ang mag-asawang umalis. Isa-isang dumating ang mga order nila, mag sisig–ang all time fave nilang lahat. May crabs at seafoods rin at lasagna. Para silang bibitayin sa mga in-order nila.
Nang matapos ma-serve ang mga order nila. Lasagna agad ang una niyang kinuha, na-miss niya ang kumain ng pasta. Ilang araw lang rin kasi siyang puro kanin, simula nang makauwi siya ay kanin lang ang kinakain niya.
Napatingin siya sa shrimp at crabs, bigla siyang natakam pero pinigilan niya ang sarili dahil tinatamad siyang maghimay. Kaya ibinalik niya ang atensyon sa pagkain.
“Nga pala mag-a-outing ba tayo ulit? Yung may kalayuan, ah! Hindi iyong malapit lang sa ‘tin, nakakaumay na rin kasi kapag dito lang!” si JM.
“True the fire! Dati wala tayong pera kaya puro malayo lang yung pinag-a-outingan natin. Ngayon may pera na tayo kahit papaano, baka pwedeng sa malayo na tayo!” suhestyon ni Meira ang ultimate lakwatsera sa kanilang magbabarkada.
“Hala, kala mo walang anak!” biro ni Naia.
They all laughed. Kahit siya ay natawa sa hirit ng kaibigan. Dati kasi puro plano lang ang ginagawa nila. Hindi natutuloy kasi pareho silang lahat na wala pang maibibuga. Kaya madalas mag-outing sila sa malalapit lang na lugar at kadalasan isang araw lang.
“Ano sa’n tayo? Sa January na lang tayo? Medyo maulan pa ngayon kasi december, e.”
Mabilis magpalit-palit ang panahon ngayon ngunit mas madalas na maulan kaya mahirap mag-beach dahil madalas maulan. Napakurap siya nang makita may inilapag na pinggan sa harap niya, may hinimay ng shrimp at crabs. Napalunok siya at unti-unting nag-angat ng tingin, nakita niya na inilalapit iyon ni Von sa harap niya.
“Eat,” he mouthed.
Nag-iwas siya ng tingin at nakita niyang nakatingin sa kanilang dalawa ang lahat kaya pinanlakihan niya ang mga ito ng tingin. JM smirked making her roll her eyes. Sabay-sabay na tumikhim ang mga ito kaya yumuko na lang siya. Tinusok niya ang isang piraso hipon at mabilis niyang sinubo iyon nang walang nguyaan.
Hinampas niya ang dibdib niya nang maramdamang bumabara sa lalamunan niya ang hipon. Biglang tumayo si Von at nagtungo sa likod, marahang hinahampas ang likod niya. Habang ang kamay nito ay malapit sa bibig niya.
At isang malakas na ubo niya pa ay naalis sa lalamunan niya ang hipon na bumabara.
“Ayos ka lang?” malumanay na tanong ni Von, bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Tinulak niya ang kamay nito paalis ngunit hindi natinag si Von. “Spit it out.”
Hindi niya ito pinansin at mabilis na inabot ang tissue sa harapan niya at doon iniluwa ang hipon na kamuntikan pang pumatay sa kanya. Bumuntong hininga si Von at bumalik sa upuan niya. Natatakot siyang lumingon at tignan ang mga kaibigan niya dahil alam niyang aasarin na naman siya ng mga ito.
Von’s beeng too nice! Masyado itong mabait kaya nga dati ay madalas siyang magselos dahil mabait ito sa lahat ng babae!
Uminom siya ng juice, sumisimsim sa straw. Inilapit ulit ni Von ang pinggan na may hipon ngunit sa pagkakataong ‘to ay maliliit na ang mga hipon dahil hiniwa iyon ni Von sa iilang piraso. Namula ang buong mukha niya, alam niyang hindi siya nito nilalandi ngunit traydor ang puso niya dahil panay ang kabog ng dibdib niya dahil sa mga kilos nito.
“Sana all!”
Akmang sasawayin niya ang kaibigan ngunit nakita niyang may tinuro ito. Napansin nila sa kabilang table ay may lalaking nakaluhod, nag-propose ito sa kasintahan nito. Kaya nabaling ang atensyon nilang lahat roon.
Alas siete pa lang naman ng gabi kaya wala pang party musics, solemn music lang ang pinapatugtog sakto sa tagpong iyon. Nagsigawan lahat ng tao sa loob nang tumango ang babae, sinuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng babae. At tumayo ang lalaki, siniil ng halik ang nobya.
Nag-iwas siya ng tingin at saktong nagtama naman ang mata nila ni Von. Nakatingin ito sa kanya ng seryoso. Hindi mawari kung ano ang iniisip nito. Hindi siya makahinga sa titig na iginagawad nito sa kanya. Bigla na lamang itong tumayo at umalis, walang nakapansin sa mga kaibigan nila dahil abala sila sa pagtanaw sa magkasintahan sa kabilang mesa.
Anong nangyari kay Von at bigla na lamang nagbago ang timpla nito?
Ilang saglit pa ay bumalik si Von. Bumalik silang lahat sa pagkain, nang matapos naman ay unti-unti na silang um-order ng mga alak at pulutan. Siya naman ay inabala muna ang sarili sa pagtingin sa social media accounts niya.
"Kapag nafinalize na iyong plano natin. Mag-leave kayo, ah!" paalala ni JM.
Si Aena, Meira, Naia, Jervy, at Hansen lang naman ang mga pumapasok sa opisina. Si JM naman ay isang virtual assistant at flexible ang oras ng trabaho nito kaya malakas mag-aya na maglakwatsa. Siya naman bakasyon kaya maaari siyang mahila sa kung saan. May balak siyang mag-travel kasama ang college buddies niya sa susunod na mga araw. Hindi naman kasi pwedeng sa bahay lang siya parati o kaya sa bar. She needs to enjoy her vacation, kasi kapag nakabalik na siya sa ibang bansa balik kayod na naman,
"Von?"
Nanigas siya nang marinig ang pamilya na boses na iyon. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, hindi siya maaaring magkamali kung sino iyon. It was one of Von's exe's. Napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya, alam ng mga ito kung gaano siya kabwisit rito dati. Isa ito sa madalas niyang pagselosan noon.
"Paula!" gulat na sambit nito nang lingunin niya ang babae.
Paula kissed Von's cheeks. Von smiled. Nag-iwas siya ng tingin, nakatingin sa kanya ang mga kaibigan. Nginitian niya lang ang mga ito. Mahal niya si Von hanggang ngayon pero ayaw niyang magmukhang kawawa. That is the last she wants.
Siniko niya si Aena, "H'wag niyo nga akong tignan!" she whispered.
Kunot ang noo ni Aena, "Ayos ka lang?"
She smiled, "Bakit naman hindi?"
Nalagpasan nga niya noon, malalagpasan niya rin ngayon. Ang tanging hiling niya lang ay sana dumating na ang panahong limot na niya ang nararamdaman niya para kay Von.