Chapter 2

1234 Words
"Glady—" "Lumayo ka sa akin, Annalise," mahinang bulong ko. Sinubukan niya kasi akong lapitan pero napantig talaga ang tainga ko sa kaniyang sinabi. Nakakatawa lang dahil alam naman pala niyang kasalanan niya ang lahat tapos kakausapin niya ako na parang wala lang? Hindi niya inisip kung gugustuhin ni Kazimir na saluhin. Masyado niyang inisip ang kaniyng sariling kaligayahan at basta na lang ibinigay ang posisyon kay Kazimir. Puwede naman na sa asawa niya mismo, hindi ba? Kaya bakit niya ito ginawa? Bakit? Sa anong dahilan? "Kung hindi dahil sa ginawa mo, baka maayos kami ngayon ni Kazimir at hindi mawawala ang anak namin, Annalise!" sigaw ko saka siya tiningnan. Nakita kong nagulat siya sa aking ginawa pero wala na akong pakialam. Hindi naman niya iniisip ang nararamdaman ni Kazimir noon, hindi ba? Saka kaya lang naman siya naaawa sa akin ngayon at sinusubukan akong kausapin at dahil guilty siya sa nangyayari. Alam niyang kasalanan niya kaya sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko pero hindi iyon basta-basta matatanggal. "Hindi mo ba inisip na posibleng magmahal si Kazimir? Hindi mo man lang ba inisip na ibigay sa asawa mo ang puwesto? Hindi ko maintindihan kung bakit kay Kazimir pa mismo," natatawang sambit ko. "Oo nga at exposed siya sa pakikipaglaban pero ang asawa mo ba ay hindi? Iyang asawa mo ba ay hindi rin marunong pumatay para hindi mo ibigay ang posisyon? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit mo ipinasa sa iba ang responsibilidad mo!" Pilit ko kasing iniintindi pero ang hirap intindihin. Hindi ko mahanapan ng sagot kung bakit kay Kazimir niya ibinigay kahit na puwede namang asawa niya ang sumalo. "Ginawa mo ba iyon para ilayo sa bingit ng kamatayan ang mga anak mo, Annalise?" natatawang tanong ko. Napayuko siya at hindi nagsalita. Doon na ako napailing at napaiyak na lamang. Hindi niya inisip na posible rin namang magkaroon ng anak si Kazimir lalo na kapag natagpuan niya iyong babaeng mamahalin niya. Kaya bakit? Bakit niya ito gianwa? Bakit ipinasa na lang niya basta sa iba nang hindi nag-iisip nang mabuti? "Ang selfish mo!" umiiyak na sambit ko. " Ang selfish mo, Annalise. Responsibilidad mo iyon tapos ibinigay mo sa taong matagal nang naghahanap ng pagmamahal? Hindi mo man lang inisip na posibleng magkaroon ng pamilya si Kazimir tapos kami ang sasalo ng mga dapat na sa iyo?" Inilagay ko ang aking palad sa aking mukha dahil hindi ko na makayanan ang sakit na nararamdaman ko. Kaya pala kami nanganganib. Kaya pala kinuha ang anak namin kasi si Kazimir ang sumalo nang hindi naman para sa kaniya. "Ang unfair mo. Dapat kayo ang nasa katayuan namin, eh! Dapat kami ngayon iyong masama pero ano ang ginawa mo? Dinamay mo pa iyong anak kong walang kalaban-laban! Iyong anak kong bagong panganak pa lamang. Kinuha kaagad sa akin," nasasaktan na bulong ko. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari sa amin ni Kazimir at lahat ng iyon ay kasalanan ni Annalise. Hindi ko naman dapat siya sisisihin pero hindi ko mapigilan lalo pa at siya naman ang puno't dulo ng laht na ito. Siya ang may kasalanan kung bakit mas dumami ang mga taong gustong pumatay kay Kazimir, sa anak namin at ako. "Lumayo ka! Huwag na huwag kang magpapakita sa akin dhail kinasusuklaman kita, Annalise—" "Gladys Sloane!" sigaw ni Kazimir. Mabilis kong tinanggal ang aking mga palad sa aking mukha para tingnan si Kazimir. Ngunit alam kong hindi lang siya ang dumating kung hindi lahat sila. "Annalise!" ani namann ng kaniyang asawa na si Zeno at mabilis na dinaluhan ang kaniyang asawa. Umigting ang aking panga dahil sa inis. Hindi ko kasi alam kung paano sila nagpunta rito ngunit hindi naman iyon impossible dahil alam kong may mga hidden camera rito. "Sige! Diyan ka naman magaling, hindi ba? Ang magpaawa para ikaw ang kampihan?Siguro ganiyan din ang ginawa mo noon para lang akuin ni Kazimir ang pagiging Mafia Boss—" "Gladys Sloane!" sita sa akin ni Kazimir. Inis na lumingon ako sa kaniya at hindi ko maiwasang hindi mainis. Bakit niya ako pinipigilang magsalita? Totoo naman ang sinasabi ko, hindi ba? Siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat kaya bakit niya ako sinisita? Tumalim ang aking mga mata at inis na ngumisi kay Kazimir. "Bakit? Ipagtatanggol mo siya? Kasi ano? Siya ang dati niyong Mafia Boss ganoon?" natatawa kong saad. Nakita kong natigilan silang lahat sa aking sinabi. Hindi ko alam kung bakit hindi sila umimik pero mabuti na rin iyon para mailabas ko lahat ng gusto kong sabihin. Hindi na ako natatahimik sa mga nangyayari, eh. Sobrang bigat na. Hindi man lang ba nila maisip lahat? Kung saan nagmula ang mga ito? Oo nga at pinatay ang mga magulang nila pero hindi ba nila naisip na mas lalong lumala ang lahat nang akuin ni Kazimir ang pagiging Mafia Boss? "Siya ang puno't dulo ng lahat! Kung sana ibinigay niya ang posisyon na iyan sa asawa niya, sana hindi nadamay iyong anak ko!" sigaw ko sa kanila. "Hindi niyo pa rin naiintindihan? Mga wala pala kayong kuwenta kung ganoon. Akala ko ba ay matalino kayong mga Mafia? Bakit hindi niyo maintidnihan ang sinasabi ko? At kakampihan niyo pa talaga ang babaeng iyan?" Kumirot ang aking dibdib dahil sa aking nakita. Pinapalibutan kasi nila si Annalise na para bang isa akong kalaban para hindi siya masaktan. Lumitaw ang mapait na ngisi sa aking labi ngunit mabilis iyong nawala nang matanggal ang lahat ng emosyon sa aking mga mata at mukha. Siguro nga ay mas mabuti na lang maging cold ako sa lahat. Siguro nga ay kakailanganin ko nang makipaglaban dahil hinding-hindi na ako matatahimik pa dahil sa anak ko. "Labas," malamig na utos ko sa kanilang lahat. "Lumabas kayong lahat sa kuwarto na ito at huwag na huwag kayong magpapakita sa akin." Hindi ko kasi alam ang posibleng mangyari lalo na ngayon na mainit ang aking ulo at durog na durog ang aking puso dahil pakiramdam ko ay trinaydor ako ni Kazimir. Mahal ko siya pero ang sakit kasi nang ganito. Sinisita niya ako, oo. Ngunit masakit iyon sa side ko dahil hindi man lang niya naiintindihan ang mga sinasabi ko. "Gladys Sloane, we need to talk—" "Shut the fck up! Lumabas kayo sa kuwartong ito kung ayaw niyong magkagulo tayong lahat!" sigaw ko sa kanila. Isa-isa naman silang nagsilabasan at naiwan si Kazimir sa loob habang tinititigan ako. Punong-puno iyon ng emosyon ngunit wala akong pakialam. Hindi nga niya inisip ang aking nararamdaman dahil totoo naman talagang kasalanan ni Annalise ang lahat dahil sarili lang naman niya ang kaniyang inaalala. Hindi man lang inisip ang mga posibilidad na mangyari lalo na ngayon. Bumuga ng hangin si Kazimir bago ako tuluyang iwan sa silid na ito nang mag-isa. Malungkot at galit ko namang niyakap ang aking tuhod at hinayaan ang aking sariling kainin ako nang lungkot. Buo na ang desisyon ko. Kailangan ko nang matutong makipaglaban at pasukin ang mundong kinagagalawan nila para bawiin ang anak ko, buhay man o hindi na humihinga. Basta ang mahalaga sa akin ay makuha siya. Para matahimik na ako nang tuluyan. Lumunok ako ng aking laway at mabilis na inabot ang aking cellphone para tawagin ang aking Lola upang humingi ng tulong. Marunong siya ng self defense kaya kahit iyon lang ang aking matutunan ay ayos na sa akin. Pagkaraan nang ilang tunog, sinagot na kaagad niya ito. "May nangyari ba, Sloane?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD