Chapter 1

1214 Words
Gladys Sloane Madrid Monreal Point of View Hindi ko alam kung ilang araw na akong tulala at hindi nakikipag-usap sa kung sino dahil sa nangyari. Masakit kasi sa akin na wala akong nagawa nang kunin sa akin si Kyler dahil kitang-kita ko kung paano ngumisi ang babaeng iyon. Hindi ako makapaniwala na kinuha sa akin ang anak namin nang basta-basta. Ngunit nang marinig ko ang sinabi ni Terrence na posibleng agent daw iyon, natigilan ako. Agent. Kaya ba hindi ko man lang narinig ang mga yapak niya dahil isa siyang agent? Possible. Pero hindi ko matanggap dahil naging pabaya akong ina at asawa. Tapos ngayon palagi akong inaalagaan ni Kazimir? Pabigat na nga ako noon, naging pabigat muli ako ngayon. Hanggang kailan ako magiging ganito? Gusto kong lumaban pero paano? Paano ako lalaban kung wala naman akong alam? Magulo ang mundo nila. Ang ilan sa alam ko ay hindi pa iyon buo. Dahil mas magiging delikado ang buhay ko kung aalamin ko ang lahat. Kaya nga pilit akong inilalayo ni Kazimir, hindi ba? Dahil mahirap ang buhay nila. Mahirap lumaban lalo na kung hindi naman sila patas makipaglaban. "Kyler," bulong ko at unti-unting naluha dahil sumagi muli sa akin ang nangyari noong araw na iyon. Mahal na mahal ko ang anak namin. Kaya hindi ko alam kung paano ko ito malalampasan. Ilang araw na ang lumipas at siguradong gutom na ang anak namin. "Sweetheart—" "Iyong anak natin, Kazimir!" sigaw ko biglang bumangon. Kung hindi sila kikilos, ako na. Hindi ko kayang maupo na lang at maghintay dahil sigurado akong kailangan na ako ng anak ko. Umiiyak na iyon panigurado dahil gutom na siya. Palagi siyang gutom kaya bakit hahayaan kong magutom ang anak namin? Ina niya ako at hindi ko man lang maranasan na alagaan ang anak namin dahil bigla nilang kinuha sa akin? Really? "Gladys—" Iwinaksi ko ang kaniyang kamay nang subukan niya akong abutin. Nakita kong natigilan siya at dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata ngunit mabilis iyong nawala at napalitan iyon ng kung anong emosyon na hindi ko malaman. Pero binalewala ko iyon dahil gusto ko nang umalis at hanapin ang anak kong nawawala. Nawawala dahil kinuha nila sa akin at halatang pinagplanuhan nilang lahat para lang pabagsakin si Kazimir. Hindi ko siya masisi dahil wala naman siyang kasalanan sa bagay na ito. Dahil buong buhay niya, nakikipaglaban siya para mabuhay at nararamdaman kong gusto niya ring ipinaglalaban niya kami. Kaya wala akong maisusumbat sa kaniya kasi ginagawa niya ang lahat. Sadyang magagaling lang din ang mga kalaban nila. Kaya ito nangyayari. Nilagpasan ko siya ngunit hindi niya ako hinayaang makalabas kaya mabilis ko siyang hinarap. "Kazimir, ano ba?! Kailangan ako ng anak natin—" "Delikado nga, Gladys!" sigaw niya sa akin. Napaawang ang aking bibig at hindi na maitago ang aking gulat sa biglaan niyang pagsigaw. Masakit sa akin na masigawan niya ako dahil ito ang unang beses na narinig ko siyang sigawan niya ako. Para bang napuno na siya sa akin kaya bigla siyang sumigaw. Mali bang gusto kong iligtas ang anak namin? Mali na ba iyon? Kasi tingin ko, hindi naman. Walang mali. Kaya bakit niya ako sinisigawan? Ayaw niya bang iligtas ko ang anak namin? O alam niyang wala akong magagawa dahil pabigat lang ako? "Hindi ka puwedeng lumabas dahil delikado," mahinahong sambit niya. "Kinuha na nga sa akin ang anak ko, anak natin. Tapos hahayaan pa kitang mawala sa paningin ko?" Bigla akong nadurog nang marinig ko ang sakit sa kaniyang boses. Bakit ba nakalimutan kong hindi lang ako ang nasasaktan at nahihirapan sa problema namin? Naging selfish ba ako? Pero hindi ko kasi kayang maging kalmado lalo pa at ako ang huling kasama ni Kyler. Kaya wala akong masisisi rito kung hindi ang aking sarili. Gusto ko lang namang tumulong dahil sawang-sawa na akong maging pabigat pero paano ko iyon gagawin kung hindi naman ako malakas kagaya nila? Hindi ko nga kayang pumatay ng tao tapos iligtas pa kaya ang anak namin? Mangiyak-ngiyak akong napaupo sa kama dahil sa takot, lungkot, galit at pag-aalala. "Ginagawa ko ang lahat. Pinagmamadali ko na nga ang mga kaibigan ko para mahanap ko na ang anak natin pero kahit sila ay nahihirapan," paliwanag niya sa akin. Napahikbi ako at iniyuko na lang ang aking ulo dahil hindi ko kayang makita siyang ganito. Sanay akong nakikita siyang malambing, mapang-asar, galit o masungit pero itong nasasaktan at nahihirapan? Hindi. Pero hindi naman iyon kasalanan. Normal lang mahirapan at masaktan. Naiintindihan ko dahil hindi biro ang ginagawa niya. Naging malakas siya at hindi nagpapakita nang kahit anong emosyon dahil bawal sa kanila ang maging mahina. Pero ang sakit kasi. Ang sakit makitang ganito si Kazimir. Na nahihirapan kagaya ko lalo na ngayong wala pa rin ang anak namin. Wala pa rin kaming balita at hindi namin alam ang gagawin. "Mahal na mahal ko kayo. Kaya masakit sa akin na nawawala ang anak natin dahil kinuha nila. Masakit din sa akin na nakikita kang ganito pero sinusubukan kong lumaban kahit nahihirapan ako. Kayo ang kahinaan ko, eh. Kayong dalawa, Glayds Sloane," bulong niya. "At alam nilang lahat kaya nila kinuha sa akin ang isa. Dahil sigurado silang mahihirapan ako pero hindi. Lalaban ako kagaya nang dati at sisiguraduhin kong mawawala silang lahat kapag nalaman ko kung nasaan sila." "Gladys, kain ka na," aya sa akin ni Annalise. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko at kasalukuyan niya akong pinipilit kumain pero hindi ko siya pinapansin. Ramdam ko ring tumutulo ang ilang gatas sa dibdib ko pero hindi ko pinansin dah katatapos ko lang namang mag-pump at ilagay sa ref ang aking naipong gatas. Balak kong i-donate iyon dahil sayang naman ang gatas ko. Wala pa si Kyler kaya mas mabuting tumulong muna ako sa mga batang nasa bahay ampunan. Balita ko ay maraming bata muli ang naampon nila at wala silang stocks ng gatas kaya ko ito ginagawa. Wala namang masamang tumulong lalo na kung wala ka namang inaapakang tao. Kaya bakit ko sila pagkakaitan ng gatas, hindi ba? Madalas akong kumain ng mga pagkaing may sabaw dahil mas nakakatulong ito para dumami pa ang aking gatas. Iyon naman ang maganda dahil kailangan kong tumulong. Kaya kahit nagsasawa na ako sa mga ulam na may sabaw ay sinusubukan ko pa rin. Kahit na nahihirapan akong kumain dahil sa nawawala kong anak. Bumuga ako ng hangin at mabilis na tinanggap ang niluto niyang sopas. Wala akong gana pero wala akong choice kung hindi kumain nang kumain dahil kailangan ko pang mahagkan ang anak ko. Sigurado naman aong ginagawa na ni Azi ang kaniyang makakaya para lang mahanap ang anak namin at ang mga taong may kasalanan kung bakit nangyayari sa amin ito. Kaya ayos lang siguro kung aasa ako kay Azi dahil may tiwala naman ako sa kaniya at hinding-hindi niya ako bibiguin. "Pasensya ka na sa nangyayari sa iyo, Gladys," bulong ni Annalise. Ngunit hindi ako nagsalita. Kung tutuusin ay gusto ko siyang sisihin sa mga nangyayari dahil ibinigay niya ang posisyon kay Kazimir kahit na alam niyang mahihirapan siya sa lahat. Puwede naman kasing sa asawa niya ibigay. Si Zeno? Kaya bakit si Kazimir pa? Hindi man lang ba niya naisip na ayaw na ni Kazimir dahil sa mga responsibilidad na sinalo niya noon dahil sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD