Chapter 3

1207 Words
"May nangyari ba, Sloane?" Iyan ang bungad na tanong sa akin ni Lola. Dahil sa kagustuhan kong mahanap ang anak ko, kinausap ko siya. Marunong kasi siya sa mga self defense noong kabataan niya dahil mahilig siya noon sa ganoon. Kaya siya ang gusto kong kausapin dahil kailangan kong magpatulong sa kaniya. Buo na kasi ang aking loob lalo pa at mukhang alanganin pa silang gumalaw o baka wala pa silang balak gumalaw sa ngayon. Ngunit kahit na ganoon ay mas mabuting kumilos na rin muna ako habang hindi pa sila kumikilos. Ayaw ko kasing umabot pa sa ilang buwan o taon bago pa namin mahanap ang anak namin. "Pasensya na, Lola. Pero kailangan ko kasi ng tulong mo," panimula ko. "Gusto ko na po kasing matuto sa sa pakikipaglaban lalo pa at kinuha nila ang anak namin na si Kyler." Nanahimik si Lola sa kabilang linya habang ako anman ay umiiyak. Sobrang sakit kasi sa puso na malaman na nawawala ang anak namin dahil kinuha siya ng hindi kilalang tao. Kaya sinusubukan ko nang gumalaw para hindi ako mahuli sa lahat. Para mabawi ko pa ang anak namin ni Kazimir. Mabilis lumipas ang araw at iilan lang ang naitulong sa akin ni Lola ngunit kahit na ganoon ay alam kong makakatulong ito sa akin. May mga itinuro rin siya sa paghawak ng baril ngunit mukhang hindi ko magagamit lalo pa at nandito na si Kazimir sa aking harapan na para bang alam niyang may hidden agenda ako. "Give me enough time to fix everything, Gladys Sloane. Kailangan lang namin mahanap ang taong iyon," panimula niya pero hindi naman ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang mga susunod na sasabihin niya. Buo na kasi talaga ang aking loob pero mukhang nakatunog talaga si Kazimir dahil inabangan niya nag aking pagdating sa kuwarto. "Paano ko iyon gagawin, Kazimir? Hanggang kailan ako maghihintay?" mapait na tanong ko sa kaniya. "Mabuti sana kung ako ang usapan, eh! Pero anak kasi natin. Anak nating walang laban." Sinubukan kong lumunok dahil pakiramdam ko ay parang may nakabara sa aking sa aking lalamunan ngunit kahit ano ang gawin ko, hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ilihis ang kaniyang mga mata at kung paano umigting ang kaniyang panga. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan namin pero paano namin ito malalampasan kung hindi kami gagalaw? Anak namin ang usapan kasi rito. Hindi naman madaling hayaan na lang ang mga nangyayari dahil anak namin iyon. Masakit sa akin ang lahat. Masakit. Hindi ko nga malimutan kung bakit ginawa ni Annalise ang pagbibigay ng kaniyang posisyon, eh! Hindi ko makalimutan at maintindihan. "Anak natin iyon, Kazimir. Ngunit mas pinili mo pang kampihan si Annalise—" "Hindi ko siya kinakampihan, Gladys Sloane. I was just worried about you kaya pinipigilan kitang magsalita. I gave you time to think pero ano itong malalaman ko? Kinausap mo ang lola mo just seek for her help para ikaw ang maghanap sa anak natin?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Gusto kong umalma pero tama siya. Iyon ang ginawa ko. Kaya bakit ko itatanggi, hindi ba? "I love you so fcking much, Gladys Sloane. Kaya kita pinapatigil sa pagsasalita kasi alam kong hindi makakabuti sa iyo ang pag-iisip nang kung ano. Nagkakaroon ka ng anxiety or depression dahil kapapanganak mo pa lang—" "Kasi nanganganib ang anak natin, Kazimir!" sigaw ko sa kaniya. "Nanganganib ang anak natin at alam kong kailangan niya tayo. Kailangan niya ako. Pero hindi natin siya mahanap kasi kinuha siya ng mga kalaban mo." Napaluhod ako sa sahig ngunit mabilis niya akong dinaluhan at niyakap nang mahigpit. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang humihikbi. "Mahal na mahal ko iyong anak natin, Azi. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit binigay ni Annalise ang puwesto at responsibilidad niya," naiiyak na saad ko. "Mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin. Kaya ang sakit. Ang sakit malaman na susunod ang mga anak natin sa yapak mo dahil sa kagagawan ng babaeng iyon. Alam kasi niyang manganganib ang mga anak nila kung isa sa kanilang mag-asawa ang humawak ng posisyon." Iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit niya ibinigay. Kung bakit hinayaan niyang saluhin ni Kazimir ang lahat. Ang selfish niya dahil hindi niya inisip ang magiging buhay ng anak ni Kazimir dahil lang sa pansarili niyang kagustuhan. Iyon ang kinaiinisan ko. Nakakagalit lalo pa at alam niyang kasalanan niya ang lahat kaya nangyayari ang lahat ng ito. Kung noon ay kaunti lamang ang kalaban ni Kazimir, ngayon ay halos hindi na nila matukoy. Idagdag mo na rin iyong tungkol sa kaniyang magulang na hindi matukoy kung sino ang pumatay. "Give me time. Kahit saglit lang. Ibabalik ko ang anak natin, Gladys Sloane, baby. I'm sorry pero kailangan kasi naming ayusin muna ang lahat bago kami sumugod," sambit niya. Inilayo niya ang aking mukha sa kaniyang dibdib at mabilis na pinalis ang mga buti ng luha na tumutulo sa aking mga mata. Gusto kong maniwala sa kaniyang nga sinasabi ngunit paano ko iyon gagawin kung alam kong impossible? Kasi sa sobrang dami ng mga kalaban niya, sigurado akong mahihirapan siyang hanapin kung sino ang pumatay sa nga magulang niya at kung sino ang sumubok pabagsakin siya sa pamamagitan ng pagkuha sa aming anak na wala man lang kalaban-laban. "I promise. This year, maibabalik ko ang anak natin. Pangako ko iyan," bulong niya sa akin bago halikan ang aking noo. Hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako o kung ako na mismo ang gagalaw para hanapin ang anak ko. Ngunit alam kong impossible iyon lalo na at ang dami niyang kalaban. Sa sobrang dami ay mahihirapan ka talagang isa-isahin ang mga ito pero kahit na ganoon ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Dahil hangga't kaya ni Kazimir, kakayanin ko ring lumaban alang-ala sa aming anak na naghihintay sa amin. Hinalikan niya ang aking labi nang matapos niya akong halikan sa aking noo. Gusto kong tumugon sa kaniyang halik lalo na nang magsimulang gumalaw ang kaniyang labi upang bigyan ako nang banayad na halik. Ngunit hindi ko magawa dahil nag-uunahang tumulo ang aking nga luha. Nasasaktan kasi ako sa mga nangyayari sa amin dahil hindi na maubos-ubos ang mga problema namin. Kaya paano ko magagawang halikan si Kazimir kung sobrang bigat naman ng puso ko? Kung hindi ko naman nakakapiling ang anak ko? Anak namin na si Kyler? Ang sakit. Natatawa na lang ako pero paano ko iyon gagawin? Paano ko makakapiling ang anak ko kung hindi pa nila natutunton at nakikilala kung sino ang kalaban nila? Alam kong matatagalan pero kapag sinabi ni Kazimir na ngayong taon ko mahahanap at mababawi ang anak namin, nabubuhayan ako ng loob. Umuusbong ang pag-asa sa aking puso kahit na medyo mahirap itong paniwalaan. Oo nga, sabihin na nating ganoon nga, na mamahanap kaagad ang anak namin pero ang tanong lang ay kung buhay pa ba siyang matatagpuan. Hindi kasi possible na patay na ito pero gusto kong tanggalin iyon sa isip ko. Gusto kong maging positive at isipin na buhay pa ang anak namin. "Stop thinking, hmm? Kukunin ko ang anak natin nang buhay. Hindi ako makakapayag na mawawala ang anak natin nang hindi natin nahahagkan," bulong niya matapos niya akong bigyan ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD