"Lola," bati ko sa aking Lola nang tawagan ko siya.
Kung ayaw ni Kazimir na ako mismo ang maghanap sa anak namin dahil delikado, mas mabuti pang magpatulong ako kay Lola. Hindi man sigurado na tutulungan niya ako pero umaasa pa rin ako kahit papaano.
"Apo, napatawag ka yata?"
Iyan ang bungad niya sa akin kaya napahugot ako nang malalim na hininga at sinubukang ibuka ang aking bibig ngunit walang lumabas na boses.
Hindi ko kasi alam kung tama ba ang gagawin ko dahil parang alanganin ang ganito. Ayaw kong idamay ang aking Lola tungkol sa ganito kaya dahil posibleng siya rin ang atakihin. Kaya paano ko magagawang hanapin ang anak ko kung alanganin naman ang lahat?
"Wala, Lola," bulong ko at mabilis na nagpaalam sa kaniya dahil may gagawin pa ako.
Bumuga ako ng hangin at napahilamos na lang ng aking mukha dahil sa inis. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko ngayon dahil atat na atat na akong makita ang anak ko.
Miss na miss ko na siya pero paano ko siya mahahanap kung ayaw naman nila akong tulungan? Ang tagal bago sila makabuo ng plano. Halos maubusan na nga ako ng plano sa aking isip kaya paano na lang kaya si Kazimir?
Biglang bumukas ang pinto at doon ko napansin na ang pamilyar na presensyang iyon. Sa tagal na naming magkasama, impossibleng hindi ko pa makakabisado ang kaniyang presensya.
"Gladys Sloane, kailangan mong kumain," saad niya at saka inilapag ang tray sa aking harapan.
Nilingon ko siya gamit ang aking malamig na tingin. Matapos kasi ang naging pag-uusap namin ni Annalise, alam kong nagsumbong na naman iyon sa kanila.
Ganoon naman siya, sumbungera. Ako pa gagawing masama kahit siya naman ang may kasalanan sa lahat? Patawa. Mas lalo akong naiinis kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon. Mas lalo akong naiinis sa kaniya dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi magreklamo at umiyak na lamang.
Palibhasa kasi ay hindi niya ginagamit ang kaniyang utak at puro na lang siya sarili niya. Hindi man lang niya inisip ang mga taong nasa paligid niya.
Ito namang kaibigan niya, madaling mauto. Kung ano ang sasabihin, iyon ang susundin. Kung pare-parehas lang siguro kami nang kinalakihan na buhay, baka kaya kong makipagpatayan sa kanila kaso ang problema ay hindi.
"Wala akong gana," sagot ko at inilihis ang aking mga mata sa kaniya.
Totoong wala na akong ganang kumain dahil sinira na naman ng babaeng iyon. Kaya ayaw ko talaga siyang nakikita dahil wala siyang silbi. Mas lalo lang kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya.
Kagaya na lang ngayon, hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina. Kung hindi niya sana ako ginulo, edi sana hindi ako ganito ngayon. Napagbubuntunan ko pa tuloy si Kazimir ngayon kahit wala naman siyang kasalanan.
Medyo nakokonsensya rin ako dahil hindi ko magawang tulungan si Kazimir dahil sa nangyayari sa akin. Dapat nga ay tinutulungan ko siya pero ano ang magagawa ko? Ano?
Mabigat sa akin iyong nawala ang anak namin ni Kazimir na si Kyler dahil bagong panganak pa lang siya tapos nadagdagan pa nang bigat nang malaman kong kasalanan pala talaga ni Annalise ang lahat kung bakit kami ganito ngayon ni Kazimir.
Ngunit minsan ba naisip ko ang nararamdaman ni Kazimir? Kung tutuusin ay siya ang mas nahihirapan sa lagay namin ngayon dahil bukod sa sinisiguro niya ang kaligtasan ko, kung ayos lang ba ako habang sinusubukan niyang hanapin ang anak namin at mga pumatay sa magulang niya, nanghihina ako.
Sabihin na nating kaya nga niyang makipaglaban ngunit dahil mahirap din ang ginagawa niya sa buhay namin, bigla akong nakonsensya.
"Azi," bulong ko.
Lumingon naman ako sa kaniya ngunit nagsimula siyang maglakad papunta sa akin para ako ay tabihan at biglang niyakap sa aking bewang.
Iba ang aura niya ngayon dahil parang sobrang bigat ng kaniyang mga pinagdadaanan. Hindi ko tuloy lubos maisip na nakakaya niyang lumaban ngayon kahit nahihirapan na siya.
Sana kagaya ko siya na sobrang tapang at hindi man lang natatakot makipaglaban. Sana kagaya ko siya na hindi pinanghihinaan ng loob at hindi mabilis matibag. Ngunit sigurado akong sa likod ng kaniyang matapang na mukha ay may itinatago siyang kahinaan. At iyon ay ayaw na ayaw kong makita.
Kapag kasi lalaki na ang bumigay, iyon ang pinaka mahirap. Kaya kahit na nahihirapan ako ay sinusubukan kong lumaban pero mas mabilis akong panghinaan ng loob dahil sa tuwing sumasagi ang anak ko sa aking isip, naiiyak ako.
Hinalikan niya ang aking ulo kaya mabilis akong napapikit ng aking mga mata at hinayaan ang sarili kong muling maramdaman ang kaniyang mainit na yakap. Matagal na rin noong huli kaming naging ganito dahil madalas akong tumakas para lamang magpatulong kay Lola.
Ngunit dahil matalas ang kaniyang pang-amoy at mga mata, hindi niya ako hinayaan na ipagpatuloy ang bagay na iyon at hayaan na lang siyang ibigay ang bagay na ito, ang pakikipaglaban sa kaniyang mga kaaway.
"Huwag na huwag ka na uling lalabas ng bahay. Kahit lola mo pa iyan na magaling makipaglaban, wala akong pakialam. Ayaw kong may mangyari sa iyo. Kaya sana, makinig ka naman sa akin, Glayds Sloane. Nawalan na tayo ng anak dahil kinuha sa atin," nahihirapan niyang bulong.
Napalunok ako nang maramdaman kong nanuyo ang aking lalamunan. Masakit kasi sa akin na naririnig kong ganito si Kazimir. Nasanay akong sweet siya, masaya o minsan ay masungit. Pero iyong mahimigan ko ang sakit sa kaniyang boses habang nagmamakaawa sa akin na huwag lalabas ng bahay dahil delikado? Doon ako nadurog.
"Hindi ko na kayang may mangyari pa sa iyo, baby. Tama na iyong kinuha nila ang anak natin kasi babawiin ko naman siya pero iyong ikaw ang kunin sa akin? Huwag na," may diing sambit niya. "Kasi kapag ginawa nila iyon, papatayin ko silang lahat. Ngayon pa nga lang ay nangangati na akong patayin silang lahat dahil sa ginawa nila sa iyo at sa anak natin. Ngunit pinipigilan ko dahil naghahanap kami ng tiyempo."
Doon ako natigilan. Ano ang ibig niyang sabihin na naghahanap siya ng tiyempo? Ayaw kong umasa pero mukhang alam na yata nila kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Kung sino ang kumuha ng aming anak at kung bakit nararanasan namin ang mga bagay na ito.
"He's after me. Ginamit niya ang anak natin dahil gusto niya akong pabagsakin. I'm not sure but I think, we found him. We found our son," bulong niya.
Naluha ako sa aking nalaman at hindi na maiwasan pang mapaiyak na lamang. Hindi ko alam na mahahanap nila kaagad pero paano? Paano nila nagawa iyon nang ganoon kabilis?
Ngunit sigurado akong baka patibong lamang ang lahat at hinihintay lang nila si Kazimir na gumalaw para mapabagsak nila ang asawa ko. Kaya umiling ako at iminulat ang aking mga mata para tingnan siya nang seryoso.
"Impossibleng nahanap niyo kaagad si Kyler, Azi. Impossible. Baka patibong lang ito at hinihintay lang kayong gumalaw," kinakahaban kong wika.
Nangunot naman ang kaniyang noo sa aking sinabi at bahagyang napaisip. Hindi ko alam kung alam niya ang gusto kong ipahiwatig pero ang impossible kasing nahanap nila kaagad kahit na ilang araw pa lamang ang lumipas.
Hindi naman sa minamaliit ko ang kanilang kakayahan pero paano kung ganoon nga? Paano kung tama talaga ang naiisip ko at inaabangan lang nila si Kazimir na gumalaw?
Hindi kasi impossible iyon lalo pa at hindi naman kami nasa isang simpleng laro lamang. Buhay ang nakataya rito kaya nag-aalangan ako sa mga ganitong bagay. Gusto kong maniwala pero dahil kinakabahan ako ay papakinggan ko muna ang puso ko.
Oo, gusto kong makita ang anak namin pero dahil sa aking nalaman, impossibleng may mga plano silang nakahanda.
"Kailangan namin mag-usap," saad niya at akmang tatayo sana kung pinigilan ko siya.
Gusto kong marinig ang kanilang mga plano. Hindi naman ako magaling sa ganitong bagay pero wala naman sigurong masama kung tutulong ako, hindi ba? Anak ko kasi ang nakataya rito at buhay ng asawa ko. Ayaw kong mawala naman si Kazimir. Kaya mas mabuting makinig ako sa kanila at pakinggan ko ang kaniyang mga suggestions.
"Azi, sasama ako," saad ko. "Kailangan kong pakinggan ang mga plano niyo dahil ina rin naman ako ng anak mo at asawa mo ako."
Natigilan siya sa aking sinabi at nakita kong nag-aalinlangan siya pero bigla iyong nawala nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata at napahinga na lamang nang malalim.
Alam kong tutol siya sa aking gagawin pero kahit na ganoon ay alam kong naiintindihan niya kung bakit ito ginagawa. Alam kong alam niya kung bakit ko gustong sumama kaya siya nagdadalawang isip.
Ngunit nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nakita kong tumapang ang kaniyang mga mata ngunit nakita ko rin ang pag-aalala.
"Fine pero mahirap ang mga maririnig mo. Kaya sana, huwag na huwag kang mag-iisip ng kung ano. Medyo delikado ang mga plano namin at alam kong magugulat ka pero sana, kung ano man ang marinig mo, pagkatiwalaan mo ako," sambit niya.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang kaniyang pagseseryoso ngunit hindi ako takot dahil kailangan kong maging matatag alang-ala sa aming anak.